last night, a facebook chat conversation happened between me and a dear friend - after quite a while. napasarap ang kwentuhan namin kaya inabot nang hatinggabi ang aming pagcha-chat. angelic, volume 2 ang pamagat nito kasi nagka-usap na kami dati thru text, at angelic ang pamagat nun. sa usapan sa ibaba, ito ang mga tauhan:
siya si A,
at ako naman si M.
at ito ang aming naging kwentuhan:
A: kumusta na?
10:48pm
A: di pa naman offline. nagloloko ung connection namin dito sa bahay.
A is offline.
A is online.
M: ok
A: musta ka na diyan?
M: oks lang naman, same old same old lang
hugas lang ako ng plato, brb
A: oki
M: magulo na naman dito sa maynila
A: oo nga. ingat-ingat kayo diyan. tagal ko nang di nagagawi diyan.
A is offline.
A is online.
A: sabagay dito rin sa pamp maraming nangyayaring di maganda
M: katulad ng ano?
A is offline.
A is online.
A: salvage... paglaki ng eye bugs ko, hehe. pero sa totoo lang, dami ngang mga kaso ng salvage dito.
M: hay, minsan parang gusto ko nang maniwala na magugunaw na ang mundo
puro baha, puro bad news
A: feeling ko rin... teka, nabalitaan mo na ba ung tungkol kay prof. zarco?
M: sa wall lang ni ros, pero hindi ko na ipinagtanong
nagulat na lang ako
A: ako nga rin nabasa ko lang dun kay ros. though medyo may edad na nga siya nung college tayo, parang di ko lang maisip ung magreretire na rin siya sa buhay... hay...
M: minsan nga ganun, bigla mong maaalala yung tao tapos mamaya-maya, patay na
si prof arnel de guzman nga nagulat ako nung namatay na pala. bata pa yun eh
A: sa socio ba ung si prof. arnel?
M: oo, teacher ko sa 101 yun eh
A: kanya-kanyang oras talaga
M: hayaan mo, pag malapit na ako, ime-message kita. para naman mapuntahan mo ako. seryoso yan ha
minsan kasi, kung kailan out of touch, bigla namang matitigok
A: may point ka. pero parang ayoko namang isipin ngayon un. pero sige kung ako rin matitigok, text nalang kita. parang yung movie nina oyo boy and angel locsin
M: morbid ka pala ma'am, ngayon ko lang nalaman
A: konti. and may pagka-nega nga ko madalas.
M: dapat pala mas nag-hang out tayo dati
A is offline.
A is online.
A: oo nga. uwi kasi ko ng uwi sa pamp pag walang pasok kaya tuloy di ako nakaka-attend sa mga happenings
M: ang sabihin mo, galit ka lang sa mga preskong katulad ko kaya ayaw mo kaming kasama. joke lang
A: hehe. 1 day lang un, ha? nung naligaw lang ako sa klase ni prof dungo pero after that hindi na
M: hahaha, intriga yan ha
A: ang cool niyo nga e! feel ko talagang nasa UP ako pag nakikita ko kayo
M: di ko naman sinasadya, malay ko bang nainis ka pala
cool ka din naman. di ka kasi OA tulad ng iba diyan
A: dala lang yun ng hiya ko siguro kaya nainis...
wow ha, gusto ko na tong usapan natin
M: kami ngang mga kalalakihan ang minority sa klaseng yun eh
ibig sabihin, ayaw mo yung usapan kanina?
A: di talaga ko marunong mag-express minsan ng thoughts ko. mas gusto ko na tong usapan natin ngayon kasi kanina nakakalungkot
M: ah. oo nga naman
madalas kasi nakakalungkot ang mga balita sa tv kahit ba hindi mo kakilala yung involved, tao pa rin yun
A: minority nga kayo in terms of number, pero sa influence matindi kayo
M: di ko rin naman gustong manatili yung ganun. dapat pantay lang
A: oo nga. kaso naaaliw kami sa inyo sa class kaya siguro ganun. naaalala ko nga kayo pag meron akong students na nakakatawa sa class
M: so ibig mong sabihin, nakakatawa kami?
A: very witty kasi kayo. and siguro nga dahil i liked you then. naks, kinikilig ako!
M: aning ha, wag mo akong hintaying makilig sa yo, baka bumigay ako
jejeje
basta sa kabulastugan, witty nga kami. laking-escalera brothers eh
A: di kasi agad bumigay, e!
para ngang iskul-bukol version na may sense
M: aba malay ko ba na ako na pala yung tinutukoy sa logbook? aplikante pa lang ako nun, inosente pa ako
eh kung yung mga nakakasalamuha kong babae ay kasing open-minded mo, eh di sana may asawa na ako
eh wala, mga (e)choosy kasi
A: aplikante ka nga pero di ka na inosente no! choosy ka diyan!
magalit ba? hehe
M: malay ko bang nahuhumaling ka na pala sa akin? dense naman kasi ako di ba?
kumbaga, di ako mapag-assume
A: hay naku christian michael entoma, talasan mo kasi ang mga senses mo. malay mo, nasa paligid lang yung babaeng makakatuluyan mo.
M: ang tagal naman... eh andito lang naman ako, ayaw pa niya akong kalabitin.
A: sabagay, naniniwala pa rin ako dun sa kasabihang, "love comes when you least expect it"
M: natuluyan na yata, o kaya sumama sa iba. hehehe
A: darating din yun. malay mo, makita mo sa jeep bukas, o baka sa office, di ba?
M: tagal...
wag lang sa bus at baka may bomba na namam
naman
A: nega ka rin pala, e! buti pa matulog na tayo. hopefully maging maganda ang araw natin bukas. at maging safe tayong lahat.
M: medyo nega na lang ako ngayon
A: i miss you dear! usap tayo ulit ha?
huwag kang nega. ako lang dapat ang nega
M: ok ma'am. i-message mo lang ako and kwentuhan tayo
aba, nandidikta
A: sure! gudnight. mwah!
M: men's subordination na yan ha
good night po
A: mataray talaga ko, kala mo
M: oo na, rosario
A: haha
A is offline.