kagabi, nagbabasa ako ng libro. nahihirapan ako kasi nakahiga ako sa kama pero ang layo ng ilaw sa pwesto ko, kung kaya't umiiba pa ako ng posisyon at itinatapat ko pa sa ilaw yung libro. after reading a couple of chapters, natulog na ako.
kinabukasan, sinubukan kong ayusin yung lampara ko - napatid kasi yung wire kaya sinubukan kong kalikutin. pagkakabit ng wires, naka-on yung switch niya at isinaksak ko sa outlet. umilaw naman siya, kaso nung in-off ko yung switch, nag-short circuit siya at pumutok. itinabi ko na muna siya at baka kung ano pa ang pumutok kapag kinalikot ko pa siya.
after a couple of hours, i kept myself busy by putting clear plastic covers on some of my books. pag-akyat ni Kuya Wawyne mula sa kwarto patungo sa sala, tinanong ko siya nang ganito: "Kuya, kaya mo kayang ayusin 'to?" - which actually translates to: "Kuya, paki-ayos mo naman yung ilaw ko, please?" kaya ayun, kinuha niya ang kanyang toolbox at inayos ang lampara ko - which was a gift from him several years ago, na kahit nasira ay hinding-hindi ko itatapon because of sentimental reasons. since maikli ang wire ng lampara ko, sinabi ko na baka pwedeng gamitin yung wire and switch nung isa ko pang lampara - na pundido naman - as spare parts. sabi niya, pwede rin daw - kaso nung tiningnan niya, masyado raw manipis. kaya ang ginawa niya, kumuha na lang ng mas makapal na wire, spare switch, at spare plug at siya mismo ang gumawa ng panibagong wiring. so ayun, yung isa ko pang lampara ang nagsilbing stand kung kaya't parang weird ang hitsura niya - pinag-fuse ni Kuya yung dalawa kong lampara kaya kung mapapansin ninyo, parang kakaibang entity ang kinalabasan. nang i-test ko, gumana siya as expected. kaya ganun na lang ang pagpapasalamat ko kay Kuya pagkatapos - pero ang hindi niya alam, bibigyan ko siya ng pasalubong sa lunes, o kaya sa martes pag-uwi ko.
ang album na ito ay binubuo ng trip-trip lang na mga kuha gamit si C3. isipin man ng iba na ito ay mababaw, isa itong munting paalala kung ano ang handang gawin ng isang tao para sa kanyang kapatid. masaya ako dahil mas madali na akong makakapagbasa ng libro sa gabi, pero mas masaya ako kasi binigyan ako ng oras at effort ng kapatid ko - and that's what i appreciate much. salamat Kuya. =O)>