11:20 pm na at isinusulat ko ito. matagal na akong hindi nakakapagsulat ng mga kung-anuman sa buhay ko at ngayo'y susubukan kong magbahagi. matagal na akong wala sa sirkulasyon ng mga kaibigan ko - masaklap mang isipin, pero sa online world lang ako nakakasagap ng mga balita tungkol sa sangkatauhan, i.e., tungkol sa inyo. siguro, puro busy lang tayo sa mga buhay-buhay natin kaya ganun. minsan, nakikita ko sa mga albums na may mga nagkikita-kita sa inyo at nakaka-labas-labas kayo minsan. minsan naman, may nababasa akong mga threads at tumitingin na lang ako o nagla-like paminsan-minsan, pero kadalasan ay di na nagko-comment.
kanina, kinausap ako ng isa sa mga boss ko. basically, it was a pep talk / pagbibigay ng project assignment dahil hindi daw ako nakakapag-multi-task lately - parang may pagka-sermon in disguise pero in fairness, may papuri din namang sinabi. it's more of an effort to re-energize my career, i thought to myself. naisip ko na lang na makinig mabuti at i-accept ang magandang intentions ng tagpong iyon. on the one hand, kailangan kong hapitin at tapusin ang mahigit isang buwan ko nang binubunong project para maka-spend ng time sa darating na projects na magre-require na mag-fieldwork ako. narinig ko ulit ang mga classic na litanya na sina ganito at ganyan, mabibilis sila kaya nakakahawak sila ng multiple projects, yadda, yadda, yadda - alam ko namang template na yung mga yun kaya hindi na ako nagulat. at issue din kasi ang tardiness ko for the past several months, na na-perceive as pagkawalang-gana ko daw sa trabaho. ako man, minsan hindi ko na rin maipaliwanag kung bakit ganun - nagpapagising na nga lang ako lately sa magulang ko para hindi ako ma-late kasi kapag hindi, ni hindi ko matatandaang tumunog ang alarm at lumipas na pala. hindi ko alam kung may sleep disorder ba ako o ano. sa malakas na katok sa pinto ako nagigising for the past couple of weeks. sa weekends lang ako nakakapag-relax pero this weekend ay nag-uwi ako ng trabaho kasi feeling ko ay kakapusin ako sa lunes kapag hindi ako nag-extra effort. minsan naiisip ko kung fair nga ba ang ganun, pero yung necessity na lang ang nangingibabaw eh - tipong tatapusin ko na lang muna yung trabaho at saka na lang mag-contemplate ng mga existential baggage at kung ano pang issues ko sa buhay. sinabi nung boss ko na magaling daw akong magsulat, na organisado akong mag-isip, at pinaalala niya sa akin na sinabi na niya sa akin yun dati noong nag-present kami ng mga research papers namin sa Thailand - she was basically saying na marami pa naman akong kayang i-offer pero parang mukha akong burned out. naisip ko bigla ang mga workdays na umuuwi ako na masakit ang ulo at gusto na lang kumain, mag-sepilyo, matulog at gumising para ulitin ang lahat ng iyon kinabukasan. naiintindihan ko naman ang boss ko to a certain extent - iniisip ko na lang na habol lang naman niya na mapabuti at umunlad ako sa trabaho ko. dapat daw kasi nag-i-initiate na ako ng mga bagay-bagay kasi mid-level manager na daw ako. naisip ko tuloy na sa calling card lang naman yun, pamagat lang - mas kino-konsider ko kasi ang sarili ko as a worker rather than as a manager. ewan, semantics lang naman yata yun sa bandang huli - at wag na nating pag-usapan ang sweldo at baka mag-MMK moment pa ako. sa totoo lang, noong una ay hindi ko alam na makakatagal ako ng mahigit 10 years, pero siguro nakuha ko rin naman sa pagtitiyaga yun - and i say that with all humility. inisip ko lang na siguro kapag nag-best effort naman ako ay may mararating din naman kahit papaano. pagkatapos ng meeting naming iyon, nagpasalamat pa rin ako at binigyan ako ng opportunity - toxic man iyon, i think kakayanin ko naman siguro. kakailanganin ko na namang patunayan ang sarili ko for the nth time - alam kong isa ito sa mga pinoy action movie cliches, pero parang doon lagi ang punta. ewan ko ba.
pagbalik ko sa cubicle ko, inisip ko na kung paano didiskartehan ang take-home assignment ko at para makauwi na rin kaagad. natapos lang akong mag-compile ng files na kailangan ko by 9:00 pm, at nakarating ako dito sa bahay ng mga 10:30 pm - i know, hindi ito ang uwi ng matinong tao galing sa opisina, pero minsan parang nakakabaliw at nakakasakal din ang ginagawa ko. and i have been struggling with this nagging notion for years na kahit anong gawin ko sa propesyon, i probably wouldn't be adequate - palaging may hihingin at hihingin pa rin sa iyo, and it's all in the name of "doing more." mahirap mag-struggle with the thought na "nothing is ever good enough" pero gusto ko din namang maniwala na may naiaambag ako sa organization namin - mahirapan man ako, i always guarantee that i'd give it my best shot. yun nga lang, i feel that the rigors of the job is taking its toll on me. siguro ang tanging motivation ko na lang para magpatuloy, para bumangon, ay yung mga mahal ko sa buhay: sina Nanay, Tatay, mga kapatid ko na may kanya-kanyang pamilya na, at yung makukulit kong pamangkin na sina Ally at Gelo. iniisip ko na lang na sa bawat sakit ng ulo sa trabaho, maaari kong makamit ang mga sumusunod: 1) makakabili ako ng gamot at vitamins ng mga magulang ko, 2) pambayad sa DSL para makapag-internet/skype para makakwentuhan sina Michelle, Rommel at ma-update sa schooling/misadventures ni Gelo, 3) pang-playroom and/or pang-grocery ni Ally ng mga paborito niyang food o kaya maibili siya ng mga gamit sa pagdo-drawing, 4) makapanood ng wrestling or pelikula sa cable tuwing weekend. sa totoo lang naman kasi, simple lang naman ang goal ko: to be able to live a good life - sapat lang, hindi kailangang maluho. mga simpleng kaligayahan lang kumbaga, oks na. sinasabi madalas ng mga kaibigan na "this too, shall pass." pero paulit-ulit mang mag-pass, sana maging worth it lang.
hindi ko alam kung may sense ba ang mga pinagsasabi ko dito. na-burn out yata ako sa huling mahabang entry na tinapos ko dito, pero hindi rin ako sigurado kung yun nga ang dahilan. pero sana, kung sakaling mawala ako sa sirkulasyon, susubukan kong makibalita sa inyo through your posts and other what-have-you's. whether i would be re-energized, i sincerely hope so. kasi kapag namatay pa ang diwa ko, ewan ko na lang kung anong gagawin ko.