a new home for things i have to say, and more importantly, things that i couldn't usually say.
Tuesday, March 01, 2011
Saturday, February 26, 2011
Lampara
kagabi, nagbabasa ako ng libro. nahihirapan ako kasi nakahiga ako sa kama pero ang layo ng ilaw sa pwesto ko, kung kaya't umiiba pa ako ng posisyon at itinatapat ko pa sa ilaw yung libro. after reading a couple of chapters, natulog na ako.
kinabukasan, sinubukan kong ayusin yung lampara ko - napatid kasi yung wire kaya sinubukan kong kalikutin. pagkakabit ng wires, naka-on yung switch niya at isinaksak ko sa outlet. umilaw naman siya, kaso nung in-off ko yung switch, nag-short circuit siya at pumutok. itinabi ko na muna siya at baka kung ano pa ang pumutok kapag kinalikot ko pa siya.
after a couple of hours, i kept myself busy by putting clear plastic covers on some of my books. pag-akyat ni Kuya Wawyne mula sa kwarto patungo sa sala, tinanong ko siya nang ganito: "Kuya, kaya mo kayang ayusin 'to?" - which actually translates to: "Kuya, paki-ayos mo naman yung ilaw ko, please?" kaya ayun, kinuha niya ang kanyang toolbox at inayos ang lampara ko - which was a gift from him several years ago, na kahit nasira ay hinding-hindi ko itatapon because of sentimental reasons. since maikli ang wire ng lampara ko, sinabi ko na baka pwedeng gamitin yung wire and switch nung isa ko pang lampara - na pundido naman - as spare parts. sabi niya, pwede rin daw - kaso nung tiningnan niya, masyado raw manipis. kaya ang ginawa niya, kumuha na lang ng mas makapal na wire, spare switch, at spare plug at siya mismo ang gumawa ng panibagong wiring. so ayun, yung isa ko pang lampara ang nagsilbing stand kung kaya't parang weird ang hitsura niya - pinag-fuse ni Kuya yung dalawa kong lampara kaya kung mapapansin ninyo, parang kakaibang entity ang kinalabasan. nang i-test ko, gumana siya as expected. kaya ganun na lang ang pagpapasalamat ko kay Kuya pagkatapos - pero ang hindi niya alam, bibigyan ko siya ng pasalubong sa lunes, o kaya sa martes pag-uwi ko.
ang album na ito ay binubuo ng trip-trip lang na mga kuha gamit si C3. isipin man ng iba na ito ay mababaw, isa itong munting paalala kung ano ang handang gawin ng isang tao para sa kanyang kapatid. masaya ako dahil mas madali na akong makakapagbasa ng libro sa gabi, pero mas masaya ako kasi binigyan ako ng oras at effort ng kapatid ko - and that's what i appreciate much. salamat Kuya. =O)>
Thursday, February 24, 2011
Tuesday, February 22, 2011
so you want to be a writer? by Charles Bukowski
i got this from this link: http://www.poets.org/viewmedia.php/prmMID/16549
after reading it, i realized that it's a strong piece and i wanted to share it with you.
but here's my unsolicited advice: if you feel the urge, just let it out. write. for the most part, if you really want to write, don't let anybody or anything stop you.
so you want to be a writer?
by Charles Bukowski
if it doesn't come bursting out of you
in spite of everything,
don't do it.
unless it comes unasked out of your
heart and your mind and your mouth
and your gut,
don't do it.
if you have to sit for hours
staring at your computer screen
or hunched over your
typewriter
searching for words,
don't do it.
if you're doing it for money or
fame,
don't do it.
if you're doing it because you want
women in your bed,
don't do it.
if you have to sit there and
rewrite it again and again,
don't do it.
if it's hard work just thinking about doing it,
don't do it.
if you're trying to write like somebody
else,
forget about it.
if you have to wait for it to roar out of
you,
then wait patiently.
if it never does roar out of you,
do something else.
if you first have to read it to your wife
or your girlfriend or your boyfriend
or your parents or to anybody at all,
you're not ready.
don't be like so many writers,
don't be like so many thousands of
people who call themselves writers,
don't be dull and boring and
pretentious, don't be consumed with self-
love.
the libraries of the world have
yawned themselves to
sleep
over your kind.
don't add to that.
don't do it.
unless it comes out of
your soul like a rocket, unless being still would
drive you to madness or
suicide or murder,
don't do it.
unless the sun inside you is
burning your gut,
don't do it.
when it is truly time,
and if you have been chosen,
it will do it by
itself and it will keep on doing it
until you die or it dies in you.
there is no other way.
and there never was.
From sifting through the madness for the Word, the line, the way by Charles Bukowski. Copyright © 2003 by the Estate of Charles Bukowski. Reprinted by permission of HarperCollins. All rights reserved.
Tuesday, January 25, 2011
angelic, volume 2
last night, a facebook chat conversation happened between me and a dear friend - after quite a while. napasarap ang kwentuhan namin kaya inabot nang hatinggabi ang aming pagcha-chat. angelic, volume 2 ang pamagat nito kasi nagka-usap na kami dati thru text, at angelic ang pamagat nun. sa usapan sa ibaba, ito ang mga tauhan:
siya si A,
at ako naman si M.
at ito ang aming naging kwentuhan:
A: kumusta na?
10:48pm
A: di pa naman offline. nagloloko ung connection namin dito sa bahay.
A is offline.
A is online.
M: ok
A: musta ka na diyan?
M: oks lang naman, same old same old lang
hugas lang ako ng plato, brb
A: oki
M: magulo na naman dito sa maynila
A: oo nga. ingat-ingat kayo diyan. tagal ko nang di nagagawi diyan.
A is offline.
A is online.
A: sabagay dito rin sa pamp maraming nangyayaring di maganda
M: katulad ng ano?
A is offline.
A is online.
A: salvage... paglaki ng eye bugs ko, hehe. pero sa totoo lang, dami ngang mga kaso ng salvage dito.
M: hay, minsan parang gusto ko nang maniwala na magugunaw na ang mundo
puro baha, puro bad news
A: feeling ko rin... teka, nabalitaan mo na ba ung tungkol kay prof. zarco?
M: sa wall lang ni ros, pero hindi ko na ipinagtanong
nagulat na lang ako
A: ako nga rin nabasa ko lang dun kay ros. though medyo may edad na nga siya nung college tayo, parang di ko lang maisip ung magreretire na rin siya sa buhay... hay...
M: minsan nga ganun, bigla mong maaalala yung tao tapos mamaya-maya, patay na
si prof arnel de guzman nga nagulat ako nung namatay na pala. bata pa yun eh
A: sa socio ba ung si prof. arnel?
M: oo, teacher ko sa 101 yun eh
A: kanya-kanyang oras talaga
M: hayaan mo, pag malapit na ako, ime-message kita. para naman mapuntahan mo ako. seryoso yan ha
minsan kasi, kung kailan out of touch, bigla namang matitigok
A: may point ka. pero parang ayoko namang isipin ngayon un. pero sige kung ako rin matitigok, text nalang kita. parang yung movie nina oyo boy and angel locsin
M: morbid ka pala ma'am, ngayon ko lang nalaman
A: konti. and may pagka-nega nga ko madalas.
M: dapat pala mas nag-hang out tayo dati
A is offline.
A is online.
A: oo nga. uwi kasi ko ng uwi sa pamp pag walang pasok kaya tuloy di ako nakaka-attend sa mga happenings
M: ang sabihin mo, galit ka lang sa mga preskong katulad ko kaya ayaw mo kaming kasama. joke lang
A: hehe. 1 day lang un, ha? nung naligaw lang ako sa klase ni prof dungo pero after that hindi na
M: hahaha, intriga yan ha
A: ang cool niyo nga e! feel ko talagang nasa UP ako pag nakikita ko kayo
M: di ko naman sinasadya, malay ko bang nainis ka pala
cool ka din naman. di ka kasi OA tulad ng iba diyan
A: dala lang yun ng hiya ko siguro kaya nainis...
wow ha, gusto ko na tong usapan natin
M: kami ngang mga kalalakihan ang minority sa klaseng yun eh
ibig sabihin, ayaw mo yung usapan kanina?
A: di talaga ko marunong mag-express minsan ng thoughts ko. mas gusto ko na tong usapan natin ngayon kasi kanina nakakalungkot
M: ah. oo nga naman
madalas kasi nakakalungkot ang mga balita sa tv kahit ba hindi mo kakilala yung involved, tao pa rin yun
A: minority nga kayo in terms of number, pero sa influence matindi kayo
M: di ko rin naman gustong manatili yung ganun. dapat pantay lang
A: oo nga. kaso naaaliw kami sa inyo sa class kaya siguro ganun. naaalala ko nga kayo pag meron akong students na nakakatawa sa class
M: so ibig mong sabihin, nakakatawa kami?
A: very witty kasi kayo. and siguro nga dahil i liked you then. naks, kinikilig ako!
M: aning ha, wag mo akong hintaying makilig sa yo, baka bumigay ako
jejeje
basta sa kabulastugan, witty nga kami. laking-escalera brothers eh
A: di kasi agad bumigay, e!
para ngang iskul-bukol version na may sense
M: aba malay ko ba na ako na pala yung tinutukoy sa logbook? aplikante pa lang ako nun, inosente pa ako
eh kung yung mga nakakasalamuha kong babae ay kasing open-minded mo, eh di sana may asawa na ako
eh wala, mga (e)choosy kasi
A: aplikante ka nga pero di ka na inosente no! choosy ka diyan!
magalit ba? hehe
M: malay ko bang nahuhumaling ka na pala sa akin? dense naman kasi ako di ba?
kumbaga, di ako mapag-assume
A: hay naku christian michael entoma, talasan mo kasi ang mga senses mo. malay mo, nasa paligid lang yung babaeng makakatuluyan mo.
M: ang tagal naman... eh andito lang naman ako, ayaw pa niya akong kalabitin.
A: sabagay, naniniwala pa rin ako dun sa kasabihang, "love comes when you least expect it"
M: natuluyan na yata, o kaya sumama sa iba. hehehe
A: darating din yun. malay mo, makita mo sa jeep bukas, o baka sa office, di ba?
M: tagal...
wag lang sa bus at baka may bomba na namam
naman
A: nega ka rin pala, e! buti pa matulog na tayo. hopefully maging maganda ang araw natin bukas. at maging safe tayong lahat.
M: medyo nega na lang ako ngayon
A: i miss you dear! usap tayo ulit ha?
huwag kang nega. ako lang dapat ang nega
M: ok ma'am. i-message mo lang ako and kwentuhan tayo
aba, nandidikta
A: sure! gudnight. mwah!
M: men's subordination na yan ha
good night po
A: mataray talaga ko, kala mo
M: oo na, rosario
A: haha
A is offline.
Friday, January 21, 2011
pauwi na nga lang, naka-engkwentro pa ng GAGO
gusto ko lang maglabas ng galit at inis - kailangan eh.
sa mambabasa: kung ayaw mong makabasa ng sangkatutak na mura, HUWAG MONG BASAHIN ITO.
alam kong masama ang magmura at magsulat nang masama sa kapwa, pero sa kasong ito, hindi ko itinuturing na kapwa ang tutukuyin ko sa susunod na talata. ayan, PUTANG-INA at PUTANG-AMA mo, sisikat ka pa dito kung sino ka mang GAGO at TARANTADO ka.
kagabi, pumunta ako sa despedida nina Lanie at Doni sa isang KTV sa Jupiter St., Makati. hindi ko na babanggitin ang pangalan ng establishment dahil hindi naman ito plugging. nagmagandang-loob si Ronnel na isabay ako hanggang sa Cubao dahil may sasakyan naman siya at papuntang Fairview ang daan niya. magpapa-karga sana si Ronnel ng gasolina sa isang malapit na gas station nang biglang may sumulpot na lalaking naka-motorsiklo na naka-cap at may bitbit na helmet sa bandang kanan ng kotse at muntik pa naming magitgit. nag-cut ang GAGO at ihinarang ang scooter niya sa harap ng sasakyan ni Ronnel at halatang uminit ang ulo niya dahil sa insidente na siya naman ang may kasalanan. pumunta siya sa driver's side at pinagalitan si Ronnel habang inoobserbahan ko lang ang ikikilos ng GAGO na sumugod sa amin. kahit hindi naman niya kasalanan, humingi ng pasensya si Ronnel para hindi na lumaki pa ang problema - at hindi kasi namin alam kung bubunot ba ng baril ang PUTANG-INANG GAGO kasi tinanong pa niya si Ronnel kung may lisensya siya. hindi pa nakuntento sa paghingi ni Ronnel ng pasensya, nang-insulto pa ang GAGO hanggang sa nilapitan na kami ng gwardiya para ayusin ang aberya. tumuloy na magpa-karga ng gasolina si Ronnel habang tinitingnan-tingnan namin ang GAGO na tumitingin-tingin din sa amin habang nagpapa-karga din siya ng gasolina. nahalata ni Ronnel na naka-inom ang GAGO dahil amoy-alak daw ito. naging consensus na lang namin ni Ronnel na pabayaan na lang ang GAGO na dumakdak nang dumakdak. pero ibang usapan na kung mananakit siya - tabla-tabla na kung saka-sakali. habang nagpapa-karga ng gas si Ronnel ay nilapitan kami ng gwardiya at kinausap. ayon sa salaysay ng gwardiya, hindi lang pala yun ang insidenteng kinasangkutan ng MAYABANG na GAGO - dati daw ay naninigarilyo pa ito sa mismong gas station at gusto pa niyang barilin ang isang attendant dun sa may air pump ng gulong. sinabihan daw siya ng gwardiya na "sige, subukan nyong gawin yan sir, kakasuhan namin kayo. nirerespeto kayo pero inaabuso nyo naman." mabuti din naman at walang masamang nangyari, at maigi rin na may CCTV sa gasolinahan. kaya ayun, ang gabing puno sana ng good vibes ay sinubukang sirain ng isang GAGO na naka-engkwentro namin sa gasolinahan - PUTANG-INA at PUTANG-AMA mo, kung sino ka man! KUNG TOTOONG PULIS KA NGA, NAKAKAHIYA KA SA MATITINO AT TAPAT NA KASAPI NG KAPULISAN! DAPAT SA IYO SINASAMPOLAN NG PANG-AABUSO NA BINIBIGAY MO SA ORDINARYONG MAMAMAYAN! HALATANG KINALIMUTAN MO ANG PANATA NA MAGLINGKOD AT MAGTANGGOL KASI NANG-AABUSO KA KAHIT IKAW ANG MAY KASALANAN! kaya lang kita pinag-aksayahan ng oras dito ay dahil gusto kong MA-KARMA ang mga tulad mong ABUSADO! kung masagasaan ka ng trak at magka-lasug-lasog ang katawan mo, sana hindi ka kainin ng mga gutom na aso, BWAKANANG-INA at BWAKANANG-AMA mo! o di kaya ay sana MABARIL KA SA ULO AT MAGKASABOG-SABOG ANG TARANTADONG UTAK MO! kung makukulong ka, SANA AY PILAHAN NG MGA TIGANG YANG MARUMING TUMBONG MO HANGGANG SA MAGSUKA YAN NG TAE AT DUGO! at kung sakaling mapag-tripan ka ng mga TERORISTA, SANA BALATAN KA NILA NANG BUHAY, IGULONG SA ASIN AT IPRITO SA MARUMING KRUDO, GAGO! kapag napadpad ka sa IMPIYERNO, SANA'Y IPAGKANULO KA NI HUDAS, PATAYIN NI BARABAS, AT LIBAKIN NI HESTAS BAGO KA TUHUGIN NG TINIDOR NI SATANAS!
ayan, tapos na akong maglabas ng galit at inis. at Ronnel, saludo ako sa pasensya mo.
Saturday, January 15, 2011
P&P Tattoo and Body Art's Photos - P&P tattoo Makati December 2010 | Facebook
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150093323284681&set=a.10150093320729681.281165.37242189680
my first ink, on display @ P&P tattoo's online gallery. thanks P&P! =O)>
my first ink, on display @ P&P tattoo's online gallery. thanks P&P! =O)>
Tuesday, January 11, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)