Friday, May 15, 2015

pa(g)salubong

nangyari ito kahapon, habang nasa labas ako ng opisina.ang susunod na palitan ay binago upang magmukhang kapirasong katha. napangiti ako nito, at nagbigay ng aliw sa kaibuturan ko.


girlie: umamin ka, galing ka sa amin, ano?



boyet: actually, dumaan lang ako dito kasi alam kong sa mga oras na 'to ay makakasalubong kita. pero ang totoo, galing ako sa banko.


girlie: ang totoo niyan, sa amin yung banko e.


boyet: okey. nag-withdraw lang kasi ako ng pang-laboratory at pang-check up bukas. kaso, umaga ako magpapa-lab at sa hapon pa ang check-up ko, kaya di ko pa alam kung saan magpapalipas-oras.


girlie: sige, good luck sa check-up bukas. happy weekend!

boyet: ikaw din. ingat palagi.

Tuesday, November 04, 2014

ang naturang pag-aayos ng kanta, 11.1.2014, undas

akala ko ay makakapagpahinga na ako kahapon mula sa (spanky) rigors ng trabaho, nang biglang nakatanggap ako ng text mula sa aking best friend. ang palitan ng mensahe ay nasa ibaba:

Alex: Punta ka ba sa patay o ok ka sa tugtugan ngayon?
Mike: Walang tao dito sa bahay kundi ako. Manonood lang sana ako ng reproductive health documentary at wrestling.
Alex: Ano exact street address nyo jan?
Mike: Block 1 Lot 28 St. Joseph Street, Metroville Subdivision. Sa bahay ni Mang Louie Entoma kamo.
Alex: Sige ligo muna ako tapos direcho nako jan.
Mike: Oks. Andito na si Nanay, hinatid nina Kuya kanina. Mga nag-picnic kasi.
Mike: Pre, nagloloko itong wi-fi namin. Kanina pa ako di maka-konekta sa internet
Alex: So tuloy bako o di na?
MIke: Tuloy pare. Siyempre di lang kita mabibigyan ng 500 para ituloy mo lang.
Mike: Tol medyo malakas ang ulan. Ingat sa madulas.
Alex: Oks
Mike: Teka, electric ba tayo o unplugged lang?
Alex: Combined

kaya binitbit ko at nilinisan lahat ng gitara at amplifiers ko dahil nagmistulang playground ng mga daga at tambayan ng alikabok. naligo na ako pagkatapos para makapag-set up, kaso dumating na pala itong isang 'to - may dalang sasakyan kaya pala ang lakas ng loob. sa kamalasan, nasira pala ang lahat ng mga cable ko kung kaya't kinailangan pa naming bumili sa mall (at isang set na rin ng kwerdas dahila wala na yatang nagbebenta ng tingi). yung huli kong isinaksak, sa sobrang grounded, e parang tunog-Tom Morello na kahit wala ka pang ginagawa. anyway, bumili na rin kami ng post-tugtugan goodies bago umuwi - katulad ng fit n' right, napoleon brandy, el diablo beer, vodka mudshake, spicy pusit, spicy noodles, at orange candy. pag-uwi, nag-ayos lang ako ng gitara at nag-tono na kami. kumain muna kami ng hapunan bago simulang ayusin ang isang kanta - narito ang original pattern na matagal ko nang gustong matapos kaso hindi magawa dahil sa trabaho at iba pang priorities.

matapos "ma-record" ang ilang takes ay tumigil na muna kami at itinuro niya sa akin ang isa pang kanta/sariling komposisyon na gusto rin niyang tugtugin - siyempre ako ang pinatugtog niya ng mas mahirap na mga parte para daw maka-kanta siya. inaral ko ang mga parteng iyon nang ilang minuto at nakuha ko din naman kaagad. ang nakakatawa nito, nung nag-a-adlib na siya, ako na yung nag-rhythm guitar kung kaya't napunta uli sa kanya yung mahirap na parte. lampas hatinggabi na rin kami natapos - nagligpit na lang kami at nag-back up lang ako ng files, tapos uminom na kami at nagkwentuhan tungkol sa world peace, pag-ibig, horoscope, kababaihan, trabaho, pamilya at iba pang mga bagay. lalo ding na-reinforce ang kaisipang "kahit gaano ka-brusko ang isang lalaki, hinding-hindi pa rin ito uubra sa kanyang asawang babae." samakatuwid, kung pakiramdam ni mister ay hari siya, si misis naman ang alas. FACT.

higit sa lahat, masarap lumikha ng obra. nakakabuhay ito ng diwa.

wala pang tapos na kanta, ngunit mayroong medyo disenteng take: 



ang medyo malanding edit ay narito:




ito ay matapos ang mga takes na ito, at ito.

p.s.: sa aming mga namayapang kamag-anak at mga mahal sa buhay, sana'y nagustuhan ninyo ang mga tinugtog namin. hindi namin kayo kalilimutan.






























Wednesday, October 22, 2014

always there when you need 'em