"Kung gusto kang isama, yayayain ka sa una pa lang."
ito ang pinaniniwalaan ko batay sa aking mga naranasan sa buhay. kapag mistulang saling-pusa na lang o afterthought ako na isama sa isang lakad, i.e., hindi ako top-of-mind na naisip, kadalasan ay hindi na lang ako sumasama... masagwa o nakaka-ilang din kasi ang pakiramdam. besides, i accept the fact that most of the time, this is not about me. sa madaling-salita, hindi naman planadong kasama ako, kung kaya't parang pampalubag-loob na lang na yayain ako sa mga naturang lakad.
wala namang masama doon, kung kaya't sa tingin ko ay hindi ko naman dapat damdamin o dibdibin.
ang masakit ay yung mga "little acts of rejection" at ang mga frustrations na kaakibat ng mga ito - mga munting kamatayan kong maituturing, dahil sa mga mumunting paraan ka na nga lang nagpapahiwatig, e mistulang binabale-wala lang. siguro ay nagiging masyado lang akong maramdamin o sensitibo, pero ewan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman.
siguro masyado lang akong nag-iisip. nag-iisip kung paano ipapahiwatig ang aking pagtingin/pag-ibig sa kanya. sabi nga nila ay may tamang panahon para sa lahat... pakiramdam ko ay nandito na naman ako sa dilemma ng pagtatapat sa babaeng kaibigan - na maaaring magbunga ng paglabo ng pagkakaibigan o kaya ng pag-usbong ng pag-iibigan. sa ilang sulyap na malapitan, nararamdaman ko minsan ang masidhing kalungkutan - at naiisip ang posibilidad na ako ay balewalain lamang.
ngunit sabi nga nila na ang lahat ng mga bagay ay may kanya-kanyang tamang panahon. siguro balang araw ay lalaya din ako sa tanikala ng pag-ibig na ito. iniisip ko na lang na: manalo o matalo, hindi bale na - basta't sa tamang oras ay mailalabas ko ang damdamin kong totoo.
Maari mong gawing tula ito kapatid. Akma ang titulo
ReplyDeleteMga munting kamatayan
DeleteDi dito nagsisimula at di rin dito magtatapos
Mga pailalim na galaw ng mga mata at buntong hininga
Ngininguso sa kasama kung ikaw kasama
Lakarang binalak para yapakan ang oras
Rehas ng kaluluwa at igting ng mg panga
Nganganga kapag wala, ngingiti sa mga sana
Ngangawa sa panulat at ipagwawalang bahala
Kung kakapit ang mambabasa o
Pahapyaw isasangkalan, motibong walang wawa
Teka, isipin ang ipis o langaw na dadapo
Sa sangang matamis, bukas din aalis
Walang paalamanan, sambit na walang palaman
Kakagat o sisipsip pag pinabilis mauubos
Pasensyang mas mahaba pa sa buhok ni manang
Sa edad na ito dito magtatapos
Paghintay sa kaway ng ideyang
Sasabay sa hampas ng hangin
Sampal din ang pagbaling
Himpilan ng pagapaw
Hanggang muling magsimula