Wednesday, July 16, 2008

pamimilosopo

i was rummaging through some old emails when i stumbled upon this message that i forwarded quite some time ago. natawa ako nang basahin ko siya ulit, so i thought i'd post it here, for those of you who need a dose of humor. if this makes you laugh or even just smile, then i'm happy for you.
enjoy, my dear reader.

Stupid Questions that need intelligent answers

Ang aking kaibigan ay mayroon lang mga ilang katanungan na matagal nang bumabagabag sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Maaaring ang iba rito ay alam na rin ito ngunit walang makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pwede bang bumili ng hapi meal ang isang taong malungkot?

Pwede, dahil ang masaya doon ay ang nagluluto hindi ang bumibili!

2. pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?

Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag gatas.(milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)

3. pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?

Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay f.m.

4. ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape".

5. ang uod ba pag namatay ay inuuod din?

Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin
inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.

6. totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?

Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag- iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi...mcchicken singles.

7. mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat? Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"?

Nakagat ako minsan ng langgam.......

8. kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ? bakit?

Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffee break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.

9. bakit di mataas ang highway?

Dahil kung mataas ang hiway, walang paglalagyan ng skyway.

10. ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?

Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad, "over"- sa ibabaw.

Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan.

5 comments:

  1. mga kalokohan pala ito ha? isama mo na diyan ang mga ito, pasagot mo na din sa henyong gumawa nyan hehe!

    bat siya tinawag na restroom samantalang hindi ka naman nagpapahinga talaga sa loob nito?

    bat siya tinatawag na window shopping samantalang tumitingin ka lang naman (at isa pa, lalong hindi ka naman bumibili ng bintana)?

    at ang pinaka-killer question dyan e bakit naman sa lahat ng puno sa buong pilipinas, bakit saging lang ang may puso? what's so special with bananas?

    ReplyDelete
  2. idol, susubukan kong sagutin ang mga katanungan mo.

    sa una: tinawag na restroom ang nakasanayan na nating tawaging CR o comfort room dahil nagpapahinga naman talaga tayo sa loob nito - hindi nga lang yung ordinaryong "rest" na parelax-relax, kundi we are resting from the psychological rigors of holding our pee-pee (or poo-poo as the case may be) - so, in effect, we are actually resting, it's just not in the conventional manner.

    sa ikalawa: sang-ayon ako na hindi naman talaga bumibili ng bintana kapag ikaw ay nagwi-window shopping. bagkus, tinawag siyang window shopping dahil karaniwan ay dumudungaw ka paloob ng tindahan, at ang pagdungaw ay isang kilos na karaniwang iniuugnay sa mga bintana o window. eh saan naman pumapasok ang konsepto ng shopping? ganito yun: although hindi ka naman talaga nagsho-shopping as in bumibili ng bagay, tinatrato mo ang sitwasyong iyon bilang isang make-believe na kunwari nga ay may pambili ka pero wala naman talaga. ultimately, pine-play mo yung eksena sa utak mo na you actually bought something. at sa ilang pagkakataon, you actually get to buy that item in the future - kaya ang bottomline, nakapag-shopping ka rin - you just practiced earlier by looking through the window of the shop, di ba?

    sa ikatlo: kaya saging lang ang may puso sa dinami-dami ng puno sa buong Pilipinas ay dahil wala namang ibang puno na nakabaligtad tumubo ang kumpol ng mga bulaklak. kung pagmamasdan mo ang kumpol ng bulaklak ng saging, nagko-korteng puso ito dahil sa pabaligtad na pagtubo nito, hence the term "puso ng saging."

    ReplyDelete
  3. galing! anbelibabol! pantastik na walastik! *clap clap clap*

    ReplyDelete
  4. magsitulog nga kayo!

    *pasok si babalu sabay batok sa inyo sa ulo gamit ang diyaryo*

    ReplyDelete