Thursday, August 21, 2008

ikaw, ano sa palagay mo?

nakakuha ako ng isang character analysis test mula sa isang kaibigan, at sinubukan ko na rin just for kicks. may katotohanan din naman kahit papaano, pero pinost ko na lang dito kasi hindi ko rin naman alam kung hanggang saan dito ang tunay para sa pagkatao ko. siguro, kayo na lang mga nakaka-kilala sa akin ang humusga. here it goes…

 

You are the floral-fragrance type

You always give others a feeling of optimisim, enthusiasm and facing challenges head-on.  You also give an impression of being gentle, thoughtful, and great at managing inter-personal relationships.  Others feel that a person like you is strong, yet vulnerable.  Your caring nature and ability to accept and forgive makes you more charming and trustworthy.  You always let others think that you are someone who doesn’t say “no”, and it’s easy to be used by people who are dependent and self-centered.  These people get close to you because of your attentiveness and easygoing nature, in order to make use of you.

Wednesday, August 20, 2008

pang-walo na 'to!

 

opo, habang isinusulat ko ang blog entry na ito ay nagdiriwang ang milyong-milyong taga-Barangay Ginebra dahil sa pag-agaw ng Gin Kings sa korona ng 2008 Philippine Basketball Association Fiesta Cup mula sa matapang na koponan ng Air 21 Express. pinatunayang muli ng Ginebra kung gaano ka-laki ang puso nila, hindi sa pamamagitan ng pagsambit ng mga katagang ‘Saging Lang Ang May Puso,’ kundi sa pamamagitan ng paglalaro nang buong tapang sa gitna ng mga ini-inda nilang samu’t saring injuries.

 

nang lumamang ang Air 21 ng 3-2 sa best-of-7 na serye nila, aaminin ko na medyo nanghina ako – mabuti na lang at nakapag-hapunan na ako bago nasilat ng Air 21 ang Ginebra nung game 5, kung hindi ay baka nangayayat ako sa kawalan ng ganang kumain nung gabing iyon ng Biyernes.

 

noong Linggo, do-or-die ang game 6 – hindi ko siya tinapos dahil aminado ako na magkahalong kaba at inis ang nadama ko. let me elaborate: para sa mga hindi nakaka-alam, mayroon nga pala kaming ‘jinx pattern’ sa bahay kung saan kapag sabay-sabay kaming magkakapatid at mag-pipinsan na nanonood ng laro ng Ginebra, eh palaging natatalo ang paborito naming koponan – opo, it’s strange but true. isa pa, batay sa napanood kong paglalaro ng Gin Kings hanggang sa kalagitnaan ng 3rd quarter, eh para bang nakalimutan ng Ginebra kung sino sila. as in parang nawawala ang puso nila at nagpapa-sagasa na lang sa Air 21. sa sobrang inis ko nung gabing yun, kung babayaran mo ako sa bawat pagmumurang namutawi sa bunganga ko, eh malamang naka-bili na ako ng bahay at lupa sa Amerika, mai-lilibre ko pa kayong lahat mag-sine at kumain sa labas. pero kinabukasan, nang tanungin ko sa Kuya ko kung ano ba ang kinahinatnan, eh mabuti naman at nanalo ang Ginebra, so ibig sabihin ay may game 7 pa.

 

fast-forward dito sa Miyerkules, ang pinaka-hihintay na game 7 – wala nang injury-injury, wala nang komplikadong mga set plays at defensive patterns – sabi nila ay sa puso na lang talaga magkaka-talo, that “heart will spell the difference,” ‘ika nga nila. this time, pinanood ko mula first hanggang fourth quarter ang laro. wala akong masabi sa dalawang koponan, as in pareho talagang lumalaban – sabi ko sa sarili ko, magandang laro ito, pero sana mangibabaw pa rin ang Ginebra. dikit ang laro nung first half, sa katunayan ay tatlo lang ang kalamangan ng Kings sa Express matapos ang buzzer-beating running shot ni Junthy Valenzuela (na dati ay binansagang ‘Diego’ nung nasa Red Bull siya, ngayon ay ‘Piolo’ na nang malipat sa Ginebra). pagsapit ng third quarter, tila bumalik sa kanyang MVP form si Eric Menk at muling pinahirapan ang mga bantay niyang taga-Air 21. putaragis, hindi ko alam kung pinahiran ba nila ng sili ang itlog ni  ‘Major Pain,’ or kung ano ang pinakain nila dito, pero kahit siguro si Mark Lapid ang bumantay sa kanya at barilin siya ng armalite, eh talagang hindi siya papipigil. mabuti at medyo naka-lamang sila sa pagtatapos ng third quarter. nang magsimula ang fourth quarter, medyo napako ang Kings, at na-injure pa sina Junthy Valenzuela at Chris Alexander. unti-unting humabol ang Express sa puntong ito at lumamang pa nga nang mga tatlong minuto mahigit na lang ang natitira. siguro kung nag-almusal ako ng bulalo at lechong kawali, malamang ay inatake ako sa sobrang nerbiyos. pero hindi talaga nagpa-talo ang Ginebra, kahit sa kahuli-huling player ay lalaban talaga. nang agawin na ng Gin Kings ang kalamangan sa paglapit ng huling dalawang minuto, lalo ko pang pina-igting ang pagdadasal ko na sana ay maka-depensa sila nang maayos at ma-take advantage nila ang penalty situation ng Air 21. mabuti naman at dininig tayo ng Big Boss sa itaas, at nagka-igi naman – andiyan yung naka-kuha ng crucial defensive rebounds, naka-shoot ng free throws, at pag-mintis ng mga madadaling tira ng kalaban. nang tumunog ang final buzzer, mag-isa akong nagtatatalon dito sa opisina dahil sa sobrang saya na nag-champion na naman ang koponan ng bayan – ang team na hindi patatalo kung palakihan din lang ng puso at tapang ang pag-uusapan – ang Barangay Ginebra Gin Kings. maraming salamat sa inyong lahat – kina Macky Escalona, Willy Wilson, Sunday Salvacion, Vic Pablo, Rodney Santos, Billy Mamaril, Rafi Reavis, Alex Crisano, Chris Alexander, Paul Artadi, Junthy Valenzuela, Ronald Tubid, Eric Menk, JayJay Helterbrand, Mark Caguioa, at siyempre ang paborito nating lahat na si Chris Pacana, sina Coach Jong Uichico, Art Dela Cruz, Januz Sauler at Allan Caidic, pati si Team Manager Samboy Lim – masaya na naman ang buong Barangay.

 

talaga nga namang maghanap ka ng koponan, sa buong Pilipinas… Ginebra lang ang may puso! Ginebra lang ang may puso!!!

 

basta tayong mga ka-barangay, sama-sama lang – manalo o matalo, laban lang nang laban!

 

Tama na yan, inuman na!!!

Thursday, August 14, 2008

ah, basta!

naglabas kami ng media release ngayong hapon, isang araw matapos mai-tabla ng Barangay Ginebra Gin Kings ang best-of-7 championship series ng PBA Fiesta Cup laban sa Air 21 Express (puntahan ninyo ang link na ito: http://www.sws.org.ph/pr080814.htm) sa pamamagitan ng 90-77 na panalo sa game 4 - na sa katangahang palad ay hindi ko napanood kagabi. nang basahin ko ang diyaryo, bumalik na pala si Ronald Tubid, kahit na may ini-inda pa ring injury si Jayjay Helterbrand. para sa akin, basta lumaban lang sila at makipag-patayan sa court sa bawat laro, masaya na ako - at kung magkaroon man din ng career game si Chris Pacana, hindi na rin ako papalag.

umulan man o umaraw, lumindol o bumagyo, manalo o matalo, kesyo ang team muse ay si Amanda Page o si Iwa Moto, solid ako sa Barangay Ginebra - Jaworski up to Uichico era, pare, ka-barangay ako all the way.

Oo, inaamin ko, sa Ginebra lang kami! Pero maghanap ka ng koponan, sa BUONG PILIPINAS... Ginebra lang ang may puso! Ginebra lang ang may puso!!!

- hindi si Mark Lapid ang nagsabi nito, kundi ako - ginamit ko lang na template

Mike Entoma po, taga-Barangay Ginebra.