a new home for things i have to say, and more importantly, things that i couldn't usually say.
Monday, May 12, 2014
"Wag mo na akong ihatid, may spotter kasi ako."
pero it reinforces my impression that maybe "women are ashamed to be seen with me."
ewan ko. it's a bit of a downer, but maybe i'll get over it in a few days -
but don't quote me on that, kasi i tend to (over) analyze such matters and blame myself for such debacles.
#finishinglastagain
Thursday, December 08, 2011
kalabit, kapa, kaskas
Thursday, March 03, 2011
dekada
Tuesday, May 12, 2009
finally.
Monday, February 09, 2009
hawa-hawa ba talaga ito?
hindi ko alam kung anong meron sa mga panahong ito, pero para bang nagkaka-hawa-hawa ang mga tao sa mga melancholy moods ng mga posts / entries sa sangka-blog-an. nabasa ko ang ilang entries ng mga kaibigan, and i have to admit na medyo nalulungkot din ako para sa kanila, although there are “down times” naman talaga sa mga buhay-buhay natin. hindi din natin maiiwasan, kahit gaano pa natin gustuhin na maging masaya, na magkaroon ng pabugso-bugsong “drama” sa ating kanya-kanyang pelikula (a.k.a. ang ating kanya-kanyang buhay).
kaninang hapon, abala ako sa pagtatrabaho dito sa opisina habang ka-chat ang best friend kong si Alex. kinukuwento niya yung mga bago niyang kanta / compositions at sinend sa akin ang YouTube links para mapakinggan at makapagbigay ako ng opinyon. nagandahan naman ako sa mga kanta, at nag-usap kami kung kelan pwedeng mag-jam. biglang tumunog ang message alert ko sa Yahoo mail, and the message subject read: “(Name) added you as a friend on Facebook.” it was my ex-girlfriend, and judging by the way her name was written, it was safe to say that she is married already. nagulat talaga ako kasi hindi ko naman akalain na hahanapin pa niya ako sa Facebook. hindi rin naman kasi maganda ang naging break-up namin, at least sa side ko, dahil ako yung na-dump. i remember na tumingala pa nga ako at sinabi kay Lord na: “Ikaw talaga, pinagti-tripan Mo na naman ako…” anyway, it felt weird pero hindi naman kasing drama nung sa “alaala” and “anniversary” entries ko – para sa mga hindi nakaka-alam, siya kasi ang aking OGL. after a few minutes, ayos na rin ang pakiramdam ko. kinuwento ko lang kay Alex, then okey na ako. pabayaan ko na daw – sabi ko naman na: “alam ko naman yun pre. eh alam mo rin naman na matagal ang recovery time ko sa ganyan”. sabi pa ni besprend na gawan ko na lang daw ng kanta – sabi ko naman, may naisulat akong tula dati nung naghiwalay kami. sinend ko sa kanya ang tula ko at nagandahan naman siya, at gawan na lang daw niya ng melody. natawa na lang ako kasi may artistic project / output pang naisip itong ungas na kaibigan ko – napaka-bleak daw kasi nung piyesa, parang yung coda ng “Big Empty” ng STP, basta ganun. minsan tuloy, parang ayaw ko nang maka-buo ng tula kasi para bang ang requirement madalas eh dapat malungkot ako o bigo. pero di naman siguro ganun palagi, baka nagkakataon lang.
pilit ko mang iwasan ay hindi ko napigilan ang sarili ko at nag-NBI ako (term ni Abet ang “pag-e-NBI”, by the way) sa kanyang Facebook tutal “friends” na kami. nakita ko ang ilan sa mga wedding pictures nila, and she looked so happy. although i’m not 100% over her, i have accepted my fate. kahit ganito lang ako, masaya na ako dahil nakita kong masaya siya. i guess ganun talaga ang buhay minsan – na para kang sinahod sa basketball, babagsak ka talaga at masasaktan – pero kapag hindi ka bumangon, kasalanan mo na yun. napa-yosi pa ako kanina habang nakikipag-kwentuhan sa isang ka-opisina / kaibigan tungkol sa “wild turkey surprise” na natanggap ko kanina. siguro ito na rin yung “closure” na matagal ko nang hinihintay sa chapter na iyon ng buhay ko – and although nabigo ako, hinding-hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko.
isa ito sa maraming mga pagpapaalam ko sa kanya. hindi ko siya mabubura sa kamalayan ko, pero hindi na siya ang iniikutan ng mundo ko. magsusulat na ako ng bagong kabanata, sa tamang panahon. para lang akong Ginebra – matatalo minsan, pero hindi mamamatay. i’m not giving up, because i believe that she’s still out there – and i’ll be damned if we never meet.
Friday, January 23, 2009
gusto pa rin kitang sakalin, pero di ko gagawin.
kanina, dito sa opisina, napag-usapan namin ng ilang officemates kung saan at kailan pwedeng lumabas para mag-unwind. sa gitna ng diskusyon na iyon, may nagtanong kung pwede bang isama ang mga asawa or significant others, as the case may be. may isang nagsabi na kung gustong isama, okay lang daw siguro. AT BIGLANG MAY HUMIRIT NG: "Malay natin, by that time, may girlfriend na si Mike, di ba?"
dito nagpanting ang tenga ko, although siguro she meant it as "light stuff" or parang katatawanan lang. kaya nasabi kong: "Don't play that stupid game, please." and then i gave her my middle finger, turned away and said: "Foul yung ganun." nag-sorry naman siya na parang knee-jerk reaction, pero sa sobrang inis ko siguro ay tumalikod na lang ako at nagkalikot nitong PC ko. nabigla din ako at nagawa ko iyon, pero kasi hindi ako ang tipo ng tao na babawiin kung ano ang ginawa ko na. siguro ang iba sa inyo would think i'm too rude, and i wouldn't blame you for that, nor would i take it against you. habang andito ako sa harap ng PC, gusto ko pa siyang sakalin, sampalin, o di kaya ay pagsalitaan nang masakit, pero hindi ko ginawa - kasi mali yun. i could have easily said na lahat ng naging ka-relasyon niyang mga lalake ay mas panget sa akin, pero hindi na lang - dahil i'd rather shut up than be a bigger asshole. nalulungkot din ako kasi she didn't have to say something like that, pero nangyari na eh - and i reacted the way i did. i always get upset when i snap or lose my temper like that kasi nga ayaw kong nakakasakit ng tao. pero tingin ko, quits na lang kami kasi kahit na-offend ako sa sinabi niya, na-offend rin naman siya siguro sa reaksiyon ko.
dapat sana ay lalabas pa ako tonight to meet some friends for dinner, pero nag-beg off na lang ako kasi nagsusumiklab pa rin ang kalooban ko. and kapag nasira na ang mood ko gaya ng nangyari kanina, no amount of good times or cheering up would suffice. kaya nag-sorry din ako sa nagyaya sa akin and sinabi kong next time ay babawi na lang ako. para sa mga nakaka-kilala sa akin, alam nilang ganito ako - hangga't maaari ay magpapasensiya ako, pero i will never hold back words kapag nagalit ako. sa mga hindi nakaka-alam at nabigla, pasensiya na. tao lang kasi ako at hindi ako manhid sa mga ganung bagay.
p.s. galit pa rin ako sa mga sandaling ito, pero sinusubukan ko nang kumalma. yun lang.
Tuesday, December 23, 2008
bago ko makalimutan...
Thursday, December 04, 2008
nga pala...
para sa mga nagpunta sa tahanan namin nung Sabado, November 29, 2008 para sa aking post-30th birth anniversary celebration / kainan / inuman / kwentuhan / harutan, gusto ko lang magpasalamat from the bottom of my banana heart. masaya ako at nakapunta kayo – alam ko namang mga busy tayong lahat kaya let me tell you how much i appreciate that you gave me your time and effort on that night.
sana eh maging annual event ito sa mga calendars ninyo. mabuti at nasarapan din kayo sa mga niluto namin nina Kuya at Nanay, tradisyon na kasi sa amin na busugin ang mga bisita/tropa na dumadayo sa amin. hayaan ‘nyo, next year baka may take-out pa lahat – yung mga “suki” na kasi sa bahay (gaya nina “A”, “F”, at “K”) ay may kanya-kanyang “loot bag” everytime manggagaling sa amin. pati nga si Kuya natuwa at biglang dumami ulit ang mga “noisy” – kasi in recent years medyo hindi na rin makapunta ang mga tao kasi either mga busy, nasa abroad, may ibang lakad, etc. kaya this year was an improvement in terms of turnout / attendance.
salamat din pala Cher sa mga pics (at salamat din kay Sky), re-post ko na lang sila dito sa site ko later. pasensiya na kung hindi ko kayo masyadong naasikaso lahat, i hope you understand. medyo na-overwhelm lang kasi nanibago ako sa dami ng mga taong pumunta. sana next time makilala pa ninyo yung iba pa naming tropa nina Abet from college, para mas riot. =)
siyanga pala, na-touch ako dun sa mga isinulat ninyo sa notebook – nabasa ko lang nung magpapahinga na ako sa kwarto. para bang nabasa ninyo ang isip ko na i wanted something handwritten/personal – i remember nung college kasi, whenever merong may birthday sa student organization namin, bibili lang ng folder yung other mems tapos lahat sila susulat dun ng kahit ano para dun sa celebrator. wala lang, yung mga ganung klaseng regalo ang mas nakakapag-pasaya sa akin – mga simple lang, di naman kailangang magarbo. sa sobrang tuwa ko, narito ang mga sulat ni tinutukoy ko:
again, the words “thank you” may not be worth much sa ibang tao, but for someone like me, when i say “thank you”, i speak / shoot from my heart. maraming salamat ulit sa pagbibigay ninyo ng oras – you could have chosen to be somewhere else, but you chose to be with me that night. and i’ll never forget it, trust me.
- mic
Thursday, November 27, 2008
hi God...
Tuesday, November 18, 2008
pagdapo
Thursday, August 14, 2008
ah, basta!
naglabas kami ng media release ngayong hapon, isang araw matapos mai-tabla ng Barangay Ginebra Gin Kings ang best-of-7 championship series ng PBA Fiesta Cup laban sa Air 21 Express (puntahan ninyo ang link na ito: http://www.sws.org.ph/pr080814.htm) sa pamamagitan ng 90-77 na panalo sa game 4 - na sa katangahang palad ay hindi ko napanood kagabi. nang basahin ko ang diyaryo, bumalik na pala si Ronald Tubid, kahit na may ini-inda pa ring injury si Jayjay Helterbrand. para sa akin, basta lumaban lang sila at makipag-patayan sa court sa bawat laro, masaya na ako - at kung magkaroon man din ng career game si Chris Pacana, hindi na rin ako papalag.
umulan man o umaraw, lumindol o bumagyo, manalo o matalo, kesyo ang team muse ay si Amanda Page o si Iwa Moto, solid ako sa Barangay Ginebra - Jaworski up to Uichico era, pare, ka-barangay ako all the way.
Oo, inaamin ko, sa Ginebra lang kami! Pero maghanap ka ng koponan, sa BUONG PILIPINAS... Ginebra lang ang may puso! Ginebra lang ang may puso!!!
- hindi si Mark Lapid ang nagsabi nito, kundi ako - ginamit ko lang na template
Mike Entoma po, taga-Barangay Ginebra.
Tuesday, March 11, 2008
Roddy Piper Bottles Himself and Cuts a Promo on The Sheepherders.wmv
Wednesday, January 23, 2008
WWF WrestleMania X-Seven - The Rock vs. Stone Cold (My Way).wmv
a video build-up of the WWF Title Match at WrestleMania X-Seven between The Texas Rattlesnake and The Great One, featuring highlights from the Royal Rumble, No Way Out, SmackDown!, and RAW is WAR, with the background song being "My Way" from Limp Bizkit's "Chocolate Starfish and the Hotdog-Flavored Water" album. this, in my opinion is probably the most famous rivalry during the Attitude Era. Get ready...
Monday, December 17, 2007
Jake The Snake Cuts a Promo on The Undertaker Before Their WrestleMania VIII Match.wmv
Jake The Snake Roberts cuts a scathing promo on The Undertaker moments before their classic WrestleMania VIII match. This was Jake's last match for the World Wrestling Federation (WWF) before he left to "invade" rival promotion World Championship Wrestling (WCW). Jake The Snake is God, and I mean it in a non-blasphemous way, God - so no offense meant to you.
Wednesday, December 12, 2007
WWE RAW - Y2J Chris Jericho Returns ( November 19, 2007).flv
Tuesday, October 30, 2007
The Rock Meets Randy Orton Part 3
The Rock Meets Randy Orton Part 2
The Rock Meets Randy Orton Part 1
Tuesday, May 22, 2007
Austin 3:16 Speech.wmv
Stone Cold's infamous Austin 3:16 speech after winning the 1996 WWF King Of The Ring Tournament which he cut on Jake "The Snake" Roberts - ironically, one of the best ever in terms of ring psychology and microphone skills - this is one of many events that put Austin on the heart of the professional wrestling map, i think.