Monday, February 09, 2009

hawa-hawa ba talaga ito?

hindi ko alam kung anong meron sa mga panahong ito, pero para bang nagkaka-hawa-hawa ang mga tao sa mga melancholy moods ng mga posts / entries sa sangka-blog-an.  nabasa ko ang ilang entries ng mga kaibigan, and i have to admit na medyo nalulungkot din ako para sa kanila, although there are “down times” naman talaga sa mga buhay-buhay natin.  hindi din natin maiiwasan, kahit gaano pa natin gustuhin na maging masaya, na magkaroon ng pabugso-bugsong “drama” sa ating kanya-kanyang pelikula (a.k.a. ang ating kanya-kanyang buhay).

 

kaninang hapon, abala ako sa pagtatrabaho dito sa opisina habang ka-chat ang best friend kong si Alex.  kinukuwento niya yung mga bago niyang kanta / compositions at sinend sa akin ang YouTube links para mapakinggan at makapagbigay ako ng opinyon.  nagandahan naman ako sa mga kanta, at nag-usap kami kung kelan pwedeng mag-jam.  biglang tumunog ang message alert ko sa Yahoo mail, and the message subject read: “(Name) added you as a friend on Facebook.”  it was my ex-girlfriend, and judging by the way her name was written, it was safe to say that she is married already.  nagulat talaga ako kasi hindi ko naman akalain na hahanapin pa niya ako sa Facebook.  hindi rin naman kasi maganda ang naging break-up namin, at least sa side ko, dahil ako yung na-dump.  i remember na tumingala pa nga ako at sinabi kay Lord na: “Ikaw talaga, pinagti-tripan Mo na naman ako…”  anyway, it felt weird pero hindi naman kasing drama nung sa “alaala” and “anniversary” entries ko – para sa mga hindi nakaka-alam, siya kasi ang aking OGL.  after a few minutes, ayos na rin ang pakiramdam ko.  kinuwento ko lang kay Alex, then okey na ako.  pabayaan ko na daw – sabi ko naman na: “alam ko naman yun pre. eh alam mo rin naman na matagal ang recovery time ko sa ganyan”.  sabi pa ni besprend na gawan ko na lang daw ng kanta – sabi ko naman, may naisulat akong tula dati nung naghiwalay kami.  sinend ko sa kanya ang tula ko at nagandahan naman siya, at gawan na lang daw niya ng melody.  natawa na lang ako kasi may artistic project / output pang naisip itong ungas na kaibigan ko – napaka-bleak daw kasi nung piyesa, parang yung coda ng “Big Empty” ng STP,  basta ganun.  minsan tuloy, parang ayaw ko nang maka-buo ng tula kasi para bang ang requirement madalas eh dapat malungkot ako o bigo.  pero di naman siguro ganun palagi, baka nagkakataon lang.

 

pilit ko mang iwasan ay hindi ko napigilan ang sarili ko at nag-NBI ako (term ni Abet ang “pag-e-NBI”, by the way) sa kanyang Facebook tutal “friends” na kami.  nakita ko ang ilan sa mga wedding pictures nila, and she looked so happy.  although i’m not 100% over her, i have accepted my fate.  kahit ganito lang ako, masaya na ako dahil nakita kong masaya siya.  i guess ganun talaga ang buhay minsan – na para kang sinahod sa basketball, babagsak ka talaga at masasaktan – pero kapag hindi ka bumangon, kasalanan mo na yun.  napa-yosi pa ako kanina habang nakikipag-kwentuhan sa isang ka-opisina / kaibigan tungkol sa “wild turkey surprise” na natanggap ko kanina.  siguro ito na rin yung “closure” na matagal ko nang hinihintay sa chapter na iyon ng buhay ko – and although nabigo ako, hinding-hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko.

 

isa ito sa maraming mga pagpapaalam ko sa kanya.  hindi ko siya mabubura sa kamalayan ko, pero hindi na siya ang iniikutan ng mundo ko.  magsusulat na ako ng bagong kabanata, sa tamang panahon.  para lang akong Ginebra – matatalo minsan, pero hindi mamamatay.  i’m not giving up, because i believe that she’s still out there – and i’ll be damned if we never meet.

10 comments:

  1. big hug mahal!!! you're gonna be fine!!

    ituloy natin to sa anawangin.. :)

    ReplyDelete
  2. you're beautiful it's true
    i saw your face in a crowded place
    but it's time to face the truth,
    i will never be with you...


    - james blunt

    ReplyDelete
  3. salamat, mahal. i'll be fine... =)

    ReplyDelete
  4. sakto ang lyrics, pare.

    pero sabi nga sa kanta ng poison: "it's better to have lost and loved, than never to have loved at all..."

    hopefully, hindi na ako matatalo sa susunod.

    ReplyDelete
  5. hugssssssssssssssssss... not much that I can say... siguro ganun talaga, kahit na anong sabihin nating OK na tayo and we have moved on with our lives, pag me mga moments like this... me mga kirot pa din :) normal naman un... ;)

    ReplyDelete
  6. oo nga eh, nananahimik ako tapos bigla akong binulaga kanina. basta, ayaw ko na ring isipin yung masakit. will just look forward sa masasayang tagpo - and hopefully this weekend will be a good start. =O)

    ReplyDelete
  7. ayus lang yan idol, kahit ayaw man natin minsan, people do come and go sa buhay natin. gaya nga ng sabi mo, she is happy after all and that is already a blessing in itself. your time (our time) will come as well. konti na lang, malapit na. have faith! hehe! =P

    ReplyDelete
  8. :) tama magsaya na lng tayo sa weekend!!! :)

    ReplyDelete
  9. thanks, idol. faith is something i will never run out of. i'm still waiting for the Tanya Garcia to my Mark Lapid. =O)

    ReplyDelete
  10. kaya pala ganun ang comment mo sa entry ko.. sabi ko nga, it will still hurt when i get the news kahit today or two years from now. so i'm actually thankful that i found out now so i can deal with it then move on. we'll just have to keep moving forward and never look back =)

    ReplyDelete