Thursday, February 26, 2009

Like Hate Session: Alex, Kiko and Mic - 2/22/2009


last sunday, February 22, 2009, nag-jam kaming tatlo nina Alex at Kiko sa bahay nina Kiko sa Tandang Sora. supposedly ay sabado kami magkikita-kita pero may bisita si Kiko sa kanila kaya ni-re-sked na lang namin ng linggo. tanghali na ako nagising nung linggo kasi may lakad ako nung sabado ng gabi, yung post-birthday celebration ni Terence na may kasamang inuman kaya medyo napatagal ang tulog ko. sabi ni Kiko, 2:30 daw kasi aalis pa siya, so nagkasundo na lang kami ni Alex na mag-meet sa UP bago mag-2:30. pero na-late ako kasi may isinusulat ako at that time, at kumain pa kasi ako, so nauna si Alex sa UP at nag-Sarah's muna. nag-text ako sa kanya nung nasa Katipunan na ako at nag-meet kami sa may fishball-an sa may Vinzons Hall.

nag-taxi na lang kami papunta kina Kiko para di hassle masyado, at habang nasa biyahe ay kung anu-anong pinagkwentuhan namin - mula sa mga kagaguhan hanggang sa mga medyo personal na bagay. pagdating namin sa 7 Eleven sa kanto ng Tandang Sora at Mindanao Avenue ay andun na si Kiko na parang sigang nangongolekta ng tong sa mga sidewalk vendors. naka-jersey pa siya ng Phoenix Suns at si Amare Stoudemire pa ang napili niyang gayahin, namputsa. sabay pa kami ni Alex na humirit na tumaba si Kiko mula nung huli naming pagkikita - mukhang naging tirador ng bahaw si loko kapag walang ginagawa sa bahay. habang naglalakad kami papunta sa compound nina Kiko, may nakita akong karatula sa isang bahay, ang sabi: "Notice to Outsiders: Please do not go Inside." - putang-inang yan, halos mamatay ako katatawa. sayang at walang may camera sa amin, sana nakunan kasi magandang album cover, hahaha!

pagdating kina Kiko, nag-tono kami ng mga gitara based sa gamit ni Kiko - ang yabang pa nga niya kasi inilabas pa talaga lahat ng gadgets niya pati yung Marshall amplifier na katambal nung Ibanez niyang gitara, samantalang ang dala lang ni Alex ay yung acoustic guitar niya at ang dala ko naman ay ang acoustic guitar kong galing Cebu na mula ngayon ay makikilala sa pangalang Waya at and casing niyang si Lala - ipapaliwanag ko na lang sa ibang pagkakataon ang choice of names. anyway, pagka-tono pa lang ay naputulan na ng string ang gitara ni Alex (napigtas yung high E string) kaya napilitan siyang gamitin ang "macho guitar" ni Kiko - "macho" kasi kailangan macho ka pag ginamit mo yun, otherwise ay mananakit nang sobra ang mga kalyo mo sa daliri dahil sa heavy gauge ang strings niya at high action pa, i.e., mas mataas ang agwat between the fretboard and the strings kaya mas masakit siyang i-finger. yung mga bastos at manyakol diyan eh welcome humirit pero walang malisya yung isinulat kong yun. so ang nangyari, itinuro lang sa amin ni Alex ang basic chord progression nung kanta tapos inayos na lang namin nang konti yung layers at arrangement nung mga gitara. matapos ang isang pasada, nagreklamo na itong si Alex na masakit gamitin yung "macho guitar" ni Kiko, kaya sinuggest ko na lang na magpalit na lang kami ng gitara, since malambot naman ang strings ni Waya at hindi siya masakit i-finger. ayun, nasarapan nga si Alex, samantalang ako naman ang gumamit sa acoustic guitar niyang maganda ang tunog pero 5-stringer na lang at nanlilimahid sa libag (pakinggan na lang ninyo ang pagrereklamo ko sa video). isinama ko na din yung blooper / soundcheck namin nung una para mas nakakatawa. itong kantang ito ay pinamagatang "Like Hate," with the words and music by Alex. eto yung lyrics niya:

Like Hate

I keep wondering what's this all about. I keep on messing things based on what I need to say.
The morning clock has done its ticking, the train has stopped to pick the mob,
the jeeps and bus have all departed and I am left to steal your love.

I've consulted all the freer gods. Power left them nothing but human race is here to stay,
the heartbeats are all ablazing, the souls have known to dance and sway
the fiery love you never knew is now raging on and raging still like hate, hate. hate.

Oh Manila I can't figure out. You have scared the luck I keep locked inside the heart of me.
Your churches never smell but ruins, your streets are filled with mud and grief.
And I"d been left to rot and wander, still in love with you and yet I hate, hate, hate.

Though we know in time, though we know in time.
You'll be mine, you'll be mine. And we always hope
till the sacred day, sacred day.

ayun, tawa kami nang tawa na parang mga sira-ulong kulangot pagkatapos kasi sablay pa yung ending. natuwa naman ako kasi noon lang kami nakapag-jam ulit after more than 3 years - kasi ang huling time naming nag-jam for an actual performance was sometime in August 2005 pa. poetry reading yun kung saan yung tula ni Alex na "The Madsong of Hesus" ay ginawan pa namin ng garage/punk/DIY/maskipaps instrumental accompaniment ni Kiko. previously, ni-perform na namin ni Alex yun at least 4 times in public, i just provide a bass riff backdrop inspired by (but not a rip-off of) Rage Against The Machine's "Bullet in the Head."

fast forward nung sunday, natuwa talaga ako sa pagtugtog nung "Like Hate" ni Alex kasi nung una ko siyang mapakinggan sa YouTube, nagandahan ako sa chords/melody niya pati rin sa pagkakasulat ng lyrics kaya kahit hindi ako ang nagsulat eh it was a great experience playing the song. itinuro din ni Alex sa amin ni Kiko yung isa pa niyang kantang "Epitaph Blues"at ni-jam din namin siya, kaso di na namin nai-record kasi kulang na sa memory yung cellphone ni Alex. tutal naman din daw ay mas madaling tugtugin yung "Epitaph Blues" eh baka sa susunod na lang na pagkikita namin tugtugin at "i-record." pagkatapos ng jamming ay pinakinggan namin yung CD na ni-burn ko na puro live performances ng Stone Temple Pilots (isa sa mga paborito naming banda) at pinakain din kami ni Kiko - the best ang ulam, sisig at lumpiang shanghai tapos may Knorr Seasoning. grabe, busog talaga kasi umulit pa ako sa kanin, hehehe...

matapos kumain, ayun, kwentuhan lang nang konti tapos kulitan. nag-videoke pa kami at kumanta si Alex ng "Nobody Does It Better" ni Carly Simon (na ni-remake pala ng Radiohead, isa pa sa mga paborito naming banda), "Grace" at "Last Goodbye" ni Jeff Buckley. mamaya-maya pa ay dumating na ang misis ni Kiko na si Mai, kasama ang baby nilang si Iov. ayun, natuwa ako kay Iov dahil parang hindi naman siya natakot sa hitsura namin ni Alex. hay, medyo napaisip ako na ako na lang ang walang anak sa aming tatlo. pero basta. i'm just looking forward sa susunod naming session this coming sunday - who knows kung anong mangyayari? basta, i'll just play for that moment. rock and roll pare. rock and roll. (repeat 100 times, hehehe...)

p.s. here's the YouTube link if this video doesn't scroll all the way through:
http://www.youtube.com/watch?v=VRcmgnPCIL8

2 comments:

  1. balikan ko to bukas... ala akong headset dito sa bahay (o kaya speaker)

    ReplyDelete
  2. na-post ko na siya sa YouTube channel ko. lumusot din, sa wakas. =O)

    ReplyDelete