dapat ang ilan sa mga additional tags dito ay: "pa-fall", "WEA Twins", "Mahal and Mura", at "Cutie Cute Cute."
sa wakas ay nasimulan ko din ito. ang busy kasi nitong nakaraang linggo kaya halos puro trabaho na lang ang inatupag ko. well, since sabado na ngayon at wala naman akong pasok, eh di sasamantalahin ko na ang pagkakataong isulat ito.
para sa ilang mga pics na ni-grab and ni-repost ko dito, gusto kong pasalamatan sina Abet, Cher, Clint, Joyce, Jhen at Mon.
una sa lahat, salamat kay Abet dahil sa paggawa ng panalong itinerary, pag-compute ng mga expenses per pax, at pag-post ng mga announcements – na napaka-convenient para sa mga busy na tulad ko kasi bawat update / comment ay nagme-message alert na lang thru YM – so i just click the link at updated na ako agad sa kung ano mang mga comments or tsismis online. kahit ngarag ako most of the week ay nakapag-empake naman ako kaagad and i decided na sa office na lang matulog nung Friday the 13th para di ako ma-late sa 3:30 AM na meeting time ng grupo. nakatulog ako nang mga 11:30 PM na at nag-set ng alarm nang mga 2:30 AM para maka-goli pa ako. eh since may “snooze” function naman ang alarm clock ng cellphone, ako naman itong si antukin eh sige lang nang pag-postpone nang pa-10-10 minutes hanggang sa magising ako nang tuluyan at 3:15 AM na pala. bumalikwas na ako sa pagkakahiga ko at dumiretso sa banyo para maligo. medyo nahirapan akong maka-para ng taxi papunta sa Total Balintawak, at nang makarating ako doon ay napansin kong nasa labas ng Chowking sina Cher, Joyce at Tin. dumiretso na muna ako sa loob para mailapag ang mga gamit ko. andun na din sa loob sina Mon, Clint, Jhen, Jas, Sally, Mei and Tintin. so ayun, kwentuhan lang habang hinihintay sina Abet and King – at medyo naghihikab pa nga ako kasi nga hindi naman ako sanay nang gising na nang ganung oras sa tuwing sasapit ang Feb. 14 – usually kasi, natutulog lang ako maghapon pag Valentine’s. dalawang bagay lang naman ang dahilan kasi nun: 1) walang ka-relasyong babae; or 2) may ka-relasyon pero hindi sasabay sa celebration ng karamihan dahil may sariling paraan ng pag-celebrate. kaya ako nagpapaliwanag kasi kasalukuyang nasa presinto ako – kaya wag nang humirit ang mga pilosopo’t pilosopang pa-fall diyan. medyo bad news kasi male-late daw yung van / driver kung kaya’t naghintay lang kami hanggang sa dumating sila. pagdating nina Abet at King, hindi na masyadong nagtagal at nagsisakay na kami sa van. nasa pinakalikod ako, si Mon at si Clint, while nasa harap namin sina Jhen, Cher at Joyce. ang magkakatabi yata sa bandang gitna ay sina Jas, Tintin and Sally, habang sina Abet, Mei and Tin naman sa likod ni manong driver at ni King. since bibiyahe pa lang naman ay natulog na lang ako para makabawi sa mga puyat ko ng mga nakaraang araw.
nagpa-karga ng gas sina Abet sa gas station na napagkasunduang i-meet sina Nona and Bob pati sina Sarah. nagsipag-CR ang iba, pero sa loob na lang ako ng sasakyan at sinubukang matulog. biyahe na kami papuntang Clark afterwards. pagdating namin dun ay maliwanag na, at ma-traffic papasok ng site / venue. so ang nangyari, habang nasa gitna kami ng pila ng mga sasakyan ay may mga hot air balloons nang lumipad – kaya nanood-nood na lang kami mula sa loob ng sasakyan habang pasipat-sipat si Clint ng ilang mga kuha. madaming mga taong pumwesto na lang sa gilid ng kalsada at pumitik ng kanya-kanyang pictures / videos. ako naman ay pahikab-hikab hanggang sa makadating kami sa pwedeng pag-paradahan ng sasakyan kung saan nagsibaba kami para makakuha ng pictures. sa labas lang kami ng bakod pumwesto kung saan maraming “mayor’s offices” a.k.a. portalets, mga nangangabayong manong, at mga taong nagpapalipad ng saranggola at nagpi-picture taking. eh di ang nangyari nga ay nagkanya-kanyang kuha ng mga picture, as well as mga nagpa-picture na rin kami sa isa’t isa. as usual, karamihan sa mga kinunan ko ay mga tao – yung mga kasama kong boy and girl scouts na laging handang mag-pose sa harap ng camera. eh kasi ganun naman talaga ang istilo ko – para akong si Jayvee Gayoso, shoot lang nang shoot hanggang maubusan ng baterya. hinintay pala namin si Nona – na sobrang layo pala ang nilakad para mapuntahan kami – bago kami pumunta sa may entrance. may ni-meet pala si Abet na kaibigan doon kaya kami pumunta. tumambay lang ang grupo sa may tent ng El Kabayo kung saan maraming mga nagtitinda ng mga flutes at mga bird-callers – akala ko pa nga ay may mga nagbebenta ng mga kulasisi dahil naghanap pa ako ng mga naka-hawlang mga ibon, pero yun nga, mga bird-callers lang pala yung binebenta nila. may isang bata na ang galing tumugtog ng flute – as in ilang mga sikat na songs ang kaya niyang i-cover, kaya medyo naaliw ako. naaliw din ako sa tora-torang nag-e-exhibition sa ere ng kung anu-anong mga stunts, mga bikers at kanilang mga choppers, as well as sa mga pictures na naka-print sa tarpaulin ng El Kabayo tent. at this point ay mukha nang pinagulong sa harina ang aming mga talampakan dahil sa sobrang alikabok – kung may contest ng paramihan na mapapagpag na alikabok sa paa, eh baka sumali na ako. andun din pala sina Doni and Lanie, with their respective families. kasama rin ang sister ni Doni na si Jen (whom i met sa Sagada trip), who brought along her kids as well. di na rin kami pumasok lahat sa loob, at imbes ay napagkasunduan na lang na bumalik kinabukasan nang hapon para mapicture-an ang mga hot air balloons. nagpabili na lang ang mga girls ng kani-kanilang mga souvenir hot air balloons bago kami bumalik sa van. pigilin ko man ang aking pantog ay napilitan rin akong umihi sa portalet dahil sa “call of nature” – at ang simoy ng hangin sa loob ng portalet lang ang nakabura sa antok ko – as in talo niya ang paghiwa sa braso at pagpiga ng kalamansi sa sugat. pagbalik sa sasaykayan ay dumiretso na ang convoy namin papuntang Gerona, Tarlac, sa Isdaan restaurant kung saan matatagpuan ang sikat na Tacsiyapo Wall. habang nagbibiyahe papunta doon ay sinubukan ko uling matulog nang nakayuko sa backpack ko habang iniingatan kong wag mapisak ang balloon ni Jhen.
pagdating sa Isdaan ay nag-stretch-stretch muna ako bago bumaba ng sasakyan. kinuha ko lang ang mga kailangang gamit at bumaba na rin. picture dito, picture doon pa rin ang eksena. naaliw ako nang makita ko yung mga estatwa ng mga sekyu na kung anu-ano ang ginagawa maliban sa pagbabantay, pati yung mga malalaking kahoy na manok na una kong nakita sa Tacsiyapo album ni Abet noong isang taon. nakaka-aliw din yung mga bisikletang ginawang gripo kung saan naghugas kami ng aming maaalikabok na mga binti at paa. maraming mga estatwa ng mga isda, unggoy, T-Rex at mga taong may mga hawak na banga sa kubo-kubo style na lugar nila. makikita mo rin yung mga nilulutong manok at baboy dun sa mga dambuhalang kawaling gamit ng mga kusinero nila – grabe, pag di ka pa naman naapektuhan eh ewan ko na lang. pumwesto kami sa isang malaki-laking kubo kasi marami kami, at habang naghihintay ng waiter ay may mga nagharana sa aming grupo – at magagaling silang kumanta at tumugtog. pagdating ng waiter ay nag-order na sila ng lunch namin, and since medyo matagal ang waiting time ay pumitik-pitik lang ako with my paltik at naglibot-libot kasama sina King, Mon, Joyce at Clint. sa wakas ay nakita ko rin ang sikat na Tacsiyapo Wall – at ang napakaraming basag na plato, baso, TV at iba pang babasagin. napansin ko rin na ang may pinakamalaking bangas na parte ng Tacsiyapo Wall ay ang “Alak / Sugal / Babae” na spot. sinubukan na rin ni Clint na bumato ng baso, and at this point ay inisip ko na kung babato ako o hindi muna. buong week kasi ay iniisip kong susubukan ko kahit isang piraso lang – at alam ko na rin naman ang isisigaw ko. i decided na pagkatapos na lang ng lunch para naman hindi mawala ang gana ko sa pagkain. namimigay din pala sila ng pagkain ng mga isda, so pagkagaling namin sa Tacsiyapo Wall ay bumalik kami sa kubo para masubukang magpakain ng isda. around this time din nakunan ng picture ang infamous “Sleeping Beauty and the Beautician” starring Mei and King – at hindi ko na sasabihin kung sino si Sleeping Beauty at sino ang Beautician dahil mahahalata naman ninyo sa picture. nang maalimpungatan si Mei ay kanya-kanya kaming tingin sa kisame na para bang walang nangyari. tuloy ulit ang fish feeding at picture taking tapos lumibot ulit kami nina King at Mon at nagpunta sa San Kilo Bridge at nag-picture taking sa may estatwa ng National Hero na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. pagbalik namin sa kubo ay naghihintay pa rin sila ng aming lunch, kaya pinag-tripan ko na lang kunan yung kisame, mesa, sala at kurtina para medyo malibang naman ako. nang dumating na ang pagkain, lightning-quick ang formation ng mga tao sa paligid ng mesa. panalo ang selection na inorder nila, some of which were: liempo na adobo / humba style, sinigang na hipon, inihaw na manok, bulalo, pinakbet and bulanglang. masarap yung sinigang na hipon dahil sariwa, maganda rin yung pagkaluto ng pinakbet at dinagit ko yung mga kalabasa niya, pero nag-halimaw (term ito na na-coin ni idol Mon dati sa Snackaroo) lang ako talaga dun sa liempo at bulalo. paglapag nung bulalo, matapos ang isang quick photo-op c/o Abet ay tinabas-tabas ko na siya (yung bulalo, hindi si Abet) at ipinagsandok sina Jhen, Tintin and Joyce at siyempre kumuha din ako. sinabi nga ni Mei na mukhang 16 years old yung bulalo dahil sa laki, pero nang subukan ko na siyang tabasin (yung bulalo, hindi si Mei) ay naisip ko na baka 18 years old na siya dahil medyo pumapalag pa yung laman habang tinatabas. in fairness, hindi siya masebo o kaya’y maalat – tamang-tama lang yung lasa niya. pinawisan ako sa pag-kain ng tanghaliang yun, at sa pagkabusog ko ay di ko man lang natikman yung manok.
habang nagpapa-baba ng kinain ay pinakiramdaman ko na lang ang pagtawag ni Mayor dahil alam kong traydor siya. soon enough ay nagparamdam na nga siya at pumunta na ako ng CR para makapag-meeting kami – and since confidential at sensitibo ang pag-uusapan namin ay ni-lock ko ang pinto para makapag-concentrate. needless to say ay umabot kami sa puntong nagsisigawan na kami, at naririnig ko sa labas na may customer na nagrereklamo na naka-lock daw ang CR – sorry ka, ang bagal mo kasi eh. ang pilosopiya ko lang diyan eh una-unahan lang, at mag-lock ka din kung gusto mo. paglabas ko ay all smiles na ang pagmumukha ko dahil tapos na ang meeting kay Mayor. after a little while ay nag-compute na sila ng breakdown ng bill per pax para makapagbayad na kami. pagka-settle ng bayarin ay nagpunta kami sa Tacsiyapo Wall para maglabas ng sama ng loob and for some photo-ops as well. bumili muna ako ng dalawang mugs para masubukan ang pagbato sa Tacsiyapo Wall. since medyo nabitin ako sa dalawa ay kumuha ako ng dalawa pa para mailabas ang lahat ng kinikimkim kong hang-ups sa dati kong girlfriend. i wanted to leave all of those negative energies doon, and palagay ko naiwan ko naman ang karamihan sa pagbasag ng mga mugs – salamat nga pala kina Abet, Mon at Cher sa mga sovenir pics ko sa Tacsiyapo Wall. i felt alright pagkatapos nung pagbabasag na yun, at naaliw din ako sa mga tupa dun sa Isdaan na para bang naka-dreadlocks ang balahibo nila – wala lang, di ko pa kasi nasubukang magpa-dreadlocks eh. kaya lang, parang nakakaawa sila kasi mukhang pagod na pagod sila sa paghihila ng mga sumakay sa maliliit na kalesang nakakabit sa kanila. matapos ang pagkuha ng “class picture” sa may Tacsiyapo Wall ay pumunta na kami sa may estatwa ni Ninoy at dun sa Estatwa ni Buddha, pero bago makarating dun ay may nadaanan kaming estatwa ng umiihing kusinero na naka-apron. at nang angatin ni King Louie ang apron ng estatwa ay naeskandalo si Cher sa nakita niyang parte ng katawan ng estatwa. matapos ang ilan pang photo-ops ay kinunan na kami ni Abet ng souvenir pic sa may estatwa ni Prince Gautama. pagkatapos noon ay kinailangan nang bumalik sa Manila nina Jas, Sally, Tintin, Nona and Bob, Sarah and her friends. matapos ang mga pagpapaalam ay sumakay na kami sa aming van at dumirestso na kami papuntang San Antonio, Zambales.
medyo nabago at seating arrangement dahil mas kaunti na kami, pero medyo mainit pa rin sa sasakyan kahit nakabukas na ang aircon, kaya nag-topless na lang ang ilan sa amin para hindi masyadong pawisan. at this point ay sinubukan ko na munang umidlip ulit habang iniingatan uli na wag mapisak ang balloon ni Jhen na inilagay ko sa may nakasarang bintana. medyo napatagal ang idlip ko sa mga oras na iyon pero nang magising ako ay nasa highway pa rin ang sasakyan namin, so nilasap ko na lang ang magagandang tanawin katulad ng mga bukid, ilog at bundok sa tabi ng daan. nang nasa Zambales na ay medyo napa-Inggles pa ako nang ilang beses dahil “English Hour” noon (tanungin ninyo si Joyce for more details). siyempre hindi na ako masyadong nagsalita dahil medyo takot akong mag-nosebleed, hehehe. nang sa may pa-zigzag na parte ng kalsada kami dumaan ay medyo nagising ako lalo dahil sa paliko-liko ni manong driver. nakalas pa dito yung basket ng balloon ni Jhen kaya sinubukan ko siyang ayusin – kasi mukhang hindi nalagyan ng glue yung basket kaya nakakalas siya, pero inilapat ko na lang para maayos siya for the meantime. pagdating namin sa San Antonio, nagsibaba kami para mamalengke. ako na lang ang nag-volunteer na isa sa mga taga-bitbit kasi di naman ako marunong mamalengke talaga – taga-bitbit lang ako ng Nanay ko pag namamalengke siya noong araw. bumili sila ng liempo na pang-ihaw, isda na pang-sigang, galunggong na pang-ihaw, at gulay para sa sinigang at ensalada. sumama ako kay Abet sa pagbili ng mga condiments gaya ng ginisa mix, toyo, suka, bawang, sibuyas, kalamansi, mantika, atbp. bumili din si Abet ng tubig para mainom ng grupo, bukod sa dala niya for personal consumption. pagbalik namin sa binabaan namin ay hindi naman namin makita kung saan pumarada si manong driver kaya panay ang palipad-hangin sa amin ng mga tricycle driver na para bang naliligaw kami sa lugar. mabuti na lang at naalala ni Abet na bumili pa ng extrang alak kasi baka mabitin ang inuman sa socials, kaya ayun, isang bote ng kwatro kantos na Ginebra ang iniskor nila mula sa kalapit na tindahan. nang matapos ang pamamalengke, meron na ring iced tea at coke para pang-hagod sa masarap na lulutuin namin para sa gabing iyon. pagka-karga ng mga pinamili sa van ay dumiretso na kami sa resort ni Aling Nora.
pagdating doon ay ibinaba na namin ang aming mga gamit at mga pinamili. nangolekta si Joyce ng pambayad sa entrance sa bawat isa at naghakot na kami ng mga gamit pagkatapos noon. nilagay namin sa mga garbage bags ang mga gamit na kailangang i-waterproof, pwera ang tubig kasi nga water na siya eh (sinulat ko lang yun para matawa kayo, pero kung na-corny-han kayo, okey lang – baka sakali lang namang makalusot). nabuhay na naman yung joke ni King tungkol sa powdered water na “just add water” eh okey na. ang good news pala dito ay may yelo sina Aling Nora kaya medyo magiging solb-solb ang inuman sa gabi – at may cooler pa silang ipinahiram sa amin. Dapat sana ay bago mag-sunset ay nasa Anawangin na kami, kaya lang ay medyo nagka-problema sa mga bangkero dahil ayaw nilang pumayag na dalawang bangka lang ang bibiyahe – gusto nila tatlo para yung isa sa mga gamit lang tapos yung dalawa para sa mga tao lang. ang nangyari, tatlong bangka ang bumiyahe papuntang Anawangin – and since mga 30 minutes ang biyahe, pagdating namin doon ay nakalubog na ang araw. ganunpaman, mabuti na rin at may mapupuwestuhan pa kaming papag para kainan / inuman sa gabing iyon. nilinis pa pala namin yung headlamp ni Joyce na natunawan ng chocolate – well, at least chocolate ang napalagay imbes na ibang bagay di ba? pagdating namin sa aming puwesto, nilapag lang ang mga gamit sa may papag tapos mga nag-set up na ang mga tao ng kani-kanilang mga tent. since banig lang ang dala ko, inilatag ko na lang iyon sa isang convenient na puwesto at inilagay ang backpack ko malapit doon. tumulong na lang ako na inilawan ang mga nagse-set up ng kanilang mga tent, gamit ang niregalo ni King na water-resistant na flashlight. nang maka-set up na ng mga tents ay tulong-tulong naming inihanda ang mga iluluto habang pinapa-baga ni Abet ang de-uling niyang stove at habang gumagawa naman si King ng mga improvised lamp gamit ang mga kandila at plastic cups. pasensiya na at hindi ko nakabisado kung sinu-sino ang gumawa ng alin (dahil sa pagka-ngarag ko), pero eto yung mga ginawa namin sa may poso: may nag-bomba (bomba as in “pump”, ha?) sa poso para makaipon ng tubig na panghugas, may naghiwa ng kamatis, may nagputol-putol ng kangkong, may naghiwa ng talong, may naghiwa ng sibuyas, may nagtimpla ng liempong pang-ihaw, may naglinis at nag-asin ng isda. matapos ang preparasyon ay hinakot na ang mga iluluto papunta sa campsite para masimulan na ang pagluluto. may nagsaing, may nag-sigang, may nag-ihaw, may gumawa ng toyomansi, may nag-init ng tubig, at may nagtimpla ng kape / Swiss Miss. masarap na appetizer yung inihaw na galunggong – sakto lang ang timpla niya kasi asin lang, solb ka na. di ako mahilig mag-kape, pero kung sino man yung nagtimpla ng kape dun sa matangkad na baso, salamat sa iyo kasi masarap yung tinimpla mo =O). nakigulo na din ako at nagpaypay ng pinababagang uling at nagtusok-tusok ng iihawing talong – therapeutic din siya, para kang nagbasag ng mug sa Tacsiyapo Wall. maya-maya lang ay kainan na kaya tinapos lang namin yung ilang piraso ng liempo at talong tapos fight na sa mesa. ang kinain ko ay yung inihaw na liempo na inulaman ko ng toyomansi at yung ginisang bagoong alamang (salamat sa nagdala Ü) tapos sinabawan ko nung masarap na sinigang – mahilig kasi ako sa sinigang, kahit sabaw pa lang, masaya / solb na ako. siyempre, lalong panalo kasi may Coke at yelo na pang-hagod sa lalamunan. matapos ang hapunan ay nagligpit-ligpit na ng mga pinagkainan, nag-pumping scenes ulit sa poso, at konting kwentu-kwentuhan habang nakikinig sa mga sounds (salamat sa nagdala Ü). tinuloy at kinarir ni Mei ang pag-iihaw ng natirang liempo na hiniwa-hiwa naman ni Abet pagkatapos. pinagtulungan naman namin ni idol Mon ang pagtitimpla ng iced tea para may chaser sa lambanog at gin. salamat din kay Cher sa pagbakbak ng yelo para sa tagay-tagay sessions. habang nag-aayos pa ang iba ng kani-kanilang mga sarili, sinimulan ko na ang pagtatagay sa amin nina Clint, Abet at Mon. medyo nagpapahinga pa si King kaya di muna namin siya inistorbo nung mga oras na yun. mamaya-maya pa ay sumali na ang mga kababaihan sa session, at dito napagkasunduan na alternate na ang tagay, i.e., isang tagay ng gin (tanggero: Mike) sa mga kalalakihan tapos isang tagay naman ng lambanog (tanggera: Jhen) para sa kababaihan – at sinigurado rin namin na walang masyadong magha-halimaw sa iced tea. Habang nagse-session ay dito na rin sinabi sa amin ni King ang tungkol sa updates nung Batanes tour na medyo on the negative side pero di rin naman kagustuhan na magkaganun. ganunpaman, hoping pa rin kami na maayos yun at a later date, kundi man sa original date. by this time, mas pinagdiskitahan na lang namin yung alak, hehehe =O). medyo di na nga rin makakain ng pulutan ang mga sesyonista marahil dahil busog pa, pero kumupit-kupit naman ako dun sa liempo kasi masarap talaga siya eh. ang isang bumenta ay yung honey mustard na PIKNIK (again, salamat sa nagdala Ü) na maraming nag-halimaw (including myself) kasi ang sarap niya. siyempre, may mga moments din ang mga tao na naging seryoso, medyo ma-drama, medyo tense, pero ganun naman talaga lalo na pag pinadulas na ng alak ang ating mga dila, isip at damdamin. tinuloy namin ang kwentuhan sa may beach hanggang madaling-araw – at na-realize ko na may iba ring perspektiba na pwedeng ipang-analyze dun sa pakikipag-break sa akin ng ex- ko. pero siyempre, biased ako towards sa sarili kong perspektiba dahil yun ang pinagdaanan ko, yun ang pagkaka-intindi ko sa nangyari sa relasyon namin – kaya pasensiya na kung hindi ko maintindihan / hindi ko matanggap na “nasaktan” din yung nang-iwan – matigas lang talaga ang ulo ko pagdating sa bagay na yan. kung meron man sa inyong na-kupal-an sa akin dahil dun, hindi ko intensiyon yun – i’m not asking you to agree with me, i’m just asking you to understand where i’m coming from. pero ang isang pamatay na hirit sa gitna ng lahat ng talakayang ito ay ang salitang “PA-FALL” (na ang ibig sabihin daw ay “PA-ASA” – nakuha ko sa isang ka-opisinang nag-forward ng Bob Ong quotes), ang kantang “CUTIE CUTE CUTE” nina MAHAL at MURA AT ang biglang pag-alala sa WEA Twins. kaya ang nangyari, sa mga sumunod na araw (at linggo), ay bakas sa mga status messages at posts ng mga tao ang kung anu-anong ka-PA-FALL-an, mga tribute / allusion sa “Cutie Cute Cute” and most importantly, sa WEA Twins. in fact ay mayroon pa ngang isang dalubhasa (na itago na lang natin sa alyas na “M”) na nag-research pa sa YouTube ng videos ng WEA Twins – isa mula sa “Oh My Mama” at isa mula sa Eezy Dancing. pambihira talaga, ang galing. mayroon din tayong isang kaibigan na napanaginipan naman sina Mahal, Mura at isa pa nating kaibigang itago din natin sa alyas na “M” na kumakanta at sumasayaw ng “Cutie Cute Cute.” back to the beach, ayun, bago ako nakatulog ay tawa ako nang tawa at halos kabagin dahil sa ka-pa-fall-an ng mga kasama ko doon – alam na ninyo kung sinu-sino kayo. dahil rin sa katatawa kong iyon ay mukhang naka-lunok din ako ng buhangin – pero at least hindi ko naapakan.
paggising ko nung umaga ay mag-isa na lang akong nakahilata sa beach – well, andun din pala yung lata ng honey mustard na PIKNIK na may buha-buhangin pa sa loob. medyo mabigat pa ang ulo ko dahil sa sipa ng gin bulag pero bumalik na lang muna ako sa puwesto namin para maka-inom ng tubig, tutal meron pa naman akong natira sa supply ko. kinuha ko yung camera kong paltik at pumitik-pitik ng mga pwedeng kunan. maya-maya lang ay naramdaman kong tumawag si Mayor kaya dumiretso na ako sa pinakamalapit na CR at nag-igib ng tubig sa poso. medyo nostalgic ang amoy nung CR dahil sa panghe niya, pero okey lang naman. tumulong na lang din akong mag-igib ng tubig na pwedeng panghugas ng kamay / mga gamit, habang ang iba naman ay naghahanda ng breakfast. dumagit na lang ako ng ilang pirasong hotdog at habang kumakain ay nagkukulitan kami nina King at idol Mon tungkol sa Ped Xing na kapatid raw ni RR Xing, according to Master Ron. siyempre ako ang dakilang clueless, doon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng Ped Xing at RR Xing – at humirit naman itong si Hamon na malamang ay malayong kamag-anak nila si Magic Sing. ewan ko kung pumurol ang utak ko dun sa ininom naming gin nung gabi, pero after 2-3 minutes lang ako nakaisip ng hirit at sinabi kong baka kamag-anak din nila si Vic Sotto kasi ang tawag sa kanya “BosSing.” tinantanan lang namin ang pagkain ng hotdog nang makita na namin yung pinagpatuluang tissue sa ilalim nung kumpol ng mga hotdog. pagkatapos kumain, nagligpit-ligpit na lang muna ako ng gamit tapos nag-yosi nang kapiraso. pagkatapos magising nang iba pa ay kanya-kanyang ayos / ligpit ng mga gamit. naka-lublob din uli ako sa dagat kahit kapiraso lang, kasama sina Mon at Clint (at ang waterproof na camera niya). medyo malamig ang tubig at hindi masyadong matindi ang sikat ng araw nung mga sandaling yun kaya sakto lang ang lublob na yun. maya-maya lang ay nagtawag na sila para sa photo-ops dun sa may kabilang dako ng island. first time kong napuntahan ang parteng yun ng Anawangin at nagandahan ako sa hitsura niya. nakakatuwa din ang photoshoot dito kasi ang daming magagandang spots, pati mga concepts na naisip ng mga tao para sa pictures – andiyan yung Bioman pose, jump shot ng girls pati ang “for the sake of art / forsaken art / malalaswang mga lalake” pose naming mga boys. pagkagaling doon ay kinunan din kami ni Abet ng picture sa may beach – para kaming mga artista tuloy. ayun, tambay-tambay lang kami dun habang nag-swimming muna sina Cher, Jhen at Joyce. pag-ahon nila, bumalik na kami sa puwesto namin para magligpit at maghanda na sa pagbalik kina Aling Nora. dalawang bangka na lang kami pabalik kasi magagaan na yung mga dala namin. pahikab-hikab pa ako habang nasa biyahe pero oks lang kasi yung simoy ng dagat ang gumigising sa akin. pagdating doon ay naghakot kami ng mga gamit at pumwesto na sa mga mesa dun sa may bar. nagsi-order sila ng aming lunch habang ang iba naman sa amin ay nag-wash up na. dun na lang ako naligo sa labas, para mabilis na shampoo, sabon, hilod at banlaw lang ay tapos na. bumalik na rin ako sa mesa namin para maghintay sa aming tanghalian. pumitik muna ako nang kapiraso sa paltik na camera ko bago ko siya iniligpit muna. as usual, panalo ang lunch namin: pork adobo with potatoes, pork afritada, chopsuey, sinigang na isda, pinakbet, fried chicken at yung red egg and tomato salad ni Jhen. nag-concentrate na muna ako sa adobo, afritada at sinigang at ipinantulak ko na lang yung coke na may yelo. medyo weird ang pakiramdam kasi nabusog ako agad at hindi ako naka-sample sa bawat ulam, although talagang masarap ang tsibog namin – siguro antok lang talaga ako kaya di ako nakakain nang usual dosage ko, hehe. afterwards ay nag-one last meeting lang kami ni Mayor bago kami sumakay na ng van at tumungo pabalik ng Clark, Pampanga.
habang nasa biyahe ay sinubukan ko na namang umidlip para makabawi uli ng tulog. hindi masyadong matagal ang biyahe this time kasi medyo binilisan ni manong driver ang pagmamaneho – palagay ko nga eh dati siyang driver ng ambulansiya kaya ganun, pero baka mali ako. pagdating namin sa Clark ay may araw pa naman, so matapos mag-quickie sa portalet ng mga tao ay bumili na kami ng tickets para makapasok sa venue. bumili din pala ang girls ng nilagang mais, so bawat isa sa kanila ay may bitbit papunta sa loob ng grounds – ang cute nilang tingnan, pramis. may photo exhibit din pala doon na dino-dokumento ang mga kabayanihan ng ating mga kababayang sundalo, although hindi ko na gaanong natingnan lahat dahil nga hinabol din namin ang mga hot air balloon at mga saranggola. since mahina na ang battery ng camera ko ay mangilan-ngilang larawan na lang ang napitik ko, at naki-extra na lang ako sa ibang shots para may remembrance din naman ako kasama ang mga kaibigan. for the most part ay tiningnan ko na lang ang light show ng mga hot air balloons hanggang sa matapos ang exhibition na iyon. after the show ay nagpunta kami sa Yellow Cab booth para makakain and / or makapag-yosi, tumambay, atbp. hindi gaanong nagtagal ay bumalik na kami sa van para makauwi na ng Manila dahil medyo ma-traffic na ng mga oras na iyon. isa sa mga nakatuwaan sa sasakyan ay ang marathon ng “How I Met Your Mother,” na kahit hindi ako pamilyar ay mukhang maganda naman kung iba-base ko sa pag-eenjoy nila at sa pag-rave ng pinsan ko tungkol sa series na iyon – especially sa character na si Barney Stinson, played by Neil Patrick Harris. mabuti naman at safe ang aming biyahe pabalik, kaya nakarating kami ng Maynila nang matiwasay. bumaba kami sa may bungad ng Panay Avenue kung saan nagpaalam / nagpasalamat kami sa isa’t isa dahil sa masarap na Valentine’s weekend na iyon. umuwi na sina King and Abet kasabay ni manong driver, sina Cher, Joyce, Clint, Mei, Tin and Jhen ay dumiretso sa McDonald’s para kumain, while si Mon at ako naman ay nag-abang ng taxi pauwi. since linggo naman, naisip kong masarap naman ang ulam sa bahay kaya doon na lang ako kakain para diretso pahinga na rin. medyo napapahikab na ako pagsakay ng taxi, at mabuti naman at hindi gaanong ma-traffic pauwi sa amin kaya nakarating agad ako sa bahay. napagod ako sa biyahe, pero masaya naman ako sa Valentine’s weekend na iyon because of the people that kept me company. pagdiretso ko sa kwarto ay nag-text ako sa kanila para sabihing nasa bahay na ako, magpasalamat sa masayang weekend, para sabihing mag-ingat sa daan ang mga pauwi pa lang. kung magiging annual na activity ito para sa akin ay di ko pa alam, pero kung saka-sakali, sana oo. muli, salamat po sa inyong lahat =O).
p.s. patapos na ako at 1:35 AM na ng February 25, 2009. pasensiya na sa delay, pero kung binabasa mo pa rin itong write-up hanggang sa parteng ito, salamat sa paghihintay at pagbabasa.
what?! di mo natikman!? sarap kaya! yummmmmmm
ReplyDeletenahumaling kasi ako dun sa bulalo at liempo. okey lang, next year titikman ko na siya. =O)
ReplyDeletehihihihi lagi naman akong looking forward sa mga write ups mo e ;)
ReplyDeletenatawa ako sa honey mustard piknik! :D hahahah :P
grabe! binasa ko lahat at tawa ko nang tawa, haha! adik ka Mic! :p mashadyong pa-fall. hahahaha :D salamat sa pagdocument mo down to the tiniest detail :p
ReplyDeletenagkahiyaan pa nga eh. paggising ko, may natira pang konti tapos may buha-buhangin pa sa loob nung lata. pa-fall. =O)
ReplyDeleteat salamat nga pala sa dinala mong lambanog. haha. ngayon alam ko na lasa ng lambanog. masarap pala! :p
ReplyDeletehahahaha tingnan mo ung itsura ni ramon o!!! kunsumido :D bwahahaha parang me LQ sila nung bata :D hahahaha
ReplyDeletenanong nigagawa namin? asayaw? ndi ko to matandaan... =D
ReplyDeletehahahaha talagang BAGONG WEA TWINS e :D hahahah
ReplyDeleteasus... parang me ginagawa ka sa manok :D hwahahahah
ReplyDeletebwisit na wea twins yan diba? hahahaha. na-fall ako don ah! :D
ReplyDeletenice angle! kulit! :D
ReplyDeleteke ramon po yan galing :D
ReplyDeleteuyyyyyyyyyy ang galing!!!
ReplyDeletegaling talaga... parang lomo ;)
ReplyDeletena-inspire ako dun sa roll ng tissue dun sa mesa, kaya ginamit kong parang tube. ni-tweak ko lang yung levels sa ACDSee para magkaganito ang effect. =O)
ReplyDeletesalamat, idol. talagang "Share-A-Food, Win-A-Friend" ang tema. ;O)
ReplyDeletebusyness. hehe
ReplyDeletenice!!!
ReplyDeletebasta sa ngalan ng alaala ng WEA Twins, no problem. salamat din Mei sa mga katatawanan at mga ka-pa-fall-an na sakto lang. at hindi ako pa-fall, by the way (hindi by the WEA) - dun ako sa side ng mga nag-fall. hahaha! =O))
ReplyDeletenakuha lang sa pag-babad yun, Mei. kung pure siya, lasa lang siyang gin or vodka. basta nag-enjoy kayo, oks na yun. =O)
ReplyDeleteparang ang laswa. hahahaha
ReplyDeletesalamat. =O)
ReplyDeleteok to mahal ah.
ReplyDeletegrabe, nagkakagulo dito hahaha...
ReplyDeletesalamat sa mga pics.. nagnenok ako!! :)
ReplyDeletesureness, grab lang po nang grab. =O)
ReplyDeletenag-improvise lang nang pitik-pitik. medyo nagalaw ko kamay ko kaya may blur. churi. =O)
ReplyDeletemic panenok po pala :D hehehehe nangnenenok na ko nang alang paalam :D heheh sorry
ReplyDeletegrab lang po nang grab. nakapag-nenok na rin ako sa mga sites ninyo. =O)
ReplyDeleteidol wala ka talagang kupas sa story telling! and your memory is halimaw!!!! anong vitamins iniinom mo? nang matira ko nga din. hahaha!
ReplyDeletenaaliw talaga ako habang nagbabasa nito. sa sobrang kakatawa nga siguro e di malabong mautot ako habang tina-type ito. wahahahahahaha! =p
btw, idol pa-grab ha.... matagal ko na inaasam-asam at gusto i-grab itong ano mo e....
ReplyDelete...itong mga pictures mo. hahaha! =P
kala ko yan na yung nawawalang anak ko e. =P
ReplyDeleteactually, sa itsura mo dito di ko alam idol kung nagrereklamo ka ba o gusto mo pa? hahaha! joke lang. =P
ReplyDeleteang mga ate ng jaboom twins? hehehe! =P
ReplyDelete"limot.. palimot... pahingi naman ng konting limot..."
ReplyDeletetino ang dapat tit.... tigilan na baka kung ano pa masabi... haha! =P
R-18? haha! =P
ReplyDeletegising ako nyan actually... pa-fall lang yan. haha!
ReplyDeletenext time alam ko na kung ano uli ang babaunin ko. haha! =P
ReplyDeletenice shot idol. astig! =P
ReplyDeletekaya walang nagsabing wacky kasi yun ang madalas isigaw ng mga....
ReplyDelete... alam mo na yun. naitext ko na before. hahaha! =P
idol, tubig lang ang iniinom ko. at saka lambanog.
ReplyDeletekaninang 1:16 AM, naalimpungatan ako - parang may umutot sa paligid. di ko lang alam kung konektado dito sa reply mo...
sige idol, grab lang nang grab. =O))
ReplyDeletestaged yan, hehe... =O)
ReplyDeletenilaro ko lang, idol. =O)
ReplyDelete