kanina, dito sa opisina, napag-usapan namin ng ilang officemates kung saan at kailan pwedeng lumabas para mag-unwind. sa gitna ng diskusyon na iyon, may nagtanong kung pwede bang isama ang mga asawa or significant others, as the case may be. may isang nagsabi na kung gustong isama, okay lang daw siguro. AT BIGLANG MAY HUMIRIT NG: "Malay natin, by that time, may girlfriend na si Mike, di ba?"
dito nagpanting ang tenga ko, although siguro she meant it as "light stuff" or parang katatawanan lang. kaya nasabi kong: "Don't play that stupid game, please." and then i gave her my middle finger, turned away and said: "Foul yung ganun." nag-sorry naman siya na parang knee-jerk reaction, pero sa sobrang inis ko siguro ay tumalikod na lang ako at nagkalikot nitong PC ko. nabigla din ako at nagawa ko iyon, pero kasi hindi ako ang tipo ng tao na babawiin kung ano ang ginawa ko na. siguro ang iba sa inyo would think i'm too rude, and i wouldn't blame you for that, nor would i take it against you. habang andito ako sa harap ng PC, gusto ko pa siyang sakalin, sampalin, o di kaya ay pagsalitaan nang masakit, pero hindi ko ginawa - kasi mali yun. i could have easily said na lahat ng naging ka-relasyon niyang mga lalake ay mas panget sa akin, pero hindi na lang - dahil i'd rather shut up than be a bigger asshole. nalulungkot din ako kasi she didn't have to say something like that, pero nangyari na eh - and i reacted the way i did. i always get upset when i snap or lose my temper like that kasi nga ayaw kong nakakasakit ng tao. pero tingin ko, quits na lang kami kasi kahit na-offend ako sa sinabi niya, na-offend rin naman siya siguro sa reaksiyon ko.
dapat sana ay lalabas pa ako tonight to meet some friends for dinner, pero nag-beg off na lang ako kasi nagsusumiklab pa rin ang kalooban ko. and kapag nasira na ang mood ko gaya ng nangyari kanina, no amount of good times or cheering up would suffice. kaya nag-sorry din ako sa nagyaya sa akin and sinabi kong next time ay babawi na lang ako. para sa mga nakaka-kilala sa akin, alam nilang ganito ako - hangga't maaari ay magpapasensiya ako, pero i will never hold back words kapag nagalit ako. sa mga hindi nakaka-alam at nabigla, pasensiya na. tao lang kasi ako at hindi ako manhid sa mga ganung bagay.
p.s. galit pa rin ako sa mga sandaling ito, pero sinusubukan ko nang kumalma. yun lang.
ayus lang yan idol, its much better that way. kaysa naman kimkimin mo lahat, nakakabaliw yun. aja! =P
ReplyDelete*hugs*
ReplyDeleteoo nga eh. bad trip kasi yung mga ganung sablay na hirit - napaka-retarded.
ReplyDeletesalamat.
ReplyDeletekilala mo rin ako. pareho lang tayo ng reaksyon kapag napuno na. she learned her lesson. you did too. pareho kayo nag-benefit in terms of knowing each other better. quits lang. no need to feel sorry after.
ReplyDeletekunsabagay, oo nga. both ways din naman may nasapul. yun yung key word, lesson.
ReplyDeletehi mike, you must have had a very good reason for feeling that way. i can totally relate! people can be so insensitive at times. talagang nakakainis! ang maganda sigurong nangyari sa sitwasyon na ito is, you were able to draw the line -- between some things na okay lang pagbiruan and something that affects you in a different kind of way :) hope the people around you would respect and be more considerate about your feelings when it comes to your personal life. cheers! :D
ReplyDeletePre dapat sa kanya e ipasiko natin kay Jawo!ü
ReplyDeletepartida na yan kung kay Jawo. Kung kay Distrito yan, mas delikado :p
ReplyDeletepinabayaan ko na lang, ellen. kapag kasi inaway ko pa, parang lalabas pa na pinapahalagahan ko masyado yung mga ganung tao. partida na lang niya yun, gaga siya. pero wala na sa akin yun.
ReplyDeletenatawa naman ako dito pre. pabayaan na lang natin, hindi naman worth it na pag-aksayahan pa ng panahon.
ReplyDeletekapag kay Distrito, sahod pa 'no =))? hayaan na natin, bok.
ReplyDeleteayuz headshot mo ah.