Thursday, December 04, 2008

nga pala...

para sa mga nagpunta sa tahanan namin nung Sabado, November 29, 2008 para sa aking post-30th birth anniversary celebration / kainan / inuman / kwentuhan / harutan, gusto ko lang magpasalamat from the bottom of my banana heart. masaya ako at nakapunta kayo – alam ko namang mga busy tayong lahat kaya let me tell you how much i appreciate that you gave me your time and effort on that night.

 

sana eh maging annual event ito sa mga calendars ninyo. mabuti at nasarapan din kayo sa mga niluto namin nina Kuya at Nanay, tradisyon na kasi sa amin na busugin ang mga bisita/tropa na dumadayo sa amin. hayaan ‘nyo, next year baka may take-out pa lahat – yung mga “suki” na kasi sa bahay (gaya nina “A”, “F”, at “K”) ay may kanya-kanyang “loot bag” everytime manggagaling sa amin. pati nga si Kuya natuwa at biglang dumami ulit ang mga “noisy” – kasi in recent years medyo hindi na rin makapunta ang mga tao kasi either mga busy, nasa abroad, may ibang lakad, etc. kaya this year was an improvement in terms of turnout / attendance.

 

salamat din pala Cher sa mga pics (at salamat din kay Sky), re-post ko na lang sila dito sa site ko later. pasensiya na kung hindi ko kayo masyadong naasikaso lahat, i hope you understand. medyo na-overwhelm lang kasi nanibago ako sa dami ng mga taong pumunta. sana next time makilala pa ninyo yung iba pa naming tropa nina Abet from college, para mas riot. =)

 

siyanga pala, na-touch ako dun sa mga isinulat ninyo sa notebook – nabasa ko lang nung magpapahinga na ako sa kwarto. para bang nabasa ninyo ang isip ko na i wanted something handwritten/personal – i remember nung college kasi, whenever merong may birthday sa student organization namin, bibili lang ng folder yung other mems tapos lahat sila susulat dun ng kahit ano para dun sa celebrator. wala lang, yung mga ganung klaseng regalo ang mas nakakapag-pasaya sa akin – mga simple lang, di naman kailangang magarbo. sa sobrang tuwa ko, narito ang mga sulat ni tinutukoy ko:

again, the words “thank you” may not be worth much sa ibang tao, but for someone like me, when i say “thank you”, i speak / shoot from my heart. maraming salamat ulit sa pagbibigay ninyo ng oras – you could have chosen to be somewhere else, but you chose to be with me that night. and i’ll never forget it, trust me.

 

- mic

 

18 comments:

  1. You're Much Welcome... Ang Lakas Mo Sa Amin Eh!!!!

    LAm YU!!!!!!

    ReplyDelete
  2. Aq Ang Una Ng Pagsusulat Sa Notebuk Mu...

    Pero Hindi Ako Pasimuno..

    Pramis!!!

    ReplyDelete
  3. oo, alam ko na kung sino ang pasimuno. ka-chat ko kanina eh, umamin naman kahit di ko tinatanong. =)

    ReplyDelete
  4. next time magbabaon kami ng crayola para makulay lalo mga sulat namin. yung jumbo crayons pa kamo. hehe!

    ReplyDelete
  5. tama para memorable talaga jumbo crayons sa pader nyo kami mgsusulat...

    okei ba yun?

    ReplyDelete
  6. ah, eh kung sa pader kayo magsusulat, mabuti pang sa pader ng kwarto ko na lang. dahil kung sa sala o sa dining area, eh malamang sa malamang na adobohin ako ng nanay ko - sa harapan ninyong lahat. =)

    ReplyDelete
  7. sowee naman... Di naman namin mggawa sau yun... Mahal ka namin..

    pero pag gusto mu talaga pede naman pla sa r00m eh

    ReplyDelete
  8. enamel paint ba idol pwede din naming gamitin? para mas permanente ang effect. hehe! =P

    ReplyDelete
  9. anytime mahal!!! basta kayo! happy kame ni Sky!!!

    i'm so glad to hear that you had a great time. thank your brother and mom for welcoming us. sana din next year, kilala na kame at may mai-take home naman!! hihihi

    labshu Mic!!!

    ReplyDelete
  10. thanks, mahal. basta tropa, welcome lagi sa tahanan namin - kahit mga "noisy", kasi mababait naman kayo eh. labshu all. =)

    ReplyDelete
  11. belated mike...naalala ko tuloy minsan pumunta kami jan nina jayboy, tagal na nun...di ko alam kung mbirthday mo rin yun...basta naaalala ko pa yun...hmmm senti :D

    ReplyDelete
  12. oo nga pre, naalala ko pa yun. gilbey's at sunny orange pa ang ininom natin nun. at mga payat pa tayo lahat nung mga panahong yun. hay, senti mode nga ako...

    ReplyDelete
  13. Thanks ulit sa pag-asikaso samin...Sarap ng food! lalo na yung spag sauce na puro hotdog, mushroom at giniling...na sa sobrang sarap..inulam ko sa kanin...hahahha! :-)

    ReplyDelete
  14. sige, titaganda. i'm taking note na magluto ulit ng chunky spaghetti sauce next time. sayang di mo sinabi, sana naipag-balot kita para take-home mo. =)

    ReplyDelete