Sunday, December 07, 2008

paintings and portraits in ACDSee (a.k.a. nag-aadik sa pag-eedit)




wala lang akong magawa sa kwarto nito kaya nag-decide akong kunan ang sarili ko habang nagkakalikot sa acoustic guitar, bass at electric guitar ko. yung sub-title in pharentheses nga pala ay idea ni Joyce kasi nabanggit ko sa kanyang na-wili ako sa pag-eedit ng mga ito using ACDSee, na unang in-introduce sa akin ni Archie - na friend namin ni Abet. kaya ayun, pa-tweak-tweak lang ng mga kulay, pa-oil painting filter here and there, at ito na ang kinalabasan. wala naman akong pine-play na partikular na piyesa o kanta, pakala-kalabit lang ng mga kwerdas at pa-tipa-tipa hanggang pumutok ang mga kalyo sa sakit. magkakaibang araw pala kinunan ang mga ito - yung pics with the acoustic guitar nung birthday ko (nov. 27, 2008, thursday), tinitipa ko lang yung "Panaginip" ng POT tapos yung isang chord pattern na matagal ko nang nilalaro pero wala namang pamagat, at saka mga generic na blues scale na hindi ko alam kung tama nga ang notes. na-realize ko na mahirap palang magpa-antok kapag busog na busog ka - nag-Mang Jimmy's kasi kami nung ilan kong officemates bago ako umuwi. sabi din nila na kapag hindi ka raw makatulog, baka may nag-iisip sa iyo - na hindi ko naman alam kung totoo nga sa kaso ko dahil i have no way of knowing. oh well, off-topic naman yun...

yung mga pictures naman with the bass ay kinunan nung november 30, 2008, sunday, bandang hapon na. kasi nga naman, nalasing ako the night before kasi binisita ako ng ilang mga kaibigan. iba't ibang moods din kasi ang naipahiwatig ko nung araw na iyon, from the tearfully melancholic [dahil may naalalang tragic two years ago] to the nervously euphoric [dahil may tumawag na kaibigan na hindi ko in-expect - yung friend ko sa "angelic" entry ko, si Anne]. before shooting pala, pinag-tripan kong pagkain ay yung dala nina Dhang na leche flan-filled eggs at yung dalang balut ni Terence - na, as i expected, ay panalo sa sarap. nang medyo mapagod ako, nagpasya akong matulog muna.

pag-gising ko nang mga bandang 10:30 ng gabi, kumain ako nung natirang adobo from the previous night's celebration at binawasan ang Pepsi Max na nasa ref. habang kumakain ako, nag-text si Anne at nangangamusta sa naging araw ko. sabi ko, ayun nga, kumakain ako nung ulam kagabi at saka mag-mamatamis pagkatapos - eh kasi itinabi ko sa isang lalagyan yung ginawang leche flan ng Mommy ni Jhen at dinala ni Jhen nung sabado. naubos ko yung kalahati, i.e., bale isang llanera kasi 2 yun eh - kasi ang tamis niya eh. salamat po ulit sa pasalubong =). tapos, nagkwentuhan lang kami ni Anne nang konti sa text tapos natulog na siya kasi napagod maghapon - birthday naman kasi nung Nanay ng boyfriend niya kaya medyo naging busy siguro. since kagigising ko nga lang at palibhasa'y wala namang pasok ng lunes, nagpaka-adik na ako sa pagkuha ng litrato habang tinitipa ang aking ever-reliable na RJ Strat. hay naku, siguro kung talentado lang talaga ako, baka may napala ako sa pag-gigitara kahit papaano - pero hindi eh, kahit anong praktis eh nangingibabaw pa rin ang tunog-garahe mentality ko. madaling-araw na ako natapos nito, tapos last week ay in-edit ko silang lahat. wala, nag-outlet lang ako dito, i guess. madami pa rin akong iniisip, at madaming bagay pa ring nag-re-rent ng space sa utak ko, 'ika nga nila - mga bagay na dapat hindi ko na iniisip, pero for some reason ay bumabalik-balik pa rin sa kamalayan ko, especially on bad or rough days. siguro nga, some things take a while to get over with - i'm roughly 80-85% over that "something," and maybe in time i'll be completely over it. 'ika nga ng mga katotong ka-inuman: "to the wounds that never heal..." , to which i candidly reply:

"to my one million pesos from Eddie Gil." - rhyme pa rin naman eh.

yung mga captions, sa mga kanta ko hiniram, gaya ng "Thinking About You" ng Radiohead, "Out of My Head" ng Fastball, "Freedom" at "Bullet in the Head" ng Rage Against The Machine, "Di Mo Lang Alam" at "Diwata" ng Indio I, at saka dun sa tula kong "purple". and then i end this album with a quote from blues legend Buddy Guy, as i've been having them blues lately, to be honest with you.

oh well, maybe this too, will pass.

5 comments:

  1. grabe palang pag aadik ang ginawa mo :P hehehehe ang dami pala nung pinag eedit mo :D hahahahaha ang ganda... :) gawin mo kayang collage din :)

    ReplyDelete
  2. nice pic pre.. pati yung title bagay =) jamming tayo pag-uwi ko jan. tgal na ako di nagpapatugtog.. share ko rin mga compo ko sa iyo..

    ReplyDelete
  3. ginaya ko lang title niyan pre from RATM's song. bumalik ka na dito sa 'Pinas para maka-gala-gala... miss ka na namin dito =).

    btw, hirap akong mag-bass talaga kasi sobrang kapal ng strings - at saka usually sinusundan ko lang yung nag-gi-gitara. =) basta, kaskas lang nang kaskas hanggang ma-gasgas...

    ReplyDelete
  4. olats din kasi ang pinag-gagawan ko ng collage, sa paint lang. eh ang lalaki ng pics kaya ang hirap. huling ginawa kong collage yata eh wallpaper ni Tim Hardaway, several years ago.

    ReplyDelete