Tuesday, May 12, 2009

finally.

noong Linggo, May 10, 2009, Mother’s Day – tanghali na akong nagising.  ibinili ko ng ice cream si Nanay bilang regalo sa araw na iyon, as well as nag-compose ng message at itinext ang pagbati ng Happy Mother’s Day sa mga kaibigan.  nang nasa bandang dulo na ako ng aking phonebook, nakita ko ang pangalan at number ni Ex-girlfriend (na itago na lang natin sa alyas na V.).  i decided na i-text siya para i-greet din ang Mommy niya, tutal ay ipinakilala naman na niya ako dati sa parents niya noong kami pa, at dahil mabuti naman ang naging pakikitungo nila sa akin dati.

Lunes, May 11, 2009, 11:08 AM – nakatanggap ako ng text mula kay V., and it read: “Hey tnx sa greeting khpon. ü Ngaun lng me ult ngkaload. Blated hapi mommy’s day dn k mama mu. ü i wil b mom soon n din. ü gud day!” i didn’t expect the reply pero i immediately replied: “glad to know about that. congratulations sa inyo ni (Name of Husband). God bless.”  afterwards, she replied: “Tnx!ü”

right there, it occurred to me na nakapag-move on na pala ako.  wala nang mga tanong-tanong, wala nang expectations pa ng anumang paliwanag, at wala nang luha-luha pa.  i felt happy for them at that moment, and thankful that they’d be soon having their little bundle of joy – yes, i know this might be a cliché, but clichés became clichés because they are true most of the time.  salamat, V., sa lahat-lahat – magmula sa masasayang tagpo hanggang doon sa masasaklap.  i loved you, and i never regretted meeting you, ever.

maraming salamat sa mga taong naging sandigan ko through all these rough times. 
mahal ko kayong lahat.

malaya na ako, sa wakas.

p.s. para sa aking future “sinta,” puwedeng-puwede mo na akong i-claim.  handa na akong maging iyo.

17 comments:

  1. naiyak ako... hugs!!!

    im happy for u... :) you deserve that freedom my dear :)

    ReplyDelete
  2. salamat, mahal. it took me more than two years, pero ayos lang.

    ReplyDelete
  3. siyempre naman, Papa Aga. *tsup* *ahhh*

    ReplyDelete
  4. maiksi na un mahal :D hihihi :D hahaha... ayoko na bilangin baka lumagpas na sa daliri sa isang kamay :D

    ReplyDelete
  5. ang tunay na lalaki ay hindi nat-trap sa traffic sa EDSA, if you know what i mean. hehe! ayus yan idol! congrats! aja! =P

    ReplyDelete
  6. nice...nasasaktan din pala ang mga lalaki at nagmomove on din...hehe...=)

    ReplyDelete
  7. siyempre naman, Jassy. hindi lang kami lahat nagsasabi. =O)

    ReplyDelete
  8. idol, di ko na-gets. o baka may nakalimutan lang ako, i don't know. haha =P

    ReplyDelete
  9. haha! kala ko alam mo na. ask the angels about "trapik sa EDSA", kanila nanggaling yung phrase na yun e. though actually ang sagot ay andito na din, nasabi na nila. basta ang clue, after what you wrote here, hindi ka na na-trapik. hehe!

    ReplyDelete
  10. ang tunay na lalaki, binubudburan na ng paminta ang katawan para may instant spice...

    congrats pre.

    ReplyDelete
  11. salamat pre. ang tunay na lalake, kayang i-portray pareho sina Mark Lapid at Leandro Baldemor - sa Sagada.

    ReplyDelete
  12. waah sabi ko na nga ba napakalalim mu kuya mic ramdam ko bawat tagay mu nun gabing yun hehe sabi nga ni kuya abet "wag madaliin ang alon, dadating din" hehe hanggang sa muling pagtagay kasangga mu aq kahit na saglit palang kitang nakainuman!:)

    ReplyDelete
  13. salamat, Eve. sige, tagay-tagay tayo sa susunod. =O)

    ReplyDelete