Wednesday, May 06, 2009

RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 1




tinatamad akong magsulat nito kasi medyo may hangover pa ako mula sa inuman kagabi. nahihirapan akong mag-isip, pero what the heck… ito ang pangalawang punta ko sa Sagada kasama ang ilang mga kaibigang nakilala ko sa RACE. tamang-tama at scheduled siya sa long weekend na kinabilangan ng Labor Day kung kaya’t welcome na welcome ang extended weekend na ito as a temporary break from the (spanky) rigors of my day job. sayang lang at hindi kami kumpleto – mas naging masaya siguro kung nagka-ganun – but still, this was a trip that “I won’t forget…”

natulog na lang ako kanina dahil sa sobrang sakit ng ulo. ngayon ay itutuloy ko na ang pagsusulat ko and hopefully matapos ko na ito.

as you read this, i have decided na mag-post na lang in sections kasi medyo dumadami na ang pictures. gusto kong magpasalamat sa mga sumusunod na tao dahil sa mga pictures na ni-grab ko at ni-repost sa album na ito: sina Abet, Ronnel, Joyce, Mon, Sally and Terence.

April 30, 2009, Huwebes: dapat sana ay tatambay na lang ako sa office hanggang 9:30 PM tutal ay 10:00 PM naman ang assembly time sa Florida Bus Terminal sa Lacson, kaya lang ay may unexpected na biglaang hapit na trabaho kaya alas-diyes na ako nakaalis ng opisina. salamat na lang sa ka-opisina/kaibigan kong si Vlad at naka-sabay ako sa kanya hanggang Lacson. pagdating ko sa terminal ay nakita ko agad si Ronnel at hinanap namin ang iba pang participants sa gitna ng napakaraming mga tao. nakita naman namin sila sa gilid ng terminal, sa tapat ng isang women’s dormitory. ang mga andun nang kakilala namin ay sina Joyce, ang birthday celebrant Idol Mon, Mei, Sally, Rachelle, Doni, Lanie, Grace, Jo, Terence, Thina, King Louie at Abet. andun din si pareng Ja-mes na ihinatid ang kanyang mga parents at kapatid na kasama sa tour na ito. so ang eksena habang naghihintay ay kwentuhang Farm Town, kulitan at konting friendly alaskahan – pinagtripan na naman ako ng mga “fans” ko as usual tungkol sa mga bagay-bagay na pwede nilang ipang-alaska sa akin. medyo nawindang pa itong si Ronnel dahil nawalan siya ng wallet at nahalata lang niya nang maka-order na siya sa Burger Machine – mabuti na lang at may nakakita ng wallet niya at isinauli sa kanya nang buo. pagdating ng aming bus ay nagsisakay na kami according sa seat plan na ginawa ni King Louie. katabi ko sa upuan si Idol Mon, sa likod namin si Abet, habang sa katapat na upuan sina King Louie at Ronnel. since medyo antok na ako ay sinubukan ko nang matulog habang si Mon ay naglalaro ng SmackDown vs. Raw kay Espie (ang kanyang PSP). habang nanonood ako kung paano ilampaso ni Mon si John Cena gamit si Edge para sa World Heavyweight Championship ay nagte-text ako sa ilang mga importanteng tao para ipaalam na nagbibiyahe na kami papuntang Sagada. matapos yun ay nagdasal na ako, pumikit at natulog.

May 1, 2009, Biyernes: madaling-araw pa lang ay naalimpungatan na ako sa pag-uusap ng mga tao tungkol sa pink na gwantes ni Meimei na parang kamay ng tuko ang hitsura kasi medyo mas mahaba ang daliri nila (ng gwantes) kaysa sa may suot. napasarap ang tulog ko hanggang sa puntong iyon ng biyahe, at nakunan na rin pala ako ng picture habang nasa kasagsagan ng paghihilik ko. anyway, sinubukan kong maidlip ulit dahil nasa Nueva Vizcaya pa lang naman kami. medyo maliwanag na nang makarating kami sa Ifugao, at natatandaan kong pinagkukunan ng picture ni Ronnel ang natutulog na si King habang ako naman ay nagpipigil ng pagtawa. pagdating sa Banaue terminal ay nagsibaba na kami ng bus at dumirestso sa mga sasakyan naming mga jeep, at biniro ang mga first-timers sa Banaue na mga 10 steps lang naman ang lalakbayin namin bago makarating sa Halfway Lodge na siyang naging suking kainan na ng RACE tours sa Banaue. medyo foggy ang kapaligiran nung umagang iyon kaya parang nakaka-antok pa rin ang pakiramdam, at pagdating sa Halfway Lodge ay medyo umaambon-ambon na. pagkababa ng mga gamit ay nag-almusal na kami, at ka-table ko sina Terence, Thina at Mon. shortly afterwards ay tumawag na si Mayor sa akin kung kaya’t kinausap ko na lang siya agad sa kanyang opisina.

matapos maikarga sa sasakyan ang aming mga gamit at packed lunch ay pumunta na kami sa Viewpoint sa pag-asang makunan ang rice terraces ng Banaue pero medyo makapal ang fog kaya’t tumambay-tambay na lang kami sa mga tindahan at nag-picture-picture habang sinasambit ang “yehey!” since medyo malabo nang mahawi ang ulap sa Viewpoint ay tumuloy na kami ng biyahe papuntang Sagada. doon kami nakasakay sa mas maliit na sasakyan kasama sina Abet, Terence, Thina, Doni, Lanie, Kay, Rachelle, Jo, Grace, Mon, Joyce, Sally at Mei. medyo maulan ang biyahe kung kaya’t dinaan na lang namin sa kwentuhan, tawanan at pag-idlip ang pagdaan sa malubak na kalsada patungo sa Sagada. first stopover namin ay sa Bay-yo viewdeck kung saan nag-unat-unat at nag-picture-picture ang mga tao habang pinagkukuwentuhan ang iconic na eksena nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa pelikulang “Sariwa” kung saan featured theme song ang That’s Why (You Go Away) ng Michael Learns To Rock. ang next stop namin ay ang Mt. Polis kung saan matatagpuan ang mala-Farm Town na mga taniman ng gulay at ang malaking estatwa ni Mama Mary. kumain kami ng lunch doon sa dati naming kinainan noong 2008 Banaue-Sagada tour – kumpara dati na maaliwalas at maaraw, this time naman ay maulan. since medyo limitado ang seating capacity ng venue ay napagpasyahan ng ilan sa amin na medyo magpahuli na lang kumain. okey lang maghintay kasi may green peas namang umikot courtesy of Lanie, at masarap naman ang packed lunch namin: fried chicken, buttered vegetables, kanin at Coke. matapos kumain ay nagsipag-CR lang kami to answer the call of nature (a.k.a. the call of Mayor) bago bumiyahe ulit patungong Sagada. nang umandar na ang aming sasakyan, inakala ko pang naiwanan ko ang aking cellphone dahil hindi ko siya makapa sa aking bulsa – yun naman pala ay nasa bulsa ng jacket ko siya nakalagay. kaya naman medyo alaskado pa ako sa mga kaibigang nakasama ko sa Caramoan last December kasi may similar incident doon kung saan may “nakaiwan” ng gamit pero hindi naman pala – na-maling akala lang. nagkaroon pa ng medyo nakakatawang kwentuhan ang tatlong dilag sa tapat ko (na itago na lang natin ang identities, unless gusto nilang mag-react dito at lumantad) tungkol sa kani-kanilang mga “kinabukasan”. matapos ang tagpong iyon ay kanya-kanya kaming idlip muna hanggang makarating ng Sagada, and since nasa dulo ako, hindi ako gaanong nahirapan sumandal sa sasakyan para makatulog.

nagising ako nang merong isang “noisy” na nagsalita at sinabing dumaan daw kami sa kweba. medyo marami na kaming naalimpungatan at that point kaya nag-resume ang mga kakulitang naputol ng aming pag-idlip. bandang hapon na kami nakarating at tumuloy sa Churya-a Inn (parang Korean ang dating nung pangalan kung ii-imagine ko si Jeon Ji-Hyun na binabanggit ang Churya-a nang may lambing sa dulo), at matapos maghakot ng kanya-kanyang gamit ay tumambay muna kami sa lobby. habang naghihintay kung handa na ang aming mga tutuluyang cottages ay nagpicture-taking muna sa may terrace ng Churya-a. nang i-announce na ni King ang unit assignments namin ay nagsituloy na kami sa aming mga lugar para mag-iwan at mag-ayos ng mga gamit. napansin kong medyo nabasa ang bag ko dahil sa hamog at ulan kung kaya’t inilatag ko muna ang mga nabasang gamit ko sa kama. bale pito kami sa aming bahay-bahayan: sina Ronnel, Mon, Abet, King Louie, ako, at sina Terence at Thina na nag-occupy sa loft habang kaming mga boys ay sa mga double deck sa ibaba pumuwesto. bago pa lang ang mga cottages namin, at maganda ang banyo na napansin ko agad, siyempre. napansin ko ring malamig ang sahig nang magpalit ako ng tsinelas na pambahay at ipinahinga muna ang bago kong sandals. matapos mag-ayos ng mga gamit ay lumabas muna kami para tumambay at mag-picture taking sa bakuran ng Churya-a. hindi gaanong nagtagal ay nagsisakay na kami sa aming sasakyan para pumunta sa kalye na katatagpuan ng Masferre Inn, Yoghurt House, iba’t ibang souvenir shops, at Lemon Pie House, to name a few. siyempre, nag-topload ako kasama sina Terence, Thina, Idol Mon, Joyce at Jo para mas adventurous ang maikling biyahe. matapos mag-park ang aming sasakyan ay gumala na kaming mga palaboys and palagirls at dumiretso sa Yoghurt House. ang good news this time ay may yoghurt silang available, unlike last year na naubusan kami. ang mga kasama ko doon ay sina Terence, Thina, Mon, Mei, Joyce, Sally, Ronnel, Kay, Rachelle, as well as the Gutierrez family: sina Sir Jess, Ma’am Bing at AC. makulay at masarap ang yoghurt na inorder namin – meron siyang strawberry preserve, banana at granola. first time kong makatikim ng yoghurt, at medyo cheesy pala ang lasa niya, kung kaya’t magandang compliment sa kanya yung granola, strawberry preserve at lalo na yung banana. siyempre hindi rin nawala ang picture-taking sa loob ng Yoghurt House lalo pa at dala ng mga maniniyut ang kani-kanilang mga “M-16” SLRs at kaming mga sibilyan ay dala ang aming mga “paltik” na point-and-shoot. nagustuhan ko yung monochrome picture series na kuha ni Sally sa loob ng Yoghurt House (na naka-post sa site ni Mei) dahil para kaming nasa lumang pelikulang black and white. basta, nagalingan talaga ako sa concept na naisip niya. after mag-picture taking sa harap ng Yoghurt House, nagyaya si Ronnel papuntang Lemon Pie House para mag-lemon pie at magkape. nga pala, sa kahabaan ng kalyeng iyon ay maraming tarpaulin ng Clear Shampoo kung saan featured celebrity endorser si Nicole Scherzinger (a.k.a. the lead pussycat sa Pussycat Dolls) – at mayroong isang babae na “feeling Nicole” sa eksenang ito – na itago na lang natin sa pangalang Meimei (hindi tunay na pangalan) to protect her identity. kahit yata ipainom namin sa kanya ang lahat ng kape sa Lemon Pie House ay hindi siya tatablan ng nerbiyos sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa pagkakahawig nila ni Nicole. anyway, nang malapit na kami doon ay napag-desisyunan naming mga adik na pagtaguan si Ronnel at tingnan kung gaano katagal bago niya mahalata na wala na kami sa likod niya. ang nangyari, tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa Lemon Pie House at parang kami pa ang na-gago niya, in effect. maganda sa loob ng Lemon Pie House, nakaka-relax at warm ang ambience ng lugar. doon kami pumuwesto sa may sofa sa bandang counter at nagkuwentuhan, nagtawanan, at nagkuhaan ng pictures habang ninanamnam nila ang lemon pie at kape, at ako naman ay nag-tubig lang dahil tinatamad na akong kumain. kakaiba nga pala ang kape ni Ronnel dahil kahit nilagyan na niya ito ng creamer ay lalo pa itong umitim na parang burak – although masarap naman daw ito at matapang. matapos magbayad ay naglakad na kami pabalik sa pinag-paradahan ng aming mga sasakyan. nakasalubong pa namin si King Louie na papuntang Lemon Pie House para kumain – mabuti na lang at may pinabalot silang lemon pie kung kaya’t hindi na kinailangan ni King bumili. nagpasya ding bumili ng alak para sa socials, at hindi ko alam kung ano ang nangyari dun sa mga bumili ng alak dahil nagkahiwalay pa sila ng landas. anyway, nagkita-kita pa rin naman sa sasakyan pagkatapos. pagkasakay namin sa sasakyan ay bumalik na kami sa Churya-a para mag-dinner.

ang dinner namin sa Churya-a ay ito: pritong bangus, kanin, talbos ng sayote, papaya at softdrinks. since hindi masyadong mahilig sa gulay ang mga ka-table kong sina Terence, Thina at Mon, eh di ako ang ginawa nilang official “kuneho” at ipinakain sa akin ang talbos ng sayote – buti na lang at may patis kaya nagkalasa siya kahit papaano. masarap at mataba yung bangus nila, in fairness, kung kaya’t oks pa rin ang dinner – salamat din sa hagod ng Sprite. matapos ang hapunan ay dumiretso kami sa mga bahay-bahay para mag-sipilyo, maligo, mag-ayos ng gamit, at maghanda para sa socials/inuman. mabuti at pinahiram kami ng management ng Churya-a ng mga mesa at silya para sa aming aktibidades nung gabing iyon. siyempre, kanya-kanya na ring labas ng chichirya at pika-pika ang mga tao para may pambara sa alak – Fundador ang una naming tinagay-tagay at hinagod ng Coke, pero napalitan ito ng Lang-ay sa bandang kalagitnaan ng bote. masarap ang Lang-ay ng Sagada, medyo nag-aagawan ang tamis at asim niya kaya eksakto lang ang hagod. medyo mga nag-halimaw (term ito ni Mon, hindi ko “sinave as”) ang mga tao sa tagay kung kaya’t nakarami din kami sa Lang-ay – madami rin kasing humugot ng pera at nag-sponsor, myself included, hehehe. tamang-antok lang naman ang epekto niya dahil hindi rin naman kami masyadong humataw kasi medyo physically-demanding ang itinerary namin kinabukasan. nawalan pa ng tubig sa banyo, pero nasolusyunan naman ito kaagad. pagpasok sa bahay, inakala kong may tao pa sa banyo kung kaya’t humiga muna ako sa kama at naghintay. mamaya-maya lang ay nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan.

14 comments:

  1. hanep sa kwento! Masydong detalyado... Hehe wala ka pang memory gab no? Galing parang andun dn ako s scene na tinulugan k kyo. Hahaha

    ReplyDelete
  2. Kasama kayo ulit lahat?! Inggit ako.. Gusto ko...

    ReplyDelete
  3. Ayos sa captions, nakaka aliw.. =)

    ReplyDelete
  4. mahal!!! kamay kong maliit yan, ndi nga kayang sakupin e :P hahahahaha :D

    ReplyDelete
  5. nakiliti nga ako diyan eh, kaya ako napa-tawa.

    ReplyDelete
  6. memo plus gold... walang kupas! panalo ka pa din idol. hehe!

    ReplyDelete
  7. uulitin ko. wala akong sinabing kamukha ko si nicole. sabi ko, AKO si nicole. :p

    ReplyDelete
  8. uulitin ko rin: isa kang pa-fall... baby! =O))

    ReplyDelete
  9. oonga!!! pero ndi pa tayo papaya triad nyan :D

    ReplyDelete
  10. eh ano kayo, Tito Aga's Angels? =O))>

    ReplyDelete