May 2, 2009, Sabado: nagising ako nang madaling-araw na at hawak ko pa rin ang aking toothbrush at toothpaste. natawa na lang ako sa sarili ko at sinikap na lang matulog ulit. maginaw na umaga ang sumalubong sa amin, kung kaya’t medyo nakakatamad pang bumangon. dumiretso ako sa banyo nang makaramdam ng “call of Mayor” at habang nakaupo ako sa trono ay biglang namatay ang ilaw sa CR. inisip ko kung nag-brownout ba o may naka-sagi lang ng switch ng ilaw. ganunpaman, nag-concentrate na lang ako sa pagtae at nag-toothbrush na din pagkatapos. it turned out na si Thina pala ang naka-sagi sa switch ng ilaw sa banyo. shortly afterwards ay nag-almusal na ang lahat at naghanda ng gamit para sa trek papuntang Bomod-ok Falls.
medyo mahaba ang trek papuntang Bomod-ok, pero kinaya naman namin dahil nakakapag-pace at nakakapahinga nang maayos every now and then. okey din kasi kahit matindi ang sikat ng araw ay malamig pa rin ang hangin kaya hindi ka masyadong matatagtag. siyempre, paano ka ba naman mapapagod kung mga kasing-kulit at kasing-saya nina Ronnel at Joyce ang kasama mo? hindi rin nawala ang sangkatutak na picture-taking habang nagte-trek kung kaya’t talagang enjoy kami papuntang Bomod-ok. pagdating namin doon ay napakaraming tao, kaya’t umakyat na lang kami sa malaking bato nina Thina, King at Mon at tumambay doon habang nanonood sa mga taong nagpi-picture taking, nagpi-picnic, at nag-e-enjoy sa Bomod-ok Falls. tinamad na akong lumapit sa falls kung kaya’t nakuntento na lang ako sa pagtambay sa ibabaw ng malaking bato at magbantay ng mga gamit, tutal maganda rin naman ang tanawin mula doon – nag-photoshoot sila doon sa may batuhan ng mga pang-calendar at jump shot pics. maganda ang Bomod-ok Falls, at iba rin ang dating niya kumpara sa Tapyah or Mag-Aso – but i have such great memories sa tatlo, that i’d visit them again in a heartbeat. after a group pic sa may batuhan, we started to trek back para makapag-lunch na. although medyo tumitigil-tigil kami every now and then to give way sa mga papunta pa lang sa falls, parang ang bilis pa rin naming nakabalik – i guess magandang motivation ang buffet lunch, hehehe. along the way back ay may picture-picture taking pa rin courtesy of Abet, Sally and Ronnel – friends, salamat ha? =O) pagkabalik sa mga sasakyan, topload gang na naman kami nina Terence, Thina, Mon, Joyce and Jo on the way to Masferre Inn. kahit tanghali na ay presko at malamig pa rin ang hangin kaya’t tanggal ang pagod namin sa pag-trek. pagdating sa Masferre ay nakapag-hilamos at nakapaghugas ako ng kamay bago kami mag-lunch. masarap ang pagkain namin: chicken with lemon sauce, chop suey, beef steak, and soup – and as usual, ka-table ko sina Terence, Thina and Mon. medyo na-cut short ang aking lunch dahil may biglang tumawag sa akin, kung kaya’t hindi ko na rin kinain ang dessert kong fruit salad. anyway, we were able to rest and hang out a bit at nakapag-pictorial din ako pagkahiram ko ng pink na gwantes ni Mei – oo, ang tunay na lalaki ay nagpapa-picture na suot ang pink na gwantes, hahaha! mga 2:30 PM ay umalis na kami patungong Sumaguing Cave.
pagdating sa Sumaguing ay in-orient kami ng aming tour guides tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa paglalakbay sa kweba – and the bottomline was, bawal ang pasaway. sinamahan nila kami sa pagbaba sa cave at inalalayan sa pamamagitan ng pag-ilaw at pag-gabay sa daan. ang mga kasabay ko sa pagbaba ay sina Rachelle, Mon, Thina and Terence. since second-timer na ako (hindi two-timer, ha?) sa Sumaguing ay medyo pamilyar na ako sa terrain, although kumpara last time ay parang mas madulas ang mga bato at mas malamig ang tubig sa loob. just the same ay maingat pa rin ako sa paglalakad at inalalayan din ang kaibigang first-timer whenever i could. i still had my share of slips and ankle twists, pero okey lang at nakaya ang spelunking kahit papaano. it’s quite funny kasi last year, i was almost unscathed when i went through Sumaguing (except for a big Mang Kepweng splash somewhere in the “maze” inside), but this time i had my share of memorable slips – na-shoot ako dun sa mapanghing pool doon sa may mga lubid na daanan at tumama ang aking big toe sa madulas na bato. masakit siya pero mas natawa ako sa sarili ko kaya okey lang. by this time ay ramdam ko na ang lamig ng tubig dahil feeling ko ay naninigas na ang lahat ng taba ko sa katawan, in addition to the foggy breathing na napapanood ko lang sa mga Koreanovelas dati. talagang worth it ang lahat ng mga dulas at tapilok dahil pagka may picture taking eh parang ang bibilis ng reaction time ng mga tao. so ayun, for the second time ay na-survive ko ang Sumaguing Cave at kahit madumi at basa ay masaya naman ako. since malapit na ang hapunan ay binigyan kami ng dalawang options ni King Louie: 1) bumalik sa Churya-a para mag-wash up; or 2) gumala-gala na lang near Masferre until dinner time. siyempre ay sumama ako sa mga kapwa ko mga dugyot at adik sa pag-gala-gala. habang nasa itaas kami ng sasakyan ng mga usual suspects ay napunta sa wrestling ang pagkukulitan nina Mon at Joyce kung saan sabi ni Joyce na i-e-STFU daw niya si Mon – so to illustrate how it is done properly, sinabi ko kay Joyce kung paano siya ina-apply at kung anong body parts ang nai-i-stretch ng submission move na iyon, the difference between an STF (Step-over Toehold Facelock) and an STS (Step-over Toehold Sleeper), as well as ang effects niya if applied properly – that you’d either tap out or pass out, depending on your choice. anyway, bumalik kami sa Lemon Pie House para mag-chillax, mag-kape, at kumain ng pie, as well as mag-order ng ite-take home na pies kinabukasan. since hindi pa naman ako nakakatikim ng pies nila, i decided na mag-order ng isang buong lemon pie at isang buong egg pie para masubukan din ng aking family ang sarap ng Sagada pies. for this time ay nag-tubig na lang ulit ako dahil nga malapit na rin ang dinnertime, habang sila ay nagkakape, kumakain ng pie, at nagpi-picture taking. since kailangan nang bayaran ang mga advanced orders kinabukasan ay tumulong na lang akong mangolekta ng bayad sa mga tao gamit ang listahang ginawa namin. matapos magbayad at mabigyan ng sukli ang lahat, inihabilin ni Manang ang claim slip kay Ronnel para madaanan namin ang order kinabukasan nang mga 11:00 AM. pagkatapos ay naglakad na kami papuntang Masferre para mag-dinner. pagdating doon ay medyo napangiti ako nang makita ko ang malaking dispenser na puno ng iced tea – paborito ko kasi yun eh. mamaya-maya lang ay inihain na ang hapunan namin: tinadtad na inihaw na liempo, dambuhalang pritong isda na may kakaibang sauce, pinakbet at manggang hinog. WOW, as in nag-halimaw talaga ako sa isda, liempo at pinakbet sa sobrang sarap – at panalo pa yung matamis na suka na sawsawan ng liempo na halos ipang-sabaw namin sa kanin sa sobrang sarap. at panalo talaga ang hagod ng manggang hinog at iced tea – nakakatanggal ng pagod. after dinner ay diniscuss ni King Louie ang itinerary kinabukasan and shortly afterwards ay bumalik na kami sa Churya-a para mag-wash up at mag-prepare para sa wasakan, este, para sa socials pala =O).
may pila sa aming banyo kaya naghintay na lang muna ako bago ako makaligo. nag-set up na lang muna kami ng puwestong maiinuman sa labas ng aming mga bahay-bahay habang nagihihintay, sabay labas ng mga “baon”. meron ding “special show” si Papa Abet na suot ang kanyang mahiwagang kapa, kung kaya’t solb ang mga kababaihan sa kanyang exhibit A. matapos ang mga nauna sa akin ay nakaligo na ako sa wakas. masarap ang bagsak ng mainit-init na tubig sa katawan ko pagligo ko sa banyo, kaya medyo tinagalan ko ang shower time dahil malagkit ang katawan ko sa mga pinag-gagawa namin maghapon. yung naunang naligo sa akin, na-ground pa doon sa heater kahit alam na niyang may na-ground na doon dati. ang gago, di ba? anyway, paglabas ko ay naka-puwesto na sa long table ang mga tao para sa socials at ang drink of choice nung mga oras na iyon ay Lang-ay pa rin, pero nakapila na rin ang natirang Fundador noong nakaraang gabi pati na yung lambanog na dinala ko. maginaw ang gabi kaya nag-jacket pa ako kahit makapal na ang taba ko sa katawan. mabuti rin at nagtayo ng tolda sina King at Abet para kung saka-sakaling umambon eh okey lang – medyo may mangilan-ngilan nga lang nabiktima at sumabit dun sa isang tali na sumusuporta dun sa tolda. sa kabuuan ay masaya ang socials dahil ang kukulit ng mga ka-inuman, at dahil halos lahat kami ay sinubuan ni Sally ng iba’t ibang klase ng pulutan at pinainom ng Happy Horse Beer. nagmistulang taping ng sitcom / lesson sa iba’t ibang parte ng isda ang eksena nung gabing iyon. sabihin na lang natin na kung ang utak ng isda ay napunta kay Ronnel, yung hasang naman ay napunta sa akin – di ba, Teacher Sally? kulang na lang yata ay nagpe-play sa background ang kantang “Wasak Na Wasak” ng Radioactive Sago Project habang maya’t maya ay kinakanta namin ang “That’s Why (You Go Away)” ng Michael Learns To Rock na bahagi nga ng iconic na eksena nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa pelikulang “Sariwa” kung saan sinambit ni Priscilla ang imortal na linyang: “Pwede naman nating nakawin ang ligaya.” [I won’t forget the way you’re kissing… The feelings so strong were lasting for so long… And I’m not the man your heart is missing… That’s why you go away I know…] – hahaha! adik to the max ba? anyways, nauna na rin yung iba sa amin na magpahinga while nagligpit-ligpit kami ng mga kalat. inalalayan din namin ang mga dapat alalayang mga kaibigan na medyo napagod at napatawag ng uwak pagkatapos socials – at mabuti naman at medyo nakapahinga rin sila after our getting-to-know-you activity. sa pagkakatanda ko (please correct me if I’m wrong), kami-kami nina Joyce, Ronnel, Mon, King Louie, Mei, Kay, Rachelle, Doni and Abet ang natira upang ituloy ang inuman at kwentuhan session. dito ay naglista na ako ng mga “noisy” kasi nga medyo kanina pa kami makukulit at maiingay. narito ang official tally ng mga points ng mga taong maiingay nung gabing iyon: Joyce Cairo, 80 pts.; Mei Alday, 65 pts.; Ronnel Go, 55 pts.; Louie Manalansan, 40 pts.; Mon Lagula, 35 pts.; Doni BaƱez, 35 pts.; at Abet Lagula, 15 pts. aminado ako na lasing na rin ako nung mga oras na iyon kaya medyo makulit at maingay na rin ako – at natatandaan ko rin na may dalawang magkasunod na tagay na kung saan ang pangalawa ay dinedicate ko sa isang tao, ini-straight at ibinagsak ang shot glass sa mesa. wala lang, longing / yearning ko lang dun sa isang tao nung gabing iyon – my way of remembering her without being pretentious / showbiz about it. after naming maubos ang alak ay nagsitulog na kami sa kanya-kanya naming mga bahay. i have to admit na malupit ang sipa nung magkahalong alak at beer sa ulo ko, pero itinulog ko na lang sa gitna ng matinding lamig.
No comments:
Post a Comment