Tuesday, November 18, 2008

pagdapo

pagdapo

a little backgrounder on this one: this piece was written on the morning of October 16, 2008 – or the first day of the RACE Negros Occidental tour. as i checked-in quite early sa airport, i decided to write something in my notebook just to see if i had anything left in me. i managed to cough up a few words before i decided to shelf the piece for a while, so that i could continue it later at the hotel or wherever. i hadn’t slept since the night before, so my head was quite fucked up, i.e., super ngarag pa rin hanggang paglapag namin sa Negros Occ. after namin manggaling sa Balay Negrense Heritage House, nagpasya ang grupo na mag-breakfast sa isang malapit na kainan. habang hinihintay ang kani-kanilang orders, nagsi-idlip muna ang ilan sa amin, including myself. pagkagising, wala pa rin ang mga orders nila. since hindi naman ako nag-order ng almusal, i decided to continue with the piece at tingnan kung saan ako makakarating. ipinabasa ko ito pagkatapos kay Lanie at siya rin ang nag-suggest na i-publish ko ito during a YM chat some time ago.

naisipan ko lang siya ng pamagat kaninang umaga, by the way. here it is…


pagdapo

wala pang tulog maghapon, magdamag.
wala pa rin sila – mukhang napa-aga ako.
masakit ang ulo, malamig ang paa.
naka-cowboy hat sa gitna ng wala.

patuloy ang galaw ng mga langaw
habang
pataas ang araw,

mistulang nagsasagupaang balaraw.

tatagos sa laman mo na parang pagbutas ng hikaw,
sing-talim ng sikat ng araw.

ang mga titig nila,
tutugisin at papatayin ka
tulad ng balang ligaw.

mulat ka na ngunit puyat,
mata mo’y sing-hapdi ng sugat,
ng ginayat na balat.

tinanong ka ng katabi mo,
ano ang iyong sinusulat?

naisip ko: ano nga ba?

marahil puro matatalim na sibat
gawa ng matinding puyat…

8 comments:

  1. hihihihi galing...

    naaliw ako sa mga rhyming words :D

    ReplyDelete
  2. salamat. ngarag talaga ako niyan - kung matatandaan mo, puro kami tulog sa table namin nina Donnie, Terence, Lanie, etc. - as in paggising ko, pawisan pa ako. buti walang nagreklamo sa paghihilik ko, hehe... ;)

    ReplyDelete
  3. subukan naman natin kapag lasing...naalala ko poet nga rin pala si Alex A. :p

    ReplyDelete
  4. astig! si idol hindi lang pang theater, pwedeng-pwede din sa literature. talentado! idol, pa-kiss! hehehe! (seriously though, nice work, nice choice of rhyming words) =P

    ReplyDelete
  5. galing galing!! :) next time tatanungin ulit kita kung ano sinusulat mo :P

    ReplyDelete