the following entry appears exactly how i wrote it in the notebook (yesterday, 2 November 2008, at about 1:30 in the afternoon). read on…
about the title: the first part was a text message from Cher, explaining the real meaning of the word “Undas” – na kapag binaligtad mo nga naman, reads “sad, ‘nu?” the second part will tell you how a spontaneous invitation ended up as an unforgettable night.
as i write this, dalawang pusa sa kapitbahay ang nagse-sex at naririnig ko ang mga ungol nila mula dito sa kwarto ko sa basement (mang-inggit daw ba? mga hayup kayo!). pasensiya na at hindi ako makapag-concentrate dahil sa ingay nila, kaya hihintayin ko na lang silang matapos. ayan, tumahimik na sila…
last November 1, a Saturday afternoon, nagising ako from my afternoon nap dahil “tumawag si mayor.” so, kahit antok pa ako ay wala akong magawa kundi makipag-meeting sa kanya. pagbalik ko sa kwarto para matulog ulit sana, nakatanggap ako ng text message galing kay Joyce, nangangamusta. sinabi ko naman na okey lang ako, yun nga’t kagagaling lang sa meeting kay mayor kung saan nag-away kami dahil sa kinain kong adobong pusit at pancit canton bago matulog. sinabihan ako ni Joyce na pumunta na ng Makati noong mga sandaling yun. after a couple of exchanges sa text kung saan tinanong ko kung saan exactly sa Makati ako pupunta at kung ano ba ang meron, bigla namang nag-text itong si Cher at sinabing ‘wag na raw akong marami pang tanong at sumunod na lang. sabi ko na nga ba at may kasabwat eh =). siyempre, umeksena na naman itong si mayor at tumawag na naman, so nakipag-meeting muna ulit ako bago ako magbihis at umalis ng bahay.
medyo nahirapan akong makasakay ng taxi dahil Sabado nga, so nung makasakay na ako, pinadaan ko na lang sa C-5 si manong. nagpa-gas pa siya along C-5 at ‘saktong nag-text naman si Cher at si idol Mon. mabuti at hindi sumabog ang taxi habang nagpapa-gas – eh di ba nga, dapat naka-off yung cellphones habang nasa gas station kasi delikado? anyway, naisip ko na kasama rin si idol Mon nina Cher at Joyce kasi magkasunod lang ang text messages nila sa akin. since nasa Guadalupe pa lang kami ni manong driver, medyo humataw na siya ng pagmamaneho – at least, hindi na niya hinihimas ang hita ko tuwing kuma-kambyo siya.
pagdating ko sa Glorietta 4, nag-text na ako kay Joyce. Nasa Starbucks daw sila, so umakyat ako sa 2nd floor at nagtanong sa guard kung saan ang Starbucks – meron daw sa itaas at meron din daw sa ibaba. so, palibhasa’y di ko kabisado ang G4, umakyat ako sa 3rd floor at nag-text kay Joyce na hindi ko makita ang Starbucks (eh yun pala’y nasa 4th floor yun). eh sinabi niya na ‘wag na lang daw akong gagalaw at pupuntahan nila ako – siyempre, gumalaw naman ako at pumunta sa may escalator para madali nila akong makita, di ba? nagtaka lang ako kasi medyo ang tagal bago ko sila makita. maya-maya lang eh lumapit na si Cher sa akin at tinanong kung bakit di ko raw sinasagot ang telepono ko. siyempre, kung sasagot pa ako nung sandaling yun ay magmumukha na akong gago, so, ngumiti na lang ako. nang puntahan namin si Joyce, laking gulat ko nang makita kong kasama nila si Jhen – eh akala ko nga, si idol Mon ang kasama nilang dalawa, pero di naman ako nagrereklamo, nagulat lang talaga (o, ayan, GULAT!). so, humanap na muna kami ng pwesto na pwedeng kainan and then, nagsi-order na sila ng kani-kanilang dinner. hindi na muna ako kumain kasi busog pa naman ako, at saka baka nga tumawag na naman si mayor.
habang kumakain silang tatlo, napagkasunduan na manonood kami ng sine, City of Ember, to be exact. tinawagan din nila si Donnie at tinext si idol Mon kung sakaling pwede silang humabol, tutal, past 8 naman ang next screening. ang bad news, eh mukhang hindi sila pwede that night. sayang, the more, the many-er pa naman sana. Pinanood ko na lang kumain ang tatlong dilag habang nagku-kwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano – nag-steak-soup-gravy & rice sina Jhen at Cher, habang si Joyce naman ay nag-pasta ang chicken. para akong nanood ng commercial ng Nutroplex kasi ganado silang kumain, natuwa akong pagmasdan sila habang nagdi-dinner nung mga sandaling yun.
matapos kumain, umakyat na kaming apat para makapag-“pahangin” sa balcony at bumili ng tickets sa City of Ember. i had no idea sa plot nung movie, but i thought to myself na baka maganda naman, di ba? ay, nga pala, napag-usapan din pala namin yung movie na “My Only Ü” habang kumakain – wala lang, eh kasi nabanggit ko lang na mahilig din ako sa mga ganung klaseng movie na may halong ka-jolog-an pero at the same time, maganda naman ang story. it turned out na showing na rin pala ang “My Only Ü” sa katabing cinema ng “City of Ember” – hehe, ang cute, di ba? anyway, matapos magpa-inspect ng mga gamit, nakapasok na kami sa cinema. nakapagsimula na ang movie nang maka-upo kaming apat, so we proceeded sa panonood. nagandahan ako sa story nung movie – akala ko nga, post-apocalyptic yung setting pero hindi pala – kasi na-bilib ako dun sa dalawang protagonists at sa paraan ng pag-discover nila dun sa daan papalabas ng underground city na kinabibilangan nila. natuwa din ako sa quirks nina Poppy at Sul kasi parang comic relief sa mga tense at pressure-laden na situations sa pelikula. at ang isa pang matindi, eh nandito pa si mayor sa pelikulang ‘to (played by Bill Murray) – isang corrupt na character na nagpapanggap lang na mabuti. napag-tanto ko rin na marahil ay na-influence din ng generic na “pinoy action movies” ang writer at director nito, masdan na lang ninyo ang ilang mga eksena ‘pag pinanood ninyo itong pelikulang ‘to.
matapos ang movie, may isang screening pa pala, so lumabas muna kaming apat para makapag-yosi at water break ang mga girls at para na rin makabili ng coffee si Joyce. pagbalik naming apat sa sinehan, trailers pa lang ang pinapalabas, so lumabas muna sina Jhen and Cher para bumili ng potato chips. napag-kwentuhan naman namin ni Joyce yung hinayupak na impaktitong si Toshio ng “The Grudge” habang palabas ang trailer ng isa pang nakakatakot na pelikula. medyo mahaba siguro ang pila sa bilihan ng chips kaya nakapag-simula na ulit ang pelikula pagpasok nina Jhen at Cher – pero in fairness, mas maagang eksena ang inabutan nila kesa sa unang pagpasok namin kanina. after nung ibang eksena na napanood namin in the previous screening, lumabas na kami ng sinehan para makapaglaro sa Timezone. Victory Lap ang pinagdiskitahan naming laruin, at nakaka-addict pala yun. siyempre, halos every time ay 4th placer ako sa aming apat – at least hindi ako 5th, di ba? ang palaging una ay si Jhen, usually 2nd si Cher at 3rd si Joyce, kaya kung abutan ko man sila sa racetrack ay binabangga ko na lang ang mga puwet ng mga sasakyan nila. naka-tsamba rin naman ako ng 3rd at 2nd place nang tig-2 beses kaya di naman ako forever kulelat sa kanilang tatlo – kahit papaano ay nakapalag din naman ako. although talagang napaka-gugulang mag-drive nina Cher at lalo na itong si Jhen, okey lang naman kasi sport lang kaming apat pagkatapos – wala namang nagka-pikunan na nagsabunutan, kalmutan, nag-ahitan ng kilay, o nagsakalan ‘pag natatalo. medyo malaki rin ang nagastos ng mga “adik” sa Victory Lap nung gabing iyon, at sana naman ay maulit ang “VL Nights” sa marami pang pagkakataon – seryoso ako dito ha?
matapos kaming maghasik ng ingay at lagim sa Timezone, napagkatuwaan naming mag-pictorial sa labas ng sinehan, at siyempre si Sky ang isa sa mga bida rito. hindi rin namin pinalampas ang poster ng “My Only Ü” dahil pinilit nila akong mag-pose sa tabi ni Toni Gonzaga – actually, nagpa-pilit naman talaga ako, kaya quits lang. ang kasunod na location ay ang corridor papunta ng CR, kung saan pang-FHM ang mga pose nina Cher, Jhen at Joyce. siyempre, ipinagmalaki ko rin ang mala-Dick Israel kong katawan sa photoshoot na ito – at hindi ko alam kung natuwa ba silang tatlo sa kahayupang ipinamalas ko sa harap ni Sky, o natawa sa katabaan ko. either way, super-enjoy kaming apat sa mga pinag-gagagawa namin – good luck na lang kung may CCTV dun sa corridor, di ba? halos sarado na ang buong G4 ay nagpi-pictorial pa rin kami, to the point na nagtatakutan pa habang pababa ng escalator dahil halos lights out na sa 4th floor – at hulaan ninyo kung sino ang babaeng paulit-ulit na tumatawag ng: “Robellejoyce…” na feel na feel ang undas sa kanyang boses (clue: basahin ang pamagat at ang “about the title” paragraph ng post na ito). siyempre, hanggang sa escalator ay may kanya-kanyang pose kami – para ngang impiyerno ang dating ng mood ng ilan sa mga escalator shots na yun kasi nga madilim na sa itaas, tapos yung talbog pa ng ilaw sa steps, basta ang galing. bago lumabas, pinagdiskitahan din namin ang mga nananahimik na pumpkins sa may lobby at in-incorporate din sila sa aming artsy-fartsy na pictorial. nang makalabas na kami sa wakas, eh mukhang napabuntong-hininga si manong guard dahil naisipan nang umuwi ng mga pasaway na mallrats (a.k.a. kaming apat – the Glorietta Four).
after a couple of more pictures taken sa labas ng G4, naglakad na kaming apat patungong EDSA para makasakay si Joyce ng bus pauwi. nag-Coke muna si Cher sandali at tumuloy na kaming apat pa-EDSA. nakasakay naman agad si Joyce, so naghanap kaming tatlo nina Jhen at Cher ng taxi. una naming isinakay ng taxi si Jhen tapos naglakad pa kami nang konti ni Cher para mag-abang ng taxi niya. matapos sumakay ng taxi ni Cher at mag-goodnight ay naka-sakay naman ako kaagad ng taxi pauwi sa amin. habang nasa C-5 ang taxing sinasakyan ko, isa-isa silang nag-text para sabihing nasa kani-kanilang bahay na sila. nagpasalamat din sila for a great night. hindi nila alam na napasaya din nila ang gabi ko just as napasaya ko ang gabi nila (hopefully). pagdating ko sa bahay, nagbihis ako at nag-text agad sa kanila, thanking them for that wonderful Saturday night. sana nga ay maulit-ulit pa ang mga pagkakataong ito. i truly had a great time, Jhen, Cher and Joyce – at sana napasaya ko rin kayo kahit papaano – para hindi naman laging “sad, ‘nu?” =o)
p.s. all images were from Cher's album. again, thanks ladies for a great Saturday night. =o)
di totoo yan. wag nagpapaniwala...
ReplyDeleteteka tuloy ko muna pagbabasa.
nyak, di ba namin nasabi na kasama namin si Jhen? churi..
ReplyDeleteoo naman.. i'm glad nakasama ka. i really needed a good laugh. and salamat dahil nabigay nyo saken yon that day!!! sa uulitin!!! =)
ReplyDeleteteka, nalimutan mo ang usapang "Star City" habang nagdi-dinner. hehehe
ReplyDeleteay, oo nga pala 'no? churi po. =)
ReplyDeletetsk...tsk... kelan ba ang star city na yan? friday? mukhang hindi ata kami makakasama na naman a. =(
ReplyDeletehehe otey lang!!!
ReplyDeletebtw, nalimutan ko sabihin. humahagikgik ako while reading your entry. sobrang nakakatuwa. salamat sa ngiti mic!!!
at VHAKEEEETTTTT???????
ReplyDeletekonti na lang pera ko, di na rin ako pwede... =(
ReplyDeleteay potah.
ReplyDeletebahala kayo!!!
wag ka na mainis, mga bills lang kasi kaya medyo hapit na sa datung. bawi na lang next time, iipon...
ReplyDeleteayheytchu!!!
ReplyDeletekami po ay may "lakad" e... pwede bang the week after na lang? haha!
ReplyDeletesige kahit kelan.. EK tayo next time!!! mami-miss lang kita.
ReplyDeleteteta teta, ala ung pic nyo ni cher!!! panalo un a!!!
ReplyDeletepati ung pic nung dalawa ni jhen :D hehehhe
tawa ako ng tawa habang binbasa ko :D hihihihi...
at ang panggrigrill ke ramon mon hamon!!! =)
ReplyDeletesobrang saya nung saturday... :) buti naman at sumunod ka kahit biglaan :) di tulad ni hamon! hmpf!
ReplyDeleteyung pic namin ni Cher, di ko na isinama - tutal, sikat na eh - 28 comments na. =)
ReplyDeleteyung pic with Jhen, kinopya ko na lang. =)
salamat sa pag-yaya ninyo sa akin. although di ko rin mapa-promise na makakasama ako everytime - alam mo na, pera at oras pa rin ang problema.
ReplyDeletemagaling yung pagka-pana mo dun sa series naming tatlo. grabe, bow ako. =D
ReplyDeletesobrang sikat un!!! controversial ever...
ReplyDeletesa susunod mas maraming ganun ha!!! :) heheheheh
di pala karen to.. nagkamali ako. hahaha
ReplyDeletepart-time karen lang siguro, at most.
ReplyDeleteahhhhhhh hmmmmmm hoookey...
ReplyDeletenakupo... napasama ka sa mga ultimate karen....
ReplyDeletepambihira, gisahin daw ba ako? hindi naman ako nag-confirm in the first place. hahaha!
ReplyDelete