Tuesday, November 04, 2008

RACE Negros Occidental Tour Day 3




bago ang lahat, yung ibang mga pics sa album na ito ay hango sa mga albums nina Lanie, Jhen, Cher, Marlon and Joana, Tin, Terence and Thina. i reposted some of your shared photos dito para mas kumpleto ang pagkukuwento, kaya salamat po nang marami sa inyong lahat.

ito ang pangatlong araw ng aming Negros Occidental tour ng mga tropa sa RACE. memorable ang almusal to start the day kasi pagbaba namin sa lobby ng hotel eh halos ubos na ang singangag, adobong manok at soup. mabuti na lang at nagluto ulit ang staff ng hotel ng panibagong batch ng mga nabanggit na pagkain. for the second straight day, nagpaluto ako ng dalawang itlog na sunny side up bilang katambal ng sinangag with sabaw ng adobo at chinop-chop na fried sausage. nakasabay ko sa mesa sina Marlon, Joana, Lyza, Jhen at Lanie – at pati ang bagong batch ng adobong manok ay dumiretso sa aming hapag kaya worth it naman ang paghihintay. in fairness, sabaw pa lang nung adobo eh panalo na, kaya ang sarap ng almu-chow na yun. of course, pagkatapos kumain ay tumawag na naman si mayor, kaya dali-dali akong umakyat para makapag-meeting kami. there was nothing much to do during that morning except tumambay-tambay sa kwarto sa hotel o di kaya ay mangulit ng mga tao sa ibang kwarto.

sinamahan ko si King sa labas ng hotel para makabili ng yosi at gamot. una kaming napadaan sa sine-set-up na stage sa may plaza para sa parada, at nakahanap ng sigarilyo sa malapit na grocery store. bumili na si King ng supply ng yosi para sa buong maghapon para wala nang hassle. matapos bumili si*****yo, dumiretso si King sa kalapit na botika para bumili ng droga – OO, DROGA!!! – pero yung legal na droga naman ang sinasabi ko. habang hinihintay si King sa labas ng botika ay naisipan kong kunan ng ilang larawan ang ginagawang entablado, at nang tapos na si King sa pagbili ng gamot, kinunan ko siya ng “candid” at ng “staged” na larawan sa may stage. siyempre, much later ko na lang napansin na may tindahan pala ng Mister Donut sa may stage – sige na, magsitawa na yung mga may alam nung istorya ko, pero hindi ko sinadya yun – para lang kasing palaging meron sa tabi-tabi kung kelan hindi mo na iniisip, magpapakita bigla… anyway, kalimutan na natin yung detalyeng yun – masaya ako dito, remember?

pagbalik sa hotel, may inayos lang ako sandali sa mga gamit ko at dumiretso ako sa kwarto nina Terence kung saan andun din sina Lanie, Donnie, Jhen at siyempre, si Thina. naki-tambay lang ako dun para magpalipas-oras, habang hinihintay din namin si King. may konting picture-taking pang naganap, at salamat kay Lanie sa dalawang headshot pics kong kinunan niya (siyempre, isang disente at isang malaswa). muntik pa ngang ma-aksidente si Lanie kasi nang kukunan niya kaming apat (Terence, Jhen, Donnie at ako) ng picture, tumayo siya sa kama at sumandal sa pader. may gulong kasi ang kama kaya nag-slide ito nang sumandal siya, so nawalan siya ng balanse – mabuti na lang at mabait si Lord at inalalayan siya sa kanyang pagka-tumba. medyo kinabahan kami sa tagpong iyon, sa totoo lang. being the consummate professional that she is, pinana pa rin kaming apat ni Lanie after regrouping and recovering her poise. nag-hintayan lang ang mga tao sa lobby ng hotel pagkatapos ay nag-harutan, nag-photo-ops, nagtawanan, at nagsilabas na para dumiskarte ng kani-kanilang lunch – kasi nga, “do your own thing” ang diskarte sa araw na ito.

we proceeded sa Chinky’s para kumain, although nag-tubig lang ako kasi busog pa naman ako, at saka ayaw kong tumawag si mayor habang nasa parade ako. habang hinihintay ang kani-kanilang mga orders, papitik-pitik na lang ako ng pictures sa loob ng Chinky’s at nagpapaypay-paypay sa mga naiinitan. matapos mag-lunch sa Chinky’s, naglakad-lakad na kami papunta sa dadaanan ng parade. kung maisa-summarize mo sa isang salita ang mga pinaggagawa namin lahat sa Masskara parade, eto na yun: PASAWAY – with a capital “P” and a capital “Y” – kasi kanya-kanyang sugod, kanya-kanyang pwesto para kumuha ng picture, kanya-kanyang pwesto para magpakuha ng picture, at kanya-kanyang hatak ng parade dancers (hala, lagot!). kaya ang nangyari, ang daming parade dancers ang napagalitan dahil hinatak sila ng mga makukulit na turista =(. kaya hayun, puro kami in and out sa gitna ng parada na parang sina heckel and jeckel na nakikipag-patintero sa mga kalaban nilang bulldog, pusa, et cetera. since hindi ko naman hangad na sumipat ng mga art shot or postcard-worthy photos, i just went ahead and shot anything and everything in sight – usually sila-sila na mga kasama ko ang hinahagip ko sa camera, at kung anumang mag-unfold na sayawan o formation ng mga dancers, tinitira ko na rin. anyway, medyo nakakapagod kasi kasagsagan ng sikat ng araw nung hapon, pero mabuti na rin yun kesa naman umulan, di ba? nakakatuwa kasing panoorin ang mga pasaway (oo, kasama din ako dun), halata mong mga dayo talaga sa mga pinagkikilos. matapos ang napakahabang pictorial, naghintayan at nag-regroup ang tropa sa may Dunkin’ Donuts (hindi sa Mister Donut, ha?) para makabawi ng hininga at siyempre, para kumain ng munchkins na treat nina Lanie at Lyza. shortly afterwards, nagsibalik na kami sa hotel para magpahinga nang konti.

dapat sana ay maliligo ako bago umidlip nung hapong iyon, pero na-engganyo akong panoorin ang isang Tagalized na pelikula sa CinemaOne nung mga sandaling iyon. batay sa physical features ng mga bida, napag-tanto ko na Asian film iyon – at malamang na Vietnamese film yun kasi nabanggit ang Saigon at saka yung pangalan ng bidang babae was Thuy, a common Vietnamese name. nalaman ko lang the week after na ang pamagat ng pelikulang iyon ay “Long Legged Beauty” at critically-acclaimed pa pala siya. nagandahan ako kasi love story siya, love story na believable, i.e., posibleng mangyari sa isang ordinaryong tao. basta yung story was about a girl na galing probinsiya na lumuwas at tumira sa bahay ng ate niya sa city. she met the love of her life sa city, isang aspiring photographer na nung una ay pinag-kukukunan lang siya ng pictures, tapos ay nakumbinsi na siyang mag-model-model. tapos naging sila, pero nagkaroon ng mga problema, etc. hindi na ako naka-ligo dahil bumalik sa hotel si King at inaya na kami ni Donnie sa may plaza para uminom. hindi ko na rin natapos ang pelikula, pero sana makahanap ako ng kopya niya in the future para mapanood ko siya nang buo – kasi nga, ma-drama na yung part nung plot nang lumabas kaming tatlo para mag-beer at mag-seafoods.

sa ipinasarang kalye lang ang mga ihaw-ihaw, kainan at mga puwesto na mapapag-inuman. pumuwesto muna ako sa mesa namin habang sinundo ni King sina Abet at Sir Roy sa kabilang kalye. grabe, pinapanood ko pa lang ang pag-iihaw at pagluluto ay nagugutom na ako. pagbalik nina King, Abet at Sir Roy, nagpaluto na si King ng scallops at pusit kay manang. at sa suggestion na rin ni Sir Roy, sinubukan din namin ang century shells – isang uri din ng scallop na doon lang sa Bacolod matatagpuan – dahil masarap din daw iyong pulutan (at mura pa siya, to boot). habang dinidiligan namin ng San Mig Light ang mga lalamunan namin ay nagsusumiklab ang kalan sa mga ipinalutong pulutan, at nangangamoy ang mga pinabukang shells sa ihawan – maaamoy mo ang simoy ng dagat, literally. masarap ang pagkakaluto ng scallops, ginisa in some oyster sauce, sibuyas at konting sili, habang ang pusit naman ay tinadtad at inadobo kasama ang tinta. ang century shells ay inihaw lang hanggang sa bumuka, at saka nilagyan ng konting butter – ang sarap niya, grabe! as in malalasahan mo yung freshness nung scallop na lasang dagat at imagine mo na na-fuse yun sa lasa ng butter – putsa, kung wala akong pera at makakita ako ng century shells dito sa Manila, eh malamang na ipambayad ko ang katawan ko para lang matikman yun ulit – promise. during this time ay nagpunta pala sa may Cathedral sina Lanie, Donnie, Cher, Jhen, Lyza, Joana at Marlon para mag-photoshoot. i decided to stay at our table at makipag-kwentuhan habang nag-iinuman at namumulutan, habang hinihintay ang iba pa naming mga kasama. bago sila magsidating ay nag-settle na ng bill si King para panibagong order naman kasabay ng mga magdi-dinner naming kasama. ayun, tuloy-tuloy ang pag-kain, pag-inom at pagkukuwentuhan namin sa hapag-kainan, habang pa-picture-picture taking here and there ng mga maniniyut. napagkatuwaan pa namin ni King na maglagay ng tinta ng pusit sa mga ngipin namin at magpakuha ng picture bilang mga opisyales ng Forever Tiya Pusit Fans Club, Bacolod Chapter. may tugtugan nga rin pala sa kalapit na stage, mga reggae-influenced rock ang banatan ng mga banda – notable cover songs na narinig ko ay “Love Song” (originally by The Cure, pero 311 version ang binanatan) at “Diwata” (by Indio I) – ang galing, pare. basta yun, kwentu-kwentuhan lang kaming lahat, tawanan, picture-an, habang nilalasap ang gabing yun.

matapos mag-settle ng bill, bumalik na kami sa hotel to meet up with the rest of the participants at saka dumiretso sa Calea para mag-kape, mag-cake, at magkwentuhan pa ulit. pagdating dun, medyo parang “fish out of water” ako kasi nga, di naman ako coffee person (kulay-coffee lang ang kutis pero di mahilig sa kape) at saka di na rin ako nag-cake kasi nga nakapag-beer na ako – kung magca-cake pa ako ay malamang na tumawag si mayor, and i wouldn’t want that, would i? anyway, pa-tingin-tingin lang ako sa paligid, kwentu-kwentuhan on the side, nagpa-picture-picture, inom-inom ng tubig and all that, hanggang sa umuwi na rin kami sa hotel. pagdating sa kwarto, nag-ayos lang ako ng ilang mga gamit ko at saka naligo nang medyo matagal sa banyo. dun na lang ako bumawi at nagpa-masahe sa mainit na tubig sa shower para at least mapawi ang pagod ko sa maghapong pag-laboy. habang nasa shower, naisip ko na parang ang bilis din ng oras – kasi, as quickly as that, tapos na ang pangatlong araw ng four-day vacation ko. pero di ba nga sabi nila, time flies when you’re having fun? so, batay sa premise na yun, there was no doubt na nag-eenjoy nga ako sa bakasyong ito. paglabas ko ng banyo, naghihilik na ang mga roommates ko. ang sarap ng pakiramdam ng aircon sa balat ko, panalo talaga. paglapat ng katawan ko sa kama, nagdasal ako at nagpasalamat sa Kanya para sa mga nakaraang araw at sa tuwang nadarama ko. shortly afterwards ay inantok na ako at nakatulog nang mahimbing.

15 comments:

  1. at napapaisip si shelly kung anong nangyayari. hehe

    ReplyDelete
  2. JHEN ang gnda natin!!! :)

    thanks mic :)

    ReplyDelete
  3. daliri, banderitas at kotseng green!?

    ReplyDelete
  4. natatawa ako sa mga pics :D hahahhaa

    ReplyDelete
  5. grabe... naalala ko nanaman kung gano tayo kapasaway nung parade!!! :D hihihi

    nakakaaliw na nacapture mo ung iba ibang angle ng mga kaganapan sa likod ng mga pictures sa parade :D Hihihihi

    ReplyDelete
  6. basta ang pilosopiya ko diyan eh "para lang akong si Jayvee Gayoso - tira lang nang tira." - hahaha! =))

    ReplyDelete
  7. ang naisip kong premyo, "Vic Sotto kiss" - yun eh kung okey lang sa inyo. ;)

    ReplyDelete