got this from Abet, Jhen and Mon, kaya sumulat din ako ng sa akin.
Rule: List all the names you were called by and the people who calls you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they've been tagged.
Christian - elementary at high school classmates
Be/Kuya Be (pronounced "Beh" as in "belat!") - mga kapatid ko, pag nasa bahay at kami-kami lang ang nagkukuwentuhan; mga pinsan ko din sa mother side, ito ang tawag sa akin.
Mike - tawag sa akin ng mga kaibigan, both old and new - mula college days hanggang sa kasalukuyan. ito rin ang tawag ng nanay ko sa akin simula nang tulian na ako.
Brother Mike - bihira na itong gamitin eh, dahil college days pa ito nung 2nd year ROTC kung di ako nagkakamali. basta, gamit ito ng mga kakilalang ka-kulitan ko. last time kong na-recall na ginamit ito was at a YM conference ng Club 202 boys and girls (alam na nila kung sino sila), si Abet ang tumawag sa akin nito nang tanungin nung ibang users kung sino ba yung "lintek na user na yan."
linteknapartyboyjapanyan - yahoo id, halaw sa "Party Boy Japan" skit ni Chris Pontius sa "Jackass The Movie"
lambanogpusher - multiply and youtube id ko, recent lang ito, 2007-2008 lang.
Ninong Mike - tawag sa akin ng mga pamangkin ko, sina Alyanna and Gelo
Christian Michael/Hoy, Magaling na Lalake - tawag sa akin ng nanay ko nung bata pa ako, tuwing may ginagawa akong katarantaduhan.
Dude/Man/Pare - yung mga coño/sosi friends ko - yung mga nakasama ko sa "extreme camping." eto, pang-kulit-kulitan lang. =)
Mark Lapid/Mike Lapid - recently lang ito, this year lang. minsan, ito ang tawag sa akin nung mga nakapanood na ng mga "Saging Lang Ang May Puso" gags namin sa mga tours ng R.A.C.E. parang si Dhang yata ang unang tumawag sa akin ng "Mike Lapid," if i remember correctly. pang-alter-ego/hero worship lang po ito. =))
Idol - tawag sa 'kin ni Idol Mon, utol ni Abet
Mic (pronounced "Mike" din) - usually pag close friend na kita, ganito ang spelling mo sa nickname ko. pero kahit bagong friend pa lang, kung magaan naman ang loob ko sa taong yun, i let them spell my name that way. =) nag-originate ang spelling na ito sa classmate ko nung high school/barkada ko nung college na si Bits.
Mic (pronounced "Mick" naman) - si Pepper, friend ko nung high school hanggang ngayon
Tom/Entoms/Tommy/Toma - bihira din gamitin ang mga ito, high school days pa ito. this is based on my surname.
Sodomike - may samahan kami nung mga kaibigan ko nung college, na tinaguriang "UP Perverticons" (a play on the Transformers' the Decepticons), also known as the Pervert Icons (pagka-graduate na ito). isa ako sa mga kasapi ng "samahang manyakis" na ito, at Sodomike ang alyas ko. ang iba pang mga kasapi ay sina Ejacula (Ajel), Scrotomus Prime (Francis), Analex or Anal-X (Alex), Archienupa (Archie), Blowjude (Jude) at Dandy-licious Dakotangogan (Dandy).
bakla/bading/lolah/halachina/sadik/Thom Filicia - generic na tawagan namin ng mga kaibigan kong sina Ajel, Archie, Alex, Kiko, at Francis. si Thom Filicia (a.k.a. the Design Doctor) ay yung isa sa Fab Five ng Queer Eye for the Straight Guy, at yun ang alter-ego ko pag naglalandian kami nina Ajel (Carson Kressley, the Fashion Savant), Archie (Ted Allen, Food and Wine Connoisseur), Kiko (Jai Rodriguez, Culture Vulture) at Alex (Kyan Douglas, Grooming Guru).
Mikey - yung isang boss ko at yung ibang ka-opisina ko. minsan, naiirita ako pag ito ang tawag sa akin, kasi kadalasan, may kasama itong utos/sermon o both.
Mickey - variation ng "Mikey", gamit din ng ibang officemates. minsan, gamit din ni Amy, friend ko nung college hanggang ngayon
Michael - yung elder sister ng nanay ko/tita ko, si Mama Tita at ang asawa niyang si Papa Walter ang tumatawag sa akin nang ganito.
Pinggot/Enggot - tawag sa akin nina Mama Tita at Papa Walter nung bata pa ako, at minsan, nadudulas pa rin sila sa pagtawag sa akin nang ganito hanggang ngayon.
Baybs (pronounced similar to "vibes") - nung bata pa ako, ito ang tawag sa akin ni Tita Tes, asawa ng Tito Bogs ko na siya namang nakababatang kapatid ng nanay ko
Tantan/Tan - mga kapitbahay, at mga kalaro ko nung bata pa hanggang maging teenager. ito rin ang tawag sa akin ng mga tito, tita at pinsan ko sa father side nung totoy pa ako.
Piglet - ito yung tawagan namin ng officemate/friend kong si Mear, pero katuwaan lang, walang ibang kahulugan.
Bear - ito ang tawag sa akin nung dati kong prinsesa. medyo ma-dramang alalahanin ito. =( [more info on this sa OGL entry ko, na di ko pa alam kung kelan ko matatapos]
yeah, naalala ko nga yung Sodomike...at ang Happy Christians :p
ReplyDeletegrabe, ang tagal na rin pala 'no?
ReplyDeletePiglet and Bear.. panalo =)
ReplyDeleteBear - ito ang tawag sa akin nung dati kong prinsesa. medyo ma-dramang alalahanin ito. =( [more info on this sa OGL entry ko, na di ko pa alam kung kelan ko matatapos]
ReplyDeleteyun... yun eh
Bear - ito ang tawag sa akin nung dati kong prinsesa. medyo ma-dramang alalahanin ito. =( [more info on this sa OGL entry ko, na di ko pa alam kung kelan ko matatapos]
ReplyDeleteyun!!!!!!!! yun eh....sbi na nga mya tinatago eh
patay, reminiscing. alam ba ni thina yan? hahaha!
ReplyDeletewala ako magagawa if ayaw ipaalam eh!!!! Di ba Bear?
ReplyDeletetama ba namang i-double team ako? =))
ReplyDeletehayaan ninyo mga sisterettes, kapag natapos ko na ang nobela ay ipo-post ko agad. dun pa lang ako sa masayang parte eh. to be written pa ang melodramatic at mala-Cheaters na ending...
haylabyu bear! hehehe!
ReplyDeletesabi ko nga nga ba't may itinatago ka rin eh! =))
ReplyDeletendi a.... nabigla lang ako e. hahaha!
ReplyDelete