ito ang unang araw ng isang napakasayang bakasyon kasama ang mga tropa sa RACE. roll call: King Louie, Abet, Donnie, Lanie (alyas Sally May), Sheldon, Terence and Thina, Marlon and Joana, Lyza, Jhen, Cher, Joyce, Tin, Sarah at siyempre, ang unofficial mascot - ako. halos puro tao lang ang pinagkukunan ko dito, dahil mahilig akong kumuha ng pictures ng tao, at ang iba naman sa kanila ay game na game magpakuha ng pictures kaya sige lang nang sige hanggang maubos ang baterya. ang mga larawang ito ay kuha gamit si Tik, ang camerang paltik...
ang mga pinuntahan namin: Balay Negrense Heritage House (Silay City) at Talisay Ruins (siyempre sa Talisay City). nag-lunch kami sa Chicken Deli sa Bacolod City, at panalo ang ulam naming chicken inasal (na may chicken oil pang kasama), sinigang na baboy, sisig at kare-kare. after the post-lunch kwentuhan at masahe sessions, check-in na ang grupo sa Sylvia Manor upang makapag-pahinga muna. salamat din sa complimentary drinks at konting photo-ops sa lobby na naka-bawas ng aming pagod.
bandang alas-4, bumalik kami sa Ruins para sa karagdagan pang photo-ops. habang papunta kami ay umulan nang medyo malakas pero sa kabutihang-palad naman ay tumigil na pagdating namin doon. kasama rin pala sina Maymee, JM and Rolly sa paniniyut noong gabing yun hanggang sa dinner sa L'Sea (panalo talaga ang Chinese Food: fried rice, beef with oyster sauce, fried chicken, soup, chopsuey, pancit canton at meron pang hot tea).
afterwards, may cake blowout pa sila sa Calea (maraming salamat po sa masarap na cakes) sa gitna ng masayang kuwentuhan at paglalagay ko ng icing sa ngipin ko para patawanin sina Terence at Thina sa kabilang dulo ng mesa. habang nandoon ay inililista ko sa notebook ang mga "noisy" katulad nina Lanie, King, Sheldon, Jhen, Terence at Thina. at this point ay tinatamad na akong gamitin ang aking "paltik" na camera kasi busog na ako at saka na-reset na ang settings niya (lima lang naman kasi ang settings nun eh: auto flash, without flash, with flash, on at off). besides, mas enjoy mag-lista ng mga noisy - yung mga binanggit ko kanina ay ang "mythical selection" ng mga noisy boys and girls, with Thina and Lanie being the highest pointers with 15 and 14 points, respectively. leading nga si Lanie most of the way kasi bukod sa maingay na, ang hilig pang umangal - pero lumamang si Thina kasi pinag-aasar niya ako kaya pinag-initan ko siya bilang ganti (belat!). marami pang natira sa Calea cakes kaya may take-home pa tuloy pabalik ng hotel.
not too much activity pagbalik sa hotel kasi ngarag ako sa puyat. nag-shower lang ako nang matagal-tagal sa banyo para presko ang pakiramdam, pagkatapos ay nanood ng tv hanggang sa makatulog.
***********************************************
nga pala, yung mga handcrafted sculptures sa Balay Negrense ay gawa ni Ian Valladarez. along with Edsie Sazon, may mga gawa din silang souvenir items katulad ng necklaces, keychains at marami pang iba. ang contact # nila ay ito: 09065118126
weee nag-post na!!!!
ReplyDeleteparang may hawig na ganitong kuha si donnie saken sa ilocos. hehe
ReplyDeletesayo pala kame nakatingin nito. hehehe
ReplyDeletewafu fafa abet!!!
ReplyDeletepa nenok!!!!!! =D
ReplyDeletewhat a fun trip! =) teka, pang ilang day ang Masskara?
ReplyDeletemike, parang lomo ang camera mo. tama ba? may film effect eh :) ang saya nang pics mo. hehe.
ReplyDelete"siyempre, dapat si Jhens may kuha..."
ReplyDeletesabi ko na e...walang kawala :p
hanep... hindi pa kumpleto natatawa na ako dito habang natingin :) ;) hehehehehe
ReplyDeletemark... este mic pala :D hihhihi
Yun, kaya pala ang di agad nag-post... may write-up pala, hahaha. I remember yung "noisy list", kasabay nun yung "delete" ni Lanie! :D
ReplyDeleteasteeg ka talaga mag post ng album... parang komiks...
ReplyDeleteclassic example ng "kapag maganda ang pinapana, maganda ang resulta." =)
ReplyDeletegrab lang po nang grab. =)
ReplyDeletehi, Pi. ang Masskara parade was on the third day (Saturday) of our tour. kami ang mga pasaway dun sa parada, as in pasok nang pasok kung saan-saan.
ReplyDeleteop kors. =)
ReplyDeletehi Joyce. i had a great time dahil ang sasaya ninyong kasama - never a dull moment. btw, naki-grab na rin pala ako ng mga pics sa albums ninyo, kaya salamat din po. =)
ReplyDeletekahit maraming "noisy", sobrang enjoy naman. ginawan ko na ng write-up dito pa lang kasi di ko rin alam kung kailan ako makakasulat ng full-blown account, if ever. at least may summary ako ng bawat araw, di ba?
ReplyDeletewahaha mic! now ko lang nakita caption... yiheee!
ReplyDeletehaha eto pala yun
ReplyDeleteoo nga. me isa pakong nakitang pic na kinunan tayo from the side. di ko maremember kung kaninong album na yun sa dami haha
ReplyDeletepero regardless, thank you sa lahat ng mga nagpanaan :D (nahihilo na naman ako!)
katakot nga sya
ReplyDeleteuy, Rolly, salamat nga pala ulit dun sa pics na kuha mo, napa-gwapo mo ako. as for the lomo-ish approach, ganun lang siguro talaga ako - tira lang nang tira hangga't may battery pa. at saka minsan pag may naiisip na concept, tinitira ko na lang. although i would describe it best as papitik-pitik picture-taking with a bit of storytelling, ayun.
ReplyDeletedi ba nga, sabi nila na "a picture is worth a thousand words."?
ReplyDeletesalamat sa papuri, i am very humbled by it, pare. =)
uy art shot ng siko! gusto ko to mic. walang biro :)
ReplyDeletehehe, salamat po =). if i remember correctly, si Donnie ito.
ReplyDeleteuy si thina ung pinaka noisy :)
ReplyDeleteeh kaya nga isinulat kong: "leading nga si Lanie most of the way kasi bukod sa maingay na, ang hilig pang umangal - pero lumamang si Thina kasi pinag-aasar niya ako kaya pinag-initan ko siya bilang ganti (belat!)."
ReplyDeletedi ba?
tsk.. tsk..(habang umiiling).. kaya pala hindi masyado nakapag-"offline" session si Lanie and Donnie.. meron bantay =) hehe
ReplyDeletehehehe. tama. clap! clap! clap! bilib ako sa makwentong photos kasi. :)
ReplyDeleteastig to pre... syempre ako ung model. weheh
ReplyDeletekaya naging art shot ito pre, nasa pinapana, 'ika nga ni master. =)
ReplyDeletenaks pre.. salamat :) hehe. you had me at "art shot" wehehe ;) haha
ReplyDelete