as the title suggests, this is my second time na magpunta sa Batad Village sa Banaue, Ifugao. yung first time was slightly over a year ago, kung saan nakilala ko sina Josiah, Terence, Thina and Marjan. this was supposed to be a reunion of sorts kaya lang ay wala sina Josiah and Marjan at hindi nakasama sina Jhen at Doni dahil may sakit si Jhen at nasa abroad pa si Doni at the time of this tour. whereas sampu lang kami last time, mas kaunti pa kami this time: King Louie, Abet, Mon, ako, Terence, Thina, at sina Joyce at Kay. as usual, hapit na naman ang work week na iyon – it always seems na every time may lakad ako eh kailangan ko munang bugbugin ang katawan at utak ko bago ako makalaya nang panandalian. after having dinner, hinanda ko na ang mga gamit ko para makapunta na sa Florida Bus Terminal. pagdating doon ay inabutan ko sina King Louie, Abet, Mon, Joyce at Kay na nagkukuwentuhan. mas maaga ang call time na ni-set ni King this time kaysa sa departure time ng bus compared dun sa nakaraang Sagada trip kung kaya’t kahit medyo late ako eh marami pang time para maghintay. habang nagkukulitan kami sa may gilid ng kalapit na ladies’ dorm ay dumating na rin si Terence at Thina. so ayun, kwentuhan lang kami habang hinihintay ang bus, at pagdating ng takdang oras ay nagsisakay na kami. wala namang masyadong maraming kwentuhan habang nasa bus na, so after kong i-ayos ang aking mga gamit ay nag-text lang ako kay Nanay, nagdasal at sinubukan ko nang matulog sa gitna ng maginaw na aircon. nagising ako nang mga ilang beses sa pag-stopover at sa pag-uusap-usap ng mga tao pero di na ako bumaba ng bus para mag-stretch ng katawan dahil mas malakas ang hatak ng naka-recline na upuan. kahit most of the way ay naka-hilata ako, parang di pa rin ako nakatulog nang maayos kasi parang paputol-putol ang idlip ko.
pagdating sa Banaue nung umaga kinabukasan ay mukhang maganda ang panahon. matapos ang panandaliang pagtigil sa may Hall of Justice ng Banaue ay dumiretso kami sa Viewpoint para makapag-picture taking – ang malas na lang siguro ni Kay kung umulan pa bigla, di ba? ayun, masaya naman ang pictorial kasi maganda ang sikat ng Haring Araw at saka kami pa lang ang mga tao dun kasi pati yung tindahan ng souvenirs ay pa-bukas pa lang. nakakita ako ng magandang sangkalan na gawa sa kahoy kaya bumili ako ng isa, at mukhang magandang klase dahil mabigat siya – yun bang tipong pag ihinataw sa ulo mo at tinamaan ka, eh mga tatlong araw kang tulog. bumili rin ako ng mga coin purse para pasalubong, at yung malalaki ang pinili ko. kumuha-kuha din ako ng mga picture sa tabi-tabi, at na-tripan ko yung native scooter na korteng kabayo as well as yung native conga drums nila doon sa tindahan. matapos ang picture-picture sa Viewpoint ay pumunta na kami sa suking Halfway Lodge para mag-almusal. masarap as usual ang pagkain, scrambled egg, hotdog at ang walang-kamatayang berdeng saging. nga pala, ang “tanong ng bayan” sa tour na ito ay: “Kung ikaw ay isang prutas, anong prutas ka at bakit?” – basta ako, sinabi kong saging ako dahil ako ay may puso. bahala na kayong alamin ang mga sagot nila, hahaha… matapos ang kaunting pahinga at pakikipag-meeting kay Mayor, bumili kami ni Abet ng dalawang kwatro kantos na Ginebra, Nestea iced tea at iba pang mga “essentials” sa kalapit na tindahan. pagbalik sa Halfway Lodge ay naghintay lang kami nang sandali bago bumiyahe patungo sa Batad Saddle. medyo mas nahirapan umakyat ang sasakyan namin kumpara nung isang taon kasi may mga bahagi ng daan na mas malubak at mas mabato. ganunpaman, narating pa rin namin ang saddle nang medyo tangha-tanghali na. matapos ang saglit na pahinga at konting pag-aayos ng mga gamit ay naglakad na kami pababa ng saddle. doon kami dumaan sa mas maikli ngunit mas matarik na daan – na dinaanan naming mga kabilang sa “first batch” last year. whereas last year ay bandang hapon na kami bumaba ng Batad, this time ay lunchtime kami pumunta. ang isang napansin ko ay para bang ang bilis ng trek namin this time compared to last year’s. sabi ni Abet ay ganun daw talaga kapag bumalik ka na – parang mas madali na nang kaunti kasi medyo familiar na sa iyo yung dadaanan mo. pakiramdam ko nga eh inilapit nung mga tao ang mga waiting sheds para hindi kami mahirapan masyado. para talaga akong niloloko ng katawan at isipan ko dahil hindi ako hiningal masyado sa pagbaba naming iyon – kaya pakiramdam ko ay malilintikan ako sa pag-akyat namin pabalik kinabukasan. ganunpaman ay natutuwa ako dahil sa pagbalik naming iyon – na itinuring kong panandaliang kalayaan mula sa toxicity ng aking trabaho. kumpara last year, dalawang beses lang akong natapilok this time, although matinding tapilok yung dalawan iyon na gumulong talaga ang maga sakong ko – at nangyari ang unang tapilok habang sinasabi ko sa sarili kong mas maganda yung traction ng bago kong sandals. mabilis naming narating ang karatula ng Batad Pension and Restaurant, na ibig sabihin ay malapit na kami sa aming tutuluyang bahay. tanaw namin mula doon ang saddle, at namangha ako na nalakad na pala namin ang ganun kalawak na distansiya sa limitadong oras lang. shortly afterwards, natapilok ako sa pangalawang pagkakataon nang malapit na kami sa aming patutunguhan. napalingon pa si Thina dahil sa pagtunog ng paa ko, nakakatakot daw, hahaha! nang makarating na kami sa Batad Tourist Information Center ay nag-register kami doon, nagpahinga nang kapiraso at nagpa-picture bago magpatuloy ng paglalakad patungong Batad Pension and Restaurant. napadaan kami sa Batad Elementary School at sa mangilan-ngilang mga hagdan bago namin marating ang aming tutuluyan.
pagka-baba namin ng aming mga gamit ay nagpahinga muna kami, at nakahiram kami ng gitara kaya naglibang-libang muna kami doon sa veranda / dining area. medyo traydor ang katawan ko kasi dito na ako nakaramdam ng konting pagod / pananakit ng katawan – nagmistulang pa-asa lang pala yung kanina. ang ganda rin naman ng aming timing kasi mamaya-maya lang ay bumuhos na ang ulan. painom-inom lang muna ako ng tubig habang nagre-relax at nagpapatuyo ng pawis. naki-kape na rin ako habang hinihintay namin ang aming tanghalian. mamaya-maya ay ipinasok ko na ang bag ko sa kwarto at inayos ang mga gamit ko sa kama. panalo ang tsibog namin nung tanghaling yun: sinigang na baboy at chicken curry na inihain sa tig-apat na mangkok – na sa dami ng serving ay solb na ang dalawang tao sa isang mangkok pa lang. siyempre, nabawasan ang pagod dahil sa sarap ng kinain namin, kahit ba medyo pumapalag pa yung sinigang na baboy habang nginunguya mo siya. matapos ang lunch ay naka-goli na rin ako sa wakas, at ang sarap ng pakiramdam kahit maginaw. matapos iyon ay jam-jam lang kami nina King at Abet tapos mamaya-maya lang ay sumama na rin si Terence at maging si Kay ay nandun din at kinuhanan pa nga kami ng ilang pictures. ilan sa mga sinubukan naming mga kanta ay Patience (Guns N’ Roses), Runaway Train (Soul Asylum), Every Breath You Take (The Police), at With or Without You (U2). kung hindi ako nag-gigitara ay nagpe-percussion ek-ek lang ako sa mesa o kaya’y sa gitara mismo as back-up kina Abet at King – at masaya naman kasi may makapal pa silang songbook doon na pwedeng hiramin ng mga guests tulad namin, kung kaya’t madaming kantang pwedeng i-cover. medyo inantok lang ako nung bandang hapon na kung kaya’t bumalik na muna ako sa kwarto para matulog. di ko namalayan kung gaano ako katagal nakatulog, pero mahigit isang oras din siguro yun kasi medyo takipsilim na nung bumangon ako. paglabas ko ng kwarto ay wala sina Abet, King, Terence at Kay kung kaya’t dinampot ko na lang yung isang gitara at tumugtog sa isang sulok ng dining area. mamaya-maya ay lumabas ng kwarto si Joyce at umupo malapit dun sa isang long table. natatandaan ko na para kaming nagka-kanya-kanyang moment dito – nagyoyosi si Joyce habang ako naman ay tumutugtog ng isang kantang komposisyon namin ng best friend kong si Alex. ewan ko, pero parang down ang mood ko nung mga sandaling iyon – ang dami ko rin kasing iniisip – mga ‘sino’, ‘ano’, ‘kailan’, ‘bakit’, at ‘paano’… kaya idinaan ko na lang sa pagtugtog ang aking mga personal dilemma, kaysa naman mag-drugs ako o kaya’y magpa-sagasa sa rumaragasang pison. madilim na nang bumalik sina King, Abet at Kay mula sa paglilibot sa labas. mamaya-maya ay nag-set up na rin sina King at Abet ng mga gamit para makapagluto na ng hapunan. nagbantay-bantay na lang kami nina Kay, Mon at Thina sa sinaing at adobong pinainit ni King habang sila naman ni Abet ay nagluto ng fried chicken at soup sa kusina sa ibaba ng bahay. solb na solb kami as usual sa napakasarap na hapunang iyon. matapos mailigpit ang mga gamit ay inilabas na ang itatagay na Ginebra pati ang mga kukutkuting chichirya. nagpaluto din kami ng pizza para may dagdag na pulutan, pero bago yun ay umaatikabong kulitan at tawanan muna ang nangyari sa kwarto nina Kay at Joyce kung saan andun lahat ng mga “noisy” boys and girls – palibahasa kasi ay walang “authority figure” na a la Mamita na sasaway sa amin kaya parang mental hospital doon sa loob. as in kulang na lang talaga eh mag-rolyo ng diyaryo si Abet at paghahatawin kaming lahat para magsitahimik. di nagtagal ay sinimulan na rin namin ang inuman at ako ang nagsilbing tanggero sa unang bote ng kwatro kantos, na binalanse namin ang tapang sa pamamagitan ng iced tea na walang ice pero swabe pa rin. habang umiikot ang tagay ay nilalasap namin ang sarap ng pizza, chichirya at tugtugan nina Abet at King. parang song of the night ang With or Without You dahil kinanta muli namin siya habang gin-a-jamming ang Ginebra at Nestea. sari-saring mga kakulitan at kwentuhan ang shinare namin nung gabing iyon, and during the course of that session, somehow ay nauwi din sa medyo seryosong usapan, i.e., nai-share ko yung mga ka-dramahan ko sa aking ex, pati ang hinayupak na screwjob na naganap sa aming nakaraan (alam na nyo kung sinu-sino kayong nakinig, kaya maraming salamat ulit). detoxification in the midst of intoxication ang naganap, basically – at nakakagaan din talaga siya ng loob especially kapag nai-share mo sa mga kaibigan. at mas naiintindihan / nakikilala mo rin sila kapag nag-share din sila sa iyo ng mga personal na kwentong pag-ibig nila, or kahit anong kwento pa. okay naman ang aming session sa pangkalahatan, except dun sa eksenang umentra si “Mr. Eight Hours” – i leave it at that kasi hindi naman siya importante para pag-aksayahan ko pa ng espasyo dito. matapos maubos ang alak at magligpit, nagsipag-toothbrush na kami bago matulog. nauna na ako sa kwarto kasi inaantok na rin talaga ako, kaya pagkaayos ng ilang gamit para kinabukasan ay humiga na ako sa kama at nagdasal. hindi rin nagtagal at nakatulog na ako.
kinabukasan, paggising ko ay dumiretso ako sa dining area para tumambay at makipag-kwentuhan. yun din ang nagmistulang unang episode ng morning show na “Good Morning, Mr. Philippines” – hehehe, joke lang po =O). masarap ulit ang almusal courtesy of the King: pritong dilis, itlog, adobo, at tocino, which brings us to the quote of that weekend: nagtanong si Girl J ng “Chicken yan?” na sinagot naman ni Girl K ng “Tocino!” – yun na! tumigil ng 2 seconds ang utak ko, promise – pero napatawa kaming lahat dun, at naging instant classic siya. katunayan niyan ay ginamit pa itong album title ng isa sa kanilang dalawa =O). matapos ang almusal ay pahinga muna nang kaunti, nag-CR, naghanda ng mga gamit at nagharutan muna kami at nag-picture taking bago mag-trek papuntang Tappiyah Falls. sabi ni King ay susunod daw siya sa amin, pero magluluto daw muna ng lunch namin – basta, tipong ganun. since medyo bandang ibaba na yung tinuluyan namin, medyo mas maikli na ang nilakad namin kumpara last year, pero napansin ko na parang mas mainit nang kaunti ang sikat ng araw ngayon. kaya ayun, enjoy-enjoy sa mga tanawin at mga stopover, picture-picture konti at tawanan / kulitan hanggang sa makarating na kami sa Tappiyah Falls. pagdating doon ay nakasalubong namin ang isang lalaking turista na sa tingin ko ay lahing Arab dahil sa kanyang features. pabalik na siya sa itaas kaya nung makasalubong niya kami ay nag-nod siya as greeting and nagpatuloy na sa pag-akyat. after about a year ay nakabalik na rin ako sa Tappiyah, at parang mas lalo pa siyang gumanda ngayon. napansin kong mas mataas ang tubig ngayon dahil mas malapit na siya dun sa malaking bato na pinag-iwanan namin ng mga gamit, at mas malamig ang tubig ngayon – mas malamig pa sa tubig na galing sa ref, kung kaya’t kahit makapal ang taba ko ay gininaw din ako sa paglusong. dahil sa pangamba kong mapigtas ang aking tsinelas, hinubad ko iyon bago lumusong sa ilog, at sobrang sakit sa paa na para kang na-hard massage sa talampakan dahil sa mga bato – okay lang naman kasi sa ganda ng Tappiyah Falls, mawawala talaga ang pagod mo kapag narating mo na siya. mas misty din ngayon ang paligid kumpara last year, at hindi ko alam kung bakit – kaya yung ibang kuha ko sa paltik ay basa ang lente at maulan ang hitsura. ayun, we all had our share of solo poses, wacky shots at group pics – oo, nag-tirahan kaming lahat sa Tappiyah – while enjoying the scenery. may blooper pa ako dito kasi nung naghahanap si Kay ng lalagyan ng cigarette butt eh kinailangan pa niyang ubusin yung Mr. Chips para magamit yung supot – medyo late kong na-realize na may extra pala akong plastic sa bag ko (churi naman, tao lang, nagkakamali din). matapos ang pag-aaliw namin sa Tappiyah ay nag-trek na kami pabalik – at eto na ang simula ng kalahati ng aming “workout” para sa araw na iyon. hiningal-hingal na ako dito sa pagbalik na ito, mabuti na lang at may tubig at bilihan ng tubig sa dinaanan namin. naalala ko na tinanong pa nina Thina yung mga bata tungkol sa pagpasok nila sa paaralan araw-araw, at nakakatuwang isipin na araw-araw nilang lalakarin ang malayong distansiya para makapag-aral – nakaka-inspire sa mga tulad kong “napapagod” sa araw-araw na kayod sa trabaho. nakaka-inspire na mabuhay in spite of kung ano mang mga ka-letsehan ang nararanasan ko. patuloy kami sa paglakad matapos ang maikling pahingang iyon, at iba ang dinaanan namin pabalik. sinalubong kami ni Mang Ramon malapit sa kapilya at ginabayan kami pabalik sa aming tinutuluyan, at dahil nga iba yung dinaanan namin pabalik ay panibagong challenges na naman ang aming kinaharap – and i had my fair share of talisod and tapilok moments as well. nakakita rin kami ng puno ng saging na may puso, at maraming salamat Kay sa pagkuha ng aking picture / Mark Lapid moment =O). pagbalik sa bahay, ni hindi ko na-recognize ang lugar at nagsabi pa ako ng: “Nasaan na ba tayo?” – at siyempre, comic relief siya kasi andun na pala kami sa area malapit sa kusina at di ko lang nahalata. pagdating namin ay nakapagluto na si King ng panalong-panalo na tuna pasta at pina-init na rin ang natira naming pizza nung nakaraang gabi. siyempre, hindi naubusan ng walang-kamatayang Nestea iced tea na walang ice pero malamig naman, kaya naka-dalawang balik pa ako sa tuna pasta ni King na mas masarap kapag dinamihan mo ang keso sa ibabaw – just make sure na walang naka-sahod sa ilalim nung cheese grater mo, hehehe! matapos ang lunch ay naghanda na ako para sa pagbalik namin sa saddle: meeting kay Mayor, ligpit ng mga gamit / kalat, bihis, etc. salamat kay King at tinuruan niya kaming gumawa ng improvised backpack cover gamit ang garbage bag. masaya ako at may bago na naman akong natutunan.
malakas ang buhos ng ulan kung kaya’t medyo nagpatila muna kami bago tumuloy. kasabay din pala namin si Mang Ramon pagbalik ng saddle. sumaglit din muna si King sa Barangay Hall para makipag-usap kay Kapitan, at pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa medyo maputik at madulas na daan. dito ko naramdaman ang distansiya ng mga waiting shed sa isa’t isa – na para bang inilayo naman sila sa amin para mahirapan kami pabalik, o baka kasi mas mahirap lang talagang bumalik kaysa sa pumunta. pabugso-bugso ang malakas na ulan kung kaya’t nabasa din ang damit ko matapos ang ilang minutong paglalakad sa gitna nito. sa bandang huli na ako ng pila kasama ni Abet dahil hindi rin naman ako mabilis at dahil di rin naman ako nakikipag-unahan. nasabi ko din na kahit hinihingal-hingal ako nung mga sandaling iyon, hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit na anong materyal na bagay. bihira kasi ang mga sandaling pakiramdam mo ay malaya ka, lalo na kapag dominante sa buhay mo ang makinarya ng career / trabaho – na minsa’y nakakasira ng bait kung tutuusin. anyway, matapos marating ang ikatlong waiting shed ay hindi na kami nagpahinga nang matagal ni Abet at tinuloy-tuloy na ang pagbalik hanggang sa maabutan na namin sila. nang makarating kami sa puntong pwedeng pumili sa pagitan ng dalawang daan, doon na muna ako sa mas mahaba pero hindi matarik samantalang yung iba naman ay doon sa mas maikli pero matarik na daan. kasama ko sa daang mahaba sina Mon, Joyce at Kay samantalang sina Mang Ramon, King Louie, Terence, Thina at Abet ay sa daang maikli. nag-pacing-pacing lang ako para hindi na ako masyadong hingalin, mga 15-20 steps tapos pahinga ng 10 seconds, tapos tuloy na ulit hanggang makarating na sa saddle kung saan nakita naming nagja-jumping jacks at push-ups sina Terence at King para lang makapang-asar sa amin – mga baliw, hahahaha!!! ayun, pag-akyat ko ay bumili agad ako ng Big Bang sa tindahan ni Ate at binigyan ng isa si ka-tribong Thina. biruan pa nung mga sandaling iyon na magpapabili daw si Terence ng Pau liniment parakapag nasa bus na eh ipapahid niya sa katawan – at humirit pa kaming mga adik na why not magpuno ng isang bath tub ng Pau liniment at doon maglublob – mga mentally-retarded talaga =O))!!! matapos ang kaunting pahinga ay sumakay na kami sa jeep ni Kuya Richard para makabalik na sa Halfway. habang nasa malubak na biyahe ay non-stop ang kwentuhan at mga “Banjo jokes” pati kung anu-anong pang mga kaululan / katatawanan. paglampas ng Batad Junction ay inihatid namin si Mang Ramon sa bahay niya at tumuloy na papuntang Halfway. pagdating doon ay nag-ayos-ayos agad ako ng mga gamit at inihanda ang aking pang-ligo para hindi na masyadong mahirapan. umuna nang maligo yung iba at nagpasya na lang kami ni Abet na tsumibog na, tutal ay inihahain na yung dinner namin. ang sarap ng hapunan namin: pritong tilapia, pinakbet at sopas. nagtimpla lang ako ng sawsawang toyo at maanghang na suka para sa isda ko para mas swabe ang kain – grabe, panalo talaga yung isda kasi ang lutong at halata mong sariwa siya – hindi yung mala-Priscilla Almeda na “Sariwa” pero sariwa pa rin siya. matapos ang dinner ay dumiretso na ako sa banyo para makipag-meeting kay Mayor at maligo. ang sarap ng epekto sa pagod na katawan ng malamig na tubig kaya medyo nagtagal pa ako sa banyo. pag-akyat ko sa dining area ay nagligpit-ligpit na ako habang napag-usapan ang posibilidad na baka hindi kami makauwi dahil sa mga landslides na naganap earlier that day. mabuti na lang at matutuloy ang aming biyahe pauwi – same time, 8:00 PM – at sinabi ng mga kinauukulan na bake tumigil-tigil lang along the highway ang bus dahil sa mga ongoing na clearing operations. medyo nakakalungkot kasi mangilan-ngilan ding mga bahay ang napinsala ng mga landslides – pinanalangin ko na lang na sana’y walang nasaktan sa mga pangyayari. since mahaba pa ang biyahe, nagsalang ng DVD ang konduktor at Braveheart (ni Mel Gibson) ang featured na palabas. nagustuhan ko itong pelikulang ito nang mapanood ko ito sa sinehan mahigit sampung taon na ang nakakalipas, kaya imbes na matulog kaagad ay nanood muna ako – at lalo kong napagtanto na si Sir William Wallace ay isang Tunay na Lalake. ayun, pagkatapos ng pelikula ay nagdasal na ako at sinubukan ko nang matulog para makapagpahinga kahit papaano. nagising ako nang nasa bandang Balintawak na ang bus namin at nagligpit ng kumot at unan ko nang medyo malapit na sa Cubao terminal. nagsibaba kami nina Thina, Terence at Joyce sa Cubao at nagpaalam na muna sa isa’t isa. sumakay na ako ng taxi papuntang Sikatuna Village para maka-idlip muna sa opisina, dahil sa ayaw ko man at sa gusto, balik na naman sa dati ang buhay ko.
for the nth time, salamat sa RACE, King Louie, Abet, Terence, Thina, Mon, Joyce at Kay sa isang unforgettable weekend. balik ulit tayo next year – sana’y mas marami pa tayo para mas masaya.
P.S.: sana’y matuloy ang medical mission natin doon. gagawan ko ng paraan para makasama, pangako. nga pala, salamat din pala kina Abet, Joyce, Kay, Mon at Terence para sa additional pictures na naka-post dito. hanggang sa muli, tuloy-tuloy lang.
mahal, basahin ko later... inom muna ko... ;) salamat sa pics :)
ReplyDeletewalang anuman. =O)
ReplyDeletenaalala ko na naman si Mr. otso-otso.... hehehe!!! panira ng moment!!!
ReplyDeletehayaan mo na pre. partida na niya yun.
ReplyDeleteoonga... grabe un friend!!! nagkatinginan talaga tayo dun... :D
ReplyDeletesiyempre, hindi na natin nalaman kung saan yung 8-hour na lalakarin nila, di ba? buti na lang premier episode ng "Good Morning, Mr. Philippines" kinabukasan, kung hindi baka na-People's Elbow si Mr. Otso-otso! Ayan, sikat ka nang damuho ka!
ReplyDeleteIto ang gusto kong mapuntahan sa Batad :)
ReplyDeleteSige na nga! :D
ReplyDeleteNami - miss na namin ang RACE :(
ReplyDeleteMiss u Thina!
ReplyDeleteMiss u na rin Joyce!
ReplyDelete00 miss na rin kita...
ReplyDeleteako din miss na kita Joana!!! :) next trip sama tayo ulit ha?
ReplyDeleteteka... me coffee date pa tayong ndi pa natutuloy!
Tocino naman talaga eh... =(
ReplyDeletechuri naman, Kay. happy moment naman yun eh. *peace*
ReplyDelete