ang lakad na tinagurian kong "Career vs. Happiness" dahil non-stop na pagkayod sa trabaho ang inatupag ko bago ako makalaya nang panandalian at makamit ang pagkakataong makasama sila. ang mga kasama ko sa trip na ito ay sina Cher, Joyce, Meimei, Sally, Tin, Oui, Mon, Ezi at Jhen. nagkita-kita muna kami sa Starbucks Columns habang hinihintay si Kuya Henry, kaya habang nandoon ay pinagpiyestahan kami ng mga gutom na lamok. pagdating ni Kuya Henry ay nagsisakay na kami sa van at nagkanya-kanyang tulog, soundtrip, atbp. medyo nahirapan akong matulog kasi paiba-iba ako ng posisyon, pero okey lang kasi nakatulog din ako kahit paano. nagising ako nang madaling araw at nang mag-stopover kami sa gasolinahan at nakapag-unat-unat ng katawan at nakapag-CR. umaga na kami nakarating sa Bgy. Patar sa bayan ng Bolinao, Pangasinan at hindi katagalan ay natanaw ko na ang dagat at ang breakwater sa kalayuan nito. nag-almusal ang ilan sa amin sa Nipa Hut at dahil medyo hindi kanais-nais ang kundisyon ng pasilidad ay nagpunta kami sa Hansmin kung saan sila nag-stay last year. maganda naman sa Hansmin - maayos ang serbisyo at maganda ang pakikitungo ng may-ari at staff sa amin kung kaya't napanatag ako na magiging maganda ang pag-stay namin doon.
mabilis naihanda ang aming bahay-kubo kung kaya't nakapaglapag kami agad ng mga gamit at nakapagbihis ng pang-lublob attire. pero siyempre, hindi nawala ang picture-taking bago mag-bitch, este, mag-beach pala. kokonti lang ang mga kuha dito sa camera ko, at pasensya na kung magulo o malabo yung iba - hindi naman talaga kasi ako bihasa magkukuha. natuwa ako kasi hindi amoy-printer at amoy-papel ang hangin dito - amoy-dagat at presko ang pakiramdam dahil nalayo ako (kahit panandalian lang) sa stress ng trabaho ko. sa eksenang "career vs. happiness" na ito, palagi kong sisiguraduhin na happiness ang mangingibabaw.
pagpunta namin sa dagat ni Mon, nagpi-pictorial na sina Sally at Meimei kaya nakigulo na rin kami. mamaya-maya lang ay nandun na kami lahat at nag-e-enjoy sa dagat at buhangin habang nagkukuhaan ng mga picture. pag-ahon namin ay malamig na mango shake at mainit na tanghalian ang sumalubong sa amin. nakatulog nga ako nang sandali pagkatapos ng tanghalian nang masandal ako sa upuan. paggising ko, dumiretso ako sa bahay-kubo para humilata, kaya lang ay okupado na ang pwesto ko kaya nagbihis na lang ako at humiram ng unan. umakyat ako sa "tree house" at doon ko inabutan sina Mon at Kuya Henry na kapwa tulog na kaya humiga na ako sa papag at natulog na rin. paggising ko nung hapon at bumalik ako sa bahay-kubo para ibalik ang unan at kunin ang mga gamit ko para ako makaligo. pagkaligo ko ay nagpi-pictorial ang mga kababaihan kung kaya't nanood-nood lang ako sa kanila bago pumunta sa may beach para umistambay - magreflect-reflect, panoorin ang mga alon at mag-isip-isip tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay ko these past few years. kumbaga, parang nilasap-lasap ko yung mga bagay na pwede kong lasapin sa mga sandaling yon - dagat, buhangin, sunset, kaibigan. pagsapit ng dilim, nag-dinner na kami at naghanda para sa inuman. sa puntong ito ay nagba-back up din ng pictures ang sangkatauhan sa laptop ni Idol at nagvi-view na din ng mga kanya-kanyang "pang-profile pics" at iba pang kuha. sa kasamaang palad, walang mabiling yelo sa mga tindahan sa labas kaya medyo na-diskaril kami - buti na lang at may kaunting yelo na naitabi si Tita para sa aming session. mabuti rin at nakabili kami ng masarap na balut para pampa-swabe sa inuman. habang nagpapahinga muna nang kaunti ang ilan sa amin ay nagsimula na rin ang iba - vodka cruiser at tanduay ice para sa mga kababaihan at lambanog at iced tea naman sa amin ni Idol Mon - salamat kay Jhen sa pag-sponsor ng iced tea at swiss knife na pang-bakbak ng yelo. masaya naman ang kwentuhan namin, palibhasa kasi ay medyo sanay nang magkakasama ang karamihan sa amin. nang mapunta ang kwentuhan sa coke na lumabas sa ilong at naging sprite, kinuwento ni Cher ang tungkol sa ulo ng Gummi Bear na lumabas naman sa ilong, kung kaya't naghagalpakan kaming lahat sa katatawa. akala ko ay yun na ang pinaka-nakakatawang tagpo nung gabing iyon pero nagkamali pala ako. lalong naghagalpakan kaming lahat sa pagtawa dahil sa paghirit ng isa naming kaibigan na itago na lang natin sa pangalang "Worm" tungkol sa paglabas ng kamay ng Gummi Worm sa ilong - kayo na ang bahala kung maniniwala kayo sa sinabi niya, pero lahat kami ay abala sa pagtatawa at pang-aapi sa kanya sa mga sandaling iyon. bumaba nang bahagya ang average IQ ko nung gabing iyon dahil kay Worm - ibang klase siya, pramis. except for an unwanted guest nung gabing iyon ay maayos naman ang naging session namin. nakitambay muna ako sandali sa beach nang matanaw ko doon sina Joyce, Oui at Tin. hindi naman nagtagal ay nagligpit na rin kami at nagsipag-sepilyo bago matulog ang karamihan. medyo nawala ang hangin at naging mabanas kaya nagkwentuhan muna kami ni Joyce sa may beach bago matulog.
kinabukasan, nagising ako at kape/yosi/masahe session ang aking nasaksihan sa aming bahay-kubo. medyo masakit ang katawan ko kung kaya't nagbakasakali ako na baka pwede akong magpamasahe kahit kaunti lang. ayun, pinagtulungan ako nina Meimei at Joyce sa pag-apak-apak sa likod ko - isa siyang medyo masakit pero ubod nang sarap na masahe kung kaya't medyo inantok ako at muntik mag-drool sa unan. salamat ulit sa 2/3 ng Papaya Triad sa masarap na masahe =O)>. panalo ang almuchow naming sardinas na sinundan ng sigarilyo kung kaya't in no time ay tinawagan na ako ni Mayor. pagkatapos ay diretso na naman ako sa beach kasama sina Mon at Kuya Henry - sunburn na ito kung sunburn, pero oks lang. medyo matagal bago sumunod ang girls dahil nag-make up pa yata sila for their pictorial. nang mag-pictorial na sila eh karir na karir naman kaya nakakatuwa din. mas marami kami ngayon sa beach dahil kasama rin namin ang family ni Ezi at tatlong cute na mga bata na naging instant friends ni Meimei. iniabot kasi ni Chip ang lifevest nung batang lalake at pagka-abot ay nag-comment yung isang babaeng bulilit ng: "Ang sexy nung babae, o." kaya pagkatapos nun ay umaatikabong pictorial na kasama ang mga kids ang nangyari - nung una ay nahihiya pa sila pero sa pag-encourage ng mga girls ay pumayag din sila. humataw din si Inday, este, si Meimei sa mga "seaweed series" ng pictures na hindi ko alam kung mapo-post pero kung nandun ka ay siguradong matatawa ka. after mag-pictorial at mango shake ng sangkatauhan, bumalik na rin ako sa tree house at naligo. sinubukan kong humilata at matulog dahil medyo malakas at sariwa ang hangin. nag-caving sila pero nagpaiwan na lang din ako para matulog kasi medyo tinamad naman ako. pagbalik nila, naki-kain kami kina Ezi at parang fiesta kasi ang daming tsibog - nag-concentrate ako in particular sa sinigang na ulo-ulo, hipon at pusit tapos may panulak na malamig na coke kaya in no time ay busog na ako. after kong makipag-usap kay Mayor ay naghanda na rin ang lahat para pumunta sa light house at mag-pictorial bago mag-sunset. oks naman ang aming mga souvenir group pics largely because of Idol Mon and ang ever-reliable na si Suzie. i was content with taking pictures behind the scenes at ang medyo kinarir ko lang ay ang Papaya Triad at ang Tropang Fruit Salad class pictures. salamat din kina Mon at Cher sa pagkuha ng pics ko using my paltik camera. pag-uwi namin sa Hansmin ay nag-back up ulit kami ng mga pictures sa laptop ni Idol at nag-view ng mga ito.
since wala pang dinner ay tumambay muna ako sa beach kasama sina Ezi, Cher, Joyce at Meimei. tamang soundtrip lang at shadow-dancing ni Cher yun sa una hanggang sa nahaluan ng paggawa namin ng mga aso, camel, at rabbit sa pamamagitan ng anino, hanggang sa pag-iimbento ng mga song lyrics at interpretive dancing nila. medyo marami ring naglalakad-lakad at nang-iilaw ng mga isda dahil palibhasa ay low tide sa gabi. bumalik sina Ezi at Cher sa tree house at naiwan kaming tatlo nina Joyce at Meimei sa beach. mamaya-maya ay paubos na ang sigarilyo namin at dahil wala namang lighter ay bumalik ako sa tree house para makisindi at kumuha na rin ng yosi at tanduay ice sa kusina para sa dalawa kong ka-kwentuhan. kakatuwa naman si Kuya at matulungin siya - ipinakisuyo ko kasing ilagay sa ref yung mga natitirang t.i. at sinabi niyang siya na ang bahala. sinabi din niya na kung gusto na naming kumain ay pakisabi na lang sa kanya ten minutes before para maihanda na nila ang dinner namin. matapos kong i-konsulta ang mga kaibigan tungkol dito, napagkasunduan na lang na kakain na lang kami pagkatapos kumain ng staff para di rin maantala ang dinner nila. so, ini-relay ko na lang kay Kuya na pagkatapos nilang kumain at magligpit ay saka na lang nila i-prepare ang aming pagkain, pagkatapos ay binalikan ko na sina Meimei at Joyce bitbit ang t.i. at sigarilyo. out of curiosity ay naitanong ko kung paano sila nagka-kilalang dalawa - nakinig ako sa kwento nila at somehow napunta ang usapan namin sa break-up namin ng aking ex- about four years ago. hindi ko gaanong natapos ang aking kwento dahil dinner time na rin at tinawag na kami ni Kuya kaya to be continued na lang sa susunod. hindi talaga nakakasawa ang ginisang sardinas kung kaya't todo kain na naman kami - mas panalo kasi maraming tutong ang kanin kung kaya't nagkasundo kami ni Cher sa bagay na ito. humirit pa nga ako ng isa pang sinangag dahil sa sobrang sarap. after dinner, tambay lang kami sa bar nina Joyce, Tin and Oui habang nanonood ng TV. since hindi ako sure kung may session pa ba ay nanatili muna ako sa bar. maya-maya ay umakyat si Tin at bumaba naman si Meimei. naki-tanduay ice na din ako habang nanonood ng "A Dangerous Life" at mamaya-maya ay bumaba si Sally at nanood kasama namin.
matapos ang palabas sa TV, dumiretso kami sa beach nina Joyce, Oui, Meimei at Sally para tumambay at magkwentuhan. sa puntong iyon ay talagang pinu-push namin ang "love triangle" storyline kaya puro kakulitan at pick-up lines ang maririnig mo kung naroon ka. medyo sumama ang pakiramdam ni Meimei kaya sinamahan na siya ni Joyce at iniakyat sa tree house. tuloy ang aming tambay session at medyo maginaw na noon kaya kinuha ko muna ang kumot at unan sa tree house para makapagpatuloy kami. dito ako na-question and answer ni Sally tungkol sa ilang bagay na ikinuwento ko at ipinaliwanag sa kanilang tatlo nina Joyce at Oui. although medyo nagulat ako sa Q&A, hindi naman ako nag-hesitate na mag-open up kasi nga naipangako ko sa sarili ko na hindi ako mapapanisan ng laway sa lakad na ito - na by hook or by crook ay makikipagkwentuhan ako sa taong handang makinig. needless to say ay nai-share ko ang mga gusto kong i-share - at ilan sa mga ito ay mga kinikimkim ko din at kung ilabas ko man ay paunti-unti lamang at usually ay dinadaan ko sa blog, tula or musika dahil minsan din ay pakiramdam kong walang makikinig dahil busy silang lahat or dahil sa iba pang kadahilanan. basta natuwa ako kasi candid yung usapan namin at walang halong ka-pa-fall-an o pambobola - shooting from the heart lang, 'ika nga. hindi pa ako tapos magkwento, pero since madaling-araw na at medyo pagod na ay nag-decide na kaming magligpit at matulog na. iniwan ko na sina Sally, Joyce at Oui sa tree house at natulog na lamang ako sa duyan sa ibaba para at least ay hindi masyadong masakit sa likod ko. nagdasal lang ako at nagpasalamat sa Kanya for a great day and then natulog na ako.
kinabukasan, matapos kong magligpit ng hinigaan ay naki-join ako sa girls habang nagkukuwentuhan sila at nagkakape sa bar. bentang-benta pa rin ang love triangle" storyline kung kaya't parang nag-almusal kami ng puro katatawanan. since mga 1 PM ang napagkasunduang pag-alis ng grupo, napag-desisyunan na rin na ang huling meal sa Hansmin ay brunch na lang. sinamahan ko si Cher at siya ang bumili ng Ma-Ling at itlog habang bumili naman ako ng sigarilyo. siyempre, solb solb na naman lahat sa brunch at may sapat na oras pa para maligo, magligpit ng mga gamit, mag-accounting, at mag-compute ng individual contributions para sa mga dapat bayaran. matapos ang comical na group picture-taking sa may gate ng Hansmin ay umalis na kami. i personally enjoyed this trip dahil sa company ng mga kaibigang kasama, sa tanawin, at sa kwentuhan. dagdag na naman ito sa mga magagandang memories ko, definitely.
nag-picture taking ulit kami sa may arko ng Bolinao bago dumiretso sa Alaminos para mag-McDo at bumili ng mga pasalubong sa palengke. bumili ako ng daing na bangus, binilad na espada, danggit, tupig at cassava cake para maiuwi sa bahay. after Alaminos ay dumiretso kami sa Luisita kung saan kumain sila ng early dinner at namili ng DVD-Rs para sa pictures. hindi na muna ako kumain dahil sa aking "mayor problem" kung kaya't humilata na lang ako sa sasakyan habang hinihintay sila. after Luisita ay dire-diretso na kami pabalik sa Makati - nagpa-gas lang si Kuya Henry at matapos naming mag-ambag-ambag para sa renta ng sasakyan at gas ay pumunta na ulit kami sa Columns kung saan nag-burn na ng DVDs si Mon para sa lahat. inabonohan muna ni Jhen ang mga DVD-R kung kaya't nagbayad kaming lahat sa kanya. inuna lang muna niya yung kopya ni Jhen kasi uuwi pa siya sa Lipa that night. medyo marathon ang copying at nahirapan din ang laptop ni Mon kung kaya't nag-dinner na rin ang iba sa amin. inabot din kami ng closing time at pati ako ay tinawagan na rin ni Mayor kung kaya't napilitan akong maki-CR sa SB. no thanks sa sekyu na ayaw magpapasok sa akin samantalang pinapapasok niya ang mga kasamahan ko - buti na lang at napakiusapan ni Yoyce si Emon na papasukin ako kung kaya't naka-CR ako nang maayos. nagpasalamat talaga ako dun kay Emon pagkatapos kong gumamit ng CR at paglabas ko ay oks na ang pakiramdam. napagkasunduan na lang ng grupo na i-burn na lang ni Mon later ang mga kopya at ipamahagi sa mga "hampas-luffa" whenever magkita ulit. naghiwa-hiwalay na kami ng landas after our goodnights - magkakasabay sina Tin, Oui, Joyce at Cher, nag-solo si Sally, habang sabay kaming tatlo nina Meimei at Mon sa taxi pauwi. nakadating na din ng Lipa si Jhen bago pa man kami mag-alisan sa SB dahil nakasakay siya kaagad sa bus. nauna akong idinaan ng taxi sa bahay at nagpaalam na kina Meimei at Mon. nag-text na muna ako sa sangkapatolahan at kumain na rin sa wakas - umabot pa ako sa isa't kalahating episode ng The Simpsons sa cable bago mag-channel surf at maya-maya'y natulog na rin dahil sa antok at pagod.
muli, salamat sa inyo at nangibabaw ulit ang Happiness ko. sa uulitin ha? =O)>
yes naman papi!!! Ang galing talaga mag wento!!! =) sabi ko s u ndi ka mapapanisan ng laway e! =)
ReplyDeletemaraming salamat din sa iyong pakikinig sa mga wento kong mga walang wenta, salamat sa pag sama sa beach, im glad that nakasama ka! Next year ulit ha? =)
salamat sa papaya triad series!!! Love love it!!! =)
winner sa kwento papi! grabe simula day 1 hanggang pag-uwi ibang klase. :D
ReplyDeletesalamat din sa pagshare ng kwento mo... sa susunod na lakad ulit ituloy mo ang nabiting kwento mo. hehehe
Joyce, walang kwentong walang kwenta, tandaan mo yan. sana ay maging annual tradition din itong Bolinao, gagawan ko ng paraan hangga't kaya. tungkol sa Papaya Triad series, ayos lang yan. i am also blessed at kaibigan ko ang Papaya Triad. =O)>
ReplyDeletesalamat din sa pagtanong mo sa akin, Sally. siguro most of the time tahimik lang ako tungkol sa mga ganung bagay, pero anytime na may handang makinig, ibinubuhos ko talaga lahat. basta Sally, salamat talaga nang marami sa pag-intindi. basta, tuloy ko next time ha? =O)>
ReplyDeletesal and papi, churi naman at nangatal ako kaya nabitin wentuhan nyo... Next time promise ndi na ko hihiga para ndi ako makatulog hehehehe!!!!
ReplyDeleteang galing, papi! super detailed!! :D
ReplyDeletehoy, wag ka ngang mag-inarte diyan, para kang Di Tunay Na Papaya niyan eh. ayos lang yan, kung kailangang ituloy sa ibang araw, eh di ganun na nga ang gawin.
ReplyDeletesalamat, Tin. mabuti rin at nakalimutan nila tayong i-baon sa buhangin, hehehe. =O))>
ReplyDeletekinopya ko talaga ang post at babasahin pag nakalingat sa trabaho :D
ReplyDeletewow papi.. kumpleto tlaga ang kwento. salamat at pina-alala mo ang kwento ni worm.. the best tlaga! wahahahahahaha! bitin ako sa lambanog! =D
ReplyDeletegaling ng kwento papi. hihihihi winner.. lalo na si worm :D
ReplyDeletepwede ka na talagang maging mowdel ng memo plus gold, ang lupit kasi ng iyong pornographic... este... photographic memory. we're not worthy! *samba* lolz. :)
ReplyDeletebwahahahaha ndi na kami grumadweyt maagang lumandi hahahaha :D
ReplyDeleteMards, wag mong masyadong dibdibin yan. easy lang sa trabaho. =O)>
ReplyDeleteMards, wag mong masyadong dibdibin yan. easy lang sa trabaho. =O)>
ReplyDeletesayang kasi dinalaw ka ni aunt irma. di bale, next time hopefully hindi na bitin. =O)>
ReplyDeletepang-Regal Shocker talaga yung hirit ni Worm - parang tumigil nang 2 seconds ang oras sa sobrang pagkagulat ko sa punchline. =O))>
ReplyDeleteIdol, photogenic ang memory ko, hindi pornographic.=O)>
ReplyDeletepanalo talaga ang mga entry mo.. pang MMK =) hahaha
ReplyDeleteoo nga eh... sadly, ganun talaga minsan.
ReplyDeleteeh bakit sadly.. hndi naman kaya ko sinabi na pang MMK eh ma-drama.. ibig kong sabihin eh "detailed" sya.. =)
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletewell, may konting "drama" naman in between the moments of laughter, in between the funny lines, pero hindi naman sobrang lungkot na para bang pinagsakluban na ng langit. ang ibig ko lang sabihin, nagkaroon din ako ng times dito na nakapag-reflect / nakapag-share ng mga bagay na di ko usually ikinukuwento sa mga ordinaryong "happy times" na magkakasama ang tropa.
ReplyDeletepero gaya nga ng nasabi ko, palagi kong sisiguraduhin na happiness ang mangingibabaw.
langya naman, nahirapan akong magpaliwanag sa 'yo. pinatulan mo pa kasi yung reply ko eh. =O)>
nyahahahaha! wala lang... gusto ko lang tumawa... nyahahaha! loofah in da haus. :P
ReplyDelete