Monday, June 14, 2010

SWS Bangkok Teambuilding June 9-13, 2010




ito ang isa sa mga resulta ng aming mga pagsasakripisyo - isang biyahe papuntang Thailand. sayang nga lang at hindi kami kumpleto lahat. ganunpaman, enjoy kami sa mga (mis)adventures sa ating ASEAN neighbor dahil magaganda ang tanawin at mababait ang mga tao.

Tuesday, June 8, 2010: bago kami umalis, todo-panalangin ako sa pag-release ng DFA sa aking pasaporte – June 9, 2010 kasi ang alis namin at nagsadya na ako sa passport division upang makiusap na mai-release ang aking dokumento kung hindi ay magbabayad ako sa isang bagay na hindi ko mapapakinabangan / ma-e-enjoy. nag-apply kasi ako for passport renewal thru a travel agency at sinabi sa akin ng liaison officer na imbes na after 10 working days mare-release ang passport ay 12-15 days in actuality dahil ganun daw ang kalakaran kapag nag-agency ka instead of filing an individual appointment. ganunpaman, nag-effort pa rin ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit after 12-15 days pa ma-re-release ang pasaporte ko gayong PhP1,200 din ang ibinayad ko sa DFA. dala ang sulat na pirmado ng aking boss at kopya ng aking e-ticket pati ang printout ng webpage nilang nagsasabing ang fee na PhP1,200 = 10 working days ay nagsadya ako sa passport division at matiyagang naghintay na tawagin ang aking pangalan. sa awa ni Bathala, tinawag ako bago mag alas-12 ng tanghali para i-release ang aking pasaporte – paliwanag pa ng tauhan ng DFA ay hindi raw sa lahat ng kaso ay nire-release ang pasaporte kahit pa may kopya ng ticket. sa loob-loob ko naman: “putang-ina, eh kaya naman pala ninyong tapusin within 10 working days, bakit kailangan pang makiusap sa inyo? i-pu-pull out lang naman ninyo, hindi pa ninyo magawan ng sistema – sana hindi kayo mag-guarantee sa webpage ninyo kung hindi naman possible, di ba?” – pero siyempre, hindi na ako nagmatigas dahil mas malaking katangahan kung hindi ma-re-release ang pasaporte ko dahil sa pag-aangas. maraming salamat din kay Ms. Aileen Jeremias (ang liaison officer ng agency) para sa assistance. naka-leave ako buong araw pero bumalik pa rin ako sa opisina para magbayad ng dolyar at ikuwento sa mga kasamahan ko ang good news – siyempre, maraming-maraming salamat sa Kanya at sa iba pang ipinagdasal ako. umuwi na rin ako kaagad para makapag-pahinga kasi papasok pa ako kinabukasan.

Wednesday, June 9, 2010: pumasok pa ako nung umaga para magtrabaho. nagsabay kami ni Kuya Cerry papuntang NAIA Terminal 3 mga alas-4 ng hapon para ‘wag ma-traffic – 9:35 PM pa ang flight namin, pero nanigurado lang. nauna kami sa mga kasamahan naming at naghintay muna sa iba bago mag-check in, pagkatapos ay nagsikain na ng hapunan. palibhasa’y maagang nag-check in kung kaya’t naka-tambay pa kami bago ang flight – sound trip lang ang libangan ko sa isang sulok. nang umalis kami ay maayos pa ang weather sa Pilipinas, pero bago kami mag-landing sa Thailand ay malakas ang ulan kung kaya’t mauga ang eroplano.

Thursday, June 10, 2010: lampas hatinggabi na kami nakababa sa Bangkok at sinundo kami agad ng aming mga tour guides. matapos manggaling sa immigration at kunin an gaming mga bagahe, binigyan nila kami ng magagandang garlands bilang welcoming gift. ihinatid nila kami sa aming hotel na hindi naman kalayuan sa airport, at matapos kunin ang kanya-kanyang key cards ay nagsiakyat na kami sa aming mga kwarto para matulog. roommate ko si Vlad at hindi rin kami nakatulog agad kasi ang palabas sa HBO ay Harold and Kumar Escape from Guantanamo Bay kaya pinanood muna namin ang mga kagaguhan nina H and K bago magpahinga. matapos ang ilang oras ay almusal na – buffet style ito kung kaya’t food trip to the max ako. panalo ang fried rice with shrimp, breaded chicken, ham, bacon, pork sausage, chicken sausage, spinach roll, fish roll, at mushroom omelette. napaitan ako sa passion fruit juice kung kaya’t nilagyan ko siya ng isang toneladang asukal samantalang nilagyan ko ng artificial sweetener ang aking tsaa. pinakiramdaman ko lang ang pagtawag ni Mayor habang tumitingin-tingin sa paligid ng hotel. para lang akong nasa Pasay o Cubao kasi halos wala naming pinag-iba ang kalsada sa unang tingin, pwera na lang sa orientation ng kalsada – right-hand drive kasi ang mga sasakyan sa Thailand. nag-meeting lang kami ni Mayor sa kwarto pagkatapos ay sinundo na kami ng aming mga guides sa lobby ng hotel. nagbiyahe kami patungong Royal Grand Palace (Wat Phra Kaew) at binaybay ang kahabaan ng mga highway. nang makarating doon ay naglibot-libot kami at nag-picture taking. na-realize ko rin na iilan na lang kaming second-timers na natira sa office – nag-Bangkok na kasi kami noong 2001 matapos ang Senatorial elections – sina Dr. Mangahas, Tita Dâ, Ate Jen, Kuya Cerry, Leo, Vlad, and Me. samakatuwid ay kabilang na ako sa mga veterans / elders, hehehe. afterwards, pumunta kami sa Vimanmek Royal Mansion (Castle in the Clouds), ang pinakamalaking building na gawa sa golden teak. hindi na ako nakapag-picture dito kasi bawal sa loob at saka naubusan na ako ng battery sa Royal Grand Palace pa lang, kung kaya’t pagbalik naming sa hotel para mag-freshen up / mag-ready para sa dinner ay nag-charge na lang ako ng battery – samakatuwid ay wala din akong picture sa condo unit nina Ma’am Thetis (asawa ni Dr. Mangahas). ganunpaman, we all had a great dinner at their place at yung iba sa amin ay nag-swimming pa. special mention yung ginatang sago at melon na may arnibal – naka-tatlong bowls ako sa sobrang sarap niya kaya nabundat ako. tinamad akong mag-swim and had a couple of beers instead habang nakikipag-kwentuhan kina Ms. Josie, Ate Chel, Jingle, Daldin, Tita Germie at iba pang kasamahan sa field. nagpasalamat si Dr. Mangahas sa lahat ng staff sa pamamagitan ng isang simpleng speech matapos ang dinner – and this gesture of appreciation is one thing that keeps us going and gives us the extra strength to go on with our profession. of course, the trip to Thailand is also a nice thing. sayang lang at hindi kami kumpleto – mas masaya sana kung nakasama lahat. after the dinner ay bumalik na kami sa hotel para magpahinga dahil maaga pa kami kinabukasan.

Friday, June 11, 2010: medyo maaga ang wake-up call dahil kailangan pang bumiyahe papunta sa floating market. siyempre nag-karga na ako nang husto sa breakfast dahil sa medyo mahaba-habang biyahe. natulog na lang ako sa bus habang nagsa-soundtrip dahil bitin ang tulog kinagabihan. nag-stopover kami nang mga dalawang beses sa mga gasolinahan upang mag-CR break at mamili ng mga pagkain / abubot. one thing na napansin ko ay malilinis ang mga CR nila at malakas ang tubig, kung kaya’t hindi ka masyadong mag-a-alala kung tawagan ka ni Mayor nang biglaan – at pati ang bus namin ay may built-in CR kaya di ka praning sa paggawa ng either code 1, code 2, or both. nang dumating kami sa man-made canal, nag-group kami para sa bawat bangka – kasama ko sa bangka sina Marco, Tintin, Vlad at Kuya Cerry. medyo nanibago ako dahil parang humaba ang biyahe bago kami makarating sa floating market. pagdating doon ay nagsimula na ang shopping ng sangkatauhan – ibinili ko ng batik shawls si Nanay at t-shirt naman para kina Tatay, Noel, Kuya Wowie at para din sa akin. natuwa ako sa isang brown na aso na nakadapa sa bungad ng isang tindahan – akala ko nga nung una ay rug lang siya, pero nang gumalaw siya ay nakumbinsi niya ako na totoong aso siya. pagtawid sa kabilang side ng palengke ay nakapamili pa ako ng t-shirts at pamaypay mula sa isang matandang ale na binigyan ako ng discount. pagkatapos ay nakita namin ang isang mama na may kasamang baby elephant na ginagamit niya para pagkakitaan sa pamamagitan ng pagkuha ng pictures ng mga turista kasama ang alaga niya. friendly naman yung baby elephant, kinalabit pa nga niya yung braso ko na medyo ikinagulat ko kasi malamig yung laway niya – pero medyo naawa ako sa kanya kasi mukhang pagod na rin siya dahil medyo mataas na ang araw at mainit na sa paligid. matapos mamili sa floating market ay bumalik na kami sa bus at pumunta sa Samphran Elephant Ground & Zoo kung saan nag-lunch kami bago nanood ng Crocodile Show, Magic Show at Elephant Show. medyo nakakaawa din ang mga crocodiles kasi pinapalo ng kahoy sa ulo para sindakin ng mga trainers. idol din si Manong Magician kasi kahit luma na ang mga tricks niya ay nadala sa showmanship at napahanga niya kaming mga audience – siyempre okay din ang assistant niya, maganda ang rapport at chemistry nilang dalawa kaya matindi ang audience impact. matapos ang magic show ay elephant show naman – nagsimula sa narration ng historical and cultural significance ng mga elephants at natapos sa elephant soccer at feeding / picture taking. kanya-kanyang pasikat ang mga elephants nung mag-soccer sila at naka-costumes pa – especially yung isang naka-jersey ni Wayne Rooney ng England na nagpaikot ng hula hoop sa trunk niya. nung feeding naman, 10 Baht ang bawat tumpok ng saging / sugar cane na kinain naman ng mga elephants nang buong gana. nakapag-pa-picture pa ako hawak ang tusks ng isang elephant for 20 Baht kaya lang sa ibang camera kasi mahina na ang baterya ng camera ko. matapos yun ay namili pa ako ng ilan pang t-shirts at damit para sa kapatid kong si Michelle bago nag-picture taking sa crocodile exhibit kung saan kung anu-anong pose ang ginawa namin sa mga naka-display na buwaya. nga pala, nagpa-picture din ako kasama ang dalawang Bengal Tigers na mukhang nagutom pa yung isa nang makita kung gaano ako kataba. siyempre, medyo kinabahan ako nang umungol ang loko at halos kumaripas ng takbo matapos ang aking 100 Baht snapshot. pagkatapos ay dumiretso kami sa Gems Gallery kung saan nanood kami ng short film tungkol sa paggawa ng mga brilyante at tumingin-tingin sa mga alahas na ipinagbibili doon. namili ang ilan sa amin pero ako’y nakuntento na sa pagtingin-tingin. pagkagaling doon ay dumiretso na kami sa Pearl of Siam Dinner Cruise para mag-dinner. habang naghihintay ay nag-picture taking siyempre tapos kung anu-anong kakulitan ang pinag-gagawa namin. nag-souvenir photo ops din kami with a girl dressed like a princess – siyempre kinuha ko yung picture ko kasi minsan lang naman yun. pang-asar lang talaga kasi talagang dead batt na ang camera ko kung kaya’t wala akong nakuhang picture nung gabing iyon. ganunpaman ay panalo ang tsibog especially the spicy prawns, pork medallions, and the red chestnut-like things in coco milk na may langka. in addition, maraming magagandang babae that night – may isang grupo ng mga Chinese-looking ladies na mukhang yuppies, may dalawang magagandang waitresses at pati yung female dancer nila, maganda (she reminded me of a friend i met back in college). umulan din pala nung gabing yun kung kaya’t yung mga guests sa rooftop ng ship ay nagsibaba. other than that, it was a pretty great day. after the cruise ay bumalik na kami sa hotel to take showers and get some sleep.

Saturday, June 12, 2010: Independence Day sa Pilipinas, anniversary ng surfing trip sa San Juan, La Union / most memorable stay kina Mamita (Juskonaman!), at ikatlong araw ng aming tour. mas maaga ang wake-up call kaysa sa nakaraang dalawang araw kung kaya’t hilo pa ay nag-almusal na kami. bumiyahe kami patungong JEATH War Museum in Kanchanaburi – JEATH stands for the nationalities of those involved in the construction of the Death Railway: Japanese, English, Australian, American, Thai and Holland. bawal mag-take ng pictures sa loob ng museum kaya sa labas lang ang mga kuha namin. sa loob, we saw pictures, newspaper clippings as well as paintings of the brutalities noong panahong ginagawa ng mga POWs ang Death Railway. pagkagaling doon ay pumunta kami sa riles na dumadaan sa Khwae River kung saan nag-picture taking bago sumakay sa tren. ibinili ko din ng dress si Ally (pamangkin ko kay Kuya Wowie) at bumili ulit ako ng t-shirt ko. medyo mahaba ang biyahe at mainit dahil hindi ginagamit ang mga electric fans sa tren kung kaya’t cold towels na lang at snacks ang panlaban namin sa init, at siyempre picture-taking. may iba sa amin na nagsitulog, yung iba kinunan ng pictures yung mga nagsitulog, at yung ilan naman sa amin ay nag-pictorial ng “labas ang ulo sa bintana ng tren” series habang binabagtas ng tren ang mahabang kabukiran at mga ilog. nang makarating kami sa aming patutunguhan ay nag-lunch na kami – first time kong makatikim ng Tom Yum soup at medyo hindi ko kinaya ang anghang pero masarap pa rin siya. mabuti rin at may fried chicken at beef with vegetables kaya hindi naman maanghang lahat ng ulam. after lunch ay ibinili ko si Gelo (pamangkin ko kay Michelle) ng damit at pati si Rommel (bayaw ko, asawa ni Michelle at daddy ni Gelo). medyo nagkaroon ng kaunting problema dahil nagkasakit si Ate Babes pero naisugod naman siya sa ospital ng aming mahusay na tour guide, at sinamahan muna siya doon ni Ate Chel habang kami naman ay dumiretso sa Elephant farm kung saan sumakay kami sa mga elepante at nag-bamboo rafting sa ilog pagkatapos. medyo nakakaawa ang elepante namin kasi pinupukpok ng parang martilyo na may kawit para sumunod… sana lang hindi siya palaging nasasaktan nang ganun kasi nga masakit naman yun – ikaw kaya ang hatawin nang ganun, hindi ka ba magagalit? pagkatapos noon ay nag-bamboo rafting kami at nagsama-sama pa kaming mga miyembro ng heavyweight division sa isang raft. kabit-kabit ang mga rafts namin na hinila ng isang bangkang de-motor at iniwan kami nang medyo malayo sa pampang. nag-sagwan ang designated guide namin pabalik, pero mukhang nahihirapan siya kung kaya’t tumulong kaming mag-sagwan nina Vlad at Ate Jen – dito ko nagamit ang natutunan ko sa CDO adventure ko nung nakaraan, hehehe. matapos ang rafting ay binalikan namin sa ospital sina Ate Babes at Ate Chel – na-food poison daw si Ate Babes marahil dahil sa kinain kinagabihan – may beef kasing medyo rare ang pagkaluto kaya baka hindi natunawan nang maayos. pagkatapos ay tumahak na kami pabalik ng Bangkok at nag-stopover lang sa gasolinahan para mag-CR at bumili ng pagkain. nagbantay na lang muna kami ni Ate Alma kay Ate Babes habang nasa labas ang iba, at inilipat namin siya sa upuan sa may likuran ng bus para maka-unat ng paa habang nagpapahinga. habang pabalik ay binantayan siya ni Ate Chel samantalang ako naman ay taga-paypay niya. pagbalik ng Bangkok ay nanood kami ng puppet show sa Traditional Thai Puppet Theater (Joe Louis Theater) na isang teatro / museum. featured ang Ramayana – isang Indian epic tale – sa presentation na iyon. nagandahan ako sa presentation, although siguro biased ako kasi medyo inclined ako towards the arts kaya na-appreciate ko yun – anyway, it was a unique and educational experience for me dahil may music, dance at history / culture. pagbalik namin sa hotel, kanya-kanyang lapag ng mga gamit sa kwarto at dumiskarte muna ng dinner – nag-KFC kami nina Vlad at KC (Kuya Cerry) at nakita din namin doon sina Mear, Micko, Leo, Joan and later on ay dun din kumain sina Anchi, Jingle, Daldin at Ate Babes na medyo okay na nung mga oras na yun. pagbalik namin ng hotel ay naligo ako bago matulog, kaya lang ay hindi naman ako nakatulog kaagad sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kung kaya’t nanood na lang ako ng TV hanggang antukin ako – mabuti na lang at relaxed ang wake-up call namin kinabukasan dahil free day / shopping day naman iyon.

Sunday, June 13, 2010: hindi na gaanong maaga ang wake-up call dahil 8 AM naman supposedly ang alis namin from the hotel patungong Chatuchak weekend market. after a quick breakfast ay nakipag-meeting muna ako kay Mayor at saka bumaba ng lobby. napagkasunduan the night before na ang kwarto namin ay isa sa mga imbakan ng mga bagahe kung kaya’t matapos ibalik sa akin ni Vlad ang key card ay iniwan ko ito sa front desk para kung sakaling may magsibalik na naka-assign sa kwarto namin ay madali itong makukuha. nag-train kami patungong Chatuchak kung saan tumayong tour guide si Tita Dâ – magkakasama kami nina Tita Germie, Vlad, Kuya Cerry, Ate Jen, Ate Mallu, Ate Jo, Malou, Eunice at Ma’am Evelyn (Mommy ni Eunice). lahat sila bumili ng unlimited card para sa MRT samantalang ako ay single trip token lang kasi hindi na ako maglilibot pagkatapos mamili. Dapat sana ay sampaloc na lang ang bibilhin ko para kay Nanay pero napabili pa rin ako ng dalawang bag – tig-isa si Nanay at Michelle (salamat sa pagtawad ni Ate Jen) at isa pang t-shirt (yung tribal elephant design). habang namimili si Ate Jen kasama naming nina Vlad at Malou, natanaw namin si Mae at pinuntahan ko siya at inakbayan – sa gulat ay hinampas niya ko ng bote. magkakasama pala sila nina Lhen, Lucie, Omeng at Clarence. nakita ko din sina Anne at Mon na namimili sa Chatuchak bago ko balikan sina Vlad, Ate Jen at Malou. matapos mamili ay pumunta kami sa main road patungong palengke kung saan makakabili ng mga prutas, pero bago iyon ay napadaan ako sa isang bandang nagpe-perform ng mala-Carlos Santana at Jimi Hendrix na tugtugan – at ang nakaka-bilib ay mga bulag / halos bulag silang lahat. kinunan ko lang sila ng picture at humabol kina Vlad pagkatapos. grabe, that band was another priceless experience – i wish i could’ve listened more pero ayaw ko namang paghintayin sila. pagtawid namin ay kaunting lakad lang at nasa palengke na kami. nakabili din ako sa wakas ng pinakamimithing sampaloc at konting dried mangoes – mabuti at nagbigay ng discount si manong tinder sa akin. matapos ang konting hintayan ay pumunta na kami sa subway para makabalik ng hotel. maglilibot pa sila pagkatapos mag-iwan ng mga pinamili samantalang ako naman ay magpapahinga na muna, total ay tapos na akong mag-shop. bumili na lang kami ng lunch ni KC sa food court ng kalapit na mall kung saan cash card ang pambayad sa ilang stalls. umorder ako ng crispy pork fried rice, shrimp fried rice at roasted duck sa isang Chinese food counter at tinake-out na lang ito para kainin sa hotel, for the incredible price of 185 Baht – oo, matakaw na ako kung matakaw… pero pwede na, di ba? matapos kumain ay naligo ako at nanood pa ng isang sitcom na parang Korean bago matulog. nagising ako nang mga 6-ish at nanghinayang na katatapos lang ng “Napoleon Dynamite” sa HBO pero humagalpak ako sa tawa nang Makita kong “Semi-Pro” ang kasunod na palabas. matapos ang ilang sandali ay nagsipasok sina Omeng, Lhen, Clarence, Vlad at iba pang kasamahan sa kwarto para mag-ayos ng mga gamit. ka-tong-its ko sina Lhen at Omeng habang nanonood ng “Semi-Pro” at pagkatapos ng palabas ay sinamahan ako ni Lhen bumili ng dinner, and we found this affordable place called Pepper Lunch kung saan bumili ako ng beef pepper rice. tamang-tama sa budget kong naghihingalo ang presyo niya – at natuwa ako just now kasi nang i-search ko siya sa web ay may branches pala siya dito sa Pilipinas. kasi halos puro turo-turo lang ang kinakainan ko kung kaya’t ignorante ako sa mga ganung info, hehehe. after dinner ay nag-meeting lang kami ni Mayor at bumaba na ako ng lobby para mag-check out. ihinatid kami sa airport ng aming mga tour guides at matapos ang mga pasasalamat namin sa isa’t isa ay nagpaalam na muna kami sa Bangkok at naghandang bumalik sa Manila. maraming salamat sa mga kasamahan ko for working their asses off, this was truly a product of our teamwork and sacrifices. to cap off this vacation, i even ribbed myself na magpakuha ng picture sa harap ng Mister Donut store sa loob ng airport just for a good laugh – isang bagay na hindi ko siguro magagawa nang walang poot if it were three years ago. just as i knew all along, i’ve already moved on (actually, last year pa nga) and i’m in a better situation. at maraming salamat sa Kanya for making all of these good things happen, and for the great friends i met along the way.

we may not always get what we want, but i believe that we all get what we deserve.

2 comments:

  1. susme, nakalimutan mo nanaman mag-bra! :-)

    ReplyDelete
  2. Ate Dhang, liberated kasi ako. at dito sa webpage ko, walang may karapatang ma-eskandalo, kaya okay lang. hehehe =O))>

    ReplyDelete