Saturday, July 31, 2010

Para kay Nanay

ika-62 na birthday niya ngayon - ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.


Nanay, para ito sa patuloy na pag-cheer sa akin noong sportsfest namin nung kinder kahit na kulelat ako sa takbuhan.  para ito sa pagsama mo sa akin sa panonood ng Duplex, Champoy, Joey and Son, John & Marsha, TODAS, Iskul Bukol, A-Team at Knight Rider noong 80's.  para ito sa mga words of encouragement tuwing nababasa mo ang mga grades ko.  para ito sa mga madamdaming sulat tuwing may retreat kami nung high school.  para ito sa lahat ng pag-aalaga mo tuwing nagkakasakit ako.  para ito sa pagpapakilala mo sa akin sa musika nina Neil Young, Carlos Santana, Jimi Hendrix, at Joey "Pepe" Smith.  para ito sa pagsuporta mo sa mga bagay na ikasasaya ko.  para ito sa pagiging cool mo, ayon sa mga kaibigan kong nakakakilala sa iyo - ang sabi nila sa akin: "Ang cool ng Ina mo."  para ito sa mga take-out na pinapa-baon mo sa kanila tuwing birthday ko.  para ito sa mga pag-cheer mo dati para sa UE tuwing kalaban nila ang UP.  para ito sa pagbirit mo tuwing nirerenta mo ang paborito mong videoke machine.  para ito sa mga bonding moments natin tuwing nanonood tayo ng WWE, TNA, UFC at Pride FC dati - at sa mga pagsigaw mo tuwing may KO, Submission, may nahahataw ng steel chair sa ulo o kaya nama'y tinatamaan ng Sweet Chin Music ni HBK.  para ito sa mga instant updates tuwing hindi ko gaanong nasusubaybayan ang mga soap opera sa TV.  para ito sa mga times na niyayakap mo ako noong umiiyak ako at heartbroken dahil ipinagpalit ako ng girlfriend ko sa iba.  para ito sa pagiging masaya mo tuwing bumibiyahe ako papunta sa iba't ibang lugar.  para ito sa matiyagang pagluluto ng baon ko tuwing may pasok - at sa paminsan-minsang pagluluto ng baon ko kahit walang pasok.  para ito sa pagdadasal mo tuwing umaalis ako ng bahay.  para ito sa mga pang-iintriga mo sa akin tuwing tinitingnan mo ang mga pictures sa camerang pinapahiram mo sa akin tuwing naglalakwatsa ako.   para ito sa lahat ng naituro mo - mula sa paglalaba, pagluluto, hanggang sa pakikipag-kapwa tao.

para ito sa pagtuturo mo sa akin kung ano ang tama.  para ito sa pagtuturo sa akin kung paano magmahal hindi sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsambit ng "i love you" kung hindi sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at pagiging mabuting ina.  Nanay, para sa lahat-lahat, tandaan mo po lagi na mahal kita - hindi man ako vocal masyado, i want you to know that you're the best mother that i could ever have.  i love you Nanay.

10 comments:

  1. happy birthday to your cool mom idol! yayain natin ulit mag-videoke, showdown sila ni rick astley kamo. nyahahaha! may God bless her more and may she be in good health always. :)

    ReplyDelete
  2. salamat, Idol. kanina nga humataw na naman sa videoke eh - kulang na lang kantahin yung "Basang-basa sa Ulan."

    ReplyDelete
  3. happy birthday kay mader, pards! sha ba gumagawa ng lambanog? ;)

    sa susunod na birthday mo jan, tuturuan ko sha kumanta ng 'Ulan.' hahaha!

    ReplyDelete
  4. salamat, Mards. hindi siya ang gumagawa ng lambanog, siya ang taga-tikim ng lambanog. =O)>

    mukhang madadagdagan ang kanta sa videoke playlist ni Nanay. hindi ko naman pwedeng isuplong sa pulis ang pasimuno nito... kasi si Chip ka nga pala.

    ReplyDelete
  5. papi!!! Happy birthday ke Nanay mo! Pkipasalamatan na dn sya for me dhil iniluwal nya sa mundo ang isa sa mga mabubuti kong kaibigan!!! =)

    ReplyDelete
  6. papi!!!! Gising ka na? O gising k p?

    ReplyDelete
  7. @Idol, Mards, Joyce: Salamat daw sa pagbati, sabi ni Nanay. =O)>

    ReplyDelete
  8. natuwa naman ako dito..nakakatawa pero totoo..at dahil jan, ibibili na ni kuya ng magic sing si nay!!whoohoo!

    ReplyDelete