Monday, August 16, 2010

para kay Jhen

nai-text ko na ito kanina, pero i decided na i-post din dito para pwedeng lagyan ng picture.  have a meaningful one, Jhen.  =O)>
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

hindi ko alam kung paano ito gagawing kakaiba,
pero sana tuloy-tuloy ang mga biyaya
mo at hindi mo na kailangang magtanong kung: “may kanin pa ba?”
sana ay di ka na masaktan
nang kasing saklap ng: “lintek na spageti yan!”
kagabi ay kinausap ako nina Funshine Bear at Piolo Pascual,
ang sabi nila: “pare, si Jhen ay espesyal.”
hindi man nila sinabi nang literal,
pero sa panaginip ko, yun ang kanilang ini-usal. 
so, before your inbox is full,
i would like to wish you a great 3-0,
if that’s cool with you. 
but deep inside, i know that no celebration
can ever be as wonderful as you. 
these rhymes may be lame – and the lameness part is probably true –
but i’d write over and over again, only for you. 
if i seem like a corny rapper or a wack MC,
let me end this for now with a simple
“Happy Birthday, Jhenskie!”



p.s. yung pictures sa collage karamihan ako ang kumuha, pero yung dalawa sa Ilocos, kuha nina Doni at Ronnel.

Friday, August 06, 2010

galing kay Nanay

nagulat ako sa text ng Nanay ko kanina lang.  share ko lang sa inyo.  para formal writing style, i.e., yung mga shorthand at jejemon-isms ay inedit ko.  here it is:

’Nak ngayon ko lang nabasa sa internet yung mensahe mo sa akin noong birthday ko.  Sobrang natuwa ako sa ipinaabot mong mensahe mo.  Alam mo kung ano yung pinakagusto ko sa ugali mo?  Yung pagiging mapagmahal mo sa amin ng Tatay, hindi ka madamot at maalalahanin ka.  Alam mo na mahal na mahal kita at ina-appreciate ko lahat ang pagiging mapagbigay mo sa amin ng Tatay.  Ang maigaganti ko lang sa iyo ay ang lagi kong pagdadasal para sa safety mo sa araw-araw at lagi ko din dinadasal n asana makahanap ka na ng faithful na girlfriend at mamahalin ka ng tapat at totoo dahil kapag nasasaktan ang anak, sobrang lalong masakit yun para sa akin.  Muli, anak, maraming salamat at love na love kita – alam mo yan.  Mmmwaah!

naantig ang puso ko.  alam kong cheesy at emosyonal, pero kahit papaano ay naibsan ang pagkalungkot ko… paminsan-minsan kasi ay naaalala kong wala nga pala akong ka-parehang babae – sorry boys, hanggang friendship lang talaga tayo.

pero gaya nga ng pinaniniwalaan ko, lahat ng bagay may panahon.  may panahon ng paglalahad, may panahon ng pagtatapat, may panahon ng paghaharap.  at ang mga panahong iyan ay darating.  hintay lang.

para sa mga hindi nakakaalam, ang mensaheng tinutukoy niya ay ito: