nagulat ako sa text ng Nanay ko kanina lang. share ko lang sa inyo. para formal writing style, i.e., yung mga shorthand at jejemon-isms ay inedit ko. here it is:
’Nak ngayon ko lang nabasa sa internet yung mensahe mo sa akin noong birthday ko. Sobrang natuwa ako sa ipinaabot mong mensahe mo. Alam mo kung ano yung pinakagusto ko sa ugali mo? Yung pagiging mapagmahal mo sa amin ng Tatay, hindi ka madamot at maalalahanin ka. Alam mo na mahal na mahal kita at ina-appreciate ko lahat ang pagiging mapagbigay mo sa amin ng Tatay. Ang maigaganti ko lang sa iyo ay ang lagi kong pagdadasal para sa safety mo sa araw-araw at lagi ko din dinadasal n asana makahanap ka na ng faithful na girlfriend at mamahalin ka ng tapat at totoo dahil kapag nasasaktan ang anak, sobrang lalong masakit yun para sa akin. Muli, anak, maraming salamat at love na love kita – alam mo yan. Mmmwaah!
naantig ang puso ko. alam kong cheesy at emosyonal, pero kahit papaano ay naibsan ang pagkalungkot ko… paminsan-minsan kasi ay naaalala kong wala nga pala akong ka-parehang babae – sorry boys, hanggang friendship lang talaga tayo.
pero gaya nga ng pinaniniwalaan ko, lahat ng bagay may panahon. may panahon ng paglalahad, may panahon ng pagtatapat, may panahon ng paghaharap. at ang mga panahong iyan ay darating. hintay lang.
para sa mga hindi nakakaalam, ang mensaheng tinutukoy niya ay ito:
Awwww.. sweet naman ni nanay. At nakakatuwa na na-appreciate nya yung efforts mo gaya ng pag-appreciate mo sa kanya.
ReplyDeleteand totoo, everything has its time. balang araw e makakatagpo tayo ng kapareha at hindi lang crush. Hehe.
now ko lang nabasa ito, at sa maniwala ka o hindi...na-teary eyed ako :-) kakatuwa naman ang nanay mo, sinasabi nya how much ka nya naaappreciate. obviously, napakamabuti mong anak :-) in time, you will have the blessing that u deserve :-)
ReplyDeleteang sweet niyo naman ng nanay mo pards, kakatuwa kayo. kala ko kasi astig lang sha, sweet din pala :) tama si ate dhang, kaya love na love ka ng nanay mo kasi mabuting anak ka.:)
ReplyDeleteat, natawa ako sa Mmmwah! hahaha! cool! :D
p.s. may multiply din si nanay pards? pano niya nabasa entry mo? sabihin mo add niya ko! :p
awww... you just broke my heart this early saturday morning. hehe! joke.
ReplyDeleteyou really have a one cool mom talaga idol. and to think na marunong siya mag-text, talong-talo nya ermat namin. takot sa technology nanay namin e. haha!
kidding aside, nakakainggit ang relationship na meron ka with your mom and dad. you seem to be so close to them, lucky you. hindi lahat ng mga anak can say they have the same kind of relationship with their parents. :)
yes Tin, everything has its time. and everyone will have his/her day. and i'm just waiting for my day. =O)>
ReplyDeletesalamat, Ate Dhang. minsan, i'm guilty of taking her for granted - kaya i make it up to her pati kay Tatay whenever i can. we'll all get what we deserve - and i believe that with all sincerity.
ReplyDeleteMards, sweet naman talaga yang si Nanay - mukha lang masungit (parang ako). wala siyang Multiply, nalaman lang niya sa pinsan ko na taga-dun kina Ezi. di nag-iinternet si Nanay - takot ngang magpatay PC yan eh (pero yung manok kayang-kaya niyang patayin). pag mag-videoke kayo minsan, gawin mong textmate.
ReplyDelete=O)>
Idol, alam mo namang may limitasyon ako eh. si Nanay natuto lang yang mag-text out of necessity rin talaga - pero takot din siya sa teknolohiya (old school talaga siya eh).
ReplyDeletelahat naman siguro tayo, we can be close to our own folks. minsan lang kasi, or in my case, kadalasan, hindi natin mai-articulate through words yung mga nararamdaman natin - kaya dinadaan natin sa mga simple gestures na maaaring hindi magarbo pero makabuluhan. at salamat din sa mga magulang ninyo ni Abet sa paghubog ng 2 TNL that i consider real friends - baduy, i know, pero i mean that.
sweet ng mga nanay natin pag ganyan sila no? Specially pag gngawa nila ng ndi natin ineexpect hihihihihi.
ReplyDeleteYoyce, cheesy naman talaga yang si Nanay. madalas 'pag bumibiyahe ako, stage mother yan - nagte-text at naniniguradong safe akong nakarating sa kung saan man. =O)>
ReplyDeletePare tutulungan ko yung nanay mo sa pagdarasal...
ReplyDeleteang lakas ko talaga sa yo pre. salamat. =O)>
ReplyDeleteKung kailangan natin mag-alay para sa pagdarasal ng nanay mo, i-aalay natin si mon. (mon, halika dito!)
ReplyDeletelaugh trip ka talaga, Papa Aga! hindi papayag si Mei niyan. =OP
ReplyDeletesusumbong kita sa Chip. hehehe!
ReplyDeletePwede bang isang paa muna ni Mon? Para at least may isang kamay ka na rin papa!
ReplyDeletetama...sa tamang panahon :) goodluck!
ReplyDelete