this was lifted from my blogspot account, the password of which i couldn't recall because of my carelessness. i posted this last july 19, 2005 - long before i encountered multiply. so i'd probably say: "welcome to multiply," i guess.
tanghód (tang-hód), n. 1. act of watching or looking at something patiently. syn. matiyagáng panonoód o pagbabantáy. 2. act of waiting around hopefully or patiently with the expectation that someone would give him something. also, panananghód 3. a patient expectator or onlooker. syn. matiyagáng mirón.
mirón (mi-rón) n. (sp.) spectator; onlooker; bystander. syn. mánonoód; taong osyoso.
puwedeng tingnan
pero huwag titigan
amoy lang
huwag tikman
hawakan lang,
pero huwag idiin
huwag idiin
huwag hipuin.
matagal na kitang
pinanonood,
hinahangad,
inaangkin.
ngunit
hindi makayang
makuha
pinaunawa mo sa akin
ang mga salitang
muntik,
halos,
baka sakali,
panandalian,
balewala,
at
mababaw.
alak pa nga
para malimutan
lang
lahat ng ito
wala na pala
teka
kikilitiin
ko lang
ang sarili ko
tandaan mo
ayaw ko ng barya
ayaw ko ng tirá
ayaw ko ng lumà
ayaw ko
ng awà.
No comments:
Post a Comment