Saturday, January 02, 2010

my 2009 in pictures and words, part 1

got this idea from Tin. i still have to write part 2, though.

at the beginning of 2009, i was writing a story about how these valuables of mine (all of which i named) played a role in my year 2008. alas, it’s already 2010 and i haven’t finished that story yet. i got the idea of naming my valuables from a couple of friends whom I met in 2008 (Mon, Cher and Joyce) – being the primitive being that i was, i didn’t even know such an idea existed. in time, i hope to tell you the stories and memories i shared with monty, pola, stinger & flair, waya, pepe, dimitri, fifi, and pot-pot. they’re not expensive, but their sentimental value to me is beyond what money can buy. ayun.

 

 

it is what i say it is: A One of a Kind Valentine's Weekend. ang mga larawang ito ay pawang mga kuha ni Abet, mula sa HABFest sa Pampanga, sa Isdaan at Tacsiyapo Wall sa Tarlac, hanggang sa Anawangin sa Zambales. kung nasanay akong natutulog lang sa tuwing sumasapit ang Feb. 14, this definitely changed it. from a late arrival at the HABFest, to a great lunch at Isdaan, to a much-needed release of steam at the Tacsiyapo Wall, to chillax moments and fun pictorials at Anawangin, to the return to the HABFest grounds, it was all worth it. it’s pretty obvious, but I’ll say it anyway: i really had a great time dito. i never thought a Valentine’s Day Weekend would be this special for someone like me – and i owe it to all of them. a few realizations afterwards: sina Meimei at Nona pala ang reincarnation ng WEA Twins, sina Mahal at Mura pala ay talagang cutie-cute-cute ayon kay Monmon, at masarap kumain ng Honey Mustard na Pik-nik nang nakahiga sa beach at nakikipagkulitan sa mga makukulit at mga adik na pa-fall.

 

 

these sessions right here are the highlight of my 2009 in terms of my inclination towards music and my artistic tendencies / aspirations. somehow, three straight Sundays namin nakuhang magkita-kita sa bahay nina Kiko at Mai sa Tandang Sora at mag-arrange ng songs na isinulat ni Alex at mag-dry run ng ilang ideas ni Kiko at yung isang idea ko for a song na 1999 ko pa naisip pero di naman ako marunong mag-lapat ng words sa chord progressions kaya it remained an idea for so long. ang naging resulta ay mga Do-It-Yourself video recordings ng “Like Hate,” Have Hope,” “Dreamscapes,” ang resurrected na “Golden Girls” nina Alex at Kiko na isa sa aking personal favorites (2004 pa siya na-compose at muntik nang mabaon sa limot dahil nawala halos lahat ng existing back-ups niya), at ang brainchild kong “Drown” na ginawan ni Alex ng swaktong lyrics at nai-finalize ang arrangement. some of these are posted in my Multiply blog with their respective stories / backgrounds. masaya ako dahil pwede pa rin pala kaming gumawa ng original compositions at di lang basta mang-gaya sa ibang grupo – kasi dati puro nauuwi lang sa pagco-cover ang bawat “jamming” at hindi man lang ma-explore ang new ideas. maraming salamat kina Alex at Kiko at buhay pa rin ang rock and roll. ang sarap kasi puro tugtugan lang, wala nang bullshit, just a free and unlimited expression of ideas – napag-usapan kasi naming tatlo na walang discrimination or limitations in terms of the genre na pwedeng i-compose, basta original ideas lang. siyempre nauwi din sa inuman at masinsinang kwentuhan ang pagtatapos ng 2nd and 3rd sessions – sobrang na-miss ko ‘tong dalawang kaibigan kong ‘to na bihira ko nang makita dahil parehong busy at pamilyado na. about the “name” in the photo, na-coin ko lang yan during a YM conversation with Alex much later – it’s not an official name whatsoever, pero bawal pa ring nakawin (feeling! hahaha!) – kasi sabi niya dati na parang napaka-cheesy daw nung ibang songs na isinusulat niya, para daw siyang cheese factory. hence, the name popped up in my head and i coined the name The Strange Case Of The Robert Smegma Dick Cheese Factory – Robert Smegma being an alias used often by Alex sa kanyang mga prank emails sa aming magbabarkada. sadly, on indefinite hold na naman ang aming mga karir dahil sa kanya-kanyang mga commitments. the good news is, there’s tangible proof of the existence of these ideas / unfinished songs na karamihan ay kay Alex pero may mangilan-ngilan din kaming ideas ni Kiko. miss na rin namin sina Archie at Ajel, at pati si Papa Abet *wink wink* sa mga harutan / tugtugan kaya sana balang araw eh magka-sama-sama naman kami sa dyugdyugan, este, sa tugtugan pala. =O)>

 

 

during holy week, i went back to where it all began – Ilocos. “it” meaning my friendships with most of you, my RACE friends =O)>. for those of you who don’t know, the first RACE tour was in Ilocos during holy week of 2007. doon ko nakilala sina… alam na nila kung sino sila, hehehe. even if it was a take two, it had an extended itinerary kaya mas maraming napuntahan. although the collage were from pictures taken with my paltik camera, nag-part-time models din kami ni Clint para kay Abet. i met some great people here: Amy, Eric, Jigs and Nina – na naka-inuman namin at naka-kwentuhan tungkol sa kung anu-anong mga bagay, including mga palabas sa TV nung kabataan namin – kung anu-ano yung mga palabas na yun, eh hindi ko na sasabihin kasi malamang alam na nung mga ka-edad naming magbabasa nito. nung pauwi na, saka lang ako naka-gala nang mabuti sa Calle Crisologo at maganda talaga siya – at masarap uminom ng beer dahil sa classic na ambience niya. nakita ko pa ang mga kaibigan kong sina Aileen at Ahmed kaya napasarap ang kwentuhan habang nagbe-beer kami nina Abet, King, Clint at ang mga bagong kakilala. sulit na trip ‘to, as always (at siyempre, nakabili na naman ako ng bagnet at longganisa para pambaon ko, hehehe).

 

 

this was my friend Anne’s wedding to her fiance, Loy. this was held in Clark, Pampanga last April 18, 2009, which also happens to be my Father’s birthday. being the good father that my Tatay Louie is, naintindihan niya kung bakit kailangan kong pumunta sa Pampanga that day. siyempre, kasama ko si best friend Alex (hindi si Bembol Roco yan, fyi) at mabuti na lang at natagpuan namin ang Chapel nila – although late na kami sa ceremony. so, we just behaved ourselves at the back seats. it’s pretty obvious that i cannot take a decent shot with my camera even if my life depended on it kaya ganito ang mga kuha. bakit siya highlight? it’s because Anne and i have a somewhat peculiar friendship. we were classmates in college – i entered UP in 1995 and she in 1996. in fact, we were even in a Sociology organization together but we were never really close until 2004 – that was when i got her number thru a friend of hers who knew Aileen (see previous paragraph). one text message led to an exchange of jokes, how-are-you’s, stories from way back. during college, our conversations were limited to the usual hi’s and hello’s, so when we communicated thru SMS, that’s the time when we developed a closeness which was ironic because we were miles away from each other – after all, Pampanga and Rizal are pretty far apart. telecommunications is a good thing, indeed. by the way, one of Anne’s roommates in college was my first girlfriend, Sherryl – she’s also married and has a child. going back to the topic, when i met my second girlfriend, Vanessa, in 2005, Anne and i had lost SMS contact for about a year or so. ironically, Anne was one of the first people who asked me how i was in early 2007, a couple  of months after Vanessa broke up with me – so she was also one of the few people to whom i confided to when i was having a rough time. to make a long story short, Anne was the angel when i was fighting my own personal demons – she helped me deal with my sorrow a whole lot easier just by being there to listen and talk to. kung si Alex ang best male friend ko, si Anne would be one of my closest female friends – kaya nung ikasal siya, i was happy for her and Loy. pagbalik namin ni Alex sa Manila, dumiretso kami sa bahay at nag-inuman at nagkuwentuhan tungkol sa kung anu-anong mga bagay, pati yung tungkol sa mga kababaihan sa buhay ko, including… ay teka, naalala ko bigla: si Anne pala yung angel sa “angelic” blog entry ko… para sa mga curious =O)>.

 

 

ito naman ang pangalawang punta ko sa bayan ng Sagada sa Mountain Province, courtesy of RACE ulit. this is another classic example ng “hirap muna bago sarap” kasi biglang may sumulpot na instant deadline sa trabaho noong gabing paalis na ako kaya pagdating ko sa bus terminal ay medyo marami nang mga guests ang nandoon. ang una pang nakakita sa akin sa vicinity ng terminal ay ang long lost RACE friend na si Ronnel, na huling sumama nung unang RACE tour at mula noon ay ultra busy na. siyempre, some of the usual suspects ay kasama, as evident sa picture, but i met some new people as well – sina Kay and Rachelle. some firsts sa trip na ito: 1) natikman ko ang special yoghurt sa Yoghurt House; 2) nakapasok ako for the first time sa Lemon Pie House at natikman ang Lemon Pie nila; 3) naranasan kong kumain ng talbos ng sayote na okey ang lasa kapag may patis pero dapat ay kuneho ka para maubos mo pati ang natira ng tatlo mong kasama sa mesa; and 4) natikman ko ang Lang-ay – ang fruit wine ng Sagada na traydor kung sumipa. nakabalik din ako sa Sumaguing Cave at panibagong mga dapa, dulas at tapilok ang naranasan. nakakain ulit ako sa Masferre at panalo talaga ang kanilang tsibog, lalo na kapag galing ka sa malamig, malagkit, at basang kweba. bago ako maligo nung pangalawang gabi, nag-toast muna ng Yakult ang mga Yakulero sa kwarto namin dahil nag-sponsor si friend Thina ng mahiwagang Lactobacilli. meron ding na-kuryente sa shower at hindi ko na babanggitin kung sino kasi nakakahiya naman. pero in fairness, nakakatawa talaga – paano ba naman, na-warning-an na, dinutdot pa rin yung kuryente… okey lang sana kung sinikreto na lang eh, pero di pa nakuntento at ikinuwento pa sa buong grupo kaya ayun, plangaks! dito ko rin medyo naka-close si Sally (friends na kami ngayon), as in i was close na sa pagbatok / pag-superkick sa kanya dahil medyo napagti-tripan na niya ako sa inuman – at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa Happy Horse Beer or sa hugis ng buwan, pero i gave her the benefit of the doubt – tingin ko kasi mabait naman siya eh. ang sole basis ko sa assumption na iyon ay walang iba kundi si Abet – di naman kasi siya nakikipag-kaibigan sa taong may ugaling sablay at yun lang ang pinanghawakan ko. to make a long story short, sinubuan ako ni Sally ng hasang ng isda – mabuti na lang at hindi ako nabulunan, at kahit nakain ko yung iba ay iniluwa ko yung natira habang hindi siya nakatingin, i.e., may sinusubuan ng cupcake at pinapa-inom ng beer na iba. nonetheless, tama ang kutob ko – mabait nga si Sally as i discovered later on =O)>. kinabukasan, ginising kami ng kakaibang alarm ng cellphone ni King Louie at bago mag-almusal ay nag-perform ang tinaguriang “Aga Go Dance Explosion,” which, at that time, consisted of Abet, Ronnel, and Me. after breakfast ay nagpunta na kami sa St. Mary’s Church para sa mangilan-ngilang photo-ops bago tumuloy sa Echo Valley. nakakalungkot lang kasi nadaanan namin ang medyo maraming mga pinutol na puno at trosong nagkalat sa trail. ibang-iba siya kumpara noong 2008, nakakapang-hinayang lang. pagdating sa Echo Valley, nag-photo shoot ang mga “babae sa bangin” na sina Sally, Kay at Thina, nag-perform muli ang Aga Go Dance Explosion at kasapi na si Doni, at ni-reprise namin nina Abet at Doni ang “Saging Lang Ang May Puso” scene ni Mark Lapid nang walang kahiya-hiya whatsoever. afterwards ay tumuloy kaming mga boys sa Lemon Pie House upang kunin ang mga inorder ng mga guests kinagabihan at tumuloy na sa Masferre para sa early lunch. masuwerte kami at nag-set up pa ng TV sa kinalalagyan namin para daw mapanood namin ang labanan nina Pacquiao at Hatton (also known as “When Manny Met Ricky”) kung saan na-knockout si Hitman ni Pacman sa ikalawang round – mabuti na lang din at hindi nagka-injury si Ricky Hatton. all in all, another great out-of-town trip with friends, with Lemon and Egg pies to boot. ayun.

 

 

ito marahil ang wasakan pool / videoke / food trip party of 2009, a.k.a. ang birthday bash nina Sally at Meimei. ginanap ito sa “place to be in LB,” ang Casa Ligaya – hindi siya putahan, kundi isang bahay na may swimming pool, kusina, banyo, mga kwarto at siyempre, VIDEOKE! salamat kay Sally para sa imbitasyon pati sa kanyang family para sa pagpapakain sa aming mga dead hungry (or patay gutom) na karakas. salamat pala kina Abet and Mon para sa pictures in this collage. pa-morning-an ito, pramis – mula sa adobo, inihaw na bangus, ang panalong ref cake ni Sally, Ginebra gin bilog with pineapple ni Terence, Red/Happy Horse Grande, San Mig Light,  the best adidas sa balat ng lupa, infinite lumpiang shanghai, habulan/basaan sa swimming pool gamit ang tabo sa CR, biritan to the max sa VIDEOKE mula “Easy” hanggang “Hinahanap-hanap Kita” , chillax-chillax at kwentuhan sa ilalim ng mga planeta, billiards, hanggang sa pictorial/side trip sa UP Los Baños, panalo ang bawat moment. first time ko na-meet dito sina Ezi at Lewrie, by the way. there’s really no need for me to elaborate kung gaano kasaya ang event na ito – dahil kitang-kita naman sa mga larawan dito. maraming salamat din kay Abet at kay Maroonbird para sa pakiki-angkas / pakikitulog / pakiki-sounds ko papunta, kay James sa biyahe pabalik after dinner, at kay Mon para sa “Mayor’s Time” sa boarding house. isang linggo akong nagpapasalamat kay Sally pagkatapos dahil sa ref cake niya, at isang linggo ko ring ka-chat si Mayor pero okey lang – mas nangibabaw ang sarap, after all. sana maulit ito this 2010, kahit election year pa =O)>.

 

 

ang biyahe / lakad na ito ay isa na namang literal  na halimbawa ng “hirap muna bago sarap” dahil, you guessed it correctly, may deadline na naman kaming hinahapit noong June 11 at natapos kami mga 3:45 AM ng June 12 (Independence Day), mabuti na lang at nagmagandang-loob ang aking supervisor / officemate / kaibigan na si Vlad na idaan ako sa McDo EDSA / Panay Avenue kung saan ang designated meeting place ayon kina King Louie at Abet. hindi ako nakasama sa naunang surfing trip nila sa San Juan, La Union nung April kasi kasabay yun nung kasal ni Anne. some of the usual suspects ang kasama dito, as well as new acquaintances na sina Eve at Lily, at ang piloto namin ay si Kuya Don. pumunta kami sa Niche upang sunduin ang mga “nanood” ng gig ng PussyCat Dolls at tumahak na patungong SJLU. dumating kami sa lugar nang mga lunch time and by a strange twist of fate ay biglang nagka-problema sa original venue na aming tutuluyan. nagpasya kaming kumain muna ng tanghalian sa restaurant doon – na masarap ang pagkain at a reasonable price, by the way – bago pumunta sa isa sa pinaka-memorable resorts na tinuluyan ko sa tanang buhay ko, ang Mona Lisa’s kung saan namin nakilala si Mamita. itanong ‘nyo na lang sa mga taong nakikita ninyo sa larawan sa itaas kung sino si Mamita – at malamang na uulitin ko rin naman ang mga sasabihin nila kung ako ang tatanungin ‘nyo. kakaunti lang ang tulog ko nang mag-umpisa nung hapon yung sessions namin kaya in no time ay pinulikat ako sa gitna ng surfing lesson. salamat nga pala kay Kuya Nano at kay Ricky sa pagtuturo – at sana next time ay mas maka-tagal ako sa board, kasi yung pagtayo ko sa picture na ito ay mga 2 seconds lang at mabuti na lang nakunan ni Abet. lahat nga pala ng kuha na compiled sa collage ay mula kay Abet (salamat, Papa). matapos ang session ay tambay-tambay / picture taking sa beach bago bumalik kina Mamita para mag-pagpag ng buhangin, mag-banlaw at mag-dinner. salamat kina King at Abet sa pagluluto, and panalo talaga ang pork steak ni Abet na nilantakan naming lahat na parang mga gutom na aso na nagkatawang-tao. wasakan ang socials dahil Gilbey’s Gin with lime ang biniling epektus nila. lively naman ang kwentuhan ko with Abet, Kay, Mei, King and Clint tungkol sa bagay-bagay tulad ng pag-ibig at ex-related stuff, pati na ang mga catchphrases na naging bunga ng “crazy little thing called love.” matapos ang wasakan ay nagsitulog na kami, at literal na pagkabagsak ko sa kama ay kinabukasan na ako nagising. pagbangon ko para mag-almusal, nabansagan na palang “Mr. Philippines” si King Louie ni Mamita with an early-morning sermon – isang “Juskonaman!” moment talaga ito – at ito ang topic of conversation nang maka-kwentuhan ko sina Kuya Don, King Louie at Abet. since two days naman ang surf sessions, nag-surf ulit ang girls at ang gagaling na nila as evident sa mga pictures. wala eh, anatomically imperfect ang mga bayag naming mga lalake samantalang symmetrical naman ang dibdib ng mga babae kaya mas superior talaga sila sa balancing, hehehe. nanood na lang ako sa kanila at tumambay sa beach dahil nanakit ang katawan ko sa pag-inom at sa pag-aaral mag-surf the day before. di bale, babawi na lang ako next time. matapos magligpit ng mga gamit at lumabas na ang sasakyan sa resort, walang ka-abog-abog na nagpalakpakan kami at sumigaw ng “Yehey!!!” dahil wala na kami sa poder ni Mamita. naging running joke na tuloy si Mamita at ang kanyang legacy sa amin mula noon. ganunpaman, this was memorable kasi this was another first for me. what a way to wrap up the first half of 2009! Juskonaman! hahahaha! =O)>

18 comments:

  1. ayos mic! nag enjoy ako sa pagbabasa! :D san na second half? demanding? hehehe! :D

    ReplyDelete
  2. wala pa, mare. may lakad kasi ako ngayon kaya di ko pa matapos, hehe

    ReplyDelete
  3. saludo ako sa memory mo pards, yun lang :D

    dahil jan, may nag text. Si Mamita. Miss ka na daw niya! wahahaha :D

    ReplyDelete
  4. ang dami nangyari sa buhay mo friend... at extra pa ko sa ibang events. =)

    kelan ang second part? asan na? hahahhaa

    ReplyDelete
  5. waaaaaaaaaaaaaaa pinaalala mo na nman ang honey mustard na piknik!!!!!!!!!!! gusto ko nun!!!!!!!! hahahahaha

    ReplyDelete
  6. papi, tyaga mong mag blog... hihihihi lupet... =) san na part 2???? medyo bitin ito...

    ReplyDelete
  7. nakakaloka.. ang haba, ang sipag. hihihihi congratulations!!!

    ReplyDelete
  8. *pumirma na sa umiikot na papel, ang petition daw para sa part 2*

    o yung mga di pa pumipirma pakipasa na lang po, para ma-pressure si papi. bitin e. hahahaha! :P

    ReplyDelete
  9. wow, papi! ngayon ko lang nabasa ng buo. astig. ang cute nung layout ng mga pics. :D

    ReplyDelete
  10. mards, actually kinakamusta ka rin sa akin ni... wag na lang, baka sabihin mo pine-personal kita eh. paggising mo one morning, katabi mo na lang, hehehe... =O)>

    ReplyDelete
  11. hindi ka extra, part ka talaga po. wala pa ang second part, medyo on hold muna dahil may work na bukas. tatapusin ko po ASAP bilang SOP at baka ma-subuan ako ng cupcake. hehehe =O)>

    ReplyDelete
  12. baka naman mamaya, iba pala yung gusto mo... baka sina mahal at mura at ang kanilang kantang "cutie cute cute" yan... =O)>

    ReplyDelete
  13. wala pa po ang part 2, iniipon ko pa ang lahat ng inspirasyon ko para matapos ko siya. =O)>

    ReplyDelete
  14. natawa naman ako, mahal. akala ko kung anong bagay na ang mahaba. congratulations to me, blessed ako at naging part kayo ng 2009 ko. =O)>

    ReplyDelete
  15. idol, medyo nire-recall ko pa lahat yung sa second half. baka mas mahaba pa yun kasi kasama dun ang mga kwentong Ondoy at iba pang eksena: good, bad, and ugly. =O)>

    ReplyDelete
  16. oyyyyyy papi kinlaro ko kung ano ang gusto no! ayoko na nang bangungot na sina mahal, at mura e kumakanta ng cutie cute cute... utang na loob.. hahahah

    ReplyDelete
  17. well, kasi super cute din naman ang mga "participants" na kagaya ninyo. *ehem* in fact, you're all so cutie cute cute, cutie cute cute, cutie cute cute cute... pero seryoso, lahat kayo ang nagpaganda dito. i'm just telling the story.
    =O)>

    ReplyDelete