Sunday, February 28, 2010

mga pusa




wala akong magawa nung sabado kaya pinagkukunan ko ng mga larawan ang mga pusa namin sa bahay. apat sila, isang puti, isang black & gray, at dalawang orange. madalas silang nagpapahinga dun sa berdeng inidoro sa tindahan. naging malikot at mailap sila kung kaya't binalik-balikan ko na lang sila. nag-edit ako ng pics using ACDSee ulit: crop, sharpen, flip, adjust ng brightness / contrast / gamma / exposure / saturation / hue, black and white, negative, sepia, and oil painting filter.

wala lang, ka-weirdohan ko lang po ito.

Reconnecting, Episode 1-TAKBoys Semi-Reunion


taken by JBoy Lopez outside our house

sabado ng hapon, January 2, 2010, nag-message sa akin si Bits thru facebook chat. nangamusta lang siya regarding my birthday celebration last November 2009 – sinabi ko oks naman, masaya… mas masaya nga lang sana kung nakapunta sila nina JBoy, Ralph and Allen. actually, nagulat nga ako at nag-message si Bits kasi nga hindi naman siya nagme-message sa chat, text, email o kung saan man. 2003 pa kami huling nagkita sa UP Diliman Fair and that was basically it – we lost touch ever since. si JBoy (or Jonathan or Jay) naman huli kong nakita in 2004 pa, nung pumunta silang mag-asawa ni Ellen sa birthday ko, si Ralph and Allen naman hindi ko matandaan if it was 2004 or 2005, but all i remember is that it was a dinner/get-together at Libis. since then, kanya-kanyang buhay na kami at nagka-konektahan lang talaga sa mga online na networking sites gaya ng friendster, multiply at facebook. narito ang excerpts ng chat namin ni Bits na ipinadala ko sa boys that day:

Boys, kamusta na? Happy New Year! ka-chat ko si Bits kanina at eto napag-usapan namin. pwede ba kayo bukas? tara!

2:48pm Bits
may mga pasok?

2:48pm Mic
ewan ko. wala naman yata

2:48pm Bits
eh di bukas :)

2:50pm Bits
alam mo ba kung san sila nakatira?

2:51pm Mic
si Jay alam ko sa Pasig pa rin. si Joms sa dati pa rin, si Allen di ko sure kung sa San Mateo pa rin
married na pala si Allen

2:52pm Bits
nakita ko nga sa fb eh
ikaw san ka na?

2:53pm Mic
dito pa rin sa Metroville pre
shet, kailangan magkita-kita ang mga TAK Boys
kahit one weekend lang

2:55pm Bits
tarakas daanan kita tapos daanan natin!
tara, bukas daanan kita tapos daanan natin

2:56pm Mic
oks lang sa king bukas. basta wag masyadong gabihin. paano ba i-copy paste ito? i-message na rin natin sila para may warning, hehehe

Bits
haha, di ko sure sa facebook :P
try ko

2:59pm Mic
nakopya ko na
i-message ko para kasama tayo lahat sa recipients

Jonathan Lopez January 2 at 7:40pm Reply
ok lang ako. saan ba?

Mic Entoma January 2 at 9:35pm
dadaan si Bits dito bukas ng 9AM. di ko alam kung saan, pero oks lang sa akin kahit sa bahay lang ng kahit sino sa atin, para less hassle di ba?

so ayun na nga, dumaan dito sa bahay si Bits at sinundo ako. habang nasa sasakyan ay tinext namin si JBoy para pasunurin kung saan man, at nagkwentuhan tungkol sa Ondoy at ang naging epekto nito sa mga buhay-buhay namin. pinuntahan namin sa bahay si Ralph para sunduin kahit na hindi siya nag-confirm sa text. akalain mong natandaan pa rin namin ni Bits ang daan papunta doon – maybe it’s a sign na magiging okay ang araw na iyon. in true Ralph fashion, inabutan namin siyang hindi pa bihis nung oras na iyon, pero oks lang naman kasi pina-meryenda muna kami ni Tita Harriet (Mama ni Ralph) ng cookies at coke. matapos magpa-alam, umalis na kami – wala naman kaming lugar na planadong pupuntahan talaga, so we decided na dumiretso sa UP Diliman at bahala na kung anong mangyari.

habang umaandar ang sasakyan, kwentong ex-related ang banat ko dahil isa yun sa mga na-ungkat na topics – the lack of closure, the screwjob ending and all that shit – pero nagkuwento lang ako to update them regarding my life, wala namang bitter ocampo 3:16 moments whatsoever. sa may Katipunan, bumili ng isang dosenang Strong Ice in can itong si Bits para may mainom kami – pero hindi habang nagda-drive, ha? pagdating sa UP ay dumiretso kami sa parking space sa likod ng Faculty Center at nag-inuman nang patago habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay namin – ang trabaho ni Bits sa customer service at ang mga work-related na pagtawag sa kanyang cellphone, at ang trabaho ni Ralph bilang transcriber ng mga conversations ng iba’t ibang tao para sa iba’t ibang purposes, mapa-business, monkey business o kung ano man, among other things. hindi pa rin nagre-reply si JBoy kung kaya’t nag-yaya na si Bits mag-lunch.

at saan naman niya kami dinala? surprise, surprise! sa goodburgers kami pumunta, along Maginhawa street sa Sikatuna Village. medyo malapit lang siya sa opisina namin, and since nasubukan ko na ang burgers nila (although hindi pa lahat), alam kong masarap ang pagkain doon. siyempre pasaway ako at hindi ko pa ubos ang beer ko kaya inubos ko na muna doon habang naghihintay kami ng orders namin. at this time, naglabas ng SLR camera si Bits – naka-Nikon si loko – at nagkali-kalikot / nagkuha ng pics. pagdating nag orders ay nagkanya-kanya muna kami ng lamon – i had the cheesy mushroom burger (chicken patties, best size) pati regular wedges w/ ketchup, at bottled water kung kaya’t solb na ako pagkatapos. medyo pasaway si Mayor kung kaya’t matapos kumain eh nagpadaan muna ako kay Bits sa office namin para makapag-CR ako – buti na lang at naka-duty si Manong guard.

afterwards, nagmaneho lang si Bits hanggang mapadpad kaming tatlo sa Libis – during that time ay nagkukuwento ng ex-related na bagay si Ralph as well as yung na-encounter niyang matandang babae sa dati niyang trabaho bilang legal adviser. ang punchline nung matandang babae (na mukha daw university professor) ay tinanong siya ng: “Hindi mo ba ako kilala? Ako ang kasama ni Ninoy sa P500!” – putang-ina, as in “putang-ina” lang ang nasabi namin sa kwento niyang yun. after that, dinala kami ni Bits sa Antipolo para mag-chillax lang at uminom nang konti sana, kaya lang, medyo napakiramdaman niyang nagkaproblema ang kanyang sasakyan kung kaya’t nag-decide na lang kaming bumalik. napag-desisyunan na lang namin na tumambay sa bahay at mag-jam kuno. dumaan kami sa Sta. Lucia para bumili ng string ng acoustic guitar at bumili na rin ako ng capo at picks. siyempre, blooper na naman itong si Bits at nakalimutan yung binayarang item sa counter kung kaya’t hinabol pa kami nung shop assistant nang paakyat na kami sa escalator. ewan ko ba, talaga nga sigurong comedy ang halos lahat ng eksena kapag kami-kami ang magkakasama. matapos lumabas sa parking area na pagkahaba-haba ng daan, mendyo napangiti naman kami ng parking attendant na kamukha ni Maja Salvador kaya tuwang-tuwa naman kaming tatlo. bago umuwi, dumaan muna kami sa isang convenience store sa Caltex para bumili ng chips, softdrinks at yelo para may ka-terno naman ang Alfonso Brandy ko sa bahay na regalo naman ni Pepper nung birthday ko.

pagdating namin sa bahay, ipinagluto kami ni Nanay ng pork steak na pulutan at nag-init din ng pasta para ka-terno ng natira naming beer. hindi rin naman kami nakapag-jam kasi nauwi kami sa panonood ng “Joe Dirt” sa PC. since nag-online ako sa facebook at that time, nabasa ko ang messages nina Allen at JBoy (Jonathan):

Allen Hernandez January 3 at 9:55am Reply
oioi... saya to! kaso short notice... ibang weekend sana :)

Jonathan Lopez January 3 at 2:04pm Reply
oo nga resched na lang. hindi ako makaalis today. nanganak yung asko ko. walang mag-aalaga

sumagot ako at baka sakaling makahabol pa sila or kung anuman:

Mic Entoma January 3 at 2:17pm
andito kaming tatlo nina Joms sa bahay, galing sa UP tapos kalahati ng Antipolo pero heto at bumalik sa kapatagan dahil dumighay yung kotse ni Bits. nag-Sta. Lucia kami para bumili ng string at magbayad ng parking fee na okey lang kasi kamukha ni Maja Salvador yung parking attendant. sayang wala kayo pare. sana sa ibang weekend pare, kumpleto tayo.

nakahabol pa si JBoy nung hapon, pero mukhang di talaga pwede si Allen kung kaya’t semi-reunion lang talaga ang aming pagkikita. siyempre, dala ni JBoy ang ever-reliable kotse niyang si TAK – isang pulang Toyota Corolla na may plate number TAK *** – hence, the TAKBoys name came to be. tribute namin iyon kay TAK at sa aming naging samahan nung college. if my memory serves me right, i think si Allen ang nag-coin ng TAKBoys na name ng aming munting tropa. ikwento ko mamaya ang iba pa naming mga adventures noong college pagkatapos nito.

nagdala din ng SLR itong si JBoy at Nikon din kagaya ng kay Bits. nagpicture-taking kami sa labas ng bahay – with TAK of course – for old times’ sake. nagkwentuhan yung tatlo about car-related stuff na hindi ako maka-relate kasi wala naman akong kotse, at kinuwento rin ni JBoy ang mga ailments ni TAK dahil sa katandaan na rin. afterwards, pumunta kaming apat sa Brick Road sa may Sta. Lucia para mag-dinner at tumambay, pero sarado yung place na ni-recommend ni Bits kung kaya’t nag-park na lang siya doon at nag-dinner kaming apat sa Hassan’s (isa siyang Persian restaurant / steak house sa bangketa along Felix Avenue just outside Sta. Lucia Mall) habang nagkukuwentuhan. kung anu-ano pa ang napag-kwentuhan namin, magmula sa Typhoon Ondoy, mga kalokohan namin noong college, family life nina Bits & April / JBoy & Ellen, hanggang sa kanya-kanyang mga adventures namin – pati ang mga pag-gala-gala ko kasama ang mga bagong kaibigan, a.k.a. kayo. sinuggest ko nga sa kanila na i-add sa network nila ang R.A.C.E. para in the future baka makasama sila at makilala kayo. tapos na kaming kumain nina Bits at Ralph pero hindi pa dumadating yung order ni JBoy – biniro nga namin na baka kinakatay pa yung baka. after dinner, bumalik na kami sa bahay at nag-picture taking ulit bago magpaalam sa isa’t isa. we all wished na sana next time, kumpleto na kami para mas masaya. i later found out na hindi talaga pupuwede si Allen dahil may sakit yung wife niyang si Rose. nga pala, if i remember correctly, nakapag-reconnect ako kay Allen thru facebook sometime nung pagkatapos ng birthday nina Meimei and Sally sa Casa Ligaya. nag-comment si Rose sa isang picture na pinost ni Ronnel at kilala daw ako ng bf niya – who turned out to be Allen nga. ang galing, di ba?

masaya ako nung araw na iyon kasi kahit papaano eh nag-reconnect kami ng ilan sa mga taong itinuring kong mga tunay kong kaibigan. naiintindihan ko namang mga busy kami lahat kung kaya’t hindi na kami makakapagkita-kita nang madalas gaya ng dati – at siyempre, may mga kanya-kanyang priorities na din naman kami. to this day, wala pa naman uling plano kasi mga busy talaga, pero sana in the future magkita-kita ulit kami.

you might be wondering: sino ba sila? sila ay mga schoolmates/classmates ko noong high school sa Lourdes na naging ka-close ko lang noong college days ko na sa UP Diliman (1995-2000). nung first sem ng freshman year, nakasama ko si Bits sa registration and nakita pa nga namin si Kuya Paolo, ka-barkada ng Kuya ko. nalaman ko na magkatabi lang ang mga building namin ni Bits (sa Palma Hall ako [College of Social Sciences and Philisophy], sa Palma Hall Annex naman siya [Department of Psychology]) kung kaya’t sa tingin namin malamang ay magkikita kami nang malimit, either sa GE subjects or sa kung saan man. si JBoy naman, may common free time kami pag Tuesdays and Fridays at nagkita kami isang beses tapos kwentuhan, tambay lang, bili ng lunch tapos tingin-tingin sa mga chicks. sa katabing building ng College of Arts and Letters naman siya, taking up BA English, along with Ralph who was under the Creative Writing program nung time na yun. si Allen ang pinakamalayo sa amin kasi nasa School of Economics siya nun, pero barkada na sila ni Ralph since high school.

naging close kami sa isa’t isa nung 1997, at a time na we were beginning to take up major subjects sa mga kurso namin. madalas kaming magkita-kita nina Bits, Ralph, Jay at Allen tuwing registration sa UP and there was a time na synchronized yung mga free time namin every Tuesdays and Fridays kung kaya’t tambay-tambay lang kami sa Palma Hall – aral, yosi, tawanan, kwentuhan tungkol sa mga frustrations sa buhay / babae, at iba pang mga drama. nahilig din kami nina Jay, Ralph and Allen sa basketball kung kaya’t tuwing hapon ng Tuesdays and Fridays ay pumupunta kami sa asphalt half court ng CPA (College of Public Administration at that time, NCPAG or National College of Public Administration and Governance na ngayon) para maglaro at minsan nga nakakalaro namin yung mga manong doon, or minsan naman kami-kami lang. usually kasama din naman namin si Bits kaso wala naman siyang hilig sa basketball kung kaya’t tambay / yosi / gitara / laro ng WORMS / kwentuhan lang kami pagkatapos ng mga laro. during those times, dala-dala ni Jay ang kotse niyang si TAK, at usually may dala rin siyang bola ng basketball sa trunk, gitara, damit, readings, laptop, etc. naging habit naming lima ang pag-uwi nang sabay-sabay after our classes, with or without TAK – usually after classes, tambay-tambay lang, yosi, kwentuhan tungkol sa mga nangyari that day, e.g., kung nakita ba ang kras, kung pinansin ba ng kras, kung hindi pinansin ng kras, kung napag-initan ng prof habang iniisip ang kras, at kung anu-ano pang mga bagay. ilan pa sa mga bonding activities namin ay ang paglalaro ng WORMS sa laptop ni Jay, pagkain ng isaw sa may Kalayaan Dorm sa pwesto ni Mang Larry, pagtambay / pag-inom sa lagoon paminsan-minsan, or panonood ng featured film sa Film Center every now and then.

minsan, nagpunta kaming Robinson’s Galleria at dala-dala ni Jay yung gitara niya. habang nagda-drive si Jay, puro kagaguhan ang mga pinagsasasabi namin nina Ralph, Bits at Allen habang naggi-gitara tapos tawanan kami nang tawanan – every ilang seconds habang may nagsasalita, biglang may sisigaw na isa sa amin ng: “Aba!!! , Ha?!?!? or Ano daw?!?!?” tapos nagtitinginan yung mga tao sa ibang sasakyan at parang iniisip nila na mga siraulo kami. isang beses naman, nag-comedy jam kaming tatlo nina Ralph at Jay sa bahay nina Ralph – ni-record pa nga sa tape yun, at di ko lang alam kay Jay kung buhay pa ang tape na yun – para kaming Pork Chop kaya lang trio tapos may nag-gigitara. madaling-araw na kami natapos sa kagaguhang iyon. buti na lang at hindi kami pinaghahataw ng diyaryo ni Tita Harriet (Mama ni Ralph) nung time na yun dahil sa kakulitan namin. there was also this one time na nanood kami sa sinehan ng “High School High” (starring John Lovitz, Tia Carrere and Mekhi Phifer) tapos tawa kami nang tawa dun sa eksenang sinusubukan ni John Lovitz yung produktong “scrotum isolator” – in fact, nung mag-comedy jam kami kina Ralph, kinonsider naming group name yung scrotum isolators dahil sa sobrang katatawa namin sa sinehan. hindi ko rin makakalimutan yung time sa 4th floor ng Palma Hall na may ginaya kaming Tito, Vic and Joey skit kung saan nagbabasa ang isa sa amin ng diyaryo at nag-a-ad lib na yung article sa diyaryo ay tungkol sa isang sunog, tapos nang may umakyat na estudyante, sinindihan yung diyaryo tapos pinatay namin yung umaapoy na diyaryo sa concrete table sa pamamagitan ng pag-apak sa kanya. grabe, bumaba at nagsumbong sa gwardiya yung estudyante kaya mabilis naming niligpit yung mga abo. buti na lang at hindi sumama sa gwardiya yung nagsumbong kung kaya’t nang tanungin kami nung gwardiya kung may nakita ba kami, sinabi namang wala dahil kadadating lang namin doon at naghihintay sa next class namin. sobrang kinabahan din kami doon, pero nakalusot pa rin sa gusot – oo, it was stupid pero we thought it was a funny prank at the time. pagkatapos nun ay nagsipasok na kami sa mga classrooms namin at umattend ng kanya-kanya naming European language subjects. karaniwang eksena na rin sa amin noon ang mag-meryenda ng banana cue, kamote cue, lumpiang toge, fishball, kikiam, coke, sprite, royal, fanta na hindi inaalala kung magsisitaba kami dahil parang ang taas ng metabolism mo kapag bata ka pa – nowadays, kahit gutumin mo ang sarili mo, tataba ka pa.

meron din naman kaming bad times, and usually nandoon naman kami para makinig at dumamay sa isa’t isa. hindi man namin mapangakong malulutas ang problema ng bawat isa, at least we all had each other kapag kailangan mo ng mapagsasabihan / mapapag-share-an ng sama ng loob, problema at iba pa. minsan, isang tapik lang sa balikat o ang mga salitang “andito lang kami,” malaking bagay na. sa mga times na iyon, masaya at malungkot, sila ang mga kasama ko / mga naging kaibigan ko. alam kong hindi na maibabalik ang mga times na iyon, pero masaya ako at naging magkakaibigan kami. it was somewhat inevitable na nagkaroon ng time sa aming buhay kung saan kailangan na naming mag-focus sa aming studies / courses / major subjects kung kaya’t we all had to be apart. sina Ralph and Allen decided to shift into Public Administration kung kaya’t sa NCPAG sila nag-base, while si Bits naman shifted sa Arts and Letters from Psychology kaya sa katabing building lang siya – magkasama sila ni Jay na nag-stay sa course niyang BA English. ako naman, i pursued my degree in Sociology and joined a college-based sociology organization kung saan may mga nakilala din akong iba pang mga kaibigan, including my first girlfriend. doon ko din nakilala ang ilan pang mga kaibigan ko hanggang ngayon – sina Francis, Ajel, Archie, Menan, Amy, Aileen, Pia, Malou, and Anne. paminsan-minsan, dumadaan sina Bits and Jay sa tambayan namin para mangamusta or tumambay din – at naging kaibigan din nila ang ilan sa mga nakilala ko sa sociology org na sinalihan ko. so ayun, sila ang ilan sa mga kapatid ko sa labas ng bahay, mga naging bahagi ng buhay ko – sina Jonathan Virgil Florentin Lopez, Ralph Rey Macaldo Navelgas, Labrador Paras Victoria, Allen Joseph Malimban Hernandez, at kasama ako, si Christian Michael Curia Entoma… kami po ang TAKBoys. maraming salamat sa pagbabasa ng maikling istorya naming ito.

p.s. maraming salamat kina Bits at Jay sa mga pictures. Boys, ulitin natin ‘to ha? =O)>

Sunday, February 21, 2010

my 2009 in pictures and words, part 2

eto na ang part 2. natapos ko rin sa wakas. *hingal*

 

 

ito ang isang pagtatagpo na hindi matutuloy kung hindi dahil sa efforts ni Shelby kaya salamat Shelby sa pangungulit sa mga tao =O)>. this was a get-together dinner / drinking / kwentuhan / reminiscing / laglagan session ng sociology classmates / orgmates / friends at Trellis Kalayaan. physically present were Aileen, Shelby, Kitchie, Eloisa, MG, Pia, Shane, Gina, Francis, Auric, Ditoy, and Mic, while present via phonepatch were: Stine and Jette. medyo humabol ako sa dinner kasi bago ako lumabas ng office ay umulan naman nang napakalakas – mabuti na lang at may jacket ako at mabilis magpa-andar ng tricycle si manong kaya naka-ilag siya nang bahagya sa ulan. pagdating ko doon ay nadatnan ko sina Shelby, Kitchie, Eloisa, Aileen, Pia, Shane and MG na nagkukuwentuhan over drinks. umupo ako sa tabi ni Aileen para nakaharap ako sa may entrance, at para nakaharap din sa kanilang lahat, kasi ilan sa kanila ay matagal ko na ring di nakikita. sina Aileen at Francis lang kasi ang malimit kong makita / maka-text, although si Francis ay mahirap makita sa gabi / dilim kagaya ko. hindi na nagkahiyaan at umorder na kami ng tsibog - at masarap ang dinner, lalo na ang sisig at calamares. dumating later on sina Gina, Francis, Auric and Ditoy tapos inuman session na habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay, as well as mga pinagkaka-abalahan, mga ex-related stuff, at kung anu-ano pa. tumawag sa phone sina Stine and Jette so nakausap ko rin sila nang panandalian. salamat nga pala sa mga pictures sa collage na ito galing kina Shelby at Francis. nag-update-an din kami ng kanya-kanyang mga phonebooks, although my number is still my original 2001 phone number – ako lang yata ang hindi nagpalit, hehehe. naka-kwentuhan ko rin si Pia about Batad kasi nakapunta na siya doon last 2008, a few months before i did. Wednesday na gabi ang get-together namin, and i was about to return to Batad that coming Saturday with my RACE/lakbay-lakbay friends. mahigit five years din mula noong huli kaming magkita – sa UP Fair pa yun nung 2004, may European film fest noon sa pagkaka-tanda ko tapos nanood kaming tatlo nina Pia at Malou ng “Son De Mar” (The Sound of the Sea) sa Film Center. Malou couldn’t make it that night kasi out-of-town siya at that time. so ayun, kwentuhan / inuman / picture-taking ang trippings namin sa Trellis, nang bigla ko pang makita si assistant coach Pido Jarencio ng San Miguel Beermen na in-assume ko na galing lang sa Game 1 ng PBA finals laban sa paborito kong Barangay Ginebra Gin Kings. mukhang hindi siya masaya kaya nahiya naman akong lumapit para magpa-autograph – nalaman ko later on na natalo sila sa Ginebra that night. unfortunately, ang magandang gabing iyon ay may hangganan kung kaya’t nagpaalam na ring umuwi sina Eloisa, Gina and Pia habang naiwan pa kaming mga nag-iinuman at naglalaglagan, i.e., napag-usapan kasi ang mga “histories and other ek-ek” – pero it was all good naman. looking back, nakakatuwa din ang gabing yun kasi naging updated kami sa mga buhay-buhay ng bawat isa sa amin – yung iba may mga asawa na, yung iba may mga anak na, yung iba engaged na, yung iba naka-move on na from past break-ups, yung iba single pa at naghihintay, pero lahat naman kami masasaya sa tingin ko. this was a great re-connecting experience for me – naging masaya ako that night dahil bukod sa nakita ko ang ilang mga kaibigan, it was also a reminder na we’re still in each other’s lives kahit pa bihira na lang kaming magkita-kita. pag-uwi ay nagpaalam na kami sa isa’t isa ng mga kaibigan at nakisabay na ako kay Auric dahil pauwi siya sa Pansol sa may Katipunan so idinaan na lang niya ako sa Sikatuna at sa office na ako natulog para di ako ma-late sa pagpasok kinabukasan.

 

 

a few days after our UP Sociology get-together, bumalik ako sa Batad kasama ang ilang mga kaibigan. i was hoping na sana kumpleto kaming mga first batch kaya lang hindi pwede. ganunpaman, kahit isa ito sa mga pinakamahirap puntahang lugar sa buong buhay ko, hindi ako nag-atubiling bumalik dahil sa kagandahan pa lang niya ay worth it na ang pagod. maraming salamat nga pala kina Abet, Joyce, Kay, Mon at Terence para sa mga larawan sa collage na ito.  since naikuwento ko na rin siya dun sa photo album kong “Breathless in Batad – the Return of the Comeback,” eh di ni-lift ko na lang itong mga excerpts:

 

as the title suggests, this is my second time na magpunta sa Batad Village sa Banaue, Ifugao.  yung first time was slightly over a year ago, kung saan nakilala ko sina Josiah, Terence, Thina and Marjan.  this was supposed to be a reunion of sorts kaya lang ay wala sina Josiah and Marjan at hindi nakasama sina Jhen at Doni dahil may sakit si Jhen at nasa abroad pa si Doni at the time of this tour.  whereas sampu lang kami last time, mas kaunti pa kami this time: King Louie, Abet, Mon, ako, Terence, Thina, at sina Joyce at Kay.  as usual, hapit na naman ang work week na iyon – it always seems na every time may lakad ako eh kailangan ko munang bugbugin ang katawan at utak ko bago ako makalaya nang panandalian.  after having dinner, hinanda ko na ang mga gamit ko para makapunta na sa Florida Bus Terminal.  pagdating doon ay inabutan ko sina King Louie, Abet, Mon, Joyce at Kay na nagkukuwentuhan.  mas maaga ang call time na ni-set ni King this time kaysa sa departure time ng bus compared dun sa nakaraang Sagada trip kung kaya’t kahit medyo late ako eh marami pang time para maghintay.  habang nagkukulitan kami sa may gilid ng kalapit na ladies’ dorm ay dumating na rin si Terence at Thina.  so ayun, kwentuhan lang kami habang hinihintay ang bus, at pagdating ng takdang oras ay nagsisakay na kami.  wala namang masyadong maraming kwentuhan habang nasa bus na, so after kong i-ayos ang aking mga gamit ay nag-text lang ako kay Nanay, nagdasal at sinubukan ko nang matulog sa gitna ng maginaw na aircon.  nagising ako nang mga ilang beses sa pag-stopover at sa pag-uusap-usap ng mga tao pero di na ako bumaba ng bus para mag-stretch ng katawan dahil mas malakas ang hatak ng naka-recline na upuan.  kahit most of the way ay naka-hilata ako, parang di pa rin ako nakatulog nang maayos kasi parang paputol-putol ang idlip ko.

 

pagdating sa Banaue nung umaga kinabukasan ay mukhang maganda ang panahon.  matapos ang panandaliang pagtigil sa may Hall of Justice ng Banaue ay dumiretso kami sa Viewpoint para makapag-picture taking – ang malas na lang siguro ni Kay kung umulan pa bigla, di ba?  ayun, masaya naman ang pictorial kasi maganda ang sikat ng Haring Araw at saka kami pa lang ang mga tao dun kasi pati yung tindahan ng souvenirs ay pa-bukas pa lang.  nakakita ako ng magandang sangkalan na gawa sa kahoy kaya bumili ako ng isa, at mukhang magandang klase dahil mabigat siya – yun bang tipong pag ihinataw sa ulo mo at tinamaan ka, eh mga tatlong araw kang tulog.  bumili rin ako ng mga coin purse para pasalubong, at yung malalaki ang pinili ko.  kumuha-kuha din ako ng mga picture sa tabi-tabi, at na-tripan ko yung native scooter na korteng kabayo as well as yung native conga drums nila doon sa tindahan.  matapos ang picture-picture sa Viewpoint ay pumunta na kami sa suking Halfway Lodge para mag-almusal.  masarap as usual ang pagkain, scrambled egg, hotdog at ang walang-kamatayang berdeng saging.  nga pala, ang “tanong ng bayan” sa tour na ito ay: “Kung ikaw ay isang prutas, anong prutas ka at bakit?” – basta ako, sinabi kong saging ako dahil ako ay may puso.  bahala na kayong alamin ang mga sagot nila, hahaha… matapos ang kaunting pahinga at pakikipag-meeting kay Mayor, bumili kami ni Abet ng dalawang kwatro kantos na Ginebra, Nestea iced tea at iba pang mga “essentials” sa kalapit na tindahan.  pagbalik sa Halfway Lodge ay naghintay lang kami nang sandali bago bumiyahe patungo sa Batad Saddle.  medyo mas nahirapan umakyat ang sasakyan namin kumpara nung isang taon kasi may mga bahagi ng daan na mas malubak at mas mabato.  ganunpaman, narating pa rin namin ang saddle nang medyo tangha-tanghali na.  matapos ang saglit na pahinga at konting pag-aayos ng mga gamit ay naglakad na kami pababa ng saddle.  doon kami dumaan sa mas maikli ngunit mas matarik na daan – na dinaanan naming mga kabilang sa “first batch” last year.  whereas last year ay bandang hapon na kami bumaba ng Batad, this time ay lunchtime kami pumunta.  ang isang napansin ko ay para bang ang bilis ng trek namin this time compared to last year’s.  sabi ni Abet ay ganun daw talaga kapag bumalik ka na – parang mas madali na nang kaunti kasi medyo familiar na sa iyo yung dadaanan mo.  pakiramdam ko nga eh inilapit nung mga tao ang mga waiting sheds para hindi kami mahirapan masyado.  para talaga akong niloloko ng katawan at isipan ko dahil hindi ako hiningal masyado sa pagbaba naming iyon – kaya pakiramdam ko ay malilintikan ako sa pag-akyat namin pabalik kinabukasan.  ganunpaman ay natutuwa ako dahil sa pagbalik naming iyon – na itinuring kong panandaliang kalayaan mula sa toxicity ng aking trabaho.  kumpara last year, dalawang beses lang akong natapilok this time, although matinding tapilok yung dalawan iyon na gumulong talaga ang maga sakong ko – at nangyari ang unang tapilok habang sinasabi ko sa sarili kong mas maganda yung traction ng bago kong sandals.  mabilis naming narating ang karatula ng Batad Pension and Restaurant, na ibig sabihin ay malapit na kami sa aming tutuluyang bahay.  tanaw namin mula doon ang saddle, at namangha ako na nalakad na pala namin ang ganun kalawak na distansiya sa limitadong oras lang.  shortly afterwards, natapilok ako sa pangalawang pagkakataon nang malapit na kami sa aming patutunguhan.  napalingon pa si Thina dahil sa pagtunog ng paa ko, nakakatakot daw, hahaha!  nang makarating na kami sa Batad Tourist Information Center ay nag-register kami doon, nagpahinga nang kapiraso at nagpa-picture bago magpatuloy ng paglalakad patungong Batad Pension and Restaurant.  napadaan kami sa Batad Elementary School at sa mangilan-ngilang mga hagdan bago namin marating ang aming tutuluyan.

 

pagka-baba namin ng aming mga gamit ay nagpahinga muna kami, at nakahiram kami ng gitara kaya naglibang-libang muna kami doon sa veranda / dining area.  medyo traydor ang katawan ko kasi dito na ako nakaramdam ng konting pagod / pananakit ng katawan – nagmistulang pa-asa lang pala yung kanina.  ang ganda rin naman ng aming timing kasi mamaya-maya lang ay bumuhos na ang ulan.  painom-inom lang muna ako ng tubig habang nagre-relax at nagpapatuyo ng pawis.  naki-kape na rin ako habang hinihintay namin ang aming tanghalian.  mamaya-maya ay ipinasok ko na ang bag ko sa kwarto at inayos ang mga gamit ko sa kama.  panalo ang tsibog namin nung tanghaling yun: sinigang na baboy at chicken curry na inihain sa tig-apat na mangkok – na sa dami ng serving ay solb na ang dalawang tao sa isang mangkok pa lang.  siyempre, nabawasan ang pagod dahil sa sarap ng kinain namin, kahit ba medyo pumapalag pa yung sinigang na baboy habang nginunguya mo siya.   matapos ang lunch ay naka-goli na rin ako sa wakas, at ang sarap ng pakiramdam kahit maginaw.  matapos iyon ay jam-jam lang kami nina King at Abet tapos mamaya-maya lang ay sumama na rin si Terence at maging si Kay ay nandun din at kinuhanan pa nga kami ng ilang pictures.  ilan sa mga sinubukan naming mga kanta ay Patience (Guns N’ Roses), Runaway Train (Soul Asylum), Every Breath You Take (The Police), at With or Without You (U2).  kung hindi ako nag-gigitara ay nagpe-percussion ek-ek lang ako sa mesa o kaya’y sa gitara mismo as back-up kina Abet at King – at masaya naman kasi may makapal pa silang songbook doon na pwedeng hiramin ng mga guests tulad namin, kung kaya’t madaming kantang pwedeng i-cover.  medyo inantok lang ako nung bandang hapon na kung kaya’t bumalik na muna ako sa kwarto para matulog.  di ko namalayan kung gaano ako katagal nakatulog, pero mahigit isang oras din siguro yun kasi medyo takipsilim na nung bumangon ako.  paglabas ko ng kwarto ay wala sina Abet, King, Terence at Kay kung kaya’t dinampot ko na lang yung isang gitara at tumugtog sa isang sulok ng dining area.  mamaya-maya ay lumabas ng kwarto si Joyce at umupo malapit dun sa isang long table.  natatandaan ko na para kaming nagka-kanya-kanyang moment dito – nagyoyosi si Joyce habang ako naman ay tumutugtog ng isang kantang komposisyon namin ng best friend kong si Alex.  ewan ko, pero parang down ang mood ko nung mga sandaling iyon – ang dami ko rin kasing iniisip – mga ‘sino’, ‘ano’, ‘kailan’, ‘bakit’, at ‘paano’… kaya idinaan ko na lang sa pagtugtog ang aking mga personal dilemma, kaysa naman mag-drugs ako o kaya’y magpa-sagasa sa rumaragasang pison.  madilim na nang bumalik sina King, Abet at Kay mula sa paglilibot sa labas.  mamaya-maya ay nag-set up na rin sina King at Abet ng mga gamit para makapagluto na ng hapunan.  nagbantay-bantay na lang kami nina Kay, Mon at Thina sa sinaing at adobong pinainit ni King habang sila naman ni Abet ay nagluto ng fried chicken at soup sa kusina sa ibaba ng bahay.  solb na solb kami as usual sa napakasarap na hapunang iyon.  matapos mailigpit ang mga gamit ay inilabas na ang itatagay na Ginebra pati ang mga kukutkuting chichirya.  nagpaluto din kami ng pizza para may dagdag na pulutan, pero bago yun ay umaatikabong kulitan at tawanan muna ang nangyari sa kwarto nina Kay at Joyce kung saan andun lahat ng mga “noisy” boys and girls – palibahasa kasi ay walang “authority figure” na a la Mamita na sasaway sa amin kaya parang mental hospital doon sa loob.  as in kulang na lang talaga eh mag-rolyo ng diyaryo si Abet at paghahatawin kaming lahat para magsitahimik.  di nagtagal ay sinimulan na rin namin ang inuman at ako ang nagsilbing tanggero sa unang bote ng kwatro kantos, na binalanse namin ang tapang sa pamamagitan ng iced tea na walang ice pero swabe pa rin.  habang umiikot ang tagay ay nilalasap namin ang sarap ng pizza, chichirya at tugtugan nina Abet at King.  parang song of the night ang With or Without You dahil kinanta muli namin siya habang gin-a-jamming ang Ginebra at Nestea.  sari-saring mga kakulitan at kwentuhan ang shinare namin nung gabing iyon, and during the course of that session, somehow ay nauwi din sa medyo seryosong usapan, i.e., nai-share ko yung mga ka-dramahan ko sa aking ex, pati ang hinayupak na screwjob na naganap sa aming nakaraan (alam na nyo kung sinu-sino kayong nakinig, kaya maraming salamat ulit).  detoxification in the midst of intoxication ang naganap, basically – at nakakagaan din talaga siya ng loob especially kapag nai-share mo sa mga kaibigan.  at mas naiintindihan / nakikilala mo rin sila kapag nag-share din sila sa iyo ng mga personal na kwentong pag-ibig nila, or kahit anong kwento pa.  okay naman ang aming session sa pangkalahatan, except dun sa eksenang umentra si “Mr. Eight Hours” – i leave it at that kasi hindi naman siya importante para pag-aksayahan ko pa ng espasyo dito.  matapos maubos ang alak at magligpit, nagsipag-toothbrush na kami bago matulog.  nauna na ako sa kwarto kasi inaantok na rin talaga ako, kaya pagkaayos ng ilang gamit para kinabukasan ay humiga na ako sa kama at nagdasal.  hindi rin nagtagal at nakatulog na ako.

 

kinabukasan, paggising ko ay dumiretso ako sa dining area para tumambay at makipag-kwentuhan.  yun din ang nagmistulang unang episode ng morning show na “Good Morning, Mr. Philippines” – hehehe, joke lang po =O).  masarap ulit ang almusal courtesy of the King: pritong dilis, itlog, adobo, at tocino, which brings us to the quote of that weekend: nagtanong si Girl J ng “Chicken yan?” na sinagot naman ni Girl K ng “Tocino!” – yun na!  tumigil ng 2 seconds ang utak ko, promise – pero napatawa kaming lahat dun, at naging instant classic siya.  katunayan niyan ay ginamit pa itong album title ng isa sa kanilang dalawa =O).  matapos ang almusal ay pahinga muna nang kaunti, nag-CR, naghanda ng mga gamit at nagharutan muna kami at nag-picture taking bago mag-trek papuntang Tappiyah Falls.  sabi ni King ay susunod daw siya sa amin, pero magluluto daw muna ng lunch namin – basta, tipong ganun.  since medyo bandang ibaba na yung tinuluyan namin, medyo mas maikli na ang nilakad namin kumpara last year, pero napansin ko na parang mas mainit nang kaunti ang sikat ng araw ngayon.  kaya ayun, enjoy-enjoy sa mga tanawin at mga stopover, picture-picture konti at tawanan / kulitan hanggang sa makarating na kami sa Tappiyah Falls.  pagdating doon ay nakasalubong namin ang isang lalaking turista na sa tingin ko ay lahing Arab dahil sa kanyang features.  pabalik na siya sa itaas kaya nung makasalubong niya kami ay nag-nod siya as greeting and nagpatuloy na sa pag-akyat.  after about a year ay nakabalik na rin ako sa Tappiyah, at parang mas lalo pa siyang gumanda ngayon.  napansin kong mas mataas ang tubig ngayon dahil mas malapit na siya dun sa malaking bato na pinag-iwanan namin ng mga gamit, at mas malamig ang tubig ngayon – mas malamig pa sa tubig na galing sa ref, kung kaya’t kahit makapal ang taba ko ay gininaw din ako sa paglusong.  dahil sa pangamba kong mapigtas ang aking tsinelas, hinubad ko iyon bago lumusong sa ilog, at sobrang sakit sa paa na para kang na-hard massage sa talampakan dahil sa mga bato – okay lang naman kasi sa ganda ng Tappiyah Falls, mawawala talaga ang pagod mo kapag narating mo na siya.  mas misty din ngayon ang paligid kumpara last year, at hindi ko alam kung bakit – kaya yung ibang kuha ko sa paltik ay basa ang lente at maulan ang hitsura.  ayun, we all had our share of solo poses, wacky shots at group pics – oo, nag-tirahan kaming lahat sa Tappiyah – while enjoying the scenery.  may blooper pa ako dito kasi nung naghahanap si Kay ng lalagyan ng cigarette butt eh kinailangan pa niyang ubusin yung Mr. Chips para magamit yung supot – medyo late kong na-realize na may extra pala akong plastic sa bag ko (churi naman, tao lang, nagkakamali din).  matapos ang pag-aaliw namin sa Tappiyah ay nag-trek na kami pabalik – at eto na ang simula ng kalahati ng aming “workout” para sa araw na iyon.  hiningal-hingal na ako dito sa pagbalik na ito, mabuti na lang at may tubig at bilihan ng tubig sa dinaanan namin.  naalala ko na tinanong pa nina Thina yung mga bata tungkol sa pagpasok nila sa paaralan araw-araw, at nakakatuwang isipin na araw-araw nilang lalakarin ang malayong distansiya para makapag-aral – nakaka-inspire sa mga tulad kong “napapagod” sa araw-araw na kayod sa trabaho.  nakaka-inspire na mabuhay in spite of kung ano mang mga ka-letsehan ang nararanasan ko.  patuloy kami sa paglakad matapos ang maikling pahingang iyon, at iba ang dinaanan namin pabalik.  sinalubong kami ni Mang Ramon malapit sa kapilya at ginabayan kami pabalik sa aming tinutuluyan, at dahil nga iba yung dinaanan namin pabalik ay panibagong challenges na naman ang aming kinaharap – and i had my fair share of talisod and tapilok moments as well.  nakakita rin kami ng puno ng saging na may puso, at maraming salamat Kay sa pagkuha ng aking picture / Mark Lapid moment =O).  pagbalik sa bahay, ni hindi ko na-recognize ang lugar at nagsabi pa ako ng: “Nasaan na ba tayo?” – at siyempre, comic relief siya kasi andun na pala kami sa area malapit sa kusina at di ko lang nahalata.  pagdating namin ay nakapagluto na si King ng panalong-panalo na tuna pasta at pina-init na rin ang natira naming pizza nung nakaraang gabi.  siyempre, hindi naubusan ng walang-kamatayang Nestea iced tea na walang ice pero malamig naman, kaya naka-dalawang balik pa ako sa tuna pasta ni King na mas masarap kapag dinamihan mo ang keso sa ibabaw – just make sure na walang naka-sahod sa ilalim nung cheese grater mo, hehehe!  matapos ang lunch ay naghanda na ako para sa pagbalik namin sa saddle: meeting kay Mayor, ligpit ng mga gamit / kalat, bihis, etc.  salamat kay King at tinuruan niya kaming gumawa ng improvised backpack cover gamit ang garbage bag.  masaya ako at may bago na naman akong natutunan.

 

malakas ang buhos ng ulan kung kaya’t medyo nagpatila muna kami bago tumuloy.  kasabay din pala namin si Mang Ramon pagbalik ng saddle.  sumaglit din muna si King sa Barangay Hall para makipag-usap kay Kapitan, at pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa medyo maputik at madulas na daan.  dito ko naramdaman ang distansiya ng mga waiting shed sa isa’t isa – na para bang inilayo naman sila sa amin para mahirapan kami pabalik, o baka kasi mas mahirap lang talagang bumalik kaysa sa pumunta.  pabugso-bugso ang malakas na ulan kung kaya’t nabasa din ang damit ko matapos ang ilang minutong paglalakad sa gitna nito.  sa bandang huli na ako ng pila kasama ni Abet dahil hindi rin naman ako mabilis at dahil di rin naman ako nakikipag-unahan.  nasabi ko din na kahit hinihingal-hingal ako nung mga sandaling iyon, hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit na anong materyal na bagay.  bihira kasi ang mga sandaling pakiramdam mo ay malaya ka, lalo na kapag dominante sa buhay mo ang makinarya ng career / trabaho – na minsa’y nakakasira ng bait kung tutuusin.  anyway, matapos marating ang ikatlong waiting shed ay hindi na kami nagpahinga nang matagal ni Abet at tinuloy-tuloy na ang pagbalik hanggang sa maabutan na namin sila.  nang makarating kami sa puntong pwedeng pumili sa pagitan ng dalawang daan, doon na muna ako sa mas mahaba pero hindi matarik samantalang yung iba naman ay doon sa mas maikli pero matarik na daan.  kasama ko sa daang mahaba sina Mon, Joyce at Kay samantalang sina Mang Ramon, King Louie, Terence, Thina at Abet ay sa daang maikli.  nag-pacing-pacing lang ako para hindi na ako masyadong hingalin, mga 15-20 steps tapos pahinga ng 10 seconds, tapos tuloy na ulit hanggang makarating na sa saddle kung saan nakita naming nagja-jumping jacks at push-ups sina Terence at King para lang makapang-asar sa amin – mga baliw, hahahaha!!!  ayun, pag-akyat ko ay bumili agad ako ng Big Bang sa tindahan ni Ate at binigyan ng isa si ka-tribong Thina.  biruan pa nung mga sandaling iyon na magpapabili daw si Terence ng Pau liniment parakapag nasa bus na eh ipapahid niya sa katawan – at humirit pa kaming mga adik na why not magpuno ng isang bath tub ng Pau liniment at doon maglublob – mga mentally-retarded talaga =O))!!!  matapos ang kaunting pahinga ay sumakay na kami sa jeep ni Kuya Richard para makabalik na sa Halfway.  habang nasa malubak na biyahe ay non-stop ang kwentuhan at mga “Banjo jokes” pati kung anu-anong pang mga kaululan / katatawanan.  paglampas ng Batad Junction ay inihatid namin si Mang Ramon sa bahay niya at tumuloy na papuntang Halfway.  pagdating doon ay nag-ayos-ayos agad ako ng mga gamit at inihanda ang aking pang-ligo para hindi na masyadong mahirapan.  umuna nang maligo yung iba at nagpasya na lang kami ni Abet na tsumibog na, tutal ay inihahain na yung dinner namin.  ang sarap ng hapunan namin: pritong tilapia, pinakbet at sopas.  nagtimpla lang ako ng sawsawang toyo at maanghang na suka para sa isda ko para mas swabe ang kain – grabe, panalo talaga yung isda kasi ang lutong at halata mong sariwa siya – hindi yung mala-Priscilla Almeda na “Sariwa” pero sariwa pa rin siya.  matapos ang dinner ay dumiretso na ako sa banyo para makipag-meeting kay Mayor at maligo.  ang sarap ng epekto sa pagod na katawan ng malamig na tubig kaya medyo nagtagal pa ako sa banyo.  pag-akyat ko sa dining area ay nagligpit-ligpit na ako habang napag-usapan ang posibilidad na baka hindi kami makauwi dahil sa mga landslides na naganap earlier that day.  mabuti na lang at matutuloy ang aming biyahe pauwi – same time, 8:00 PM – at sinabi ng mga kinauukulan na bake tumigil-tigil lang along the highway ang bus dahil sa mga ongoing na clearing operations.  medyo nakakalungkot kasi mangilan-ngilan ding mga bahay ang napinsala ng mga landslides – pinanalangin ko na lang na sana’y walang nasaktan sa mga pangyayari.  since mahaba pa ang biyahe, nagsalang ng DVD ang konduktor at Braveheart (ni Mel Gibson) ang featured na palabas.  nagustuhan ko itong pelikulang ito nang mapanood ko ito sa sinehan mahigit sampung taon na ang nakakalipas, kaya imbes na matulog kaagad ay nanood muna ako – at lalo kong napagtanto na si Sir William Wallace ay isang Tunay na Lalake.  ayun, pagkatapos ng pelikula ay nagdasal na ako at sinubukan ko nang matulog para makapagpahinga kahit papaano.  nagising ako nang nasa bandang Balintawak na ang bus namin at nagligpit ng kumot at unan ko nang medyo malapit na sa Cubao terminal.  nagsibaba kami nina Thina, Terence at Joyce sa Cubao at nagpaalam na muna sa isa’t isa.  sumakay na ako ng taxi papuntang Sikatuna Village para maka-idlip muna sa opisina, dahil sa ayaw ko man at sa gusto, balik na naman sa dati ang buhay ko.

 

for the nth time, salamat sa RACE, King Louie, Abet, Terence, Thina, Mon, Joyce at Kay sa isang unforgettable weekend.  balik ulit tayo next year – sana’y mas marami pa tayo para mas masaya.

 

sorry kung nabo-bore ko kayo with my somewhat long stories... hindi ko lang mapigilan ang aking sarili dahil masarap ikuwento ang mga memorable moments kagaya ng mga nasa blog entry na ito.

 

 

ito namang araw na ito was a surprise since, as the caption in the collage suggests, this was during the holiday in honor of the late hero Senator Benigno Aquino, Jr. – i was minding my own business sa bahay, tinkering with the computer and surfing the web nang biglang may nag-text out of nowhere – ang kaibigan kong si Francis (yung naka-CIA shirt na lalakeng kalbo sa collage) na gustong pumunta sa bahay at makipag-inuman sa akin. since wala naman akong ginagawa, eh di sabi ko sa kanya na okay lang – kaso nga lang sinabi ko rin na hindi ako pwedeng malasing masyado kasi may lakad ako kinabukasan at kailangan kong magising nang maaga (nasa next collage / section ang mga detalye). so ayun nga, napagkasunduan na lang na sagot na niya ang booze samantalang ako na lang ang didiskarte ng pulutan. pagdating ni Francis ay kasama niya si Ditoy (yung nag-yoyosi sa collage) at may dala silang... *drumrolls*... The Bar!  at saka may ka-tandem pa iyon na Sprite at saka oranges.  so nagtimpla na sina Francis at Ditoy ng dapat timplahin at nagsimula na kami sa session.  kwentuhan lang kami at nag-catch up sa mga buhay-buhay kasi nga nung UP Sociology get-together namin ay abala kami sa pag-gang up kay Francis at sa kanyang “history.”  this time ay history ko naman ang na-ungkat ng mga loko at napag-usapan namin nang kapiraso.  same old shit din naman, the lack of closure and all that screwjob shit.  kaya nga sinabi ko rin na hindi naman ako nagmamadali, although siyempre iniisip ko rin naman yung napupusuan ko... kaya lang kasi, minsan yung mga kaibigan mo, kung magsalita eh parang kulang na lang ay sabihin sa iyo na i-adapt mo ang style nila sa panliligaw sa babae, tipong ganun.  hindi naman sa nagtalo kami, pero ang bottomline is that sinabi ko na ako ang mas makakaintindi ng dapat kong gawin kaysa sa ibang tao na hindi naman directly involved.  so, to make a long story short, nag-inuman na lang kami at nilantakan ang barbecue at balut na pinabili ni Kuya (yung naka-Sixers na jersey sa collage).  sumunod rin pala si Mark (naka-blue polo shirt sa collage) sa session na ito dahil sinabihan siya ni Francis at the last minute.  isa pa palang napag-usapan namin ay yung PRIDE FC bout nina Kazushi Sakuraba and Royce Gracie noong year 2000 na na-download ko at napanood lang earlier that day. wala lang, bilib lang din kasi ako kay Sakuraba dahil pro wrestler siya sa Japan tapos nag-dominate siya sa mixed martial arts. kung titingnan mo yung entrances niya, may showmanship at flair ng pro wrestling pero ang tindi rin ng shootfighting skills niya.  sa mga hindi nakaka-alam, practitioner kasi ng Brazilian Jiu-Jitsu si Francis kaya minsan masarap siyang kausap pagdating sa mixed martial arts, wrestling, at iba pang related topics.  speaking of which, ni-remind ko rin pala siya na na-download ko at napanood yung video ng sparring session niya with another fighter na ka-stable din naman nila pero higher skill level.  sabihin na lang nating medyo na-3:16 si Francis sa session na iyon, at nag-verbal tap out in the first 3 seconds nung video – i really busted his chops regarding that video, as in.  kinuwento rin niya na nakalaban nila ang mga fighters from the Gracie school of BJJ at isa-isa silang natalo by various submission holds.  nang tanungin ko siya kung paano siya natalo, ang isinagot niya ay double wrist lock daw.  nung sinabi kong i-demo niya sa akin, ginawa niya dahan-dahan at na-imagine ko kung gaano yun kasakit.  still, natutuwa din ako sa kaibigan kong ito dahil sa competitive nature niya pagdating sa BJJ – yun nga lang, when you get behind him and hook his nostrils using your index and middle fingers, he’s very vulnerable squeals like a pig almost instantly.  ganunpaman, kami sa tropa love this friend of ours to death kasi sobrang loyal at talagang ipaglalaban ka – kahit minsan eh mali yung konduktor ng bus na inaaway niya at nagmumukha na siyang tanga.  sadly, medyo disappointed si Francis nung gabing iyon kasi akala niya ay lalabas na parang genie sa bote si Jake Cuenca, pero hindi naman nangyari kaya kami-kami na lang ang nilandi niya ng linya niyang: “Pare, P500 ituloy mo lang.”  to which we replied: “Francis, pahingi naman ng isang orange slice diyan!” – hindi naman kasi kami mahilig mag-lagay ng orange slices sa pitsil, it’s usually the hard drink then the soft drink mixed together, pero wala nang ka-eklatang orange slices – kaya nagmukha tuloy laman ng punch bowl sa children’s party yung laman ng pitsil.  kaya we just played along sa kalandian ng tinimpla ni Ginoong Magbitang.  hindi na rin naman kami tumodo masyado at nagligpit na rin soon afterwards.  all in all, this turned out to be a pleasant surprise that started from a whimsical text message.

 

 

siyempre, mawawala ba naman ang birthday ni Jhen?  ito ang second year na naki-kain, naki-nood ng tv, at naki-inom kami sa kanilang tahanan sa Barangay Tangway, Lipa City, Batangas – katapat ng Elementary School.  nakipag-meet ako sa McDo sa Robinson’s Pioneer at nakisabay kina Doni, Lanie, Terence and Thina papuntang Lipa.  siyempre, kwentuhan, kulitan at tawanang umaatikabo ang eksena sa sasakyan habang binabagtas namin ang daan papunta kina Jhen.  nang malapit na ay huminto muna kami para bumili ng cake na pang-regalo at yelo saka tumuloy papunta sa bahay nina Jhen.  lampas tanghalian na nang dumating kami, and sa mga oras na iyon ay papatapos na ang 1st game ng UAAP doubleheader at ang 2nd game ay sa pagitan ng UP Fighting Maroons laban sa De La Salle Green Archers.  siyempre ay pinakain na kami ng Mommy ni Jhen ng special na kare-kareng pata, gisadong alamang, tilapia, at leche flan, at sinamahan pa ang mga ito ng malamig na coke – kaya in no time ay solb na solb na kami sa sala.  kwentuhan lang kami nang konti sa may labas pagkatapos ay tuloy nood na ng basketball sa loob – mga die-hard UP Fighting Maroons kasi kami ni Terence samantalang si Doni na taga-Ateneo ay hindi naman exactly fan ng DLSU kaya nagmistulang UP gallery kami sa harap ng TV.  exciting ang laro at nakaka-tense kasi back and forth ang momentum shifts.  second half na nang dumating sina Clint, Otch, Joyce, Cher, Mon at Kay kung kaya’t lumago at nag-diversify ang crowd – may UST (Mon at Otch), DLSU (Clint at Jhen), UST at UP (Lanie), at UP at DLSU (Kay).  sa last minute lang na-decide ang laro dahil sa heads-up play nina Mark Lopez at Miguel Reyes ng UP – timely ang mga drives ni Lopez habang malulupit ang mga a la Allen Iverson crossover dribble / pull-up jumpers ni Reyes na nagpanatili ng maliit na lamang ng UP hanggang sa huli.  matindi rin ang disiplina ng La Salle kung kaya’t hindi sila natambakan at kinabahan pa rin kami - cardiac game siya, promise.  siyempre, nag-meryenda kami ng spaghetti, crema de fruta at leche flan habang naghihiyawan sa harap ng TV – pasensya na po sa ingay namin, solid fans lang po talaga kasi =O)>.

 

sadly, hindi pala pwedeng mag-stay nang overnight sina Doni, Lanie, Terence at Thina dahil may mga lakad sila kinabukasan kung kaya’t kinailangan din nilang lumuwas pa-Manila nung gabi.  matapos ay inihanda na namin ang mga gamit na dadalhin sa kalapit na resort para sa dinner at ihaw-ihaw / inuman at tumungo na rin kami doon at nag-ayos ng puwesto.  dito na din pala humabol sina Sally at Meimei. pagkahakot at pagkalapag ng mga gamit, pinatulungan namin nina Clint at Mon ang pagpa-baga ng uling para mag-ihaw ng tahong.  since busog pa naman ako ay tinuloy-tuloy ko na lang ang pag-iihaw habang tumutungga ng Happy Horse.  matapos iyon ay naki-join na ako sa inuman session kung saan merong “The Bar” ulit, kaya lang ay nag-stick na muna ako sa matamis kong Happy Horse Beer.  masaya ang gabing iyon, as shown sa mga ngiti ng mga tao sa collage – maraming salamat ulit kina Mon, May at Sally sa mga larawan.  naalala kong lumabas pa kami nina Mon at Kay para bumili ng chicharon, ferrero, pillows at snickers sa 7-11 at tiniis ang lamig ng aircon kasi nga mga nagsitubog na kami sa swimming pool prior to that – kamusta naman, di ba?  pagbalik namin ay nag-picture taking ang mga girls sa may pool at pa-chillax-chillax lang hanggang madaling-araw.  nag-wash up na rin kami soon after para makapagligpit at makatulog pagkatapos.  hindi man kami nakapag-videoke dahil sa in-demand rin siya nung gabing iyon, nag-foodtrip at laughing trip na lang kami nina Cher at Joyce habang kumakanta si Manong ng never-ending medley.  sinubukan din naming matulog nang panandalian bago bumalik kina Jhen.  nauna ring umalis sina Clint, Otch and Sally nung madaling araw dahil sa prior commitments.  nakatulog din kami nang kapiraso at sabi nila ay naghihilik pa daw ako – sensya na po =O)>.  pagkagising ay nagligpit na kami at bumalik kina Jhen kung saan ang ilan ay nagkape at ako’y nag-tubig lang at naki-CR.  maya-maya lamang ay nagpasalamat at nagpaalam na kami nina Kay, Joyce, Cher, Mon at Meimei kina Jhen at lumuwas na kami pa-Manila.  pagka-stopover ay nag-breakfast muna sila samantalang ako naman ay umidlip sa kotse ni Kay.  hinatid muna namin si Joyce sa kanila pagkatapos ay sina Cher at Meimei naman.  nakisabay na lang kami ni Mon with Kay hanggang sa Star Mall at nagbigay ng pang-gas bago mag-thank you at magpaalam.  pagkatawid sa Shangri-la ay nag-taxi na ako at umuwi sa amin kung saan inabutan kong naglalaro ang pamangkin kong si Alyanna with her playmate Lara na anak ng kapitbahay namin.  pagka-kain ko ng Sunday special na pancit canton ni Nanay ay nag-retire na muna ako sa kwarto ko sa basement at tinext ang lahat bilang pasasalamat sa napakagandang weekend bago bumawi ng tulog maghapon.

 

 

salamat kay kapatid na Otch for masterminding this get-away.  to say that she’s a master organizer would be an understatement.  mantakin mo naman, barely a day after organizing a killer surprise party, eto at nanakawin na naman ng tropa ang ligaya sa Banio Creek – saan ka pa?  bagama’t hindi ko alam kung kanino sasabay papunta doon, nag-milagro si Bro at naka-sabay ako kina Jay at James.  sinundo namin si Mon sa may kanto ng Buendia and EDSA at tumuloy na papuntang Cavite, tutal ay nag-text na si Otch ng detalyadong directions papunta doon.  medyo lumampas nga lang kami nang kaunti pero nauna pa rin kami dun sa lugar – at maganda talaga siya, pramis.  ang pamatay na puwesto ay may pool, bar, loft, sleeping quarters na may TV at banyo, at...  VIDEOKE MACHINE!  matapos pumili ng kanya-kanyang mga kama ay naglapag na kami ng mga gamit at nag-relax-relax muna doon.  mamaya-maya ay nagdatingan na sina Clint, Otch, Jhen, Cher, Joyce, Abet, Tin, Sally, Ezi and Meimei.  matapos ayusin ang mga pinamiling groceries, alak at iba pa, nag-ambagan na ng kontribusyon ang bawat isa at hindi nagtagal ay nagsimula na ang tagay-tagay – sa may bar kaming mga boys malapit sa pool samantalang sa balcony naman ang girls malapit sa videoke machine.

 

hindi naman naubusan ng kwento sa gabing ito, as a wide range of themes ang nandun – from the funny to the serious stuff ang napag-usapan.  natandaan kong sinabi ko kina Abet and Mon na magkukuwentuhan ulit kami sa ibang araw naman tungkol ilang mga bagay na dinadala ko.  naalala ko rin na dito ko pinakinig kay Abet yung “Drown” na composition namin ni Alex at medyo na-okey-an naman siya (i think) sa kanta.  nang medyo relaxed na ang mood dahil sa alak, nag-swimming na ang tropa at nag-chicken fight pa nga – kung tama ang pagkakatanda ko, pasan ko si Otch at kalaban namin sina James na pasan si Abet.  halata naman na ang sasaya naming mga bagets sa mga pictures sa collage, kung kaya’t dahil diyan... may nag-text: maraming salamat ulit kina Abet, Cher, Mon at Sally sa mga pictures sa collage.  wala namang dull moment sa gabing iyon, bagamat nagutom din ako pagka-ahon sa pool kaya’t sumama ako kina Abet at Mon at naghanap ng bulaluhan sa labas para bumaba-baba ang amats kahit papaano.  salamat nga pala Sally sa pagpahiram kay Nate =O)>.  unforgettable din itong event na ito dahil nang pasakay na kaming tatlo kay Nate, bigla na lang akong natapilok at kumalabog sa may passenger side – madilim kasi at talagang hindi ko maaninag yung lupa – kaya ayun, nagkaroon ako ng galos sa braso dahil nahiwa sa matalas na dahon.  one point sa katangahan, kaya pati ako ay natawa sa sarili ko – malas lang at wala akong nahuling isda sa pag-dive ko.  pagdating sa bulaluhan, sinabi ko na lang sa mag-utol na iidlip na muna ako sa kotse habang kumakain sila sa loob – nagpa-balot na lang ako ng bulalo at dun na lang sa Banio Creek kakain pagbalik.

 

medyo maliwanag na rin nang makabalik kami kung kaya’t kumain lang din ako sandali pagkatapos ay umakyat na para makabawi ng tulog habang kina-karir nina Joyce at Jay ang pagvi-videoke.  nang magising ako ay nagvi-videoke pa rin ang mga girls.  dumiretso ako sa banyo at naligo para makabawas sa hangover at lagkit ng katawan kahit papaano at nagbihis na.  sabi pa ni James na umuungol daw ako at nagma-mumble habang natutulog - na ewan ko kung bakit pero ayaw ko na ring alamin.  isa pa palang unforgettable na eksena ay ang pagkanta ni Meimei ng “Make it Easy on Me” ni Sybil na pinatulan ko at sinayawan habang kinukunan ng video ni Mon – at saksi si Ezi sa kahibangang ito as shown dun sa video clip.  Jollibee food ang lunch namin at matapos kumain ay nagligpit na ako ng mga gamit ko para makasabay sana kina James at Jay umuwi.  i was thinking kasi na hindi na kasya sa 2 sasakyan ang mga pasahero, pero kasya naman daw kaya nag-stay na rin ako hanggang hapon – ayaw ko lang din naman kasing maka-abala dahil makikisabay lang naman ako.

 

so ayun, tuloy ang videoke at chillax moments, tapos nag-photoshoot sila sa kalawakan ng Banio Creek habang ako naman ay nag-soundtrip sa pamamagitan ni Sophia.  medyo pa-pampam pa si Mayor kung kaya’t na-interrupt ang aking pag-meditate sa musika ng isang meeting – yan talaga ang sumpa naming mga operado kaya kailangang alalay lang madalas.  matapos ang photoshoot ay nag-final ligpit na kami at nag-karga ng mga kagamitan sa mga sasakyan at bumiyahe na paalis ng Banio Creek, pero nag-group picture pa kami dun sa may signage – mapapansin ninyo yung 11 pictures na sunod-sunod sa bandang ibaba ng collage ay bunga ng patuloy na pag-click ni Chloe (cam ni Sally na hindi ko alam kung anong nangyari sa settings) matapos ang isang group pic – kaya matapos naming mahalata ay kanya-kanyang posing kami na parang mga makukulit na ewan.

nakisabay ako kina Abet, Meimei, Sally, Ezi at Joyce pauwi, pero bago tumuloy ng Manila ay nag-stopover muna ang tropa para mag-dinner.  since delikado sa akin ang kumain sa gitna ng pagbiyahe, umupo na lang ako at ininggit nila pero oks lang naman – sinabi kong sa bahay na lang ako magdi-dinner.  matapos ang dinner at panandaliang yosi break ay dumiretso na kami pa-Manila dahil may pasok pa si Meimei ng 8:00 PM. matapos i-drop off si Joyce, dumiretso na pa-Makati si Abet at bumaba na kaming tatlo nina Ezi, Meimei at nagpasalamat kina Sally at Abet.

 

pumasok na sa work si Meimei and sabay na kaming umuwi ni Ezi – salamat na lang at may FX na biyaheng Antipolo kaya hindi hassle.  kwentuhan lang kami ni Ezi sa FX hanggang sa bumaba na siya sa Doña Juliana samantalang tumuloy ako hanggang Junction kung saan sumakay na ako ng jeep papunta sa amin.  dito nangyari ang isa na namang kakaibang tagpo: pagbaba ko, may nakasabay akong ale na may bitbit na groceries sa pagtawid ko, at nang sabay kaming tumawid ay nawalan siya ng balanse at nadapa.  kaya agad akong sumenyas sa mga paparating na sasakyan na huminto muna sila habang tinulungan ko yung ale na ayusin yung mga bitbit niya at inalalayan pagtawid.  tinanong ko rin siya kung okey lang ba siya, sabi naman niyang okey lang at hindi naman daw siya nasaktan gaano, saka nagpasalamat sa akin.  patuloy akong naglakad papunta sa lugar namin, at hindi pa ako nakakalayo masyado ay ako naman ang nawalan ng balanse at nadapa sa isang lugar na halos araw-araw kong dinadaanan – kung kaya’t napatawa na lang ako, tumayo at tumingin sa itaas sabay sabi kay Lord ng: “Ikaw talaga, pinagti-tripan mo na naman ako.”  kaya ayun, medyo tatawa-tawa ako sa sarili ko habang naglalakad pauwi.  pagdating ko sa bahay ay kumain na ako at nag-online lang sandali pagkatapos ay natulog na rin dahil may pasok pa ako kinabukasan – balik sa dating gawi, ‘ika nga nila.

 

 

as the caption in the collage says, ito ang tinaguriang “May Mee Day” na nagsimula sa pagsundo sa airport at nag-culminate sa dinner sa Dampa.  nakilala ko itong si Meyms nang sumama ako sa Masskara Festival Tour ng RACE noong October 2008 thru Abet, King, and the Angels.  i kept my fingers crossed dahil hindi pa nga ako sigurado kung makakasama ako sa get-together na ito dahil sa aking work schedule, mabuti na lang at nagawan ng paraan.  that evening, nauna na ang ilan sa mga girls at si Abet sa Dampa samantalang sinundo namin ni Mon si Tintin sa Trinoma at sumunod na lang kami.  pagdating sa lugar ay nagtanong-tanong kami upang matunton ang venue, at mubuti na lang hindi kami naligaw... masyado.  mabuti rin at nakahabol si Jassy sa gabing ito, dahil nung HABFest ko pa yata siya huling nakasama.

 

maganda pala sa Dampa – first time ko kasing makapunta doon kaya natuwa ako sa set-up niya – tipong alam mong sariwa talaga yung ipapaluto at kakainin ninyo.  siyempre nagdala ng pasalubong si Meyms na Calea cakes imported from Bacolod City kung kaya’t mas naging mouth-watering ang gabing ito. panalo ang dinner namin: adobong pusit, sweet and spicy shrimps na may dalawang variations, pinakbet, sinigang na isda, at hindi ko na matandaan kung mayroon pang ibang putahe kasi marahil sa sobrang sarap ay hindi na nag-register sa utak ko – sa tiyan na lang.  halos wala nga yata sa aming nagkukuwentuhan habang kumakain kasi mga nag-concentrate talaga sa pagkain ang mga tao.  pagbalik pa nga ni Manong waiter ay tinanong ko kung saan yung CR, at sinabi niyang andun daw sa may aquarium.  nakisama naman ang sikmura ko kung kaya’t hindi naman nagparamdam si Mayor pagkatapos ng dinner.

 

siyempre sinalakay na rin namin ang napakasarap na Blueberry Cheesecake at Chocolate Cake na dala ni Meyms – first time kong matikman ang Blueberry Cheesecake ng Calea kasi di ako tumikim nung 2008 sa Bacolod sa pangambang mag-alboroto ang aking sikmura.  hay, heavenly talaga ang lasa ng Calea – sana lang ay mayroon niyan dito – para hindi na mahirapan si Meyms magdala every time mapadpad siya sa Manila =O)>.  ang isa pang panalo sa dinner na ito ay ang affordability – grabe, lahat yun nakain mo for a very reasonable price.  eto pa pala, second-to-the-last day rin pala ito ng “The Wedding” na series sa Kapamilya Network at nakapanood pa kami dahil may TV dun sa may kusina ng kinainan namin.  hindi ko na lang babanggitin kung sinu-sino ang mga nakinood bukod sa akin, pero kung curious kayo, tanungin ninyo si Tin, Cher or Mei.  medyo marami pang natira sa cakes kung kaya’t nagbaha-bahagi kami sa mga ito – mabuti at dala ko yung baunan ko kaya nakapag-take out ako ng Blueberry Cheesecake at Chocolate Cake – maraming salamat po ulit.  masaya at nakakabusog ang gabing ito, pero kinailangan din naming magpaalam sa isa’t isa dahil may mga pasok pa kami kinabukasan.  matapos ang ilang pictures ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas – at nagsabay-sabay ulit kaming tatlo nina Mon at Tintin pauwi.  sa office na lang ako nakitulog noong gabing iyon, at bago mahiga / matulog ay nag-facebook group message muna ako sa kanilang lahat para magpasalamat at ibigay ang aking contact information sa mga hindi pa nakaka-alam nito.  nilagay ko na sa ref ang take-out kong Calea at ninamnam ko ang sarap nila kinabukasan with matching kape.  ayun tuloy, pabalik-balik ako sa tanggapan ni you-know-who pagkatapos.

 

 

here’s the ugliest part of 2009: Typhoon Ondoy, a.k.a. Ketsana in the international scene – it would definitely be safe for me to say na hindi ko makakalimutan kailanman ang September 26, 2009.  maaga akong umuwi noong September 25, 2009, Biyernes at wala nang humpay ang pag-ulan hanggang hatinggabi.  naisip ko sa sarili kong magkakatubig na naman sa kwarto ko sa basement dahil may ilang maliliit na cracks sa pader na kapag minsang umuulan nang tuloy-tuloy ay nagse-seep ang tubig at kinakailangang gamitan ng wonder mop ang sahig para masaid ang tubig.  hindi ko akalaing mas maraming tubig pala ang parating kinabukasan.  medyo malungkot nga ang mood ko noon for some reason, at napalitan iyon ng mas matinding panlulumo matapos ang ilang oras.  hindi ako makatulog noong gabi ng Biyernes na iyon kaya nanood muna ako ng TV hanggang mga alas-7 ng Sabadong umaga – nasa Quezon kasi si Nanay at pauwi pa lang galing Batangas si Tatay kaya dun muna ako sa kwarto nila.

 

fast forward ng ilang oras, mga ala-una na ng hapon ng Sabado, September 26, 2009: nagising ako sa malakas na pagkatok ng pinsan kong si Noel – pinapasok na raw ng tubig ang bahay namin!  kaya madali akong bumalikwas at pinagtulung-tulungan naming tatlo nina Noel at Kuya Waw kung ano mang mga gamit ang pwedeng iakyat sa dalawang kwarto sa itaas.  pinatay agad ni Kuya ang main switch para maligtas kami sa pagka-electrocute.  mabilis na naiakyat ni Noel yung PC as well as sina Pot-Pot (amplifier), Dimitri (electric guitar), Waya (acoustic guitar), at Pepe (electric bass).  iniakyat naman ni Kuya ang mga gamit niya – TV, DVD Player, DVDs at kung ano mang mahagip.  isinampa namin sa mesang kahoy ang refrigerator, iniakyat ang wooden table sa sala sa hagdan at iniakyat din ang sewing machine ni Nanay sa kwarto ni Noel sa itaas.  binalikan ko si Fifi (acoustic guitar w/ pickup) na nalubog na nang sandal ang neck sa tubig-baha as well as ang ilang mga libro, yung notebook kong may sari-saring tula at iba pang pagmumuni-muni / sulat, si paltik na digicam, rechargeable batteries, at yung Casio keyboard na pasalubong ni Tatay sa akin galing Saudi nung bata pa ako – yun lang ang mga nailigtas ko dahil mabilis ang pasok ng tubig sa bahay.  parang ilog ang pag-agos at pagbulusok ng malamig na tubig-baha papasok ng main door at dumire-diretso sa basement kung kaya’t ilang minute lang ay lubog na ang basement.  kahit tulala pa kaming tatlo sa nangyari, naglabas ng camera si Noel at kinunan ang pagpasok ng tubig – kaya may ilang kuha sa collage kung saan naka-pose pa ako – kasi wala na kaming magagawa, kaya nag-picture taking na lang.

 

lumabas kaming tatlo at pumwesto sa harap ng main door para tingnan kung gaano ka-grabe ang baha sa labas ng bahay.  mamaya-maya ay bigla kong naalala at tinanong ko si Kuya kung naiakyat ba niya si Cupcake – yung alaga nilang rabbit ni Ate Cean.  biglang nanlata si Kuya nang maisip niyang nakalimutan niyang iakyat yung kulungan ni Cupcake.  sinabi kong balikan namin siya at baka nakawala sa kulungan at lumalangoy lang sa basement – kahit lampas-tao na ang tubig doon.  nahirapang buksan ni Kuya ang pinto dahil sa tubig pero nakapasok rin siya sa kwarto niya at sumisid sa maruming tubig para kunin sa kulungan si Cupcake.  nandoon lang ako sa may pintuan at tinutukan ng flashlight ang loob ng kwarto dahil madilim nga.  sa kasamaang palad, nang makuha ni Kuya si Cupcake mula sa kulungan ay wala na siyang buhay – inabot ko na lang ang bangkay ni Cupcake at inilagay dun sa isang mesa – malambot at medyo mainit pa ang katawan niya kung kaya’t naisip naming kamamatay pa lang niya.  naawa ako sa kanya kasi namatay siyang dilat ang mata – at para bang humihingi ng tulong ang mga mata ni Cupcake na pilit kong inilalapat para pumikit ngunit hindi siya mapikit-pikit.  nalungkot kaming tatlo at nanlumo, at nag-sorry kay Cupcake – na parang nanunumbat ang hitsura ng mga dilat na mata, pero hindi naman siguro.  naalala kong lungkot na lungkot si Kuya dahil hindi na niya nailigtas si Cupcake – nakainom pa nga siya ng maruming tubig sa pagsisid sa kwarto pero nangyari pa rin ang masaklap.  patawad, Cupcake – binalikan ka naman namin kaya lang, hindi na umabot si Kuya – sana masaya ka kung nasaan ka man.  oo, alam kong pet “lang” si Cupcake at wala siguro siyang kaluluwa kagaya nating mga tao (naniniwala akong may kaluluwa tayong mga tao), kaya ang ilan marahil sa inyo ay sasabihing OA ako, pero malungkot talaga kami nung mga oras na iyon.  naaalala ko kasi dati pag umuuwi ako sa bahay, minsan papasok ako sa kwarto ni Kuya kahit wala siya, bubuksan ang ilaw tapos kakamustahin ko si Cupcake – siyempre, hindi naman siya nagsasalita pero pag binubuksan ko ang kulungan niya, panay ang pasikat at pa-cute niya kung kaya’t nakakawala ng pagod at stress kahit papaano.  ayun, kaya talagang isang  nakakalungkot na tagpo ang pagpanaw niya.  mabigat man sa loob niya, tumawag si Kuya kay Ate para sabihin ang masamang balita.

 

noon lang kami pinasok sa bahay ng ganun karaming tubig-baha kaya shocker talaga yun, to say the least.  tumataas pa rin ang tubig kung kaya’t isinampa namin yung refrigerator sa mas mataas na mesa.  binuksan din namin ang terrace para masagip ni Kuya sina Barbie at Sheetshit (yung dalawang babaeng Yellow Labrador sa collage) na naiwan sa mga kulungan nila at delikado nang malubog sa tubig-baha.  kinarga sila ni Kuya at inilagay sa ibabaw ng platform at grills ng terrace.  nilatagan na lang naming sila ng basahan / tela para hindi sila ginawin.  by that time, lumutang na rin yung back-up na refrigerator sa terrace, pati yung lumang sala kung kaya’t medyo restless sina Barbie at Sheetshit at minsa’y nahuhulog sa tubig.  kaya binabantayan lang naming sila at iniaakyat sila ni Kuya sa may grills kapag tumatalon sa tubig.

 

at that time, tuwing Sabado ng hapon ang uwi ni Tatay galing sa trabaho niya sa Batangas kaya inaabang-abangan ko siya sa labas kung darating siya – at hanggang dibdib na ang tubig-baha sa kalsada noon.  medyo madilim na ay wala pa siya kaya tinawagan na lang namin siya sa cellphone gamit ang landline na, sa awa ng Diyos, ay hindi naman bumigay sa baha.  nang ma-contact siya ni Kuya, sinabi ni Tatay na nasa expressway pa siya dahil sa sobrang traffic.  nag-decide na lang kami na huwag siyang pauwiin and instead ay dumiretso na lang sa mga pinsan namin sa Parañaque para doon magpalipas ng ilang araw.  salamat din pala sa mga kaibigang concerned na nag-text noong mga oras na yun – hindi ko na babanggitin ang mga pangalan nila, you all know who you are, and for that, i thank you all. wala pa ring tigil ang ulan, at naglilimas na si Noel ng tubig sa sala at itinatapon sa labas ng bintana.  mamaya-maya ay tinulungan na namin siya ni Kuya, at kahit alam naman naming babalik din ang tubig, naglimas na din kami para lang kahit papaano ay mapanatag ang loob namin.  mabuti na lang at may nakatabi pa kaming mga kandila at flashlight kaya may ilaw kami nung gabi.  hanggang kalahati ng hita ang tubig-baha noong mga oras na iyon kaya naisip kong maglimas lang nang maglimas at baka sakaling bumaba siya kahit hanggang sa tuhod lang.  si Kuya naman ay binuksan ang maliit na gate at itinaboy ang tubig papalabas dahil umaagos ang baha papalayo ng bahay namin.  kahit may element of futility ay tinuloy lang namin ang ginagawa namin – mahirap tumanga-tanga lang sa mga ganitong pagkakataon, dahil baka lamunin ka ng katamaran mo at ng baha.  tumigil ang ulan nang mga dalawang oras, pero parang tumaas pa ang tubig – yun pala ay nagbutas ng pader ang mga taga-likod namin – kaya naman yung tubig baha sa kanila ay dumaloy patungo sa bakanteng lote sa tabi namin.  natatandaan ko na minumura ko talaga ang mga putang-inang yun dahil sa ginawa nila, pero na-realize ko rin na baka ganun din ang ginawa namin kung nasa kalagayan nila kami.  and besides, hindi naman bababa ang tubig kung magagalit ka lang at hindi kikilos.  hindi na kami nag-iimikang tatlo at naglimas na lang nang naglimas.  tandang-tanda ko na sa bawat sampung timba ng tubig na mailalabas ko sa bintana ay magpapahinga ako ng isang minute pagkatapos ay magpapatuloy.  matapos ang ilang oras ay tumigil na rin kami kahit hanggang bayag na ang tubig-baha dahil na rin sa pagod.  may pagkain man ay medyo nawalan rin ako ng ganang kumain dahil sa kalagayan namin, although ang kinarir kong pagkain ay yung bukayong niluto ni Nanay na nasa malaking plastic na garapon – oo, sugar trip ang ginawa ko. binantay-bantayan din naming tatlo kung tumataas pa yung tubig-baha dahil baka mamaya ay umabot sa second floor at ma-trap kami.  hindi rin namin maiwanan sina Barbie at Sheetshit dahil baka tumalon na naman sa tubig at malunod – nakakaawa naman kung magkaganon.  sinabi ko kay Kuya na kapag delikado na ang taas ng tubig ay sa bubong na lang kami umakyat, at kung maabot ng tubig yung ref na nasa ibabaw ng mesa ay huwag na naming buhatin hanggang second floor – masira na yun kung masisira, pwede namang palitan yun dahil materyal na bagay lang.  medyo na-sense na rin ni Kuya na pagod at stressed out na ako kaya sinabihan na niya akong umakyat na at magpahinga sa kwarto nina Nanay at Tatay.  nagbihis lang ako pero ayaw kong matulog dahil nag-aalala pa rin ako na baka umulan na naman ng sobrang lakas at malubog pa kami lalo.  pinag-usapan naming tatlo kung mag-e-evacuate ba kami o mananatili sa bahay.  ayaw kong iwanan ang bahay dahil baka kahit ikandado namin ang mga pinto ay pasukin pa rin ng mga magnanakaw.

 

napag-desisyunan namin na umakyat sa bubong at doon na magpalipas ng gabi – at least, kung tataas pa ang tubig, hindi kami masyadong maaabot (sana).  nag-empake kami ng ilang mga damit, flashlight, baterya, kandila, lighter, de-lata, crackers, tubig, pocket AM radio at mahahalagang gamit namin sa kanya-kanyang mga bag at inilagay ang mga bag sa loob ng styro na coolers at tinalian ng sinturon kasi lulusong kami sa tubig sa labas ng bahay.  bago lumabas ay sinigurado muna naming safe sina Barbie at Sheetshit sa terrace at sinabihan namin silang huwag malikot at baka sila mahulog sa tubig – oo, kinakausap namin ang mga aso namin kasi parang tao rin naman sila kung mag-behave.  bago rin lumabas ay kumuha pa ng lambanog ko itong si Kuya – panlaban daw sa ginaw – eh di sige na nga, pinagbigyan ko.  paglabas namin at pagtutok ng flashlight sa lampas-beywang na tubig, naglanguyan ang mga ipis papunta sa direksyon naming tatlo.  wala na akong pinandidirihan noong mga sandaling iyon dahil pinaghalong basura, putik, at dumi ng hayop na ang naaamoy ko sa tubig – at gusto ko na lang makaakyat sa bubong para makapagpahinga na kami.  noong una ay sinubukan naming doon sa parteng malapit sa maliit naming gate umakyat, kaya lang ay medyo delikado dahil kailangan mong umakyat sa pader / plant box, umakyat sa puno, at tumalon a la Dante Varona papunta sa concrete gutter sa may bubong.  si Noel lang ang nakagawa nito sa tulong ni Kuya dahil siya ang pinakapayat at pinakamaliksi sa aming tatlo.  iniakyat din namin doon yung dalawang styro cooler na may mga gamit at supplies and since malabong maka-akyat kami ni Kuya sa parteng iyon ay kinuha na lang namin ulit ang mga gamit at nagkasundo na lang na doon kami sa kabilang dako ng bubong kung saan mas maluwag at mas madaling umakyat – sa ibabaw ito nung garahe / tindahan.  naglakad ako sa ibabaw ng plant box patungo sa kabilang dako bitbit ang aking flashlight samantalang kinuha ni Kuya yung mahabang bangko sa tindahan para matungtungan namin.  umakyat muna ako samantalang si Noel ay tumawid nang naka-paa sa bubong papunta sa kinalalagyan ko para alalayan ako.  pagkaakyat ko ay iniabot ni Kuya ang mga gamit at inayos namin ni Noel pagkatapos ay umakyat na rin siya.  maginaw at malamok doon pero at least hindi na kami nakababad sa baha.  sinubukan naming magpahinga, pero ang hirap makatulog.  nagdasal kami na sana ay malampasan namin ang pagsubok na iyon at maligtas ang mga mahal namin, pati yung mga taong nabalitang nawawala ay ipinagdasal din namin.  mino-monitor din namin ang mga balita sa radyo kung ano ang mga pagbabago sa lagay ng bagyo, at doon ko lang napansin na mas malaking oras ang nailaan sa mga panawagan at pakiusap para ma-rescue ang mga kamag-anak / kaibigan kaysa sa pag-uulat mismo ng  mga balita – ganun ka-grabe ang hagupit ng Ondoy.  hindi pa rin ako makatulog kahit madaling-araw na, at para bang napakabagal ng oras kung kaya’t tiningnan-tingnan ko na lang sina Kuya at Noel habang sinusubukan din nilang magpahinga.  nakatulog rin kahit papaano sina Kuya at Noel, at nagtiis na muna ako sa pag-upo sa basang bubong at pagsandal sa malamig na pader.  paggising ni Noel, sinabihan niya akong matulog na muna ako at siya naman ang magbabantay-bantay kung may mga dadaan na rescue teams o kung sino man.  nahiga ako sa bubong at ginamit muna ang kumot ni Noel – hindi ko na namalayang nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod.

 

hindi rin naman ako nakatulog nang matagal dahil mga dalawang oras lang yata ay nagising na ako.  pagdungaw ko sa kalsada ay bumaba na ang tubig-baha at napansin kong may halong gasolina ito – na marahil ay tumagas mula sa mga kalapit na gasolinahan.  noong umaga ding iyon ay may tumatawag sa telepono ngunit hindi namin masagot dahil nasa bubong pa kami.  bumaba na kaming tatlo nina Noel at Kuya at bumalik sa loob ng bahay kung saan hanggang tuhod na lang ang tubig.  napagpasyahan naming tatlo na magpahinga na lang muna at sa Lunes na lang maglimas ng tubig sa basement dahil sa sobrang ngarag at windang ng mga katawan namin.  mamaya-maya ay nag-ring ang telepono – tumawag si Joseph, isang kaibigan back in college na ka-chat pala ng bunso naming kapatid na si Michelle sa Facebook at that time – kinakamusta ang lagay namin.  sabi ko, okey naman kahit na “dirty south” ang aming mga yagbols, ang importante ay safe pa rin kami.  nagpasalamat ako at tumawag siya para mangamusta – iba rin kasi ang pakiramdam, nakaka-panatag kahit papaano.  mamaya-maya ay si Michelle na ang tumawag at kinamusta kaming tatlo – siyempre naikwento namin ang pang-Jonel’s Brief modeling stint naming tatlo sa gitna ng baha with matching topless pictures – tawanan kami nang tawanan sa telepono na para bang walang nangyaring masama.  i guess it’s just a common family trait sa amin – yung sense of humor, in spite of every bullshit situation that comes our way – we’re still optimistic and find ways to smile / laugh about grim situations kahit nasa gitna kami nito.  in spite of Ondoy, we still have our family, we still have each other, and we thank God for the patience.  after the phone call, pumunta muna si Kuya kina Ate dahil mas malala ang baha doon at para may kasama din sila.  natulog na muna kami ni Noel dahil mga bagsak na talaga kami.  nang mga alas-dos ng hapon na, nagpaalam muna si Noel na pupunta kina Melissa (gf niya) para makiligo, makigawa ng school work, maki-charge ng mga cellphones, at makiluto na rin ng hapunan namin.  mag-isa akong naiwan sa bahay at sinubukang matulog ulit.

 

medyo masakit pa ang ulo at katawan ko kung kaya’t hindi ako makatulog nang maayos – kaya nag-soundtrip na lang ako since may baterya pa naman si Sophia.  kinunan ko rin ng ilang larawan ng Ondoy aftermath – magmula sa kubrekama, larawan nina Jesus at Mama Mary, ang haggard kong pagmumukha, hanggang sa putikan at nagkalat na gamit sa sala.  habang mag-isa ay marami akong naisip at ipinagpasalamat: buhay pa ako, walang nasaktan sa amin, may tahanan pa rin kami, at may pagkakataong makabangon muli.  sabi ko nga kay Lord, kadalasan ay unfair ako sa kanya, pero in spite of that ay binibigyan niya ako ng chances para ma-redeem ang sarili ko – para gawin yung tama at mabuti.  dahil sa nangyari ay natauhan ako – marami akong mga bagay na tini-take for granted, at minsan pati yung mga mahal ko ay tini-take for granted ko rin.  na-realize ko kung gaano ako kaliit kumpara sa mundo, at kayang-kaya akong gunawin ng mga elemento ng kalikasan – sa ayaw at sa gusto ko.  from that point onwards, na-realize kong pangalawang buhay ko na, and something told me that i need to make the most out of it – live it, love it, and live it for those whom you love.  habang nagmumuni-muni ako, kahol nang kahol naman yung dalawa – sina Barbie at Sheetshit – kaya pinakain ko muna sila at pinainom ng tubig bago ako bumalik sa kwarto.

 

gabi na dumating si Noel dala ang tsibog namin – that was my first meal in a couple of days kaya medyo nakabawi kahit papaano.  natawa at natuwa ako sa mga eksenang ikinuwento niya habang papunta kina Melissa: wala pa raw mga jeep na bumibiyahe papuntang Sta. Lucia kaya naglakad raw siya – at may nakita siyang grupo ng mga manong na nag-uusap usap habang naghahanap ng nawawalang gran matador sa baha, at may natisod raw siyang parang bote kaya sinabi niyang, “Kuya, baka ito yung hinahanap nyo.”  sabi daw nung isang manong, “Brad, diyan ka lang, wag mong igagalaw yang paa mo.” lo and behold, yun nga yung nawawalang gran ma – kaya ganun na lang daw ang pagpapasalamat sa kanya.  pagkalayo niya nang kaunti, nakakita raw siya ng mga sundalong nagsasagawa ng relief at rescue operations sa gitna ng baha.  nang nasa bandang Sumulong highway na siya, nakakita raw siya ng dump truck na may sakay na ilang kabataang bakla na kahit basang-basa na ay hataw pa rin sa pagsayaw sa “Poker Face” ni Lady Gaga – things couldn’t get as pure as that, i thought to myself – hataw kung hataw.  may mga tumawag at nag-text din sa cellphone ko nung maki-charge siya kina Melissa, kaya nagpapasalamat din ako sa mga kinauukulan – alam na ninyo kung sino kayo.  nakausap ko rin si Nanay sa telepono, at sinabi kong huwag na muna silang umuwi dahil magulo at makalat pa sa bahay.  sinabi naman niyang uuwi na sila ni Tatay kinabukasan (Lunes) para makapaglinis at makapag-ayos.  dahil wala na namang iba pang gagawin, nagsitulog na lang kami para makapahinga.  kinabukasan, sinimulan naming mag-ayos-ayos ng mga gamit at maglinis.  wala pa ring tubig sa gripo kung kaya’t nang umulan nang malakas panandalian, sugod kami agad sa labas para maligo – nakatulong din na maraming tubig-ulan sa mga malalaking dram ni Tatay.  dumating sila ni Nanay after lunchtime at may dala nang pagkain para sa amin – kanin, ulam, inumin.  may natutunan pala akong bago dito: yung dinala nilang kanin ay yung pinsan ko ang nagsaing, at nilagyan niya ng sukang puti pagkasalang – para daw hindi mapanis agad.  true enough, kinabukasan ng gabi lang siya napanis – whereas usually, umaga pa lang dapat eh sira na siya.  anyway, matapos kumain ay naglinis na kami sa sala, sa kusina, at sa garahe.  marami-raming putik din kaming natanggal kung kaya’t medyo nakakagaan ng pakiramdam kahit paano.  habang naglilinis kami, i greeted Nanay and Tatay ‘happy anniversary’ – sabi nila, ‘oo nga pala ano!’ – unforgettable daw yung anibersaryo nilang iyon.  hindi ko rin makakalimutan iyon kasi bukod sa bagsik ng Ondoy, birthday din kasi yun ni ex- (si Vhan).  anyway, matapos maglinis ay naghapunan na kami.  ipinag-igib ko ng tubig sina Nanay at Tatay para magamit sa banyo pagkatapos ay nagsi-pahinga na rin kami.

 

kinabukasan, may dumating na mga kasamahan ni Tatay sa trabaho na may dalang mga relief goods na tubig, de-lata, biskwit at iba pang supplies.  nakagaan ng pakiramdam ang gesture nilang ito sapagkat na-realize kong mabuti pa rin talaga tayong mga tao.  patuloy kami sa paglilinis nung araw na iyon, pagtatanggal ng putik, pagbibilad ng mga gamit sa labas, atbp.  isang medyo ikinainis ko lang nung araw na iyon was a long-distance phone call from an aunt in California – si Mama Tita, elder sister ni Nanay, na kung tutuusin ay parang second mother ko na rin.  nung una ay kinamusta niya ang lagay namin, pero may sinabi siyang nagpanting ang tenga ko: tinanong niya kung pinuntahan daw ba namin sa bahay si Mama Sonia – panganay nilang kapatid ni Nanay – para i-check yung lagay niya, tapos sinabi kong tumatawag kami since Saturday pero walang sumasagot sa telepono.  sinabi ni Mama Tita sa akin: “Hindi ninyo man lang pinuntahan para kamustahin!” [sinabi nang pasumbat ang tono] – kaya sinagot ko siya ng: “Eh bakit hindi kayo ang pumunta?!” pagkatapos ay ibinigay ko na lang kay Nanay yung telepono para siya ang kausapin dahil nagalit na ako.  talagang i almost went ballistic because of that – kina-kalma na lang ako ni Tatay at sinasabing pabayaan ko na lang daw.  i know i was rude and i shouldn’t have reacted the way i did, pero nakakainis lang talaga eh – porke ba’t hindi namin napuntahan, wala na kaming malasakit?  bakit, sila ba pinuntahan kami para kamustahin?  nagsisikap na nga kaming bumangon, tapos ganun pa ang tono niya.  si Nanay na lang ang kinausap niya, tapos sinabi pa raw na kesyo naiintindihan daw niya ang sitwasyon namin, ek-ek.  sabi naman ni Nanay sa kanya: “Madali lang kasi para sabihin mong naiintindihan mo kami, pero wala ka naman dito kaya hindi mo talaga naiintindihan ang dinaanan namin.  Hindi namin mapuntahan si Ate Sonia pero may asawa naman siya na kayang umalalay at magligtas sa kanya.  Kami dito, sinusubukan din naming bumangon, pero sa ngayon dapat maintindihan naman ng iba nating kapatid na kailangang kanya-kanya muna tayo ng pagbangon.”  we haven’t spoken since, pero may mga nalaman pa akong sinabi ni Mama nang makausap niya si Michelle – kasi sinabi ni Michelle sa akin – na kaya daw siguro ganun ang reaksyon ko eh dahil wala na daw kaming kailangan sa kanya (kay Mama Tita).  ang reaksyon ko naman was: hindi ko kailangan ang pera niya kasi may sarili akong hanapbuhay at kaya kong buhayin ang pamilya ko.  hindi sa nagmamalaki ako at nagpapaka-ingrato, ang point ko is hindi naman kami mga inutil para umasa sa dole-outs dahil may sarili naman kaming means – hindi man kami mayaman, masaya naman kami dahil we have a meaningful life.  oo, mga kapatid, harsh akong tao paminsan-minsan – kaya hangga’t maaari ay pinipigil ko na lang kapag nagagalit ako.  ibinuhos ko na lang lahat ng inis ko sa pagkuskos nung maputik na carpet na sobrang bigat at sobrang dumi dahil sa tubig-baha.  pinagtulungan namin ni Tatay labhan iyon at nagpatulong kami kay Noel para isampay yung carpet.  kasunod naming nilinis yung dirty kitchen – putik, grasa, basura at iba pa.  mamaya-maya, dumating si Mama Sonia sa bahay dahil may dinaanan daw siyang kakilala sa may amin.  ayun, naikwento namin ang “insidente” at medyo na-kalma na rin kami dahil safe naman pala sila ni Papa Johnny na naka-likas sa kapitbahay.  binigyan siya ni Nanay ng ilang damit at kumot para magamit – at napanatag na kami pagkatapos noon dahil alam na naming ligtas sila.  naalis na rin namin halos lahat ng putik sa ground floor at ang natira na lang ay ang lubog na basement.  pagkatapos maglinis ay naligo na ako gamit ang tubig sa dram at nag-akyat ng tubig sa kwarto nina Nanay.  nag-hapunan na kami pagkatapos at matapos ng hapunan ay nagpahinga na kami – wala pa ring kuryente, wala pa ring tubig sa gripo, malamok at mainit pa rin.  ilang araw na rin akong hindi makatulog nang maayos dahil sa banas at kagat ng lamok, pero pinilit ko na lang dahil kailangan ko na ring bumalik sa trabaho kinabukasan.

 

 

una sa lahat, maraming salamat kay Kenneth Taguilaso sa mga larawan sa collage na ito at sa matiyaga niyang pag-dokumento ng mga kaganapan sa relief operation na ito.  Sabado tumama ang Ondoy, at nakabalik ako sa trabaho Miyerkules na.  nagdala ako ng damit na pang-tatlong araw pati yung isang mattress kasi binalak kong sa opisina na lang makitulog for the rest of that week.  kinamusta ako ng mga officemates ko pagdating ko, and sinabi ko namang eto, buhay pa rin.  dumiretso ako sa banyo at naligo nang maigi-igi – malagkit kasi sa katawan ang tubig-ulan at parang di ka nalilinis kung kaya’t nilasap ko muna ang tubig-shower sa opisina.  matapos ang trabaho ay dumiretso ako sa Niche dahil may meeting tungkol sa relief operation na binabalak ng mga kaibigang mga nakilala ko through RACE.  sumama ako sa relief operation na ito dahil sa ilang mga bagay na na-realize ko matapos tumama ang Ondoy – may mga taong nagpakita ng malasakit at pagdamay sa pamilya namin, kung kaya’t sinabi ko sa sarili kong gusto kong ibigay ang bahagi ng sarili ko para sa ibang kababayan na nangangailangan kahit sa maliit na paraan.

 

noong mga araw na iyon ay napanood ko sa TV ang kaliwa’t kanang relief and rescue operations na isinasagawa ng iba’t ibang organisasyon.  magkahalong nerbiyos at excitement ang naramdaman ko kasi first time kong magpa-participate sa ganitong effort.  kaya sige lang, nagtulungan lang ang lahat magmula sa email brigade / posting and reposting ng sked ng relief operation / pag-ambag ng pera, goods, damit, oras at hanggang sa lahat ng posibleng maitutulong.  Biyernes, maaga kaming pinauwi dahil bumabagyo na naman kung kaya’t dumiretso ako sa bahay ni King at sumama sa kanya upang dalhin yung mga styro containersat utensils kina Cher at para ipick-up yung mga damit na ido-donate nina Cher.  dumiretso kami kina Jhen kung saan inabutan namin sina Kenneth, Gen, Jophine, Mickoy at Jhen na nagre-repack ng mga goods at nagso-sort ng mga damit.  doon na kami nagsikain ng hapunan at uminom nang konti lang habang hinihintay pa ang iba pang kasamahan.  napag-usapan ang ilan sa mga kailangang gawin at kung sinu-sino ang assigned sa iba’t ibang gawaing iyon.  matapos ay ikinarga namin sa sasakyan ni Kuya Oros ang ibang mga kailangang dalhin at dumiretso sa QC kung saan mineet namin si James at Jay.  kwentuhan lang nang konti tapos sundot-sundot ng inom kasi medyo solb na rin ako at di naman talaga ako malakas sa serbesa kaya nakakatulog-tulog na ako sa upuan.  di naman kami nagtagal masyado at tumuloy na kina Kuya Oros para makitulog.  pagsapit ng Sabado, ikinarga namin sa sasakyan ni Kuya Oros ang ilang sako ng bottled water para sa operation at sabay-sabay na kami papunta sa tanggapan ng Philippine National Red Cross sa Pasig.  pagkahintay sa mga kasamahan ay nagkaroon ng maikling briefing pagkatapos ay nag-convoy na papuntang Antipolo kung saan ang location ng Barangay Sta. Cruz.  Sumama ako kina Kuya Ogie at Mon para ipick-up ang mga packed lunch kina Chef Mike na pinagtulung-tulungan nilang i-empake kabilang ang mga assistant ni Chef Mike at sina Cher, Joyce, Meimei, Sally at Clint.  pagkatapos ay nakipagkita na kami sa mga kasamahan at dumiretso na sa Barangay Sta. Cruz kasama ang mga coordinators ng Red Cross upang maisagawa ang operation.  naging maayos naman ang daloy dahil may sistema ang pagsasagawa, kahit may pabugso-bugsong malakas na ulan.  naka-station ako sa truck ni Kuya Ogie at tumulong sa pag-aabot ng mga bottled water sa labas ng bintana kasama si Mon.  ang iba naman naming mga kasamahan ay nagdi-distribute ng food stubs, damit, goods at pagkain habang ang iba ay sinisiguradong maayos at sistematiko ang daloy ng mga kaganapan.  ayun, sa awa ng Diyos ay naisagawa naman siya nang maayos at pinasalamatan ang lahat ng tumulong.  muli, isa itong halimbawa ng kasabihang “bawat isa, mahalaga,” dahil hindi ito matutupad kung hindi nagtulungan ang lahat.  sumama pa ang iba naming kasamahan sa site kung saan nag-landslide habang ang iba naman sa amin ay nagligpit ng mga gamit.  medyo pagod pero masaya naman ako kasi nakatulong kami kahit papaano sa ilang mga kababayan na makabangon.  malungkot nga lang nang ikuwento sa amin ng isa sa mga taga-roon yung tungkol sa batang natabunan sa landslide – sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.  on a positive note, may natira pang pera mula sa donations kung kaya’t napag-usapan ang part 2 ng relief operation sa isa pang komunidad sa Antipolo.  muli, maraming salamat sa lahat ng lumahok dito – naging matagumpay kasi lahat at nagtulungan at nagsakripisyo.  maya-maya lamang ay nagpaalam na rin kami sa isa’t isa dahil may mga kanya-kanya pang kailangang gawin.  nakisabay ako kina Abet at Mon at hinatid nila ako sa bahay, at kasama din sina King at Onats.  ang balak kasi sana ay tutulong sila sa amin na maglinis-linis sa bahay.  nahihiya naman ako sa kanila, kaya sinabi kong huwag na lang kaming maglinis – tutal nakapaglinis-linis na rin naman kami at mayroon namang iba pang pwedeng matulungan.  ganunpaman, tinulungan nila kaming ibaba mula sa mesa yung ref at ibalik sa kusina kung saan ipinatong sa bakal na mesa.  nagluto ng lugaw na may goto si Nanay kung kaya’t naka-meryenda rin kami.  mamaya-maya ay nagkabiruan at nagka-yayaan mag-Niche as is – as in walang liguan, amoy-pawis and all – so ayun, dumiretso kami sa Niche at dumating doon nang alas-6 ng hapon kung saan nagkwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay habang nagbe-beer.  di rin naman kami tumodo, pampa-antok lang kumbaga.  matapos ang biglaang session ay nagsiuwi na rin kami.  pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa papag at nahiga.  bago matulog ay nag-text ako sa ilang mga kasamahan at nagpasalamat dahil sa napagtulung-tulungan noong araw na iyon.  para sa akin, naging makabuluhan ang araw na iyon – at hindi sapat ang mga salita ko dito upang mailarawan ang kabuluhang iyon.

 

 

itong despedida dinner ni kapatid na Otch (she was leaving for Singapore) ay nag-coincide with halloween, at halloween na halloween nga sa Friday’s nung gabing iyon hindi dahil nandun kaming mga ‘noisy,’ kundi dahil todo-costume ang staff and crew – ilan sa mga characters na andun ay sina Punisher, Hulk, and Joker, to name a few.  by this time ay mangilan-ngilang matitinding bagyo na ang humagupit sa Pilipinas, at hindi na-exempt ang gabing ito.  second time kong kumain sa Friday’s, with the first time being a ‘biglaang lakad’ with Cher, Joyce and Doni.  masarap ang tsibog namin, pati ang kwentuhan kung kaya’t itinuloy namin iyon sa Bar 1601 (a.k.a. Clint’s Place).  ayun, tambay-tambay lang ang ginawa namin, nood ng NBA DVD, at papicture-picture with beer on the side habang nag-eempake ng gamit si Otch.  pansinin nyo yung isang babae dun sa collage, ginawang gown yung kurtina – salamat pala kay idol sa karamihan sa pics.  humabol din si Abet na may lakad noong gabing iyon, at kwentuhan pa ulit, yosi, beer, at McDo delivery ang naganap.  dito ko rin pala nakuha yung “Para Kay B” mula kay Otch for a bargain price – and much later on ay na-enjoy ko ang bawat story sa libro, especially yung tungkol kay Sandra – salamat, kapatid.  nagsiuwi din kami nung madaling araw, at sobrang lakas ng hangin sa labas, pati yung karatula ng convenience store ay natangay.  naghiwa-hiwalay kami sa may Ziggurat kung saan pumarada si Abet – ihinatid niya sina Tin, Meimei at Sally habang nag-abang kami ni Mon ng taxi dun sa may hilera ng girlie bars.  sobrang lakas pa rin ng hangin dala ng bagyong si Santi, na halata sa mga nagdadaang tao at mga nagliliparang mga bagay, pero nakauwi naman kami nang matiwasay.

 

 

medyo matagal na ring mahaba ang buhok ko.  noong 2003 ko naisipang pahabain siya, and at that time i was already working sa NGO na pinagtatrabahuhan ko ngayon.  why did i decide to grow it?  ang sagot ko sa sarili ko ay tanong din: why not?  so ayun nga, from 2003 hanggang latter part ng 2009 ay mahaba ang buhok ko simply because i wanted it that way.  truth be told, i have been thinking of having a haircut for a few weeks before this Friday the 13th of November 2009 even came, kaya lang ay wala akong panahon.  so when that day came, medyo maaga akong umalis ng office para magpagupit – and i was really thinking of a short hairdo.  when i walked into the salon, first time ko ding magpagupit sa salon – usually kasi sa ordinaryong barbero lang.  nung tinanong ako nung stylist kung anong gusto kong gupit, sinabi ko gusto ko maikli pero wag namang kalbo kasi pangit ang korte ng ulo ko – patag kasi siya sa likod.  sinuggest niya sa akin na barber’s cut na lang – since wala akong idea kung ano ang barber’s cut dahil naririnig ko lang siya madalas, tinanong ko siya kung anong hitsura nun.  nung pinaliwanag niya ay di ko rin naintindihan o na-visualize sa utak ko.  medyo spiked/mohawk style ang buhok nung stylist so tinanong ko siya kung pwede niyang gawin yun sa buhok ko minus the mohawk part – yun bang pwedeng spiked pero pwede ring suklayin nang maayos.  so sinabi niya na ganun na lang.  so nung pinutol na nung stylist yung buhok ko, tinanong niya ako ng: “Sir, gusto mo bang itago ito?” so sumagot naman ako ng: “Sige, itago ko na lang para remembrance.”  as she was cutting my hair, parang pareho naming nare-realize na magulo ang direksiyon ng buhok ko, so patuloy niya akong tinatanong ng: “Sir, bawasan ko pa ba?”  hanggang sa nag-decide akong sabihin sa kanyang: “I-semi kalbo mo na lang ako, pero mga ‘kwatro’ lang para di masyadong manipis.”  pinaputulan ko din ang patilya ko para medyo maiba naman.  so, eto na nga ang kinalabasan.  satisfied naman ako sa naging hitsura ko kasi parang mas lumitaw ang kagwapuhan ko – walang kokontra, blog ko ‘to.  may mga nagtanong nga sa akin afterwards kung bakit ako nagpagupit, even going as far as assuming na may girlfriend na daw ba ako or what, pero sinabi ko sa kanilang: “wala, gusto ko lang.”  and besides, minsan kasi maganda yung drastic change, so i just did it.

 

 

as the title of the collage says, ito ang birthday photoshoot ni Tin kung saan naka-sama ako.  nagkaroon ng birthday photoshoot si Sarah the month before pero di ako nakasama dahil i had to work, kaya ang electric bass kong si Pepe ang nagsilbing isa sa mga props.  freeflowing ang concept nila back then, and ang gaganda nilang lahat – and i especially loved their rocker chick pics pati yung mga kuha nila na naka-dress sila.  fast forward to November 21, 2009: nagkita kami ni Mon sa Glorietta para bumili ng cake pagkatapos ay dumiretso na kami sa Indios Bravos Studio sa Bagtikan at hinintay ang mga mowdels.  umakyat kami sa dressing room at iniwan ang mga gamit.  pumitik-pitik muna si Mon ng ilang pictures habang wala pa sila.

 

this time ay may theme and outline ang photoshoot, at ako ang isa sa mga “nerds” kung kaya’t nagdala ako ng glasses, tie at mga polo to match my slacks and maroon Chucks.  sa totoo lang ay na-starstruck ako sa kanila kasi ang gagaling nilang nag-model.  hindi ko na kailangang i-describe pa kasi halata naman sa pictures na magagaling sila...  at dahil diyan, may nag-text: maraming salamat kina Ezi, Joyce, Mon, Sarah at Shim sa mga pictures sa collage na ito =O)>.  special thanks kay Ezi kasi ginamit kong headshot / profile pic yung kuha niya, kay Joyce para dun sa kuha naming tatlo w/ Packy & yung 2008 Christmas party group pic, and Sarah for printing yung 2 group pics pati yung nerd pic ko w/ Meimei.  pagkatapos ng photoshoot ay kumain ang mga mowdels ng KFC, nagyosi at nagligpit ng mga props.  since karamihan naman sa amin ay tutuloy sa Fraser’s para sa party ni Tin at a later hour, uminom muna kami nina Clint at Mon malapit sa condo ni Clint after mag-walk in inquiry si Clint sa P&P Tattoos na malapit lang din pala dun.  kaya ayun, kwentuhan lang kami over a few drinks pagkatapos ay dumiretso na sa party.  ipinakilala kami ni Tin sa mga kaibigan niya pati kay Oui, sister niya tapos hindi na kami nahiya at kumain na rin mamaya-maya.  nagulat ako kasi ang mga angels ang friends ay mga naka-cocktail dress *whew!*.  masarap ang tsibog nung gabing yun: barbecue, siomai, chicken lollipops, pichi-pichi, and cake – kaya karir kung karir ang pagkain talaga.  dumaloy din ang Absolut Vodka, Sprite at The Bar Apple Vodka.  high-end ang unit na ni-rent ni Tin, at maluwag talaga at kumpleto, in fairness.  humabol din sina Packy, Tess, Jhen, Thina at Terence kaya tuloy-tuloy lang ang party.  ang sarap din talaga nung isang cake dun na nakalimutan ko ang tawag pero ang dami niyang chocolate, basta ang naalala ko lang ay nasa dining table kami tapos may umiikot na tagay and nagfu-food trip kami.  nang magpaalam na yung iba sa amin ay lights out na – basta ang natatandaan ko ay dun ako sa may sala nahiga at nakatulog, although nagising ako nang ilang beses at may narinig na tumatakbong tao papuntang banyo.  nang magising na ako kinabukasan, nag-init ng food sina Cher at nagtingin-tingin kami ng mga pictures na naka-save sa laptop with matching alaskahan at asaran.  thanks Tin sa pag-invite mo sa akin, and thanks ulit Sarah for printing at pati sa pakikisabay ko pag-uwi.  i can definitely say na isa ito sa mga pinaka-kakaibang birthday celebration na napuntahan ko.

 

 

ito naman ang “me time” ko na once a year lang mangyari.  pumatak ng Friday ang birthday ko, kaya TGIF talaga ito.  medyo binaha ako ng text messages at Facebook greetings kaya natuwa naman ako at naalala ako ng mga kaibigan ko.  salamat din sa “mga patola” na pumatol sa Jennifer Garner status message ko – it just goes to show na mga patola nga kayo at mababait kayo sa akin =O)>.  hectic ang sked ko sa work noong araw na iyon kaya i was just focused on finishing my task for that day pagkatapos ay uuwi na dapat ako by 7PM.  hindi ko naman akalain na sosorpresahin pala ako ng ilan sa mga kasamahan ko sa Tech group sa pamamagitan ng isang Kowloon House dinner showcase / Mang Bok’s Manok at Liempo foodtrip / Happy Horse Beer showcase.  ibinili pa nila ako ng Spongebob Squarepants na balloon galing sa suking balloon vendor na tumatambay sa may Save More.  na-surprise ako at na-touch sa kanilang gesture dahil even if i’m not the friendliest co-worker (read: i’m not here to make friends, i’m here to do my job and i can be an asshole at times), they went out of their way to surprise me.  again, salamat Leo, Anne, Mae, Mear, and Micko – saying, sana next time kasama natin sina Mon at Vlad.

 

fast forward to two days later, tanghaling-tapat dumating yung videoke machine na inarkila ni Nanay at bumirit kaagad siya ng tatlong kanta na hindi ko alam kung si Jessa Zaragoza ba ang kumanta o ano, kaya nakantiyawan ko siya ng: “para ka namang iniwan ng asawa mo =O)>.”  kaya ayun, matapos ang tatlong kanta ay nag-timeout muna siya at nakatulog ako.  pagdating ng hapon, inadobo ko na yung tahong, at nagluto na si Nanay ng pancit canton. siyempre madilim na nang magsidating ang mga dalaw ko.  nauna si Amy dumating kaya nagsalang na ako ng manok sa turbo broiler at nag-barbecue sa labas.  mamaya-maya ay nagdatingan na sina Kiko, Mai, Alex, Kuya Oros, Ate Dhang, Pepper, Ronnel, Francis, Maui, Yags at Mark kaya’t naghain na kami at lamunan na.  sayang lang at medyo under the weather yata si Maui kaya kinailangan nilang umuwi kaagad ni Francis – at nakalimutan ko tuloy ibigay yung loot bag niya dahil nawala sa isip ko.  nagkakahiyaan pa sa videoke kung kaya’t iniharap na lang namin siya sa labas at bumanat si Ronnel “Tito Aga” Go ng Elesi by Rivermaya para mawala na ang hiya-hiya.  isang highlight of the night ay yung pagkanta ng Madonna songs na back-to-back nina bespren Alex (Borderline) at Kiko (La Isla Bonita) with matching a-go-go dancer kembot.  sayang at hindi sila na-video =O))>.  nagdatingan din sina Lanie, Doni, Thina, Terence, Cher, Joyce, Meimei, Sally, Mon, James, Clint, Otch, Packy, Tess, Abet at King kaya tuloy-tuloy lang ang kainan at inuman.  salamat nga pala kay Pepper sa pagdala ng Alfonso, kina Kuya Oros at Ate Dhang sa pagdala ng cake, sa bunso kong kapatid na si Michelle sa pagpabili ng isa pang cake, at kay Francis sa pagdala ng Tanduay Ice.  sayang lang at hindi tayo kumpleto, pero salamat sa mga nagpunta – sa effort at time ninyo – sana next year makapunta kayo ulit.  hindi pa tapos ang kwento, kaya tuloy ang ligaya: pagdating ng last batch ng mga kaibigan, picture-taking to the max na ito kaya mapapansin ninyong ang daming picture sa collage...  at dahil diyan, may nag-text: salamat kina Cher, Mon, Doni, Ronnel, Pepper at Leo sa mga pictures sa collage.  ang mga first-timers pala sa amin nung gabing iyon were Kuya Oros, Ronnel, Sally, Otch, Meimei, Tess, and Clint.  the rest ay mga nakapunta na last year or dati pa.  naging instant celebrity yung driftwood bench namin kasi nag-photoshoot ang mga mowdels doon (tingnan ang collage para malaman kung sinu-sino ang mga tinutukoy ko) at nakunan din ng video ang ilang “mga talentado” na kumanta sa videoke ng: 1) I’ll Be Over You by Toto (isang TnL na itago natin sa alyas na Tito Aga); 2) Bilanggo by Rizal Underground (ang mastermind ng lahat ng ito); 3) Make It Easy On Me by Sybil (isang babaeng itago natin sa alyas na Chip, na may back-up macho dancer->tingnan ang item 2); at 4) Bleeding Love by Leona Lewis (isang babaeng miyembro ng Papaya Triad at iginagalang ng mga TnL).  sayang lang at hindi nakunan ng video yung kumanta ng Together Forever ni Rick Astley dahil siya yung may-ari ng camera.  masaya ako dahil naipakilala ko sila sa mga kaibigan kong datihan na at pati sa mga magulang ko, at mukhang nag-enjoy naman silang lahat.  i was pretty stoked sa pag-inom, but i really enjoyed that night.  sana sa mga susunod na taon magkakasama pa rin tayo.  para sa mga hindi nakapunta, sana sa mga susunod na pagkakataon makapunta kayo – malay ‘nyo next year may sariling party space na tayo =O)>.  for the nth time, salamat sa inyo – you truly are blessings to me.

 

 

ito ang party ni Clint sa Sidebar sa El Pueblo Ortigas Center.  huli kong punta rito sa areang ito was 2006 pa, night out namin nina Francis, Alex, Kiko, etc.  8PM onwards ang party, pero medyo late na akong nakalabas ng office dahil nag-dinner pa ako.  sinundo ko si Joyce sa Kamay Kainan along Kalayaan Ave., then dumiretso na kami sa Sidebar.  jampacked na ang lugar so hinanap namin si Clint, at pumwesto sa may bar.  andun na siyempre karamihan sa tropa at sinabihan kami ni Kay na madaya dahil kanina pa raw siya umiinom at late na kami =O))>.  Ang mga ka-inom ko sa may bar ay sina Brian, King, Abet, Tin, Joyce, Kay, Doni at Lanie.  andun din sina Jonald, Otch, James, Packy at siyempre ang birthday boy pati ang iba pang kaibigan.  humabol na lang later sina Mon, Jhen, Meimei, Sally, Sarah, Cher pati si Kuya Oros.  needless to say ay tuloy-tuloy ang daloy ng beer, cocktails, alak, pulutan, istorya, jokes, and what-have-you – good times lang, ‘ika nga.  nakita ko pa nga ‘yung isa kong kaklase nung high school, si Xavier, na kasama ang kanyang mga kaibigan at regular din pala doon – so nagka-kwentuhan lang, palitan ng #s to catch up on old times, ganun.  as the night went on, isa-isa nang nagpaalam ang mga tropa.  siguro dahil sa ngarag at puyat ko rin sa work during the previous days, medyo napagod rin ako kaagad – or siguro hindi na ako sanay uminom masyado – and i decided na magpasalamat at magpaalam na rin kay Clint pati kay James.  madaling-araw na rin akong nakauwi sa bahay at inabutan kong magka-kape si Tatay.  matapos kong magmano, magbihis at mag-text ng aking mga thank-you’s ay bumagsak na ako sa kama at nakatulog.  and before i (won’t) forget, salamat kina Idol at Suzie para sa mga larawan sa collage.

 

 

una, nagpapasalamat ako kina Otch, Joyce at Mon para sa masasayang pictures sa collage na ito.  for the second year in a row ay umattend ako ng Christmas Party ng RACE friends.  the 2008 party ay ginanap noon sa Niche, but this time ay dumayo naman kami sa Maru KTV Bar sa Jupiter Street, Makati.  i had to go to work that day, pero hindi naman masyadong toxic kung kaya’t i was able to party that night.  special thanks nga pala kay Meimei for finding the venue.  pinabili rin pala nila ako ng chewing gum na para daw sa party games, kaya medyo na-intriga ako kung anong games iyon.  mabuti at may grocery na malapit sa office kung kaya’t before proceeding to Makati ay nakabili ako ng tatlong pakete ng gum.  sadyang ma-traffic that night kung kaya’t sa Kamias pa lang ay natagalan na kami ni manong driver – mabuti na lang at nag-shortcut siya sa San Juan at Mandaluyong instead of taking EDSA.  pagdating ko ay nandun na sina Terence, Thina, Doni, Lanie, Joyce, Meimei, Otch, Cher, Tin, Mon, James, Clint and not long after ay dumating sina Kuya Oros, Ate Dhang, Owen, Jhen, Sally, Packy, Sarah and Tintin.  bale sa isang  malaking room ang venue ng aming kainan / inuman / kantahan / laruan, and once mailapag ng waiter ang mga epektus ay free-for-all na kami.  hindi na ako namulutan masyado kasi busog pa ako at that time, but i did try the fried chicken at masarap talaga siya – itanong nyo pa dun sa magandang babaeng naka-striped dress.  as expected, tuloy-tuloy ang daloy ng beer at doon lang kami sa may sulok nina Ate Dhang and Kuya Oros, umiinom at nag-aasta na parang mga komedyante =O)>.  mamaya-maya lang ay sinimulan na ang unang game kung saan we were divided into three groups at pinagawa ng mga bahay gamit ang popsicle sticks at nginuyang chewing gum.  needless to say ay na-exercise ang mga panga namin dito - kudos sa teammates ko: James, Mon, Owen and Jhen for a job well done – nanalo kami after i-test ng mga hurado ang tibay ng bawat bahay using the big bad wolf / three little pigs methodology.  dumating na din pala sina King at Ronnel at tuloy ang kantahan, inuman at kasayahan.  for the second game, several pairs were randomly drawn para sa laklakan / beer-drinking contest: Sally-Ronnel, Thina-Dhang, Oros-Owen, Doni-Mon, Lanie-Terence, and Mic-Joyce.  the rule was yung hawak mong bote ng beer ay ipapainom mo sa teammate mo (see collage for details), at ang unang team na matapos ay ang mananalo.  sabi ko kay Joyce ay alalay lang sa pag-inom para hindi masamid ng beer, pero akalain mong nauna pa sa aking matapos ang patola – uhaw yata siya nung gabing yun =O))>.  kaya ayun, pinalad na nanalo ang aming team at masaya naman ang game.  matapos iyon ay nag-revelation na ng mga monitos / monitas, and si Cher ang nakabunot sa akin – thanks Mahal, natuwa ako sa description mo sa akin =O)> - at ibinigay sa akin ang nasa wishlist kong “Crowns and Oranges” na isang compilation ng works by young Filipino poets, including si best friend Alex.  i later found out na tinulungan ni Meimei si Cher na makahanap ng copy nung libro.  ang nabunot ko naman ay si Meimei na ang wish ay isang Starbucks tumbler na na-acquire ko naman with the help of Joyce – thanks, Mahal =O)>.  i also got a great gift from Sally (isang libro) at ibinigay ko din yung regalo ko kay Jhen.  dumating rin pala si Judy Anne along with her fiance, at ipinakilala siya sa amin ng mga Angels.  unfortunately, some good things have time constraints kung kaya’t matapos ang aming allotted time, ay nagbaha-bahagi na kami sa expenses at lumabas na.  some of us decided na mag-after-party-event sa WG Diner.  too bad at hindi pwede lahat sapagkat may kanya-kanya ding Sunday commitments – ako, i still had to work pero nagdala na ako ng bihisan ko dahil i intended to go back to the office for a place to crash.  nakisabay kami nina Cher, Otch, Meimei, at Joyce kina Kuya Oros at Ate Dhang at isang topic na napagkwentuhan ay ang ‘Melason’ fever sa Pinoy Big Brother at the time.  i remember sharing something about ‘letting love develop instead of dating’ from my past experience and also something about how ‘some things and situations sadly have limitations’ mula naman sa current life ko. by this time din pala ay humabol na si Abet sa amin dahil may pinuntahan din siyang party that night – and to borrow a catchphrase, ‘hindi niya kami pinagsabay, pinagsunod lang.’  anyway, ang ‘one bottle’ ay naging ‘several buckets’ bago naghiwa-hiwalay ang tropa.  after several goodnights and a long taxi ride ay nakabalik na ako ng office at mabuti na lang gising si manong guard kung kaya’t nakapasok ako agad.  matapos umekis-ekis papunta sa aking work area ay nagbihis na ako at nakatulog.  tanghali na ako nagising, pero at least ay natapos ko ang aking task for that day at nakauwi sa bahay namin pagkatapos.

 

 

since ‘hirap muna bago sarap’ ang recurring theme ng 2009, ang birthday ni Mahal ay hindi exception sa kasabihang ito.  noong 2008 ay hindi ako nakadalo sa kanyang celebration (dahil sa sobrang kawalan ng tulog at pagkamatay ng brain cells katatrabaho) kung kaya’t ginawan ko ng paraan upang makabawi sa 2009 edition.  ayun, natapos ko naman agad ang aking work kung kaya’t nakauwi ako para mag-iwan ng mga gamit sa bahay, mag-dinner at dumiretso kina Cher sa Maynila.  present sina Mon, Abet, King, Tintin, Sally, Joyce, Meimei, Otch, Jhen, Tin, Packy, James, Clint, yung isang pinsan ni James (sorry nakalimutan ko ang kanyang pangalan), Jonald and Hazel, at siyempre ang birthday girl na nag-redefine sa term of endearment na “Mahal.”  Happy birthday ulit, Mahal! *mwah/hugs*  nagtimpla muna ako ng vodka at Sprite sa baso (na hindi pa nagagamit) bilang starter pagkatapos ay nag-beer na with the boys.  panalo ang adobong talaba (first time kong nakatikim nito), pork barbecue at carbonara ni Mahal, as always kung kaya’t solb-solb ang food trip.  oks din naman ang kwentuhan, may masaya, may malungkot, pero overall ay masaya naman lahat kami.  nag-DVD viewing ang ilan sa mga girls ng “Paranormal Activity” pero hindi yata natapos – napanood ko lang siya a few days ago when i was in Catarman for work, at medyo nakakagulat nga ang ilang eksena – so natuloy na lang ang inuman, kwentuhan at soundtrip sa may rooftop.  after naming mag-inuman, nag-foodtrip na lang ulit ako ng carbonara at leche flan (na parehong paborito ni Mayor) tapos ay tumambay sa may exercise equipment doon sa loob.  salamat pala kay Otch sa regalo niyang cookies, and ibinigay / ipina-arbor ko ang aking maroon beanie sa kanya.  at salamat ulit kay Idol at Suzie para sa mga pictures sa collage.  whereas nakitulog ang ilan kina Cher, sabay-sabay na kaming umuwi nina Joyce at Mon – again, maraming salamat Cher / Mahal sa pag-invite sa akin sa iyong special day.  may your (hindi Mayor ha?) blessings continue to flow from heaven.  amen.

 

 

maraming salamat kina Abet, Joyce at Ronnel para sa mga larawang ginamit ko sa collage na ito.  ito ang aking year-ender for 2009, at maraming salamat sa Radical Adventure Concepts & Events (especially King Louie and siyempre kay Abet) for making my misadventures / travels into regular, affordable, and unforgettable realities.  dito nabuo ang “Walang T.T.”, also known as the “Walang Tulugan Triad” namin nina Ronnel at Joyce dahil sa sobrang kakulitan at pag-iingay sa bandang likuran ng van.  riot din kasi kasama rin namin dito sina Master (alyas “Kuya Kim”) at Onats kung kaya’t there were very few dull moments.  maging sina Ate Gen at Kuya Nathaniel na na-meet namin sa Sagada last May ay sumama din dito.  nga pala, first time kong nakapunta sa Mount Pinatubo at Capas Shrine kung kaya’t espesyal din ang trip na ito.

 

naging istrikto ang inspection at requirements at maging ang mga fees na kailangang bayaran ay dumami, kung kaya’t nagmahal considerably ang cost ng pagpunta sa Mt. Pinatubo.  medyo matagtag ang biyahe namin sakay ng 4X4 ngunit sulit naman dahil sa mga tanawin: ilog, bundok, kalabaw, at napakaraming puno ng saging.  nadaanan din namin ang tirahan ng ilan sa kababayan nating mga aeta.  nag-stopover kami sa isang lugar bago umakyat ng “skyway” kung tawagin para sa ilang photo-ops – salamat nga pala sa mga ‘maniniyuts’ (term ito na originally coined by Abet) na kumuha ng pictures ko. ang mga kasama ko pala sa 4X4 ay si Joyce, Sir Willy, Ma’am Cyndy at yung anak nila pati sina Manong Driver at Manong Guide.  pagkatapos ay tumuloy na kami sa may trail papuntang crater kung saan pwedeng mag-CR break ang mga naglalakbay.  ayos naman ang trek for a beginner na kagaya ko, as in madali naman siya – dumaan kami sa mga batuhan at ilog bago marating ang viewdeck.  medyo nawalan ng balanse si Joyce sa may isang bahagi ng trail kasi kunwaring tinatakot ni Ronnel sa pamamagitan ng palaka – takot kasi ang Bb. Cairo sa palaka.  akala ko naman ay hindi gaanong seryoso ang kanyang pagkawala ng balanse dahil kahit medyo iika-ika ay nakapagpatuloy siya sa paglakad.  hindi gaanong matagal ay narating na rin namin ang viewdeck.  maganda talaga ang tanawin doon, at kahit tingnan at pagmasdan ko lang ay masaya na ako – maganda ang kulay ng lake at ang tingkad ng mga berde sa paligid.  muli, salamat sa mga katoto at kaharutang kumuha ng mga larawan kasi hindi talaga ako nagdala ng camera.  pagbaba namin sa may shed sa may crater lake ay nagpahinga muna nang konti tapos ay nagharutan / picture taking na kami sa may pampang.  kung anu-anong concepts ang naiisip nitong si Ronnel kung kaya’t para kaming mga gago dun pero ‘sakto lang – at ang ka-triad na si Joyce ang nag-capture sa ilan sa mga ito.  mamaya-maya ay nag-lunch na kami ng tonkatsu, kanin, pork steak at buttered veggies at nagpahinga nang konti.  matapos kumain at magpahinga, pumunta ulit kami sa may pampang para sa trick shots, jump shots at mag-shoot ng “Saging Lang Ang May Puso” Episode 5.  naging participant din ako sa isang “yoga demonstration” kung saan iniangat ako nina Master, Abet, Ronnel at Onats gamit lamang ang kanilang mga index finger na naka-ilalim sa aking mga tuhod at braso saka binuhat nang ilang hakbang.  oo, nagulat din ako at nakaya nila ang 200 lbs. kong katawan, ang galing – and to think medyo kinakabahan at skeptical pa ako nun.  eto pa, may “Meteor Garden” shots pa kami nina Abet, Ronnel, Master at Joyce – oo, talagang concept pictorial ito kung concept pictorial.  nang magsi-akyat na kami, nag-souvenir picture lang kami sa may view at bumalik papunta sa simula ng trail.  pagdating sa 4X4 ay medyo masakit na ang iniinda ni Joyce dahil mukhang pati sa balakang ay umakyat na ang sakit kaya inalalayan ko na lang muna siya sa pagsampa sa sasakyan.  matagtag at mas maalikabok ang biyahe pabalik kung kaya’t medyo nabingi ako  habang nakakatulog-tulog at naghe-headbang sa antok.  pagdating sa bayan, nakapag-hilamos at nakapagpalit kami ng damit pagkatapos ay nag-halo-halo sa kalapit na tindahan.  kwentuhan lang kami lahat bago sumakay ng van patungo naman sa Capas Shrine.

 

isang instant history lesson ang tumambad sa amin dahil ang lugar ay dating concentration camp ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na naging bahagi ng makasaysayang Bataan Death March noong panahon ng digmaan.  sa itim na pader na nakapaligid sa obelisk ng shrine nakasulat ang mga pangalan ng mga magigiting na sundalo, at kahit papaano ay na-appreciate ko ang kanilang mga pagsasakripisyo at paghihirap noon.  sayang at hindi ko masyadong natingnan yung mga pangalan – curious kasi ako kung may mga sundalong ka-apelyido namin – buti na lang at nakabalik ako nung January 9, 2010.  pagkatapos sa obelisk ay tiningnan namin yung isang box car na kung saan ipinagsiksikan ang mga sundalo noong araw – ayon sa kuwento sa karatula, isang maliit na butas lang ang dinadaanan ng kakapirasong hangin papasok doon, at maraming namatay nang nakatayo, nakadilat at sa gitna ng sarili nilang ihi at dumi.  nakakaawang tagpo ngunit nangyari sa kasaysayan natin, at sana lang ay tahimik na ang mga kaluluwa nila.  muli, isa na naman itong kakaibang experience – parang field trip pero mas malalim kaysa sa lesson sa libro ang actual na lesson.  hindi kami gaanong nagtagal sa Capas Shrine at tumahak na kami pabalik ng Manila.  pagkarating sa McDo, nagsipag-paalam na kami sa isa’t isa at nagkanya-kanyang uwi na.  pagdating ko ng bahay, nagpa-masahe ako sa Tiya ko dahil medyo sumakit ang katawan ko – kaya ayun, ang sarap ng tulog ko pagkatapos.

 

aftermath: towards the end of December, nagka-trangkaso ako – pero mabuti na rin at naglabasan lahat ng infections sa katawan ko bago ang bagong taon.

 

para siguro akong sirang plaka, pero sasabihin ko pa rin: maraming salamat sa lahat ng tao who made 2009 special: family ko, mga kaibigan – yung mga dati na, yung mga bago pa lang, yung mga naka-close ko, yung nag-i-inspire sa akin, at maging yung mga may ayaw sa akin – because they keep me humble and grounded.  at siyempre, kay Lord / Allah / Bathala – for being patient with me.