pagdating ko nung lunes dito sa office, i had this sudden weird urge to take some pictures. since dala-dala ko naman si Sophia, eh di sige. hindi na ako lumayo sa aking makalat na cubicle at ito ang mga subject na pinatulan ko: 1) ang aking pitsel ng Nestea na naiwan sa ref buong weekend kaya nag-freeze ang iced tea sa loob nito; 2) ang angel na ibinigay sa akin ng ex- ko nung college na si Sherryl after niyang makipag-break sa akin; 3) ang piggy bank ko sa ibabaw ng aking CPU na sinabitan ko ng sampaguita ilang araw pagkatapos ng Ondoy; at 4) ang newspaper clipping ng "You are Here" sketch ni John Lennon - kung saan magkasama sila ni Yoko Ono - na naka-tape sa cubicle ko since 2001 pa.
nag-pp ako using ACDSee: crop, brightness/contrast adjustment, at autolevels.
wala lang, random kahibangan lang siguro ito on my part. ewan.
dapat kasi nag proj 365 ka na din e :D
ReplyDeletenaku, mas maraming butas kapag nag proj 365 ako, pressured pa. at least kapag ganito, wala akong iniisip na time limit or anuman. tapos ko na yung collages ng 2009, at malamang i-post ko rin later - pagkatapos ko siguro nung part 2 ng blog entry. =O)>
ReplyDeleteayyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaannnnnnnnnn!!! part 2 na!!! =)
ReplyDeletendi nmn din mapressure ung proj. 365 enjoyable syang gawain hihihihi
hala, may pressure... good luck sa akin kung matapos ko siya within the week - baka next next week ko pa siya mai-post. =O(>
ReplyDeletei like this treatment the best... at ang galing ng sketch... :D
ReplyDeletesalamat, kapatid. nakita ko lang sa diyaryo ang sketch na ito ni Lennon habang nag-ii-scan ako dati so i decided na gupitin ito. nanilaw na rin siya sa sobrang tagal na naka-tape sa cubicle ko.
ReplyDelete