eto na ang part 2. natapos ko rin sa wakas. *hingal*
ito ang isang pagtatagpo na hindi matutuloy kung hindi dahil sa efforts ni
a few days after our UP Sociology get-together, bumalik ako sa Batad kasama ang ilang mga kaibigan. i was hoping na
as the title suggests, this is my second time na magpunta sa Batad Village sa Banaue, Ifugao. yung first time was slightly over a year ago, kung saan nakilala ko sina Josiah, Terence, Thina and Marjan. this was supposed to be a reunion of sorts kaya lang ay wala sina Josiah and Marjan at hindi nakasama sina Jhen at Doni dahil may sakit si Jhen at nasa abroad pa si Doni at the time of this tour. whereas sampu lang kami last time, mas kaunti pa kami this time: King Louie, Abet, Mon, ako, Terence, Thina, at sina Joyce at Kay. as usual, hapit na naman ang work week na iyon – it always seems na every time may lakad ako eh kailangan ko munang bugbugin ang katawan at utak ko bago ako makalaya nang panandalian. after having dinner, hinanda ko na ang mga gamit ko para makapunta na sa
pagdating sa Banaue nung umaga kinabukasan ay mukhang maganda ang panahon. matapos ang panandaliang pagtigil sa may Hall of Justice ng Banaue ay dumiretso kami sa Viewpoint para makapag-picture taking – ang malas na lang siguro ni Kay kung umulan pa bigla, di ba? ayun, masaya naman ang pictorial kasi maganda ang sikat ng Haring Araw at saka kami pa lang ang mga tao dun kasi pati yung tindahan ng souvenirs ay pa-bukas pa lang. nakakita ako ng magandang sangkalan na gawa sa kahoy kaya bumili ako ng isa, at mukhang magandang klase dahil mabigat siya – yun bang tipong pag ihinataw sa ulo mo at tinamaan ka, eh mga tatlong araw kang tulog. bumili rin ako ng mga coin purse para pasalubong, at yung malalaki ang pinili ko. kumuha-kuha din ako ng mga picture sa tabi-tabi, at na-tripan ko yung native scooter na korteng kabayo as well as yung native conga drums nila doon sa tindahan. matapos ang picture-picture sa Viewpoint ay pumunta na kami sa suking Halfway Lodge para mag-almusal. masarap as usual ang pagkain, scrambled egg, hotdog at ang walang-kamatayang berdeng saging. nga pala, ang “tanong ng bayan” sa tour na ito ay: “Kung ikaw ay isang prutas, anong prutas ka at bakit?” – basta ako, sinabi kong saging ako dahil ako ay may puso. bahala na kayong alamin ang mga sagot nila, hahaha… matapos ang kaunting pahinga at pakikipag-meeting kay Mayor, bumili kami ni Abet ng dalawang kwatro kantos na Ginebra, Nestea iced tea at iba pang mga “essentials” sa kalapit na tindahan. pagbalik sa Halfway Lodge ay naghintay lang kami nang sandali bago bumiyahe patungo sa Batad Saddle. medyo mas nahirapan umakyat ang sasakyan namin kumpara nung isang taon kasi may mga bahagi ng daan na mas malubak at mas mabato. ganunpaman, narating pa rin namin ang saddle nang medyo tangha-tanghali na. matapos ang saglit na pahinga at konting pag-aayos ng mga gamit ay naglakad na kami pababa ng saddle. doon kami dumaan sa mas maikli ngunit mas matarik na daan – na dinaanan naming mga kabilang sa “first batch” last year. whereas last year ay bandang hapon na kami bumaba ng Batad, this time ay lunchtime kami pumunta. ang isang napansin ko ay para bang ang bilis ng trek namin this time compared to last year’s. sabi ni Abet ay ganun daw talaga kapag bumalik ka na – parang mas madali na nang kaunti kasi medyo familiar na sa iyo yung dadaanan mo. pakiramdam ko nga eh inilapit nung mga tao ang mga waiting sheds para hindi kami mahirapan masyado. para talaga akong niloloko ng katawan at isipan ko dahil hindi ako hiningal masyado sa pagbaba naming iyon – kaya pakiramdam ko ay malilintikan ako sa pag-akyat namin pabalik kinabukasan. ganunpaman ay natutuwa ako dahil sa pagbalik naming iyon – na itinuring kong panandaliang kalayaan mula sa toxicity ng aking trabaho. kumpara last year, dalawang beses lang akong natapilok this time, although matinding tapilok yung dalawan iyon na gumulong talaga ang maga sakong ko – at nangyari ang unang tapilok habang sinasabi ko sa sarili kong mas maganda yung traction ng bago kong sandals. mabilis naming narating ang karatula ng Batad Pension and Restaurant, na ibig sabihin ay malapit na kami sa aming tutuluyang bahay. tanaw namin mula doon ang saddle, at namangha ako na nalakad na pala namin ang ganun kalawak na distansiya sa limitadong oras lang. shortly afterwards, natapilok ako sa pangalawang pagkakataon nang malapit na kami sa aming patutunguhan. napalingon pa si Thina dahil sa pagtunog ng paa ko, nakakatakot daw, hahaha! nang makarating na kami sa
pagka-baba namin ng aming mga gamit ay nagpahinga muna kami, at nakahiram kami ng gitara kaya naglibang-libang muna kami doon sa veranda / dining area. medyo traydor ang katawan ko kasi dito na ako nakaramdam ng konting pagod / pananakit ng katawan – nagmistulang pa-asa lang pala yung kanina. ang ganda rin naman ng aming timing kasi mamaya-maya lang ay bumuhos na ang ulan. painom-inom lang muna ako ng tubig habang nagre-relax at nagpapatuyo ng pawis. naki-kape na rin ako habang hinihintay namin ang aming tanghalian. mamaya-maya ay ipinasok ko na ang bag ko sa kwarto at inayos ang mga gamit ko sa
kinabukasan, paggising ko ay dumiretso ako sa dining area para tumambay at makipag-kwentuhan. yun din ang nagmistulang unang episode ng morning show na “Good Morning, Mr.
malakas ang buhos ng ulan kung kaya’t medyo nagpatila muna kami bago tumuloy. kasabay din pala namin si Mang Ramon pagbalik ng saddle. sumaglit din muna si King sa Barangay Hall para makipag-usap kay Kapitan, at pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa medyo maputik at madulas na daan. dito ko naramdaman ang distansiya ng mga waiting shed sa isa’t isa – na para bang inilayo naman sila sa amin para mahirapan kami pabalik, o baka kasi mas mahirap lang talagang bumalik kaysa sa pumunta. pabugso-bugso ang malakas na ulan kung kaya’t nabasa din ang damit ko matapos ang ilang minutong paglalakad sa gitna nito. sa bandang huli na ako ng pila kasama ni Abet dahil hindi rin naman ako mabilis at dahil di rin naman ako nakikipag-unahan. nasabi ko din na kahit hinihingal-hingal ako nung mga sandaling iyon, hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit na anong materyal na bagay. bihira kasi ang mga sandaling pakiramdam mo ay malaya ka, lalo na kapag dominante sa buhay mo ang makinarya ng career / trabaho – na minsa’y nakakasira ng bait kung tutuusin. anyway, matapos marating ang ikatlong waiting shed ay hindi na kami nagpahinga nang matagal ni Abet at tinuloy-tuloy na ang pagbalik hanggang sa maabutan na namin sila. nang makarating kami sa puntong pwedeng pumili sa pagitan ng dalawang daan, doon na muna ako sa mas mahaba pero hindi matarik samantalang yung iba naman ay doon sa mas maikli pero matarik na daan. kasama ko sa daang mahaba sina Mon, Joyce at Kay samantalang sina Mang Ramon, King Louie, Terence, Thina at Abet ay sa daang maikli. nag-pacing-pacing lang ako para hindi na ako masyadong hingalin, mga 15-20 steps tapos pahinga ng 10 seconds, tapos tuloy na ulit hanggang makarating na sa saddle kung saan nakita naming nagja-jumping jacks at push-ups sina Terence at King para lang makapang-asar sa amin – mga baliw, hahahaha!!! ayun, pag-akyat ko ay bumili agad ako ng Big Bang sa tindahan ni Ate at binigyan ng isa si ka-tribong Thina. biruan pa nung mga sandaling iyon na magpapabili daw si Terence ng Pau liniment parakapag nasa bus na eh ipapahid niya sa katawan – at humirit pa kaming mga adik na why not magpuno ng isang bath tub ng Pau liniment at doon maglublob – mga mentally-retarded talaga =O))!!! matapos ang kaunting pahinga ay sumakay na kami sa jeep ni Kuya Richard para makabalik na sa Halfway. habang nasa malubak na biyahe ay non-stop ang kwentuhan at mga “Banjo jokes” pati kung anu-anong pang mga kaululan / katatawanan. paglampas ng Batad Junction ay inihatid namin si Mang Ramon sa bahay niya at tumuloy na papuntang Halfway. pagdating doon ay nag-ayos-ayos agad ako ng mga gamit at inihanda ang aking pang-ligo para hindi na masyadong mahirapan. umuna nang maligo yung iba at nagpasya na lang kami ni Abet na tsumibog na, tutal ay inihahain na yung dinner namin. ang sarap ng hapunan namin: pritong tilapia, pinakbet at sopas. nagtimpla lang ako ng sawsawang toyo at maanghang na suka para sa isda ko para mas swabe ang kain – grabe, panalo talaga yung isda kasi ang lutong at halata mong sariwa siya – hindi yung mala-Priscilla Almeda na “Sariwa” pero sariwa pa rin siya. matapos ang dinner ay dumiretso na ako sa banyo para makipag-meeting kay Mayor at maligo. ang sarap ng epekto sa pagod na katawan ng malamig na tubig kaya medyo nagtagal pa ako sa banyo. pag-akyat ko sa dining area ay nagligpit-ligpit na ako habang napag-usapan ang posibilidad na baka hindi kami makauwi dahil sa mga landslides na naganap earlier that day. mabuti na lang at matutuloy ang aming biyahe pauwi – same time, 8:00 PM – at sinabi ng mga kinauukulan na bake tumigil-tigil lang along the highway ang bus dahil sa mga ongoing na clearing operations. medyo nakakalungkot kasi mangilan-ngilan ding mga bahay ang napinsala ng mga landslides – pinanalangin ko na lang na sana’y walang nasaktan sa mga pangyayari. since mahaba pa ang biyahe, nagsalang ng DVD ang konduktor at Braveheart (ni Mel Gibson) ang featured na palabas. nagustuhan ko itong pelikulang ito nang mapanood ko ito sa sinehan mahigit sampung taon na ang nakakalipas, kaya imbes na matulog kaagad ay nanood muna ako – at lalo kong napagtanto na si Sir William Wallace ay isang Tunay na Lalake. ayun, pagkatapos ng pelikula ay nagdasal na ako at sinubukan ko nang matulog para makapagpahinga kahit papaano. nagising ako nang nasa bandang Balintawak na ang bus namin at nagligpit ng kumot at unan ko nang medyo malapit na sa Cubao terminal. nagsibaba kami nina Thina, Terence at Joyce sa Cubao at nagpaalam na muna sa isa’t isa. sumakay na ako ng taxi papuntang
for the nth time, salamat sa RACE, King Louie, Abet, Terence, Thina, Mon, Joyce at Kay sa isang unforgettable weekend. balik ulit tayo next year – sana’y mas marami pa tayo para mas masaya.
sorry kung nabo-bore ko kayo with my somewhat long stories... hindi ko lang mapigilan ang aking sarili dahil masarap ikuwento ang mga memorable moments kagaya ng mga nasa blog entry na ito.
ito namang araw na ito was a surprise since, as the caption in the collage suggests, this was during the holiday in honor of the late hero Senator Benigno Aquino, Jr. – i was minding my own business sa bahay, tinkering with the computer and surfing the web nang biglang may nag-text out of nowhere – ang kaibigan kong si Francis (yung naka-CIA shirt na lalakeng kalbo sa collage) na gustong pumunta sa bahay at makipag-inuman sa akin. since wala naman akong ginagawa, eh di sabi ko sa kanya na okay lang – kaso nga lang sinabi ko rin na hindi ako pwedeng malasing masyado kasi may lakad ako kinabukasan at kailangan kong magising nang maaga (nasa next collage / section ang mga detalye). so ayun nga, napagkasunduan na lang na sagot na niya ang booze samantalang ako na lang ang didiskarte ng pulutan. pagdating ni Francis ay kasama niya si Ditoy (yung nag-yoyosi sa collage) at may dala silang... *drumrolls*... The Bar! at saka may ka-tandem pa iyon na Sprite at saka oranges. so nagtimpla na sina Francis at Ditoy ng dapat timplahin at nagsimula na kami sa session. kwentuhan lang kami at nag-catch up sa mga buhay-buhay kasi nga nung UP Sociology get-together namin ay abala kami sa pag-gang up kay Francis at sa kanyang “history.” this time ay history ko naman ang na-ungkat ng mga loko at napag-usapan namin nang kapiraso. same old shit din naman, the lack of closure and all that screwjob shit. kaya nga sinabi ko rin na hindi naman ako nagmamadali, although siyempre iniisip ko rin naman yung napupusuan ko... kaya lang kasi, minsan yung mga kaibigan mo, kung magsalita eh parang kulang na lang ay sabihin sa iyo na i-adapt mo ang style nila sa panliligaw sa babae, tipong ganun. hindi naman sa nagtalo kami, pero ang bottomline is that sinabi ko na ako ang mas makakaintindi ng dapat kong gawin kaysa sa ibang tao na hindi naman directly involved. so, to make a long story short, nag-inuman na lang kami at nilantakan ang barbecue at balut na pinabili ni Kuya (yung naka-Sixers na jersey sa collage). sumunod rin pala si Mark (naka-blue polo shirt sa collage) sa session na ito dahil sinabihan siya ni Francis at the last minute. isa pa palang napag-usapan namin ay yung PRIDE FC bout nina Kazushi Sakuraba and Royce Gracie noong year 2000 na na-download ko at napanood lang earlier that day. wala lang, bilib lang din kasi ako kay Sakuraba dahil pro wrestler siya sa
siyempre, mawawala ba naman ang birthday ni Jhen? ito ang second year na naki-kain, naki-nood ng tv, at naki-inom kami sa kanilang tahanan sa Barangay Tangway,
sadly, hindi pala pwedeng mag-stay nang overnight sina Doni, Lanie, Terence at Thina dahil may mga lakad sila kinabukasan kung kaya’t kinailangan din nilang lumuwas pa-Manila nung gabi. matapos ay inihanda na namin ang mga gamit na dadalhin sa kalapit na resort para sa dinner at ihaw-ihaw / inuman at tumungo na rin kami doon at nag-ayos ng puwesto. dito na din pala humabol sina Sally at Meimei. pagkahakot at pagkalapag ng mga gamit, pinatulungan namin nina Clint at Mon ang pagpa-baga ng uling para mag-ihaw ng tahong. since busog pa naman ako ay tinuloy-tuloy ko na lang ang pag-iihaw habang tumutungga ng Happy Horse. matapos iyon ay naki-join na ako sa inuman session kung saan merong “The Bar” ulit, kaya lang ay nag-stick na muna ako sa matamis kong Happy Horse Beer. masaya ang gabing iyon, as shown sa mga ngiti ng mga tao sa collage – maraming salamat ulit kina Mon, May at Sally sa mga larawan. naalala kong lumabas pa kami nina Mon at Kay para bumili ng chicharon, ferrero, pillows at snickers sa 7-11 at tiniis ang lamig ng aircon kasi nga mga nagsitubog na kami sa swimming pool prior to that – kamusta naman, di ba? pagbalik namin ay nag-picture taking ang mga girls sa may pool at pa-chillax-chillax lang hanggang madaling-araw. nag-wash up na rin kami soon after para makapagligpit at makatulog pagkatapos. hindi man kami nakapag-videoke dahil sa in-demand rin siya nung gabing iyon, nag-foodtrip at laughing trip na lang kami nina
salamat kay kapatid na Otch for masterminding this get-away. to say that she’s a master organizer would be an understatement. mantakin mo naman, barely a day after organizing a killer surprise party, eto at nanakawin na naman ng tropa ang ligaya sa Banio Creek – saan ka pa? bagama’t hindi ko alam kung kanino sasabay papunta doon, nag-milagro si Bro at naka-sabay ako kina Jay at James. sinundo namin si Mon sa may kanto ng Buendia and EDSA at tumuloy na papuntang Cavite, tutal ay nag-text na si Otch ng detalyadong directions papunta doon. medyo lumampas nga lang kami nang kaunti pero nauna pa rin kami dun sa lugar – at maganda talaga siya, pramis. ang pamatay na puwesto ay may pool, bar, loft, sleeping quarters na may TV at banyo, at... VIDEOKE MACHINE! matapos pumili ng kanya-kanyang mga
hindi naman naubusan ng kwento sa gabing ito, as a wide range of themes ang nandun – from the funny to the serious stuff ang napag-usapan. natandaan kong sinabi ko kina Abet and Mon na magkukuwentuhan ulit kami sa ibang araw naman tungkol ilang mga bagay na dinadala ko. naalala ko rin na dito ko pinakinig kay Abet yung “Drown” na composition namin ni Alex at medyo na-okey-an naman siya (i think) sa kanta. nang medyo relaxed na ang mood dahil sa alak, nag-swimming na ang tropa at nag-chicken fight pa nga – kung tama ang pagkakatanda ko, pasan ko si Otch at kalaban namin sina James na pasan si Abet. halata naman na ang sasaya naming mga bagets sa mga pictures sa collage, kung kaya’t dahil diyan... may nag-text: maraming salamat ulit kina Abet, Cher, Mon at Sally sa mga pictures sa collage. wala namang dull moment sa gabing iyon, bagamat nagutom din ako pagka-ahon sa pool kaya’t sumama ako kina Abet at Mon at naghanap ng bulaluhan sa labas para bumaba-baba ang amats kahit papaano. salamat nga pala Sally sa pagpahiram kay Nate =O)>. unforgettable din itong event na ito dahil nang pasakay na kaming tatlo kay Nate, bigla na lang akong natapilok at kumalabog sa may passenger side – madilim kasi at talagang hindi ko maaninag yung lupa – kaya ayun, nagkaroon ako ng galos sa braso dahil nahiwa sa matalas na dahon. one point sa katangahan, kaya pati ako ay natawa sa sarili ko – malas lang at wala akong nahuling isda sa pag-dive ko. pagdating sa bulaluhan, sinabi ko na lang sa mag-utol na iidlip na muna ako sa kotse habang kumakain sila sa loob – nagpa-balot na lang ako ng bulalo at dun na lang sa Banio Creek kakain pagbalik.
medyo maliwanag na rin nang makabalik kami kung kaya’t kumain lang din ako sandali pagkatapos ay umakyat na para makabawi ng tulog habang kina-karir nina Joyce at Jay ang pagvi-videoke. nang magising ako ay nagvi-videoke pa rin ang mga girls. dumiretso ako sa banyo at naligo para makabawas sa hangover at lagkit ng katawan kahit papaano at nagbihis na. sabi pa ni James na umuungol daw ako at nagma-mumble habang natutulog - na ewan ko kung bakit pero ayaw ko na ring alamin. isa pa palang unforgettable na eksena ay ang pagkanta ni Meimei ng “Make it Easy on Me” ni Sybil na pinatulan ko at sinayawan habang kinukunan ng video ni Mon – at saksi si Ezi sa kahibangang ito as shown dun sa video clip. Jollibee food ang lunch namin at matapos kumain ay nagligpit na ako ng mga gamit ko para makasabay sana kina James at Jay umuwi. i was thinking kasi na hindi na kasya sa 2 sasakyan ang mga pasahero, pero kasya naman daw kaya nag-stay na rin ako hanggang hapon – ayaw ko lang din naman kasing maka-abala dahil makikisabay lang naman ako.
so ayun, tuloy ang videoke at chillax moments, tapos nag-photoshoot sila sa kalawakan ng Banio Creek habang ako naman ay nag-soundtrip sa pamamagitan ni Sophia. medyo pa-pampam pa si Mayor kung kaya’t na-interrupt ang aking pag-meditate sa musika ng isang meeting – yan talaga ang sumpa naming mga operado kaya kailangang alalay lang madalas. matapos ang photoshoot ay nag-final ligpit na kami at nag-karga ng mga kagamitan sa mga sasakyan at bumiyahe na paalis ng Banio Creek, pero nag-group picture pa kami dun sa may signage – mapapansin ninyo yung 11 pictures na sunod-sunod sa bandang ibaba ng collage ay bunga ng patuloy na pag-click ni Chloe (cam ni Sally na hindi ko alam kung anong nangyari sa settings) matapos ang isang group pic – kaya matapos naming mahalata ay kanya-kanyang posing kami na parang mga makukulit na ewan.
nakisabay ako kina Abet, Meimei, Sally, Ezi at Joyce pauwi, pero bago tumuloy ng
pumasok na sa work si Meimei and sabay na kaming umuwi ni Ezi – salamat na lang at may FX na biyaheng Antipolo kaya hindi hassle. kwentuhan lang kami ni Ezi sa FX hanggang sa bumaba na siya sa Doña Juliana samantalang tumuloy ako hanggang Junction kung saan sumakay na ako ng jeep papunta sa amin. dito nangyari ang isa na namang kakaibang tagpo: pagbaba ko, may nakasabay akong ale na may bitbit na groceries sa pagtawid ko, at nang sabay kaming tumawid ay nawalan siya ng balanse at nadapa. kaya agad akong sumenyas sa mga paparating na sasakyan na huminto muna sila habang tinulungan ko yung ale na ayusin yung mga bitbit niya at inalalayan pagtawid. tinanong ko rin siya kung okey lang ba siya, sabi naman niyang okey lang at hindi naman daw siya nasaktan gaano, saka nagpasalamat sa akin. patuloy akong naglakad papunta sa lugar namin, at hindi pa ako nakakalayo masyado ay ako naman ang nawalan ng balanse at nadapa sa isang lugar na halos araw-araw kong dinadaanan – kung kaya’t napatawa na lang ako, tumayo at tumingin sa itaas sabay sabi kay Lord ng: “Ikaw talaga, pinagti-tripan mo na naman ako.” kaya ayun, medyo tatawa-tawa ako sa sarili ko habang naglalakad pauwi. pagdating ko sa bahay ay kumain na ako at nag-online lang sandali pagkatapos ay natulog na rin dahil may pasok pa ako kinabukasan – balik sa dating gawi, ‘ika nga nila.
as the caption in the collage says, ito ang tinaguriang “May Mee Day” na nagsimula sa pagsundo sa airport at nag-culminate sa dinner sa Dampa. nakilala ko itong si Meyms nang sumama ako sa Masskara Festival Tour ng RACE noong October 2008 thru Abet, King, and the Angels. i kept my fingers crossed dahil hindi pa nga ako sigurado kung makakasama ako sa get-together na ito dahil sa aking work schedule, mabuti na lang at nagawan ng paraan. that evening, nauna na ang ilan sa mga girls at si Abet sa Dampa samantalang sinundo namin ni Mon si Tintin sa Trinoma at sumunod na lang kami. pagdating sa lugar ay nagtanong-tanong kami upang matunton ang venue, at mubuti na lang hindi kami naligaw... masyado. mabuti rin at nakahabol si Jassy sa gabing ito, dahil nung HABFest ko pa yata siya huling nakasama.
maganda pala sa Dampa – first time ko kasing makapunta doon kaya natuwa ako sa set-up niya – tipong alam mong sariwa talaga yung ipapaluto at kakainin ninyo. siyempre nagdala ng pasalubong si Meyms na Calea cakes imported from
siyempre sinalakay na rin namin ang napakasarap na Blueberry Cheesecake at Chocolate Cake na dala ni Meyms – first time kong matikman ang Blueberry Cheesecake ng Calea kasi di ako tumikim nung 2008 sa Bacolod sa pangambang mag-alboroto ang aking sikmura. hay, heavenly talaga ang lasa ng Calea –
here’s the ugliest part of 2009: Typhoon Ondoy, a.k.a. Ketsana in the international scene – it would definitely be safe for me to say na hindi ko makakalimutan kailanman ang September 26, 2009. maaga akong umuwi noong September 25, 2009, Biyernes at wala nang humpay ang pag-ulan hanggang hatinggabi. naisip ko sa sarili kong magkakatubig na naman sa kwarto ko sa basement dahil may ilang maliliit na cracks sa pader na kapag minsang umuulan nang tuloy-tuloy ay nagse-seep ang tubig at kinakailangang gamitan ng wonder mop ang sahig para masaid ang tubig. hindi ko akalaing mas maraming tubig pala ang parating kinabukasan. medyo malungkot nga ang mood ko noon for some reason, at napalitan iyon ng mas matinding panlulumo matapos ang ilang oras. hindi ako makatulog noong gabi ng Biyernes na iyon kaya nanood muna ako ng TV hanggang mga alas-7 ng Sabadong umaga – nasa Quezon kasi si Nanay at pauwi pa lang galing Batangas si Tatay kaya dun muna ako sa kwarto nila.
fast forward ng ilang oras, mga ala-una na ng hapon ng Sabado, September 26, 2009: nagising ako sa malakas na pagkatok ng pinsan kong si Noel – pinapasok na raw ng tubig ang bahay namin! kaya madali akong bumalikwas at pinagtulung-tulungan naming tatlo nina Noel at Kuya Waw kung ano mang mga gamit ang pwedeng iakyat sa dalawang kwarto sa itaas. pinatay agad ni Kuya ang main switch para maligtas kami sa pagka-electrocute. mabilis na naiakyat ni Noel yung PC as well as sina Pot-Pot (amplifier), Dimitri (electric guitar), Waya (acoustic guitar), at Pepe (electric bass). iniakyat naman ni Kuya ang mga gamit niya – TV, DVD Player, DVDs at kung ano mang mahagip. isinampa namin sa mesang kahoy ang refrigerator, iniakyat ang wooden table sa sala sa hagdan at iniakyat din ang sewing machine ni Nanay sa kwarto ni Noel sa itaas. binalikan ko si Fifi (acoustic guitar w/ pickup) na nalubog na nang sandal ang neck sa tubig-baha as well as ang ilang mga libro, yung notebook kong may sari-saring tula at iba pang pagmumuni-muni / sulat, si paltik na digicam, rechargeable batteries, at yung Casio keyboard na pasalubong ni Tatay sa akin galing Saudi nung bata pa ako – yun lang ang mga nailigtas ko dahil mabilis ang pasok ng tubig sa bahay. parang ilog ang pag-agos at pagbulusok ng malamig na tubig-baha papasok ng main door at dumire-diretso sa basement kung kaya’t ilang minute lang ay lubog na ang basement. kahit tulala pa kaming tatlo sa nangyari, naglabas ng camera si Noel at kinunan ang pagpasok ng tubig – kaya may ilang kuha sa collage kung saan naka-pose pa ako – kasi wala na kaming magagawa, kaya nag-picture taking na lang.
lumabas kaming tatlo at pumwesto sa harap ng main door para tingnan kung gaano ka-grabe ang baha sa labas ng bahay. mamaya-maya ay bigla kong naalala at tinanong ko si Kuya kung naiakyat ba niya si Cupcake – yung alaga nilang rabbit ni Ate Cean. biglang nanlata si Kuya nang maisip niyang nakalimutan niyang iakyat yung kulungan ni Cupcake. sinabi kong balikan namin siya at baka nakawala sa kulungan at lumalangoy lang sa basement – kahit lampas-tao na ang tubig doon. nahirapang buksan ni Kuya ang pinto dahil sa tubig pero nakapasok rin siya sa kwarto niya at sumisid sa maruming tubig para kunin sa kulungan si Cupcake. nandoon lang ako sa may pintuan at tinutukan ng flashlight ang loob ng kwarto dahil madilim nga. sa kasamaang palad, nang makuha ni Kuya si Cupcake mula sa kulungan ay wala na siyang buhay – inabot ko na lang ang bangkay ni Cupcake at inilagay dun sa isang mesa – malambot at medyo mainit pa ang katawan niya kung kaya’t naisip naming kamamatay pa lang niya. naawa ako sa kanya kasi namatay siyang dilat ang mata – at para bang humihingi ng tulong ang mga mata ni Cupcake na pilit kong inilalapat para pumikit ngunit hindi siya mapikit-pikit. nalungkot kaming tatlo at nanlumo, at nag-sorry kay Cupcake – na parang nanunumbat ang hitsura ng mga dilat na mata, pero hindi naman siguro. naalala kong lungkot na lungkot si Kuya dahil hindi na niya nailigtas si Cupcake – nakainom pa nga siya ng maruming tubig sa pagsisid sa kwarto pero nangyari pa rin ang masaklap. patawad, Cupcake – binalikan ka naman namin kaya lang, hindi na umabot si Kuya –
noon lang kami pinasok sa bahay ng ganun karaming tubig-baha kaya shocker talaga yun, to say the least. tumataas pa rin ang tubig kung kaya’t isinampa namin yung refrigerator sa mas mataas na mesa. binuksan din namin ang terrace para masagip ni Kuya sina Barbie at Sheetshit (yung dalawang babaeng Yellow Labrador sa collage) na naiwan sa mga kulungan nila at delikado nang malubog sa tubig-baha. kinarga sila ni Kuya at inilagay sa ibabaw ng platform at grills ng terrace. nilatagan na lang naming sila ng basahan / tela para hindi sila ginawin. by that time, lumutang na rin yung back-up na refrigerator sa terrace, pati yung lumang sala kung kaya’t medyo restless sina Barbie at Sheetshit at minsa’y nahuhulog sa tubig. kaya binabantayan lang naming sila at iniaakyat sila ni Kuya sa may grills kapag tumatalon sa tubig.
at that time, tuwing Sabado ng hapon ang uwi ni Tatay galing sa trabaho niya sa Batangas kaya inaabang-abangan ko siya sa labas kung darating siya – at hanggang dibdib na ang tubig-baha sa kalsada noon. medyo madilim na ay wala pa siya kaya tinawagan na lang namin siya sa cellphone gamit ang landline na, sa awa ng Diyos, ay hindi naman bumigay sa baha. nang ma-contact siya ni Kuya, sinabi ni Tatay na nasa expressway pa siya dahil sa sobrang traffic. nag-decide na lang kami na huwag siyang pauwiin and instead ay dumiretso na lang sa mga pinsan namin sa Parañaque para doon magpalipas ng ilang araw. salamat din pala sa mga kaibigang concerned na nag-text noong mga oras na yun – hindi ko na babanggitin ang mga pangalan nila, you all know who you are, and for that, i thank you all. wala pa ring tigil ang ulan, at naglilimas na si Noel ng tubig sa sala at itinatapon sa labas ng bintana. mamaya-maya ay tinulungan na namin siya ni Kuya, at kahit alam naman naming babalik din ang tubig, naglimas na din kami para lang kahit papaano ay mapanatag ang loob namin. mabuti na lang at may nakatabi pa kaming mga kandila at flashlight kaya may ilaw kami nung gabi. hanggang kalahati ng hita ang tubig-baha noong mga oras na iyon kaya naisip kong maglimas lang nang maglimas at baka sakaling bumaba siya kahit hanggang sa tuhod lang. si Kuya naman ay binuksan ang maliit na gate at itinaboy ang tubig papalabas dahil umaagos ang baha papalayo ng bahay namin. kahit may element of futility ay tinuloy lang namin ang ginagawa namin – mahirap tumanga-tanga lang sa mga ganitong pagkakataon, dahil baka lamunin ka ng katamaran mo at ng baha. tumigil ang ulan nang mga dalawang oras, pero parang tumaas pa ang tubig – yun pala ay nagbutas ng pader ang mga taga-likod namin – kaya naman yung tubig baha sa kanila ay dumaloy patungo sa bakanteng lote sa tabi namin. natatandaan ko na minumura ko talaga ang mga putang-inang yun dahil sa ginawa nila, pero na-realize ko rin na baka ganun din ang ginawa namin kung nasa kalagayan nila kami. and besides, hindi naman bababa ang tubig kung magagalit ka lang at hindi kikilos. hindi na kami nag-iimikang tatlo at naglimas na lang nang naglimas. tandang-tanda ko na sa bawat sampung timba ng tubig na mailalabas ko sa bintana ay magpapahinga ako ng isang minute pagkatapos ay magpapatuloy. matapos ang ilang oras ay tumigil na rin kami kahit hanggang bayag na ang tubig-baha dahil na rin sa pagod. may pagkain man ay medyo nawalan rin ako ng ganang kumain dahil sa kalagayan namin, although ang kinarir kong pagkain ay yung bukayong niluto ni Nanay na nasa malaking plastic na garapon – oo, sugar trip ang ginawa ko. binantay-bantayan din naming tatlo kung tumataas pa yung tubig-baha dahil baka mamaya ay umabot sa second floor at ma-trap kami. hindi rin namin maiwanan sina Barbie at Sheetshit dahil baka tumalon na naman sa tubig at malunod – nakakaawa naman kung magkaganon. sinabi ko kay Kuya na kapag delikado na ang taas ng tubig ay sa bubong na lang kami umakyat, at kung maabot ng tubig yung ref na nasa ibabaw ng mesa ay huwag na naming buhatin hanggang second floor – masira na yun kung masisira, pwede namang palitan yun dahil materyal na bagay lang. medyo na-sense na rin ni Kuya na pagod at stressed out na ako kaya sinabihan na niya akong umakyat na at magpahinga sa kwarto nina Nanay at Tatay. nagbihis lang ako pero ayaw kong matulog dahil nag-aalala pa rin ako na baka umulan na naman ng sobrang lakas at malubog pa kami lalo. pinag-usapan naming tatlo kung mag-e-evacuate ba kami o mananatili sa bahay. ayaw kong iwanan ang bahay dahil baka kahit ikandado namin ang mga pinto ay pasukin pa rin ng mga magnanakaw.
napag-desisyunan namin na umakyat sa bubong at doon na magpalipas ng gabi – at least, kung tataas pa ang tubig, hindi kami masyadong maaabot (
hindi rin naman ako nakatulog nang matagal dahil mga dalawang oras lang yata ay nagising na ako. pagdungaw ko sa kalsada ay bumaba na ang tubig-baha at napansin kong may halong gasolina ito – na marahil ay tumagas mula sa mga kalapit na gasolinahan. noong umaga ding iyon ay may tumatawag sa telepono ngunit hindi namin masagot dahil nasa bubong pa kami. bumaba na kaming tatlo nina Noel at Kuya at bumalik sa loob ng bahay kung saan hanggang tuhod na lang ang tubig. napagpasyahan naming tatlo na magpahinga na lang muna at sa Lunes na lang maglimas ng tubig sa basement dahil sa sobrang ngarag at windang ng mga katawan namin. mamaya-maya ay nag-ring ang telepono – tumawag si Joseph, isang kaibigan back in college na ka-chat pala ng bunso naming kapatid na si Michelle sa Facebook at that time – kinakamusta ang lagay namin. sabi ko, okey naman kahit na “dirty south” ang aming mga yagbols, ang importante ay safe pa rin kami. nagpasalamat ako at tumawag siya para mangamusta – iba rin kasi ang pakiramdam, nakaka-panatag kahit papaano. mamaya-maya ay si Michelle na ang tumawag at kinamusta kaming tatlo – siyempre naikwento namin ang pang-Jonel’s Brief modeling stint naming tatlo sa gitna ng baha with matching topless pictures – tawanan kami nang tawanan sa telepono na para bang walang nangyaring masama. i guess it’s just a common family trait sa amin – yung sense of humor, in spite of every bullshit situation that comes our way – we’re still optimistic and find ways to smile / laugh about grim situations kahit nasa gitna kami nito. in spite of Ondoy, we still have our family, we still have each other, and we thank God for the patience. after the phone call, pumunta muna si Kuya kina Ate dahil mas malala ang baha doon at para may kasama din sila. natulog na muna kami ni Noel dahil mga bagsak na talaga kami. nang mga alas-dos ng hapon na, nagpaalam muna si Noel na pupunta kina Melissa (gf niya) para makiligo, makigawa ng school work, maki-charge ng mga cellphones, at makiluto na rin ng hapunan namin. mag-isa akong naiwan sa bahay at sinubukang matulog ulit.
medyo masakit pa ang ulo at katawan ko kung kaya’t hindi ako makatulog nang maayos – kaya nag-soundtrip na lang ako since may baterya pa naman si Sophia. kinunan ko rin ng ilang larawan ng Ondoy aftermath – magmula sa kubrekama, larawan nina Jesus at Mama Mary, ang haggard kong pagmumukha, hanggang sa putikan at nagkalat na gamit sa sala. habang mag-isa ay marami akong naisip at ipinagpasalamat: buhay pa ako, walang nasaktan sa amin, may tahanan pa rin kami, at may pagkakataong makabangon muli. sabi ko nga kay Lord, kadalasan ay unfair ako sa kanya, pero in spite of that ay binibigyan niya ako ng chances para ma-redeem ang sarili ko – para gawin yung tama at mabuti. dahil sa nangyari ay natauhan ako – marami akong mga bagay na tini-take for granted, at minsan pati yung mga mahal ko ay tini-take for granted ko rin. na-realize ko kung gaano ako kaliit kumpara sa mundo, at kayang-kaya akong gunawin ng mga elemento ng kalikasan – sa ayaw at sa gusto ko. from that point onwards, na-realize kong pangalawang buhay ko na, and something told me that i need to make the most out of it – live it, love it, and live it for those whom you love. habang nagmumuni-muni ako, kahol nang kahol naman yung dalawa – sina Barbie at Sheetshit – kaya pinakain ko muna sila at pinainom ng tubig bago ako bumalik sa kwarto.
gabi na dumating si Noel dala ang tsibog namin – that was my first meal in a couple of days kaya medyo nakabawi kahit papaano. natawa at natuwa ako sa mga eksenang ikinuwento niya habang papunta kina Melissa: wala pa raw mga jeep na bumibiyahe papuntang Sta. Lucia kaya naglakad raw siya – at may nakita siyang grupo ng mga manong na nag-uusap usap habang naghahanap ng nawawalang gran matador sa baha, at may natisod raw siyang parang bote kaya sinabi niyang, “Kuya, baka ito yung hinahanap nyo.” sabi daw nung isang manong, “Brad, diyan ka lang, wag mong igagalaw yang paa mo.” lo and behold, yun nga yung nawawalang gran ma – kaya ganun na lang daw ang pagpapasalamat sa kanya. pagkalayo niya nang kaunti, nakakita raw siya ng mga sundalong nagsasagawa ng relief at rescue operations sa gitna ng baha. nang nasa bandang Sumulong highway na siya, nakakita raw siya ng dump truck na may sakay na ilang kabataang bakla na kahit basang-basa na ay hataw pa rin sa pagsayaw sa “Poker Face” ni Lady Gaga – things couldn’t get as pure as that, i thought to myself – hataw kung hataw. may mga tumawag at nag-text din sa cellphone ko nung maki-charge siya kina Melissa, kaya nagpapasalamat din ako sa mga kinauukulan – alam na ninyo kung sino kayo. nakausap ko rin si Nanay sa telepono, at sinabi kong huwag na muna silang umuwi dahil magulo at makalat pa sa bahay. sinabi naman niyang uuwi na sila ni Tatay kinabukasan (Lunes) para makapaglinis at makapag-ayos. dahil wala na namang iba pang gagawin, nagsitulog na lang kami para makapahinga. kinabukasan, sinimulan naming mag-ayos-ayos ng mga gamit at maglinis. wala pa ring tubig sa gripo kung kaya’t nang umulan nang malakas panandalian, sugod kami agad sa labas para maligo – nakatulong din na maraming tubig-ulan sa mga malalaking dram ni Tatay. dumating sila ni Nanay after lunchtime at may dala nang pagkain para sa amin – kanin, ulam, inumin. may natutunan pala akong bago dito: yung dinala nilang kanin ay yung pinsan ko ang nagsaing, at nilagyan niya ng sukang puti pagkasalang – para daw hindi mapanis agad. true enough, kinabukasan ng gabi lang siya napanis – whereas usually, umaga pa lang dapat eh sira na siya. anyway, matapos kumain ay naglinis na kami sa sala, sa kusina, at sa garahe. marami-raming putik din kaming natanggal kung kaya’t medyo nakakagaan ng pakiramdam kahit paano. habang naglilinis kami, i greeted Nanay and Tatay ‘happy anniversary’ – sabi nila, ‘oo nga pala ano!’ – unforgettable daw yung anibersaryo nilang iyon. hindi ko rin makakalimutan iyon kasi bukod sa bagsik ng Ondoy, birthday din kasi yun ni ex- (si Vhan). anyway, matapos maglinis ay naghapunan na kami. ipinag-igib ko ng tubig sina Nanay at Tatay para magamit sa banyo pagkatapos ay nagsi-pahinga na rin kami.
kinabukasan, may dumating na mga kasamahan ni Tatay sa trabaho na may dalang mga relief goods na tubig, de-lata, biskwit at iba pang supplies. nakagaan ng pakiramdam ang gesture nilang ito sapagkat na-realize kong mabuti pa rin talaga tayong mga tao. patuloy kami sa paglilinis nung araw na iyon, pagtatanggal ng putik, pagbibilad ng mga gamit sa labas, atbp. isang medyo ikinainis ko lang nung araw na iyon was a long-distance phone call from an aunt in California – si Mama Tita, elder sister ni Nanay, na kung tutuusin ay parang second mother ko na rin. nung una ay kinamusta niya ang lagay namin, pero may sinabi siyang nagpanting ang tenga ko: tinanong niya kung pinuntahan daw ba namin sa bahay si Mama Sonia – panganay nilang kapatid ni Nanay – para i-check yung lagay niya, tapos sinabi kong tumatawag kami since Saturday pero walang sumasagot sa telepono. sinabi ni Mama Tita sa akin: “Hindi ninyo man lang pinuntahan para kamustahin!” [sinabi nang pasumbat ang tono] – kaya sinagot ko siya ng: “Eh bakit hindi kayo ang pumunta?!” pagkatapos ay ibinigay ko na lang kay Nanay yung telepono para siya ang kausapin dahil nagalit na ako. talagang i almost went ballistic because of that – kina-kalma na lang ako ni Tatay at sinasabing pabayaan ko na lang daw. i know i was rude and i shouldn’t have reacted the way i did, pero nakakainis lang talaga eh – porke ba’t hindi namin napuntahan, wala na kaming malasakit? bakit, sila ba pinuntahan kami para kamustahin? nagsisikap na nga kaming bumangon, tapos ganun pa ang tono niya. si Nanay na lang ang kinausap niya, tapos sinabi pa raw na kesyo naiintindihan daw niya ang sitwasyon namin, ek-ek. sabi naman ni Nanay sa kanya: “Madali lang kasi para sabihin mong naiintindihan mo kami, pero wala ka naman dito kaya hindi mo talaga naiintindihan ang dinaanan namin. Hindi namin mapuntahan si Ate Sonia pero may asawa naman siya na kayang umalalay at magligtas sa kanya. Kami dito, sinusubukan din naming bumangon, pero sa ngayon dapat maintindihan naman ng iba nating kapatid na kailangang kanya-kanya muna tayo ng pagbangon.” we haven’t spoken since, pero may mga nalaman pa akong sinabi ni Mama nang makausap niya si Michelle – kasi sinabi ni Michelle sa akin – na kaya daw siguro ganun ang reaksyon ko eh dahil wala na daw kaming kailangan sa kanya (kay Mama Tita). ang reaksyon ko naman was: hindi ko kailangan ang pera niya kasi may sarili akong hanapbuhay at kaya kong buhayin ang pamilya ko. hindi sa nagmamalaki ako at nagpapaka-ingrato, ang point ko is hindi naman kami mga inutil para umasa sa dole-outs dahil may sarili naman kaming means – hindi man kami mayaman, masaya naman kami dahil we have a meaningful life. oo, mga kapatid, harsh akong tao paminsan-minsan – kaya hangga’t maaari ay pinipigil ko na lang kapag nagagalit ako. ibinuhos ko na lang lahat ng inis ko sa pagkuskos nung maputik na carpet na sobrang bigat at sobrang dumi dahil sa tubig-baha. pinagtulungan namin ni Tatay labhan iyon at nagpatulong kami kay Noel para isampay yung carpet. kasunod naming nilinis yung dirty kitchen – putik, grasa, basura at iba pa. mamaya-maya, dumating si Mama Sonia sa bahay dahil may dinaanan daw siyang kakilala sa may amin. ayun, naikwento namin ang “insidente” at medyo na-kalma na rin kami dahil safe naman pala sila ni Papa Johnny na naka-likas sa kapitbahay. binigyan siya ni Nanay ng ilang damit at kumot para magamit – at napanatag na kami pagkatapos noon dahil alam na naming ligtas sila. naalis na rin namin halos lahat ng putik sa ground floor at ang natira na lang ay ang lubog na basement. pagkatapos maglinis ay naligo na ako gamit ang tubig sa dram at nag-akyat ng tubig sa kwarto nina Nanay. nag-hapunan na kami pagkatapos at matapos ng hapunan ay nagpahinga na kami – wala pa ring kuryente, wala pa ring tubig sa gripo, malamok at mainit pa rin. ilang araw na rin akong hindi makatulog nang maayos dahil sa banas at kagat ng lamok, pero pinilit ko na lang dahil kailangan ko na ring bumalik sa trabaho kinabukasan.
una sa lahat, maraming salamat kay Kenneth Taguilaso sa mga larawan sa collage na ito at sa matiyaga niyang pag-dokumento ng mga kaganapan sa relief operation na ito. Sabado tumama ang Ondoy, at nakabalik ako sa trabaho Miyerkules na. nagdala ako ng damit na pang-tatlong araw pati yung isang mattress kasi binalak kong sa opisina na lang makitulog for the rest of that week. kinamusta ako ng mga officemates ko pagdating ko, and sinabi ko namang eto, buhay pa rin. dumiretso ako sa banyo at naligo nang maigi-igi – malagkit kasi sa katawan ang tubig-ulan at parang di ka nalilinis kung kaya’t nilasap ko muna ang tubig-shower sa opisina. matapos ang trabaho ay dumiretso ako sa Niche dahil may meeting tungkol sa relief operation na binabalak ng mga kaibigang mga nakilala ko through RACE. sumama ako sa relief operation na ito dahil sa ilang mga bagay na na-realize ko matapos tumama ang Ondoy – may mga taong nagpakita ng malasakit at pagdamay sa pamilya namin, kung kaya’t sinabi ko sa sarili kong gusto kong ibigay ang bahagi ng sarili ko para sa ibang kababayan na nangangailangan kahit sa maliit na paraan.
noong mga araw na iyon ay napanood ko sa TV ang kaliwa’t kanang relief and rescue operations na isinasagawa ng iba’t ibang organisasyon. magkahalong nerbiyos at excitement ang naramdaman ko kasi first time kong magpa-participate sa ganitong effort. kaya sige lang, nagtulungan lang ang lahat magmula sa email brigade / posting and reposting ng sked ng relief operation / pag-ambag ng pera, goods, damit, oras at hanggang sa lahat ng posibleng maitutulong. Biyernes, maaga kaming pinauwi dahil bumabagyo na naman kung kaya’t dumiretso ako sa bahay ni King at sumama sa kanya upang dalhin yung mga styro containersat utensils kina Cher at para ipick-up yung mga damit na ido-donate nina Cher. dumiretso kami kina Jhen kung saan inabutan namin sina Kenneth, Gen, Jophine, Mickoy at Jhen na nagre-repack ng mga goods at nagso-sort ng mga damit. doon na kami nagsikain ng hapunan at uminom nang konti lang habang hinihintay pa ang iba pang kasamahan. napag-usapan ang ilan sa mga kailangang gawin at kung sinu-sino ang assigned sa iba’t ibang gawaing iyon. matapos ay ikinarga namin sa sasakyan ni Kuya Oros ang ibang mga kailangang dalhin at dumiretso sa QC kung saan mineet namin si James at Jay. kwentuhan lang nang konti tapos sundot-sundot ng inom kasi medyo solb na rin ako at di naman talaga ako malakas sa serbesa kaya nakakatulog-tulog na ako sa upuan. di naman kami nagtagal masyado at tumuloy na kina Kuya Oros para makitulog. pagsapit ng Sabado, ikinarga namin sa sasakyan ni Kuya Oros ang ilang sako ng bottled water para sa operation at sabay-sabay na kami papunta sa tanggapan ng Philippine National Red Cross sa
itong despedida dinner ni kapatid na Otch (she was leaving for Singapore) ay nag-coincide with halloween, at halloween na halloween nga sa Friday’s nung gabing iyon hindi dahil nandun kaming mga ‘noisy,’ kundi dahil todo-costume ang staff and crew – ilan sa mga characters na andun ay sina Punisher, Hulk, and Joker, to name a few. by this time ay mangilan-ngilang matitinding bagyo na ang humagupit sa Pilipinas, at hindi na-exempt ang gabing ito. second time kong kumain sa Friday’s, with the first time being a ‘biglaang lakad’ with
medyo matagal na ring mahaba ang buhok ko. noong 2003 ko naisipang pahabain siya, and at that time i was already working sa NGO na pinagtatrabahuhan ko ngayon. why did i decide to grow it? ang sagot ko sa sarili ko ay tanong din: why not? so ayun nga, from 2003 hanggang latter part ng 2009 ay mahaba ang buhok ko simply because i wanted it that way. truth be told, i have been thinking of having a haircut for a few weeks before this Friday the 13th of November 2009 even came, kaya lang ay wala akong panahon. so when that day came, medyo maaga akong umalis ng office para magpagupit – and i was really thinking of a short hairdo. when i walked into the salon, first time ko ding magpagupit sa salon – usually kasi sa ordinaryong barbero lang. nung tinanong ako nung stylist kung anong gusto kong gupit, sinabi ko gusto ko maikli pero wag namang kalbo kasi pangit ang korte ng ulo ko – patag kasi siya sa likod. sinuggest niya sa akin na barber’s cut na lang – since wala akong idea kung ano ang barber’s cut dahil naririnig ko lang siya madalas, tinanong ko siya kung anong hitsura nun. nung pinaliwanag niya ay di ko rin naintindihan o na-visualize sa utak ko. medyo spiked/mohawk style ang buhok nung stylist so tinanong ko siya kung pwede niyang gawin yun sa buhok ko minus the mohawk part – yun bang pwedeng spiked pero pwede ring suklayin nang maayos. so sinabi niya na ganun na lang. so nung pinutol na nung stylist yung buhok ko, tinanong niya ako ng: “Sir, gusto mo bang itago ito?” so sumagot naman ako ng: “Sige, itago ko na lang para remembrance.” as she was cutting my hair, parang pareho naming nare-realize na magulo ang direksiyon ng buhok ko, so patuloy niya akong tinatanong ng: “Sir, bawasan ko pa ba?” hanggang sa nag-decide akong sabihin sa kanyang: “I-semi kalbo mo na lang ako, pero mga ‘kwatro’ lang para di masyadong manipis.” pinaputulan ko din ang patilya ko para medyo maiba naman. so, eto na nga ang kinalabasan. satisfied naman ako sa naging hitsura ko kasi parang mas lumitaw ang kagwapuhan ko – walang kokontra, blog ko ‘to. may mga nagtanong nga sa akin afterwards kung bakit ako nagpagupit, even going as far as assuming na may girlfriend na daw ba ako or what, pero sinabi ko sa kanilang: “wala, gusto ko lang.” and besides, minsan kasi maganda yung drastic change, so i just did it.
as the title of the collage says, ito ang birthday photoshoot ni Tin kung saan naka-sama ako. nagkaroon ng birthday photoshoot si Sarah the month before pero di ako nakasama dahil i had to work, kaya ang electric bass kong si Pepe ang nagsilbing isa sa mga props. freeflowing ang concept nila back then, and ang gaganda nilang lahat – and i especially loved their rocker chick pics pati yung mga kuha nila na naka-dress sila. fast forward to November 21, 2009: nagkita kami ni Mon sa Glorietta para bumili ng cake pagkatapos ay dumiretso na kami sa Indios Bravos Studio sa Bagtikan at hinintay ang mga mowdels. umakyat kami sa dressing room at iniwan ang mga gamit. pumitik-pitik muna si Mon ng ilang pictures habang wala pa sila.
this time ay may theme and outline ang photoshoot, at ako ang isa sa mga “nerds” kung kaya’t nagdala ako ng glasses, tie at mga polo to match my slacks and maroon Chucks. sa totoo lang ay na-starstruck ako sa kanila kasi ang gagaling nilang nag-model. hindi ko na kailangang i-describe pa kasi halata naman sa pictures na magagaling sila... at dahil diyan, may nag-text: maraming salamat kina Ezi, Joyce, Mon, Sarah at Shim sa mga pictures sa collage na ito =O)>. special thanks kay Ezi kasi ginamit kong headshot / profile pic yung kuha niya, kay Joyce para dun sa kuha naming tatlo w/ Packy & yung 2008 Christmas party group pic, and Sarah for printing yung 2 group pics pati yung nerd pic ko w/ Meimei. pagkatapos ng photoshoot ay kumain ang mga mowdels ng KFC, nagyosi at nagligpit ng mga props. since karamihan naman sa amin ay tutuloy sa Fraser’s para sa party ni Tin at a later hour, uminom muna kami nina Clint at Mon malapit sa condo ni Clint after mag-walk in inquiry si Clint sa P&P Tattoos na malapit lang din pala dun. kaya ayun, kwentuhan lang kami over a few drinks pagkatapos ay dumiretso na sa party. ipinakilala kami ni Tin sa mga kaibigan niya pati kay Oui, sister niya tapos hindi na kami nahiya at kumain na rin mamaya-maya. nagulat ako kasi ang mga angels ang friends ay mga naka-cocktail dress *whew!*. masarap ang tsibog nung gabing yun: barbecue, siomai, chicken lollipops, pichi-pichi, and cake – kaya karir kung karir ang pagkain talaga. dumaloy din ang Absolut Vodka, Sprite at The Bar Apple Vodka. high-end ang unit na ni-rent ni Tin, at maluwag talaga at kumpleto, in fairness. humabol din sina Packy, Tess, Jhen, Thina at Terence kaya tuloy-tuloy lang ang party. ang sarap din talaga nung isang cake dun na nakalimutan ko ang tawag pero ang dami niyang chocolate, basta ang naalala ko lang ay nasa dining table kami tapos may umiikot na tagay and nagfu-food trip kami. nang magpaalam na yung iba sa amin ay lights out na – basta ang natatandaan ko ay dun ako sa may sala nahiga at nakatulog, although nagising ako nang ilang beses at may narinig na tumatakbong tao papuntang banyo. nang magising na ako kinabukasan, nag-init ng food sina
ito naman ang “me time” ko na once a year lang mangyari. pumatak ng Friday ang birthday ko, kaya TGIF talaga ito. medyo binaha ako ng text messages at Facebook greetings kaya natuwa naman ako at naalala ako ng mga kaibigan ko. salamat din sa “mga patola” na pumatol sa Jennifer Garner status message ko – it just goes to show na mga patola nga kayo at mababait kayo sa akin =O)>. hectic ang sked ko sa work noong araw na iyon kaya i was just focused on finishing my task for that day pagkatapos ay uuwi na dapat ako by 7PM. hindi ko naman akalain na sosorpresahin pala ako ng ilan sa mga kasamahan ko sa Tech group sa pamamagitan ng isang
fast forward to two days later, tanghaling-tapat dumating yung videoke machine na inarkila ni Nanay at bumirit kaagad siya ng tatlong kanta na hindi ko alam kung si Jessa Zaragoza ba ang kumanta o ano, kaya nakantiyawan ko siya ng: “para ka namang iniwan ng asawa mo =O)>.” kaya ayun, matapos ang tatlong kanta ay nag-timeout muna siya at nakatulog ako. pagdating ng hapon, inadobo ko na yung tahong, at nagluto na si Nanay ng pancit canton. siyempre madilim na nang magsidating ang mga dalaw ko. nauna si Amy dumating kaya nagsalang na ako ng manok sa turbo broiler at nag-barbecue sa labas. mamaya-maya ay nagdatingan na sina Kiko, Mai, Alex, Kuya Oros, Ate Dhang, Pepper, Ronnel, Francis, Maui, Yags at Mark kaya’t naghain na kami at lamunan na. sayang lang at medyo under the weather yata si
ito ang party ni Clint sa Sidebar sa El Pueblo Ortigas Center. huli kong punta rito sa areang ito was 2006 pa, night out namin nina Francis, Alex, Kiko, etc. 8PM onwards ang party, pero medyo late na akong nakalabas ng office dahil nag-dinner pa ako. sinundo ko si Joyce sa Kamay Kainan along Kalayaan Ave., then dumiretso na kami sa Sidebar. jampacked na ang lugar so hinanap namin si Clint, at pumwesto sa may bar. andun na siyempre karamihan sa tropa at sinabihan kami ni Kay na madaya dahil kanina pa raw siya umiinom at late na kami =O))>. Ang mga ka-inom ko sa may bar ay sina Brian, King, Abet, Tin, Joyce, Kay, Doni at Lanie. andun din sina Jonald, Otch, James, Packy at siyempre ang birthday boy pati ang iba pang kaibigan. humabol na lang later sina Mon, Jhen, Meimei, Sally, Sarah,
una, nagpapasalamat ako kina Otch, Joyce at Mon para sa masasayang pictures sa collage na ito. for the second year in a row ay umattend ako ng Christmas Party ng RACE friends. the 2008 party ay ginanap noon sa Niche, but this time ay dumayo naman kami sa Maru KTV Bar
since ‘hirap muna bago sarap’ ang recurring theme ng 2009, ang birthday ni Mahal ay hindi exception sa kasabihang ito. noong 2008 ay hindi ako nakadalo sa kanyang celebration (dahil sa sobrang kawalan ng tulog at pagkamatay ng brain cells katatrabaho) kung kaya’t ginawan ko ng paraan upang makabawi sa 2009 edition. ayun, natapos ko naman agad ang aking work kung kaya’t nakauwi ako para mag-iwan ng mga gamit sa bahay, mag-dinner at dumiretso kina Cher sa Maynila. present sina Mon, Abet, King, Tintin, Sally, Joyce, Meimei, Otch, Jhen, Tin, Packy, James, Clint, yung isang pinsan ni James (sorry nakalimutan ko ang kanyang pangalan), Jonald and Hazel, at siyempre ang birthday girl na nag-redefine sa term of endearment na “Mahal.” Happy birthday ulit, Mahal! *mwah/hugs* nagtimpla muna ako ng vodka at Sprite sa baso (na hindi pa nagagamit) bilang starter pagkatapos ay nag-beer na with the boys. panalo ang adobong talaba (first time kong nakatikim nito), pork barbecue at carbonara ni Mahal, as always kung kaya’t solb-solb ang food trip. oks din naman ang kwentuhan, may masaya, may malungkot, pero overall ay masaya naman lahat kami. nag-DVD viewing ang ilan sa mga girls ng “Paranormal Activity” pero hindi yata natapos – napanood ko lang siya a few days ago when i was in Catarman for work, at medyo nakakagulat nga ang ilang eksena – so natuloy na lang ang inuman, kwentuhan at soundtrip sa may rooftop. after naming mag-inuman, nag-foodtrip na lang ulit ako ng carbonara at leche flan (na parehong paborito ni Mayor) tapos ay tumambay sa may exercise equipment doon sa loob. salamat pala kay Otch sa regalo niyang cookies, and ibinigay / ipina-arbor ko ang aking maroon beanie sa kanya. at salamat ulit kay Idol at Suzie para sa mga pictures sa collage. whereas nakitulog ang ilan kina
maraming salamat kina Abet, Joyce at Ronnel para sa mga larawang ginamit ko sa collage na ito. ito ang aking year-ender for 2009, at maraming salamat sa Radical Adventure Concepts & Events (especially King Louie and siyempre kay Abet) for making my misadventures / travels into regular, affordable, and unforgettable realities. dito nabuo ang “Walang T.T.”, also known as the “Walang Tulugan Triad” namin nina Ronnel at Joyce dahil sa sobrang kakulitan at pag-iingay sa bandang likuran ng van. riot din kasi kasama rin namin dito sina Master (alyas “Kuya Kim”) at Onats kung kaya’t there were very few dull moments. maging sina Ate Gen at Kuya Nathaniel na na-meet namin sa Sagada last May ay sumama din dito. nga pala, first time kong nakapunta sa
naging istrikto ang inspection at requirements at maging ang mga fees na kailangang bayaran ay dumami, kung kaya’t nagmahal considerably ang cost ng pagpunta sa
isang instant history lesson ang tumambad sa amin dahil ang lugar ay dating concentration camp ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na naging bahagi ng makasaysayang
aftermath: towards the end of December, nagka-trangkaso ako – pero mabuti na rin at naglabasan lahat ng infections sa katawan ko bago ang bagong taon.
para siguro akong sirang plaka, pero sasabihin ko pa rin: maraming salamat sa lahat ng tao who made 2009 special: family ko, mga kaibigan – yung mga dati na, yung mga bago pa lang, yung mga naka-close ko, yung nag-i-inspire sa akin, at maging yung mga may ayaw sa akin – because they keep me humble and grounded. at siyempre, kay Lord / Allah / Bathala – for being patient with me.
ang lupet mo papi!!!!! =) hihihihi
ReplyDeleteandaldal mo friend! hahahah nde ko pa tapos basahin pero mukhang masaya ang kwento kaya babalikan ko na lang. =)
ReplyDeleteadik ka, Yoyce. 1:31 AM pa lang, nag-comment ka na! =O)>
ReplyDeletefriend, usually naman hindi ako madaldal kasi walang nakikinig sa akin. dito sa blog, the whole world is my audience. *nosebleed* =O)>
ReplyDeleteang galing nito papi... hihihi labyu!!!!
ReplyDeletewhew... hanep! pwedeng-pwede ka talaga maging star witness idol, kabisado ang every detail. memo plus gold ba vitamins mo? hehehe! :))
ReplyDeletepapi binabasa ko sya kagabi hoping makalimutan ko ang sakit ng tuhod at hita ko, well, nakalimutan ko nmn habang bnbasa dahil naaliw ako at sa sobrang aliw ndi din ako inantok, un lng nung matapos ko bumalik ang sakit. Hehehehe.
ReplyDeletelabyu too, mahal. thanks for being part of my 2009. =O)>
ReplyDeleteidol, feeling ko nga may ilang bagay din akong nakalimutan kaya di ako nakapagkwento masyado dun sa ibang events/collages. AT special thanks sa inyo ni suzie para sa pag-capture ng maraming eksena dito. sensya na at wala akong pambayad ng royalties, hehehe =O)>
ReplyDeleteYoyce, basta kapag sumasakit yan, isipin mo lang kaming dalawa ni Ronnel at ang mga nakaw na sandali/ligaya nating tatlo - tiyak, mawawala nang panandalian ang sakit =O)>. kidding aside, magpa-MRI ka na kasi, baka kung ano na yan...
ReplyDeletehahahahaha ayoko iniisip masyado ang wlang tulugan triad. Kasi un ung araw na nadapa ako. Bwahahahaha
ReplyDeleteoo nga pala. chtri naman.
ReplyDeletekatawan mo lang pwede na... nakaw na ligaya. wahahahaha! :))
ReplyDeleteidol, hindi tayo talo, hehehehe =O)>
ReplyDelete