Tuesday, February 09, 2010

from the cubicle




pagdating ko nung lunes dito sa office, i had this sudden weird urge to take some pictures. since dala-dala ko naman si Sophia, eh di sige. hindi na ako lumayo sa aking makalat na cubicle at ito ang mga subject na pinatulan ko: 1) ang aking pitsel ng Nestea na naiwan sa ref buong weekend kaya nag-freeze ang iced tea sa loob nito; 2) ang angel na ibinigay sa akin ng ex- ko nung college na si Sherryl after niyang makipag-break sa akin; 3) ang piggy bank ko sa ibabaw ng aking CPU na sinabitan ko ng sampaguita ilang araw pagkatapos ng Ondoy; at 4) ang newspaper clipping ng "You are Here" sketch ni John Lennon - kung saan magkasama sila ni Yoko Ono - na naka-tape sa cubicle ko since 2001 pa.

nag-pp ako using ACDSee: crop, brightness/contrast adjustment, at autolevels.

wala lang, random kahibangan lang siguro ito on my part. ewan.

Thursday, January 28, 2010

nagpapaantok at walang magawa




ilang mga larawan ito na kinunan ko gamit ang aking portable media player / low-end camera na si Sophia nung isang gabi. matutulog na dapat ako kaya lang hindi naman ako antukin kaya nagpasya akong magkali-kalikot sa kama. nag-pp ako using ACDSee - crop, kalikot ng mga kulay, contrast, brightness, filter ng oil paint, sepia, negative, colorize, at iba pa. ang mga subjects na napili ko ay yung lamp ko na natanggap noong office Christmas Party, yung Buddha accessory sa cellphone ko, pati yung laruan kong si Ernie na ni-dreadlocks ko ang buhok way back in 1999. wala lang magawa, kaya ito ang naging resulta. =O)>

Thursday, January 21, 2010

Artis the Spoonman on Nightmusic




imported from YouTube. absolutely great stuff from Artis the Spoonman. what can i say? nothing. i'll just shut up, listen, and worship. ang galing niya.

Saturday, January 09, 2010

RACE Mt. Pinatubo and Capas Shrine Day Tour: January 9, 2010




hindi ko alam kung gaano ako kadalas makakasama sa kanila dahil it's already 2010 at super-busy na kami sa work - pero habang maaga at pwede, i'll spend some happy time with my RACE friends. pang-asar nga yung batteries ni paltik kasi after 16 photos, eh nag-empty na pareho - na-overcharge ko yata. buti na lang at dala ko si Sophia, my portable media player / lo-fi camera / audio and video recorder / FM radio / calculator. na-diskubre ko din na pwede rin siyang gamiting salamin habang nagsusuklay ako ng buhok, hehehe. so ayun, finormat ko na lang si Sophia at binura yung mp3s para ma-save sa internal memory niya yung pics - at sa awa ng Diyos ay gumana naman siya.

first time nga palang sumama sa RACE ng friend kong si Amy kaya nakilala din niya ang ilan sa mga taong kasalo ko sa mga happy times na sinasabi ko. mukhang nag-enjoy naman siya (di ba, Eymz?), so sana makasama din yung iba pang di pa nakakasama.

pasensya na sa quality ng pics kasi di naman high-end si Sophia - kaya sa Capas Shrine pa lang, empty batt na siya - in short, di na siya naka-abot sa Kowloon House (kung saan nag-order kami ng take-out nina Thina, Terence, Amy and Doni) at sa Mister Kabab (kung saan we had dinner with Tin, Jhen, Arlene and Mon).

at kahit medyo pa-pampam pa itong si Mayor that day - mga apat na beses siyang tumawag during the trip, at nag-goodnight pa pagdating ko sa bahay - it was all worth it. mabuhay lahat ng nagme-maintain ng malilinis na CR sa buong Pilipinas - mahal ko kayo. =O)>

p.s. sa lahat ng kumuha sa akin, salamat. makiki-grab na lang po ako ng pics sa inyong mga albums. salamat at nagkita-kita ulit tayo. =O)>