Friday, May 22, 2009

Freestyle Battle, Quezon City: Aga Go and Mon Cito vs. Maestra Najera and Lapid-ah!

Disclaimer: ang susunod na entry ay batay sa ilang videos na napanood ko sa YouTube at ni-simulate namin ni Idol Mon sa isang YM conversation, with Ronnel "Aga" Go and Ms. Sally "SHH" Najera as participants/rap combatants.  this is not meant to degrade or put down anyone, and if any of you are offended by the following, i will immediately delete this post if you wish.  posted are the following: 1) The "Original" Freestyle Battle in Olongapo between Kuryente and Maestra; 2) The "Spoof" Freestyle Battle by 2 girls and their cohorts; and 3) excerpts ng YM conversation namin ni Idol Mon with the freestyle rap eklat included.

Original Kuryente vs. Maestra Video:

Spoof of Kuryente vs. Maestra Video:

at eto naman ang excerpts ng YM conversation namin ni Idol Mon:

Mike Entoma: idol, may nag-spoof pala nung pinadala kong link sa yo
Mon: oo nga e, kita ko
Mon: 2 babae
Mike Entoma: hahaha
Mon: kulit nung orig
Mon: pikon
Mike Entoma: mas natawa ako dun
Mon: hahaha
Mike Entoma: freestyle battle: anawangin
Mon: dapat next side project sa trip ganyan hehe
Mon: freestyle
Mike Entoma: hahaha
Mike Entoma: sige, sige
Mike Entoma: baka naman may mapikon
Mike Entoma: dapat si Ronnel si Kuryente
Mon: haha! parang si maestra
Mike Entoma: tapos si Sally si Maestra
Mike Entoma: hahaha!
Mon: dapat SHH mode
Mon: hehehe
Mike Entoma: "ako ang bibira sa Agang walang utak..."
Mon: ikaw naman ang bibira sa hasang ng isada
Mon: isda pala
Mon: hehehe
Mike Entoma: hahaha
Mon: si sally ang titira ng kabayong kulay pula, mamaya mamaya ay magpapakain na
Mike Entoma: kung ang ilong ko, mukhang Nikon, yang ilong mo naman, mukhang Canon
Mike Entoma: at yang kulay mo, mukhang pasa, yung mi\ukha mo mas mukhang pasa
Mike Entoma: freestyle lang yun
Mike Entoma: hahaha
Mon: eto ang sagot dyan na malufet
Mon: mas ok pa ako sa kulay ng pasa kaysa naman sa mukha mo na isang pimple na tinubuan ng mukha
Mon: break it down
Mon: hehehe
Mike Entoma: pota
Mike Entoma: hahaha
Mike Entoma: kailangang ma-save ito. buti at naka-archive ako
Mike Entoma: hahaha
Mon: teka muna teka muna bawal muna mag-save, dahil marami pa mahaba pa ang wave
Mike Entoma: oo nga naman, di pa ako nauubusan - kasi mga tugma, mula sa kaliwa at kanan
Mike Entoma: sabi nga ng Radioactive Sago - di pa man sikat, laos na tayo - para bang si Izza Ignacio
Mike Entoma: teka, revise ko
Mike Entoma: sabi nga ng bandang Radioactive Sago, di pa tayo sikat, papa-laos na tayo - para bang ang dating sexy star na si Izza Ignacio
Mon: ayan na, ayan na inumpisahan mo na... siguradong gulo ito pag naubusan ka
Mike Entoma: di na ako mauubusan pa - pagkat kasama ko'y ang Happy Horse na si Najera!
Mike Entoma: tang-ina, natatawa ako
Mike Entoma: na-iimagine ko na ang freestyle na 'to ay totoo
Mon: aba teka lang, mukhang lugi ata ako, dahil ang katabi ko lang dito ay si aga go
Mike Entoma: pwede!
Mike Entoma: hahaha
Mon: doc aga, doc aga, doc aga's in da haus, so if i were u i'd ran away like a mouse
Mike Entoma: eh yang katabi mo, masyadong sensitibo - sinabihan lang ng walang utak, panay na ang reklamo
Mike Entoma: itong katabi ko, daig pa ang parak - kaya't tumabi ka na bago pa siya mag-tawag ng uwak! uuuuuuuuuwwwwwwwwwwwwwwwaaaaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkkkkkkkkkk!!!!!!!!!!!!!!!
Mon: ingat ka din pare ko dyan sa pambato mo, dahil baka mamaya ay kung ano na pakain sa iyo
Mike Entoma: kung anong pakain niya ay lulunukin ko - kahit paliguan pa niya ako ng pulang kabayo!
Mon: aba teka lang wag ka muna maglaway, dahil ang pambato ko ang tunggero ng lang-ay
Mike Entoma: kung tunggero ng lang-ay yang katabi mo, itong sa tabi ko, tumutula nang pa-yuko
Mon: at hindi lang dyan magaling ang pambato ko, mahilig din siya sa thumb na baliko!
Mike Entoma: kung thumb na baliko ang hilig ni Aga Go, si Najera naman, de-kulay ang kuko!
Mon: aba teka nga, walang gustong magpatalo... kung ako sa iyo e quits na lang tayo
Mike Entoma: kung yan ang gusto mo, wala akong magagawa - ang mabuti pa'y mag-videoke na sa Casa Ligaya
Mon: ngayong napagdesisyunan na tayo ay tabla, pwede mo nang i-save ang kalokohang nalikha
Mike Entoma: hahaha
Mike Entoma: pwede
Mike Entoma: babuyan, babuyan
Mon: pang multiply post hahaha
Mike Entoma: sige, post ko mamaya
Mike Entoma: hahaha
Mon: sana lang ay wag mapikon ang mga taong ating sinabon sa malaking kalokohang ito na nabuo ng pagkakataon
Mon: yeah break it down!
Mike Entoma: yo, yo, yo!
Mike Entoma: oo nga eh
Mike Entoma: okey lang kaya sa kanila?
Mon: tingin ko ok lang naman, ganyan din naman ang linya ng usapan nung nasa sagada e
Mon: common knowledge sa mga participants hehehe
Mon: kung sakaling i-post mo nga e lagyan na lang ng "disclaimer" sa umpisa
Mike Entoma: sige idol, mag-draft ka ng disclaimer dito
Mike Entoma: para i-copy paste ko na lang
Mon: ngek
Mike Entoma: okey lang kaya? baka kasi may magalit sa kanila
Mon: mas mgaling kayo sa words hehe
Mon: haha! sige kung meyo alangan ka kahit wag na lang i-post
Mon: pero knowing aga go, malamang ok lang sa kanya eto
Mike Entoma: eh paano kaya si Sally?
Mon: tingin ko ok lang din, di naman na bago sa kanya yung SHH na joke e, sinasakyan pa nga hehe
Mike Entoma: sinasakya na parang horse
Mon: pero kung may reservations nga kahit konti e ok lang kahit di na muna post
Mike Entoma: pero natatawa talaga ako
Mon: or post man restricted na lang muna, sa mga nakakarelate lang
Mike Entoma: ang galing, putsa
Mon: tapos sabihin na lang na inspired ng freestyle na naipost mo din sa FB hehe
Mon: di dapat seryosohin
Mike Entoma: sige

Thursday, May 14, 2009

RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 3




May 3, 2009, Linggo: matapos ang ilang libong beses na pag-snooze sa aking cellphone alarm, ginising kami ng kakaibang alarm ng cellphone ni King Louie at bago mag-almusal ay nag-perform ang tinaguriang “Aga Go Dance Explosion,” which, at that time, consisted of Abet, Ronnel, and Me. after breakfast ay nagpunta na kami sa St. Mary’s Church para sa mangilan-ngilang photo-ops bago tumuloy sa Echo Valley. nakakalungkot lang kasi nadaanan namin ang medyo maraming mga pinutol na puno at trosong nagkalat sa trail. ibang-iba siya kumpara noong 2008, nakakapang-hinayang lang. pagdating sa Echo Valley, nag-photo shoot ang mga “babae sa bangin” na sina Sally, Kay at Thina, nag-perform muli ang Aga Go Dance Explosion at kasapi na si Doni, at ni-reprise namin nina Abet at Doni ang “Saging Lang Ang May Puso” scene ni Mark Lapid nang walang kahiya-hiya whatsoever. afterwards ay tumuloy kaming mga boys sa Lemon Pie House upang kunin ang mga inorder ng mga guests kinagabihan at tumuloy na sa Masferre para sa early lunch. masuwerte kami at nag-set up pa ng TV sa kinalalagyan namin para daw mapanood namin ang labanan nina Pacquiao at Hatton (also known as “When Manny Met Ricky”) kung saan na-knockout si Hitman ni Pacman sa ikalawang round – mabuti na lang din at hindi nagka-injury si Ricky Hatton. all in all, another great out-of-town trip with friends, with Lemon and Egg pies to boot. ayun.

RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 2




May 2, 2009, Sabado: nagising ako nang madaling-araw na at hawak ko pa rin ang aking toothbrush at toothpaste. natawa na lang ako sa sarili ko at sinikap na lang matulog ulit. maginaw na umaga ang sumalubong sa amin, kung kaya’t medyo nakakatamad pang bumangon. dumiretso ako sa banyo nang makaramdam ng “call of Mayor” at habang nakaupo ako sa trono ay biglang namatay ang ilaw sa CR. inisip ko kung nag-brownout ba o may naka-sagi lang ng switch ng ilaw. ganunpaman, nag-concentrate na lang ako sa pagtae at nag-toothbrush na din pagkatapos. it turned out na si Thina pala ang naka-sagi sa switch ng ilaw sa banyo. shortly afterwards ay nag-almusal na ang lahat at naghanda ng gamit para sa trek papuntang Bomod-ok Falls.

medyo mahaba ang trek papuntang Bomod-ok, pero kinaya naman namin dahil nakakapag-pace at nakakapahinga nang maayos every now and then. okey din kasi kahit matindi ang sikat ng araw ay malamig pa rin ang hangin kaya hindi ka masyadong matatagtag. siyempre, paano ka ba naman mapapagod kung mga kasing-kulit at kasing-saya nina Ronnel at Joyce ang kasama mo? hindi rin nawala ang sangkatutak na picture-taking habang nagte-trek kung kaya’t talagang enjoy kami papuntang Bomod-ok. pagdating namin doon ay napakaraming tao, kaya’t umakyat na lang kami sa malaking bato nina Thina, King at Mon at tumambay doon habang nanonood sa mga taong nagpi-picture taking, nagpi-picnic, at nag-e-enjoy sa Bomod-ok Falls. tinamad na akong lumapit sa falls kung kaya’t nakuntento na lang ako sa pagtambay sa ibabaw ng malaking bato at magbantay ng mga gamit, tutal maganda rin naman ang tanawin mula doon – nag-photoshoot sila doon sa may batuhan ng mga pang-calendar at jump shot pics. maganda ang Bomod-ok Falls, at iba rin ang dating niya kumpara sa Tapyah or Mag-Aso – but i have such great memories sa tatlo, that i’d visit them again in a heartbeat. after a group pic sa may batuhan, we started to trek back para makapag-lunch na. although medyo tumitigil-tigil kami every now and then to give way sa mga papunta pa lang sa falls, parang ang bilis pa rin naming nakabalik – i guess magandang motivation ang buffet lunch, hehehe. along the way back ay may picture-picture taking pa rin courtesy of Abet, Sally and Ronnel – friends, salamat ha? =O) pagkabalik sa mga sasakyan, topload gang na naman kami nina Terence, Thina, Mon, Joyce and Jo on the way to Masferre Inn. kahit tanghali na ay presko at malamig pa rin ang hangin kaya’t tanggal ang pagod namin sa pag-trek. pagdating sa Masferre ay nakapag-hilamos at nakapaghugas ako ng kamay bago kami mag-lunch. masarap ang pagkain namin: chicken with lemon sauce, chop suey, beef steak, and soup – and as usual, ka-table ko sina Terence, Thina and Mon. medyo na-cut short ang aking lunch dahil may biglang tumawag sa akin, kung kaya’t hindi ko na rin kinain ang dessert kong fruit salad. anyway, we were able to rest and hang out a bit at nakapag-pictorial din ako pagkahiram ko ng pink na gwantes ni Mei – oo, ang tunay na lalaki ay nagpapa-picture na suot ang pink na gwantes, hahaha! mga 2:30 PM ay umalis na kami patungong Sumaguing Cave.

pagdating sa Sumaguing ay in-orient kami ng aming tour guides tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa paglalakbay sa kweba – and the bottomline was, bawal ang pasaway. sinamahan nila kami sa pagbaba sa cave at inalalayan sa pamamagitan ng pag-ilaw at pag-gabay sa daan. ang mga kasabay ko sa pagbaba ay sina Rachelle, Mon, Thina and Terence. since second-timer na ako (hindi two-timer, ha?) sa Sumaguing ay medyo pamilyar na ako sa terrain, although kumpara last time ay parang mas madulas ang mga bato at mas malamig ang tubig sa loob. just the same ay maingat pa rin ako sa paglalakad at inalalayan din ang kaibigang first-timer whenever i could. i still had my share of slips and ankle twists, pero okey lang at nakaya ang spelunking kahit papaano. it’s quite funny kasi last year, i was almost unscathed when i went through Sumaguing (except for a big Mang Kepweng splash somewhere in the “maze” inside), but this time i had my share of memorable slips – na-shoot ako dun sa mapanghing pool doon sa may mga lubid na daanan at tumama ang aking big toe sa madulas na bato. masakit siya pero mas natawa ako sa sarili ko kaya okey lang. by this time ay ramdam ko na ang lamig ng tubig dahil feeling ko ay naninigas na ang lahat ng taba ko sa katawan, in addition to the foggy breathing na napapanood ko lang sa mga Koreanovelas dati. talagang worth it ang lahat ng mga dulas at tapilok dahil pagka may picture taking eh parang ang bibilis ng reaction time ng mga tao. so ayun, for the second time ay na-survive ko ang Sumaguing Cave at kahit madumi at basa ay masaya naman ako. since malapit na ang hapunan ay binigyan kami ng dalawang options ni King Louie: 1) bumalik sa Churya-a para mag-wash up; or 2) gumala-gala na lang near Masferre until dinner time. siyempre ay sumama ako sa mga kapwa ko mga dugyot at adik sa pag-gala-gala. habang nasa itaas kami ng sasakyan ng mga usual suspects ay napunta sa wrestling ang pagkukulitan nina Mon at Joyce kung saan sabi ni Joyce na i-e-STFU daw niya si Mon – so to illustrate how it is done properly, sinabi ko kay Joyce kung paano siya ina-apply at kung anong body parts ang nai-i-stretch ng submission move na iyon, the difference between an STF (Step-over Toehold Facelock) and an STS (Step-over Toehold Sleeper), as well as ang effects niya if applied properly – that you’d either tap out or pass out, depending on your choice. anyway, bumalik kami sa Lemon Pie House para mag-chillax, mag-kape, at kumain ng pie, as well as mag-order ng ite-take home na pies kinabukasan. since hindi pa naman ako nakakatikim ng pies nila, i decided na mag-order ng isang buong lemon pie at isang buong egg pie para masubukan din ng aking family ang sarap ng Sagada pies. for this time ay nag-tubig na lang ulit ako dahil nga malapit na rin ang dinnertime, habang sila ay nagkakape, kumakain ng pie, at nagpi-picture taking. since kailangan nang bayaran ang mga advanced orders kinabukasan ay tumulong na lang akong mangolekta ng bayad sa mga tao gamit ang listahang ginawa namin. matapos magbayad at mabigyan ng sukli ang lahat, inihabilin ni Manang ang claim slip kay Ronnel para madaanan namin ang order kinabukasan nang mga 11:00 AM. pagkatapos ay naglakad na kami papuntang Masferre para mag-dinner. pagdating doon ay medyo napangiti ako nang makita ko ang malaking dispenser na puno ng iced tea – paborito ko kasi yun eh. mamaya-maya lang ay inihain na ang hapunan namin: tinadtad na inihaw na liempo, dambuhalang pritong isda na may kakaibang sauce, pinakbet at manggang hinog. WOW, as in nag-halimaw talaga ako sa isda, liempo at pinakbet sa sobrang sarap – at panalo pa yung matamis na suka na sawsawan ng liempo na halos ipang-sabaw namin sa kanin sa sobrang sarap. at panalo talaga ang hagod ng manggang hinog at iced tea – nakakatanggal ng pagod. after dinner ay diniscuss ni King Louie ang itinerary kinabukasan and shortly afterwards ay bumalik na kami sa Churya-a para mag-wash up at mag-prepare para sa wasakan, este, para sa socials pala =O).

may pila sa aming banyo kaya naghintay na lang muna ako bago ako makaligo. nag-set up na lang muna kami ng puwestong maiinuman sa labas ng aming mga bahay-bahay habang nagihihintay, sabay labas ng mga “baon”. meron ding “special show” si Papa Abet na suot ang kanyang mahiwagang kapa, kung kaya’t solb ang mga kababaihan sa kanyang exhibit A. matapos ang mga nauna sa akin ay nakaligo na ako sa wakas. masarap ang bagsak ng mainit-init na tubig sa katawan ko pagligo ko sa banyo, kaya medyo tinagalan ko ang shower time dahil malagkit ang katawan ko sa mga pinag-gagawa namin maghapon. yung naunang naligo sa akin, na-ground pa doon sa heater kahit alam na niyang may na-ground na doon dati. ang gago, di ba? anyway, paglabas ko ay naka-puwesto na sa long table ang mga tao para sa socials at ang drink of choice nung mga oras na iyon ay Lang-ay pa rin, pero nakapila na rin ang natirang Fundador noong nakaraang gabi pati na yung lambanog na dinala ko. maginaw ang gabi kaya nag-jacket pa ako kahit makapal na ang taba ko sa katawan. mabuti rin at nagtayo ng tolda sina King at Abet para kung saka-sakaling umambon eh okey lang – medyo may mangilan-ngilan nga lang nabiktima at sumabit dun sa isang tali na sumusuporta dun sa tolda. sa kabuuan ay masaya ang socials dahil ang kukulit ng mga ka-inuman, at dahil halos lahat kami ay sinubuan ni Sally ng iba’t ibang klase ng pulutan at pinainom ng Happy Horse Beer. nagmistulang taping ng sitcom / lesson sa iba’t ibang parte ng isda ang eksena nung gabing iyon. sabihin na lang natin na kung ang utak ng isda ay napunta kay Ronnel, yung hasang naman ay napunta sa akin – di ba, Teacher Sally? kulang na lang yata ay nagpe-play sa background ang kantang “Wasak Na Wasak” ng Radioactive Sago Project habang maya’t maya ay kinakanta namin ang “That’s Why (You Go Away)” ng Michael Learns To Rock na bahagi nga ng iconic na eksena nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa pelikulang “Sariwa” kung saan sinambit ni Priscilla ang imortal na linyang: “Pwede naman nating nakawin ang ligaya.” [I won’t forget the way you’re kissing… The feelings so strong were lasting for so long… And I’m not the man your heart is missing… That’s why you go away I know…] – hahaha! adik to the max ba? anyways, nauna na rin yung iba sa amin na magpahinga while nagligpit-ligpit kami ng mga kalat. inalalayan din namin ang mga dapat alalayang mga kaibigan na medyo napagod at napatawag ng uwak pagkatapos socials – at mabuti naman at medyo nakapahinga rin sila after our getting-to-know-you activity. sa pagkakatanda ko (please correct me if I’m wrong), kami-kami nina Joyce, Ronnel, Mon, King Louie, Mei, Kay, Rachelle, Doni and Abet ang natira upang ituloy ang inuman at kwentuhan session. dito ay naglista na ako ng mga “noisy” kasi nga medyo kanina pa kami makukulit at maiingay. narito ang official tally ng mga points ng mga taong maiingay nung gabing iyon: Joyce Cairo, 80 pts.; Mei Alday, 65 pts.; Ronnel Go, 55 pts.; Louie Manalansan, 40 pts.; Mon Lagula, 35 pts.; Doni Bañez, 35 pts.; at Abet Lagula, 15 pts. aminado ako na lasing na rin ako nung mga oras na iyon kaya medyo makulit at maingay na rin ako – at natatandaan ko rin na may dalawang magkasunod na tagay na kung saan ang pangalawa ay dinedicate ko sa isang tao, ini-straight at ibinagsak ang shot glass sa mesa. wala lang, longing / yearning ko lang dun sa isang tao nung gabing iyon – my way of remembering her without being pretentious / showbiz about it. after naming maubos ang alak ay nagsitulog na kami sa kanya-kanya naming mga bahay. i have to admit na malupit ang sipa nung magkahalong alak at beer sa ulo ko, pero itinulog ko na lang sa gitna ng matinding lamig.

Tuesday, May 12, 2009

finally.

noong Linggo, May 10, 2009, Mother’s Day – tanghali na akong nagising.  ibinili ko ng ice cream si Nanay bilang regalo sa araw na iyon, as well as nag-compose ng message at itinext ang pagbati ng Happy Mother’s Day sa mga kaibigan.  nang nasa bandang dulo na ako ng aking phonebook, nakita ko ang pangalan at number ni Ex-girlfriend (na itago na lang natin sa alyas na V.).  i decided na i-text siya para i-greet din ang Mommy niya, tutal ay ipinakilala naman na niya ako dati sa parents niya noong kami pa, at dahil mabuti naman ang naging pakikitungo nila sa akin dati.

Lunes, May 11, 2009, 11:08 AM – nakatanggap ako ng text mula kay V., and it read: “Hey tnx sa greeting khpon. ü Ngaun lng me ult ngkaload. Blated hapi mommy’s day dn k mama mu. ü i wil b mom soon n din. ü gud day!” i didn’t expect the reply pero i immediately replied: “glad to know about that. congratulations sa inyo ni (Name of Husband). God bless.”  afterwards, she replied: “Tnx!ü”

right there, it occurred to me na nakapag-move on na pala ako.  wala nang mga tanong-tanong, wala nang expectations pa ng anumang paliwanag, at wala nang luha-luha pa.  i felt happy for them at that moment, and thankful that they’d be soon having their little bundle of joy – yes, i know this might be a cliché, but clichés became clichés because they are true most of the time.  salamat, V., sa lahat-lahat – magmula sa masasayang tagpo hanggang doon sa masasaklap.  i loved you, and i never regretted meeting you, ever.

maraming salamat sa mga taong naging sandigan ko through all these rough times. 
mahal ko kayong lahat.

malaya na ako, sa wakas.

p.s. para sa aking future “sinta,” puwedeng-puwede mo na akong i-claim.  handa na akong maging iyo.

Wednesday, May 06, 2009

RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 1




tinatamad akong magsulat nito kasi medyo may hangover pa ako mula sa inuman kagabi. nahihirapan akong mag-isip, pero what the heck… ito ang pangalawang punta ko sa Sagada kasama ang ilang mga kaibigang nakilala ko sa RACE. tamang-tama at scheduled siya sa long weekend na kinabilangan ng Labor Day kung kaya’t welcome na welcome ang extended weekend na ito as a temporary break from the (spanky) rigors of my day job. sayang lang at hindi kami kumpleto – mas naging masaya siguro kung nagka-ganun – but still, this was a trip that “I won’t forget…”

natulog na lang ako kanina dahil sa sobrang sakit ng ulo. ngayon ay itutuloy ko na ang pagsusulat ko and hopefully matapos ko na ito.

as you read this, i have decided na mag-post na lang in sections kasi medyo dumadami na ang pictures. gusto kong magpasalamat sa mga sumusunod na tao dahil sa mga pictures na ni-grab ko at ni-repost sa album na ito: sina Abet, Ronnel, Joyce, Mon, Sally and Terence.

April 30, 2009, Huwebes: dapat sana ay tatambay na lang ako sa office hanggang 9:30 PM tutal ay 10:00 PM naman ang assembly time sa Florida Bus Terminal sa Lacson, kaya lang ay may unexpected na biglaang hapit na trabaho kaya alas-diyes na ako nakaalis ng opisina. salamat na lang sa ka-opisina/kaibigan kong si Vlad at naka-sabay ako sa kanya hanggang Lacson. pagdating ko sa terminal ay nakita ko agad si Ronnel at hinanap namin ang iba pang participants sa gitna ng napakaraming mga tao. nakita naman namin sila sa gilid ng terminal, sa tapat ng isang women’s dormitory. ang mga andun nang kakilala namin ay sina Joyce, ang birthday celebrant Idol Mon, Mei, Sally, Rachelle, Doni, Lanie, Grace, Jo, Terence, Thina, King Louie at Abet. andun din si pareng Ja-mes na ihinatid ang kanyang mga parents at kapatid na kasama sa tour na ito. so ang eksena habang naghihintay ay kwentuhang Farm Town, kulitan at konting friendly alaskahan – pinagtripan na naman ako ng mga “fans” ko as usual tungkol sa mga bagay-bagay na pwede nilang ipang-alaska sa akin. medyo nawindang pa itong si Ronnel dahil nawalan siya ng wallet at nahalata lang niya nang maka-order na siya sa Burger Machine – mabuti na lang at may nakakita ng wallet niya at isinauli sa kanya nang buo. pagdating ng aming bus ay nagsisakay na kami according sa seat plan na ginawa ni King Louie. katabi ko sa upuan si Idol Mon, sa likod namin si Abet, habang sa katapat na upuan sina King Louie at Ronnel. since medyo antok na ako ay sinubukan ko nang matulog habang si Mon ay naglalaro ng SmackDown vs. Raw kay Espie (ang kanyang PSP). habang nanonood ako kung paano ilampaso ni Mon si John Cena gamit si Edge para sa World Heavyweight Championship ay nagte-text ako sa ilang mga importanteng tao para ipaalam na nagbibiyahe na kami papuntang Sagada. matapos yun ay nagdasal na ako, pumikit at natulog.

May 1, 2009, Biyernes: madaling-araw pa lang ay naalimpungatan na ako sa pag-uusap ng mga tao tungkol sa pink na gwantes ni Meimei na parang kamay ng tuko ang hitsura kasi medyo mas mahaba ang daliri nila (ng gwantes) kaysa sa may suot. napasarap ang tulog ko hanggang sa puntong iyon ng biyahe, at nakunan na rin pala ako ng picture habang nasa kasagsagan ng paghihilik ko. anyway, sinubukan kong maidlip ulit dahil nasa Nueva Vizcaya pa lang naman kami. medyo maliwanag na nang makarating kami sa Ifugao, at natatandaan kong pinagkukunan ng picture ni Ronnel ang natutulog na si King habang ako naman ay nagpipigil ng pagtawa. pagdating sa Banaue terminal ay nagsibaba na kami ng bus at dumirestso sa mga sasakyan naming mga jeep, at biniro ang mga first-timers sa Banaue na mga 10 steps lang naman ang lalakbayin namin bago makarating sa Halfway Lodge na siyang naging suking kainan na ng RACE tours sa Banaue. medyo foggy ang kapaligiran nung umagang iyon kaya parang nakaka-antok pa rin ang pakiramdam, at pagdating sa Halfway Lodge ay medyo umaambon-ambon na. pagkababa ng mga gamit ay nag-almusal na kami, at ka-table ko sina Terence, Thina at Mon. shortly afterwards ay tumawag na si Mayor sa akin kung kaya’t kinausap ko na lang siya agad sa kanyang opisina.

matapos maikarga sa sasakyan ang aming mga gamit at packed lunch ay pumunta na kami sa Viewpoint sa pag-asang makunan ang rice terraces ng Banaue pero medyo makapal ang fog kaya’t tumambay-tambay na lang kami sa mga tindahan at nag-picture-picture habang sinasambit ang “yehey!” since medyo malabo nang mahawi ang ulap sa Viewpoint ay tumuloy na kami ng biyahe papuntang Sagada. doon kami nakasakay sa mas maliit na sasakyan kasama sina Abet, Terence, Thina, Doni, Lanie, Kay, Rachelle, Jo, Grace, Mon, Joyce, Sally at Mei. medyo maulan ang biyahe kung kaya’t dinaan na lang namin sa kwentuhan, tawanan at pag-idlip ang pagdaan sa malubak na kalsada patungo sa Sagada. first stopover namin ay sa Bay-yo viewdeck kung saan nag-unat-unat at nag-picture-picture ang mga tao habang pinagkukuwentuhan ang iconic na eksena nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa pelikulang “Sariwa” kung saan featured theme song ang That’s Why (You Go Away) ng Michael Learns To Rock. ang next stop namin ay ang Mt. Polis kung saan matatagpuan ang mala-Farm Town na mga taniman ng gulay at ang malaking estatwa ni Mama Mary. kumain kami ng lunch doon sa dati naming kinainan noong 2008 Banaue-Sagada tour – kumpara dati na maaliwalas at maaraw, this time naman ay maulan. since medyo limitado ang seating capacity ng venue ay napagpasyahan ng ilan sa amin na medyo magpahuli na lang kumain. okey lang maghintay kasi may green peas namang umikot courtesy of Lanie, at masarap naman ang packed lunch namin: fried chicken, buttered vegetables, kanin at Coke. matapos kumain ay nagsipag-CR lang kami to answer the call of nature (a.k.a. the call of Mayor) bago bumiyahe ulit patungong Sagada. nang umandar na ang aming sasakyan, inakala ko pang naiwanan ko ang aking cellphone dahil hindi ko siya makapa sa aking bulsa – yun naman pala ay nasa bulsa ng jacket ko siya nakalagay. kaya naman medyo alaskado pa ako sa mga kaibigang nakasama ko sa Caramoan last December kasi may similar incident doon kung saan may “nakaiwan” ng gamit pero hindi naman pala – na-maling akala lang. nagkaroon pa ng medyo nakakatawang kwentuhan ang tatlong dilag sa tapat ko (na itago na lang natin ang identities, unless gusto nilang mag-react dito at lumantad) tungkol sa kani-kanilang mga “kinabukasan”. matapos ang tagpong iyon ay kanya-kanya kaming idlip muna hanggang makarating ng Sagada, and since nasa dulo ako, hindi ako gaanong nahirapan sumandal sa sasakyan para makatulog.

nagising ako nang merong isang “noisy” na nagsalita at sinabing dumaan daw kami sa kweba. medyo marami na kaming naalimpungatan at that point kaya nag-resume ang mga kakulitang naputol ng aming pag-idlip. bandang hapon na kami nakarating at tumuloy sa Churya-a Inn (parang Korean ang dating nung pangalan kung ii-imagine ko si Jeon Ji-Hyun na binabanggit ang Churya-a nang may lambing sa dulo), at matapos maghakot ng kanya-kanyang gamit ay tumambay muna kami sa lobby. habang naghihintay kung handa na ang aming mga tutuluyang cottages ay nagpicture-taking muna sa may terrace ng Churya-a. nang i-announce na ni King ang unit assignments namin ay nagsituloy na kami sa aming mga lugar para mag-iwan at mag-ayos ng mga gamit. napansin kong medyo nabasa ang bag ko dahil sa hamog at ulan kung kaya’t inilatag ko muna ang mga nabasang gamit ko sa kama. bale pito kami sa aming bahay-bahayan: sina Ronnel, Mon, Abet, King Louie, ako, at sina Terence at Thina na nag-occupy sa loft habang kaming mga boys ay sa mga double deck sa ibaba pumuwesto. bago pa lang ang mga cottages namin, at maganda ang banyo na napansin ko agad, siyempre. napansin ko ring malamig ang sahig nang magpalit ako ng tsinelas na pambahay at ipinahinga muna ang bago kong sandals. matapos mag-ayos ng mga gamit ay lumabas muna kami para tumambay at mag-picture taking sa bakuran ng Churya-a. hindi gaanong nagtagal ay nagsisakay na kami sa aming sasakyan para pumunta sa kalye na katatagpuan ng Masferre Inn, Yoghurt House, iba’t ibang souvenir shops, at Lemon Pie House, to name a few. siyempre, nag-topload ako kasama sina Terence, Thina, Idol Mon, Joyce at Jo para mas adventurous ang maikling biyahe. matapos mag-park ang aming sasakyan ay gumala na kaming mga palaboys and palagirls at dumiretso sa Yoghurt House. ang good news this time ay may yoghurt silang available, unlike last year na naubusan kami. ang mga kasama ko doon ay sina Terence, Thina, Mon, Mei, Joyce, Sally, Ronnel, Kay, Rachelle, as well as the Gutierrez family: sina Sir Jess, Ma’am Bing at AC. makulay at masarap ang yoghurt na inorder namin – meron siyang strawberry preserve, banana at granola. first time kong makatikim ng yoghurt, at medyo cheesy pala ang lasa niya, kung kaya’t magandang compliment sa kanya yung granola, strawberry preserve at lalo na yung banana. siyempre hindi rin nawala ang picture-taking sa loob ng Yoghurt House lalo pa at dala ng mga maniniyut ang kani-kanilang mga “M-16” SLRs at kaming mga sibilyan ay dala ang aming mga “paltik” na point-and-shoot. nagustuhan ko yung monochrome picture series na kuha ni Sally sa loob ng Yoghurt House (na naka-post sa site ni Mei) dahil para kaming nasa lumang pelikulang black and white. basta, nagalingan talaga ako sa concept na naisip niya. after mag-picture taking sa harap ng Yoghurt House, nagyaya si Ronnel papuntang Lemon Pie House para mag-lemon pie at magkape. nga pala, sa kahabaan ng kalyeng iyon ay maraming tarpaulin ng Clear Shampoo kung saan featured celebrity endorser si Nicole Scherzinger (a.k.a. the lead pussycat sa Pussycat Dolls) – at mayroong isang babae na “feeling Nicole” sa eksenang ito – na itago na lang natin sa pangalang Meimei (hindi tunay na pangalan) to protect her identity. kahit yata ipainom namin sa kanya ang lahat ng kape sa Lemon Pie House ay hindi siya tatablan ng nerbiyos sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa pagkakahawig nila ni Nicole. anyway, nang malapit na kami doon ay napag-desisyunan naming mga adik na pagtaguan si Ronnel at tingnan kung gaano katagal bago niya mahalata na wala na kami sa likod niya. ang nangyari, tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa Lemon Pie House at parang kami pa ang na-gago niya, in effect. maganda sa loob ng Lemon Pie House, nakaka-relax at warm ang ambience ng lugar. doon kami pumuwesto sa may sofa sa bandang counter at nagkuwentuhan, nagtawanan, at nagkuhaan ng pictures habang ninanamnam nila ang lemon pie at kape, at ako naman ay nag-tubig lang dahil tinatamad na akong kumain. kakaiba nga pala ang kape ni Ronnel dahil kahit nilagyan na niya ito ng creamer ay lalo pa itong umitim na parang burak – although masarap naman daw ito at matapang. matapos magbayad ay naglakad na kami pabalik sa pinag-paradahan ng aming mga sasakyan. nakasalubong pa namin si King Louie na papuntang Lemon Pie House para kumain – mabuti na lang at may pinabalot silang lemon pie kung kaya’t hindi na kinailangan ni King bumili. nagpasya ding bumili ng alak para sa socials, at hindi ko alam kung ano ang nangyari dun sa mga bumili ng alak dahil nagkahiwalay pa sila ng landas. anyway, nagkita-kita pa rin naman sa sasakyan pagkatapos. pagkasakay namin sa sasakyan ay bumalik na kami sa Churya-a para mag-dinner.

ang dinner namin sa Churya-a ay ito: pritong bangus, kanin, talbos ng sayote, papaya at softdrinks. since hindi masyadong mahilig sa gulay ang mga ka-table kong sina Terence, Thina at Mon, eh di ako ang ginawa nilang official “kuneho” at ipinakain sa akin ang talbos ng sayote – buti na lang at may patis kaya nagkalasa siya kahit papaano. masarap at mataba yung bangus nila, in fairness, kung kaya’t oks pa rin ang dinner – salamat din sa hagod ng Sprite. matapos ang hapunan ay dumiretso kami sa mga bahay-bahay para mag-sipilyo, maligo, mag-ayos ng gamit, at maghanda para sa socials/inuman. mabuti at pinahiram kami ng management ng Churya-a ng mga mesa at silya para sa aming aktibidades nung gabing iyon. siyempre, kanya-kanya na ring labas ng chichirya at pika-pika ang mga tao para may pambara sa alak – Fundador ang una naming tinagay-tagay at hinagod ng Coke, pero napalitan ito ng Lang-ay sa bandang kalagitnaan ng bote. masarap ang Lang-ay ng Sagada, medyo nag-aagawan ang tamis at asim niya kaya eksakto lang ang hagod. medyo mga nag-halimaw (term ito ni Mon, hindi ko “sinave as”) ang mga tao sa tagay kung kaya’t nakarami din kami sa Lang-ay – madami rin kasing humugot ng pera at nag-sponsor, myself included, hehehe. tamang-antok lang naman ang epekto niya dahil hindi rin naman kami masyadong humataw kasi medyo physically-demanding ang itinerary namin kinabukasan. nawalan pa ng tubig sa banyo, pero nasolusyunan naman ito kaagad. pagpasok sa bahay, inakala kong may tao pa sa banyo kung kaya’t humiga muna ako sa kama at naghintay. mamaya-maya lang ay nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan.