Friday, January 18, 2008

UP Centennial questionnaire - extended (from Abet)

Student number?
95-24946

College?
college of social sciences and philosophy

Ano ang course mo?
bachelor of arts in sociology

Nag-shift ka ba o na-kick out?
neither. yun ang pinilahan kong kurso dahil waitlisted ako sa Psychology. at saka magaganda yung chicas na nakapila, kaya doon na ako pumila.

Saan ka kumuha ng UPCAT? (Where did you take your entrance examination?)
isa sa mga pavilion, sa biology yata.

Favorite GE (General Education) classes?
Math 1 kasi dun ko unang nasilayan si M.
PI 100 kasi magaling si prof. Melania Abad, at relevant ang mga itinuturo niya.
STS kasi nakakatawa yung report namin, pero sakto lang. at saka dun lang ako naka-witness ng group report na ang presentation e beauty pageant, tapos may criteria for judging pero ang pagpili sa winner e idinaan sa raffle - putaragis na 'yan, natuyo ang utak ko!

Favorite PE?
Basketball. nung mga araw na natsa-tsambahan ko pang gawin ang UTEP Two-Step Killer Crossover ni Tim Hardaway sabay one-handed teardrop shot sa kalaban. pero sa taba ko ngayon, hindi ko na kayang gawin yun. 

Saan ka nag-aabang ng hot girls sa UP?
marami sa AS Lobby, Faculty Center at sa Math Building. pero minsan, pakiramdam ko, parang ako ang inaabangan nilang lahat.

Favorite Professors?
Prof. Melania Abad, Prof. Walden Bello, Fr. Salvador Orara, Dr. Manuel Bonifacio, Prof. Clemen Aquino

Least favorite GE (General Education) class?
Soc Sci 2 kasi maganda sana siya pero hindi marunong magturo yung teachers na napili ko.

Did you sign up for Saturday classes?
Yes. PI 100, pero worth it.

Nakapag-field trip ka ba?
Anthro 187 (Sex and Culture) sa Banahaw. kaklase ko sina Heidi at Pia kaya masaya.

Naging CS ka na ba or US sa UP?
average student po ako.

What Organization/Fraternity/Sorority were you a member of?
UP KMS (Kalipunan ng mga Mag-aaral ng Sosyolohiya)

Saan ka tumatambay palagi?
1st 2-3 years, AS lang, usually sa 4th floor dun sa may mesang semento. Later years, sa tambayan na ng KMS.

Dorm, Boarding house, o Bahay?
Bahay po.

Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
undecided talaga ako pag-apak ng college, pero inambisyon ko ring mag-Physical Therapy, but fate had other plans, i guess.

Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Si Cromwell Wong. hindi ko na alam kung nasaan siya. idol ko yun sa gitara, parang sina francis reyes at manuel legarda na pinagsama ang galing.

First play na napanood mo sa UP?
hindi ako cultured e. wala.

Saan ka madalas mag-lunch?
CASAA, Beach House at LB (Lutong Bahay) nung 1st-2nd years. for the later years, honorable mentions are: Momarc's sa Krus Na Ligas, Aling Alice's Kambingan sa KNL din, Mang Jimmy's sa Balara at sa Gulod (nung P14 pa lang ang malaking Red Horse at sagana pa sila sa makakapal na inihaw na liempo)

Name the 5 most conyo orgs in UP.
i don't really care about them.

Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
UP-KMS, siyempre. never runs out of humor. at saka UP Quill - brilliant writers, poets, artists and musicians.

May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Meron pero di na ako tumuloy.

Masaya ba sa UP?
Oo, inaamin ko! i experienced the whole spectrum of emotions, hindi lang yung masaya.

Nakasama ka na ba sa rally?
Hindi.

Ilang beses ka bumoto sa Student Council?
2 yata.

Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
never thought about it much.

Kanino ka pinaka-patay sa UP?
kras, si MP (all-time kras nung estudyante ako - magulo ba?)
kay SC, na-develop, nagkatotoo pero di nagtagal. kay PP nagka-gusto, kahit alam kong imposible. kay JB, dahil mukha siyang diyosa, diyosang marunong gumamit ng balisong.

Kung di ka UP, anong school ka?
baka UST.

***EXTENDED VERSION***

First Year Block
N-13

Very First Subject
Math 1 - nabilang ko kaagad na sampu lang kaming lalake out of 40+ students, kaya napansin ko din na mas maraming kababaihan sa block namin. sige, tumawa ka diyan para mabigwasan kitang hinayupak ka. =)

Favorite Elective
Anthro 187 - Sex and Culture, pare. maraming nakikipag-patayan para lang maka-enroll sa subject na ito.
Soc Sci 105 - Gender Issues in Philippine Society - dahil kahit mga panatiko kami ng Palibhasa Lalake nina Jude, Ajel, at Eric, e hindi ito pinersonal ni Prof. Dungo. at saka relevant course siya, lalaki ka man o babae.
Psych 101 - required sa aming kurso ito, pero mention ko na rin dahil nag-enjoy ako sa mga writing activities namin.

Pinaka-terror na teacher
Father Salvador Orara, SJ - ang paring kung makasambit ng salitang "Putang-ina" e parang nagluluto ng chicharon - dahil sobrang lutong. pero okay lang, dahil na-realize ko na kahit siya ang isa sa mga pinaka-kupal na nakilala ko, e nirerespeto ko pala siya.

Most Favorite Major Subject
Socio 114 - Philippine Society
Socio 101 - Introductory Sociology
Socio 140 - Social Psychology

Least Favorite Major Subject
Socio 125 - Sociology of Religion

Favorite UP Tradition
UP Fair - dahil lahat na ay nasa Sunken Garden, pagkain, alak, sigarilyo, ganja, magagandang dilag, banda, videoke, t-shirts, CDs, abubot, at kung masuwerte ka, pati si Jovit Moya makikita mo.

UP Tradition(s) Missed
Oblation Run, dahil meron na ako nung pinapakita nila, bakit pa ako titingin?

Most Memorable Thing You Did Just For Bonus Points
hindi ko matandaan kung gumawa nga ako ng kahit na ano for bonus points. basta ang sabi sa akin ng prof ko: "Mamili ka, removals, o remove all?"

Pinakamasarap na Pisbol
I agree with Abet, sa tapat ng DMST complex. Special mention yung super sarap na Kikiam nila at sawsawan. Siyempre masarap kapag may kasamang BJ (buko juice, bastos!)

Pinakamurang pamasahe ng IKOT
P1.25

Pinakapayborit na Merienda
Isaw ni Mang Larry sa tapat ng Kalayaan Dorm, Kamote Cue ni Manang sa FC Walk, Kikiam sa tapat ng DMST, at saka yung turon sa CASAA, yung may langka at keso.

Umulan ba nung University Graduation mo?
Opo. pero okey lang kasi andun yung mga magagandang babae ng Socio: sina Heidi, Pia, Malou, Gina, at Joziel - kaya umaliwalas din.
web stats

1 comment:

  1. My cousin is one of your favorite professors! Yipee (Rev. Fr. Salvador Orara, SJ) =)

    ReplyDelete