Thursday, November 27, 2008

hi God...

alam Mo, dapat kahapon ko ito isusulat, kaso kinailangan naming umalis ng iba kong officemates nang maaga para mag-dinner sa Mang Jimmy's - pero, You probably know that already. masaya naman ang birthday ko kahapon, madaming bumati sa akin sa text at sa guestbook ko dito sa Mulitply. salamat at naging maganda naman ang taong 2008 para sa akin, kahit hindi ako mabait sa Iyo at madalas ay gago pa rin ako, ang dami Mo pa ring biyayang ibinigay sa akin. at saka marami Ka ring ipinakilalang bagong mga kaibigan sa akin since last year pa, at yung iba sa kanila, na-meet ko uli at medyo naging ka-close ko this year - sana pang-matagalan na sila sa buhay ko. alam kong alam Mo na kung gaano ako ka-grateful sa pagdating nila sa buhay ko - at oo, sabihan Mo na akong baduy, pero totoo yung sinabi kong yun. kagabi, bago ako mag-goodnight sa Iyo, tinipa ko sa gitara yung "Panaginip" ng POT, para baka sakali lang na managinip ako nang maganda. kaninang umaga, wala akong matandaan kung nanaginip nga ba ako kagabi o hindi, pero okey lang. alam Mo namang may mga bagay akong ayaw kong hanggang sa panaginip na lang, di ba? sorry kung minsan ay parang naiinip ako sa mga plano Mo para sa akin, kasi naman parang ang olats palagi ng buhay p.i. ko - di ko tuloy alam kung napupunta lang sa "spam folder" Mo yung mga panalangin ko. pero alam ko namang binabasa Mo silang lahat, siguro nga hindi lang ako priority sa ngayon. pero Lord, sana naman, bago ko kailanganing mag-Viagra on a regular basis eh ipakilala Mo na siya sa akin - promise, aalagaan ko siyang mabuti at iingatan ko ang puso niya. sana lang, kapag pinitas na niya ang puso ko eh hindi naman niya yurak-yurakan kapag ayaw na niya sa akin - pakibalik na lang sa akin nang maayos para maibigay ko dun sa karapat-dapat. mababaw lang naman ang kaligayahan ko eh - hindi naman ako hihiling ng maraming pera, kotse, o bahay sa Boracay from You - ang gusto ko lang ay pagkakataon "to love the way i can really love" (oo, alam kong alam Mong hiniram ko lang itong quote na ito sa ex- ko, pero alam Mong walang kaugnayan itong isinusulat ko sa kanya). hanggang ngayon naghihintay pa rin po ako, sana lang kapag nandiyan na ay paki-sampal sa mukha ko yung "sign," kasi alam naman ninyong bobo ako pagdating sa pagbabasa ng "signs." o siya, kakain po muna ako kasi baka mangayayat naman ako, sayang naman ang kagandahang-lalake ko 'pag nagkataon. kwentuhan na lang tayo pag-uwi ko ng bahay mamaya.

hindi ko na rin ni-restrict ang access sa entry na ito, kasi kahit naman private, alam kong mababasa Mo pa rin ito - pero, You probably know that already.

29 comments:

  1. Ewan ko ba...naiyak nanaman ako..Jologs ko talaga! Na-touch ako sa sulat mo..*singhot*. Di pa nagtatagal na nakilala kita.. pero isa ka sa mga taong kasama lagi sa panalangin ko. You are one person that deserves to be happy. In His own time.. you'll have the one who will have the honor of feeling all the love that you can give.. :-) Happy birthday ulit! :-)

    ReplyDelete
  2. Belated Happy Birthday Mike :) He knows what is best for all all us. at tama ka, yung timing nasa kanya yun. so be patient, coz i know na merong isang tao na para sa yo talaga. Malay mo, ayaw na ni Lord na masaktan, na gusto nya this time, "perfect" na lahat. so just be patient. And enjoy life :)

    ReplyDelete
  3. salamat, Joana. minsan kasi, makulit lang ako at naiinip. at oo nga, i should enjoy life - no matter what. =)

    ReplyDelete
  4. Welcome :) okay lang mainip... human nature yan eh, unavoidable ika nga. Basta enjoy life, baka kaya ka naiinip kasi ur spending so much of your time waiting, and thats not good. Ayaw ni Lord na nagsa-sulk tayo sa isang corner. Be happy, be optimistic! before u know it, andyan na si "tinatangi" sa tabi mo ;)

    ReplyDelete
  5. parang naiyak naman ako dito. nakakatuwa. ang sarap na kinakausap mo si God. ako kase, bad girl. di ko na nahaharap, at guilty ako dyan sobra.

    dont worry Mic, darating din yan. inaayos na ni Lord yun rekado. baka makumpleto na, para maibigay Nya sayo. konting panahon na lang =)

    *hugs*

    see you on saturday!

    ReplyDelete
  6. =) salamat, Cher - kahit malungkot minsan...

    ReplyDelete
  7. wag sad... hihi kaka-bday mo lang eh. bawal ma-sad..

    ReplyDelete
  8. HAi prends... Don't worry evrything will fall into places..

    It's better to be Single with lots of friends around rather makatisod ng kung sinu sino lang na dun papaikutin ang mundo mo ... in the end wawasakin ka lng and who will make you l00k stupid...

    ReplyDelete
  9. Hi Mic... Belated po!!! Ys... in time things will happen an fall into place... I may not have the chance to know you more but I'm sure... you're one AMAZING PERSON... hearing it from the people who knows you more...

    ReplyDelete
  10. Pare, darating din yan.. trust me.. baka nahihirapan lang si Lord kasi he wants to make sure the next one really really deserves a great person like you :) Alam ko sa kalokohan lang tayo madalas nakakapag bond, pero seryoso ako kapag sinasabi ko lagi na idol kita pre :) You are one great person and you should know that.

    ReplyDelete
  11. Jay: hi mic, belated happy birthday. Ellen: Nice naman ng prayer mo :) okay yan! waiting for God's best for you...belated happy birthday! pinapaalala ni jay yung tahong...masarap daw un..naalala nya :D

    ReplyDelete
  12. idol, pareho lang tayo ng tono sa dasal a haha! patience is a virtue. she will come, that i am very sure of. right now kayo daw muna ni Lord. (kayo ako ng kayo samantalang ganyan din naman ako kung tutuusin haha!)

    ReplyDelete
  13. salamat, prends. wag kayong mag-alala, patient naman ako eh - kahit minsan para akong "mental hospital patient," alam ko naman na may oras yan eh. niluluto pa siguro... =)

    ReplyDelete
  14. thanks, Jenny. nga pala, small world talaga - si Donnie pala ay kilala ng Kuya ko from work. grabe, nagka-gulatan pa sila sa bahay nung Saturday, hihi. =)

    ReplyDelete
  15. salamat pare. likewise, sa tingin ko matino kang tao. and that was only reinforced by my Kuya nang sabihin niya sa akin na you're a very humble guy, na walang yabang sa katawan. he doesn't say that basta-basta - so i believe him (after all, 30 years ko na siyang kilala). di ko na sasabihin yung iba pa pare, alam kong alam mo na yun.

    ReplyDelete
  16. Jay, Ellen, salamat. sayang, sana nakapunta kayo nung Sabado - hinintay kayo nung tahong eh. my God, naalala pa rin pala ni Jay - that was more than 10 years ago nung una niyang natikman. by the way, i still have the mug na bigay nila ni Bits that year. sana next year makapunta kayo. =)

    ReplyDelete
  17. thanks, idol. at least si Lord, hindi traydor tulad ni Mayor - kaya naman pinapahaba ko nang husto ang aking pasensya. hindi ko siya sasabihan ng: "Lord, give me patience - RIGHT NOW." alam kong sosorpresahin niya ako one of these days.

    ReplyDelete
  18. happy birthday uli, dude. darating din ang sorpresa. at tiyak, magugulat ka (parang kalabit ni Mrs G yan, you'll never know its coming hehe).
    cheers!

    ReplyDelete
  19. uy Mic, belated. na-tats ako dito a.

    ReplyDelete
  20. thanks, Ros. nag-usap kami ni Anne nung Sunday, tinawagan niya ako. =)

    ReplyDelete
  21. aba naman! sabihin mo sana naaalala pa nya ko. wala na akong balita dun e. :)

    ReplyDelete
  22. i-text mo kaya - 09279738314 - di ka naman makakalimutan nun eh. =)

    ReplyDelete
  23. Madagascar tropical isle is some of the several of these greatest types of group of islands globally however you may perhaps perhaps also hit upon smaller sized What cameras and lenses
    collection of islands occur genuinely truly going over. Won't all to easy to employment and wish straight forward working procedures. This doesn't mean the fact that your significant other should really getaway mass popularity and last and last, a day drinking coffee and as
    a consequence watching somebody securely to find out if you happen night time your teeth.
    It won't just permit you know to workout, eat healthy, quite possibly have sex more satisfying nonetheless prominently teaches the exact there is no driving things, offering that your anatomy functions to certain sections plus non-chemical absorbs that it undergoes.

    My web site :: coffee grinder maker combo best

    ReplyDelete