Tuesday, June 08, 2010

pangangamusta: a draft love letter


may napakinggan ulit akong kanta kanina, at naisip kita. kamusta ka na? wala naman akong sasabihing kakaiba, palipad-hangin lang ito... pero habang kinakaskas ang gitara, nagbabagsakan ang drum sticks sa drum set at kinakalabit ang strings ng bass ay pangalan mo ang isinisigaw ng lyrics.

sinilip kita sa webpage mo, mukhang okay ka naman today. wala lang, masaya lang ako 'pag nakikita ka - be it online or in person. i know that this may be awkward, pero nami-miss kita. there's too much i can't say to you, at kahit gustuhin ko man ay pinipigilan ako ng possibility na baka lalong maging weird ang pakiramdam.

ayaw kitang ilagay sa alanganin, although minsan siguro ay nailalagay kita doon nang hindi ko namamalayan o sinasadya. hindi naman siguro tayo ganun ka-close, pero magkaibigan naman tayo di ba? kaya ako, nag-subscribe ako sa isang litanyang sinabi ng isa nating kaibigan: "better this way, than no way at all." oo, ayaw kong mapalayo ka... kahit pa-pira-piraso at patingi-tingi, dinadaan ko na lang sa pagsusulat, status message, pag-post ng link, videoke, gitara, at sa pagbasa at pag-like paminsan-minsan ng mga entries mo ang nararamdaman ko - i try not to overdo it, kasi baka minsan nagmumukha akong pa-pansin. if i put you in awkward situations at times, patawarin mo ako - hindi ko sinasadya.

i'm not asking you to like me. i'm just asking you to understand that someone like me can fall for you. and i'm just this guy who is "torpe-at-heart" (again, a friend coined this term) na "natotorpe sa babaeng totoong napupusuan niya" (another friend wrote something like this), at ang babaeng yun ay ikaw.

p.s. the song title in the first paragraph sounds like your name, and sometimes i wonder that maybe it was written for you. it (the song) is from an album entitled "futures."

8 comments:

  1. very heartfelt pards, i like :D

    ReplyDelete
  2. naks naman...magtapat na kase para may two less lonely people in the world na:)

    ReplyDelete
  3. and that's the bottom line 'coz papi said so.

    i hope she reads this entry of yours too. :P

    ReplyDelete
  4. hahaha! panalo ka talaga humirit jas! =D

    ReplyDelete
  5. sa mga patola sa itaas: nami-miss ko rin kayo. hayaan nyo, pagbalik ko galing Bangkok, sana magkita-kita ulit tayo. ^_^

    ReplyDelete
  6. sapul na sapul... bakit hindi mo na lang kasi i-text at dinaan mo pa sa multiply...

    ReplyDelete