a new home for things i have to say, and more importantly, things that i couldn't usually say.
Thursday, November 27, 2008
hi God...
Tuesday, November 25, 2008
Sarah McLachlan - I Love You (Mirrorball Live)
gandang-ganda ako sa kantang ito. siyempre, nakaka-relate kasi ako - hindi lang minsan, pero maka-ilang beses na rin sa tanang buhay ko. oks din yung spiel ni Sarah before performing the song, it's so appropriate/sakto lang. i posted the lyrics as well =).
**********************************************************************
I Love You
Sarah McLachlan
I have a smile
Stretched from ear to ear
To see you walking down the road
We meet at the lights
I stare for a while
The world around us disappears
And it's iust you and me
On my island of hope
A breath between us could be miles
Let me surround you
My sea to your shore
Let me be the calm you seek
Oh but every time I'm close to you
There's too much I can't say
And you just walk away
And I forgot
To tell you
I love you
And the night's
Too long
And cold here
Without you
I grieve in my condition
For I cannot find the words to say I need you so
Oh and every time I'm close to you
There's too much I can't say
And you just walk away
And I forgot
To tell you
I love you
And the night's
Too long
And cold here
Without you
I grieve in my condition
For I cannot find the words to say I need you so bad
I need you so bad
Tuesday, November 18, 2008
pagdapo
my post-birthday kainan / inuman / harutan / picture-an / celebration
Start: | Nov 29, '08 7:00p |
End: | Nov 30, '08 07:00a |
Location: | Blk. 1 Lot 28, St. Joseph St., Metroville Subd., Cainta, Rizal |
magluluto po ako, at gagawan ko ng paraan yung alak/beer. ang mga chibog on the menu ay chicken-pork adobo, pusit, baked/adobong tahong, spaghetti and/or carbonara. di ko pa sure kung ano yung dessert at kung madadagdagan yung courses, depende pa sa aking budget.
for any questions na walang mathematical computations, you may contact me thru the following:
mobile: 09173555055
YM user id: linteknapartyboyjapanyan
or pwede ring PM na lang dito sa multiply
Wednesday, November 12, 2008
RACE Negros Occidental Tour Day 4
as with the day 3 album, yung ibang mga pics sa album na ito ay hango sa mga albums nina Lanie, Terence, Jhen, Tin and Cher. again, nagpapasalamat ako sa inyo for your shared photos dito kasi mas kumpleto ang kuwento ng album na ito =).
ayaw ko mang matapos ang napakasayang bakasyong ito, sadly, ito na ang last day. paggising sa umaga, diretso na kami sa lobby para mag-almusal. tutal huling araw na, nagpa-luto na ako kay manong chef ng omelette para maiba naman. may nakita pa kaming naiwang videocam sa likod ng couch na inupuan namin habang kumakain. we decided na i-report ito sa hotel personnel para naman maibalik sa may-ari kung sakali. matapos ang breakfast, almost immediately ay tinawagan ako ni mayor – at gaya ng pinapangamba ko nung umagang iyon, nagsigawan kami sa loob ng conference room – inungkat pa niya yung adobong pusit na kinain ko nung nakaraang gabi. ayun, may mantsa pa tuloy yung kubeta kahit naka-ilang flush na ako. putang-ina mo mayor, ayheytchu!!! pero ganunpaman, hindi ikaw ang sisira ng araw ko. matapos mag-ayos ng kanya-kanyang mga gamit para sa pagbalik ng Manila sa hapon, nagkita-kita ulit ang mga participants sa lobby ng hotel at hindi nagtagal ay nagbiyahe na kami patungo sa Mambukal Resort.
pagdating sa Mambukal, nag-photoshoot na ang mga tao – kanya-kanyang pose sa may sign ng Mambukal Resort, at yung iba nga ay nagpakuha pa ng picture na kasama “Ang (medyo naging kontrobersyal na) Banner” – hindi ko na ikukuwento dahil ang importante, masaya ang araw na ito sa pangkalahatan =). pagkatapos ng photo-ops, nag-park lang ng sasakyan sina King at Abet, at pagkatapos ay humanap na kami ng puwesto sa resort kung saan kami maglu-lunch pagbalik galing sa iba’t ibang falls na pupuntahan namin. habang naglalakad, napansin namin ang mga puno kung saan nagpapahinga ang iba’t ibang klase ng fruit bats – kung hindi ako nagkakamali ay Flying Foxes ang ilan sa mga iyon. sinubukan kong kunan ng picture ang mga paniki, pero limitado ang range ng paltik ko, kaya limitado rin ang mga larawang nakuha ko. matapos makapili ng puwesto sa may ilog, may konti pang mga photo-ops ang Green Team, ang Blue Team, at ang “Mambukal Hot Babes” (si Terence ang nag-coin ng term na ito) with their Mambukal Hot Babes Masahista Services. afterwards ay nag-hike na kami patungo sa mga falls, kasama ang aming “misguided tour guide” na sinabing sandali / malapit lang daw ang lalakarin. hindi ko alam na medyo hihingalin din pala ako sa paglalakad – kaya naman in between “hingal sessions” ay nag-picture taking pa kami – para masaya pa rin, di ba?
matapos naming marating ang magandang spot kung saan maraming mga kabataan ang nagda-dive, nagpahinga muna kami at nagsi-inom ng kanya-kanyang tubig, energy drinks, at iba pa. dito sa may ilog na ito kami medyo nagtagal dahil sa pag-photo-ops at pagpapahinga. ako naman ay nag-concentrate sa pagsipat sa mga tao at pagkuha ng mga larawan nila – yung iba ay staged, at yung iba naman ay candid. natuwa ako kasi mukhang enjoy na enjoy naman ang bawat isa sa amin, bagama’t mga hinihingal at pawisan – at siyempre, napawi ang pagod ko sa ngiti ng mga “modelo” na nahagip (at nagpa-hagip) sa paltik kong camera. ang isang highlight sa puwestong iyon ay ang pag-dive ni Terence sa ilog – na palagay ko ay nai-dokumento ng halos lahat ng may camera nung mga sandaling iyon. matindi talaga itong si ka-barangay, atapang a tao talaga. ilang sandali pa ay nagpatuloy na kami sa paglalakad at tinungo ang iba pang falls sa bandang ibaba ng puwestong iyon.
nang marating namin ang kasunod na falls, medyo malilim ang ilang spots doon kaya it was a welcome relief sa tumataas nang araw. dito ay medyo may mga naawa sa akin at kinunan ako ng pictures, hehe. salamat ulit sa inyo, mga kaibigan. patuloy kami sa pagbaba, pagkuha ng pics, at pagpapakuha ng pics hanggang marating ang parte ng gubat kung saan andun ang hanging bridge. kumuha lang ako ng ilan pang larawan bago ko napagpasyahang maghintay na lamang doon sa isang kiosk kasama ang iba pang kasamahan. hindi na lang ako umakyat sa hanging bridge kasi baka ma-patid siya sa katabaan ko, hehehe…
nauna ang ilan sa amin bumaba, siguro dahil mga gutom na rin. naghintay ako sandali sa may tulay at nang makita kong bumaba na rin ang iba pang ka-tropa, dumiretso na kami sa puwesto namin para tsumibog. grabe, as usual, SOBRANG SARAP NG LUNCH namin – inihaw na liempo, pusit, chicken inasal, sinigang na baboy at Coke na may yelo. ang sarap talagang kumain, at hindi ko na inisip yang si mayor kung tumawag man siya dahil halos lahat nung ulam eh mga paborito ko – besides, may CR naman kaya walang problema. eksakto rin ang pagbaba namin dahil ilang sandali lang pagka-silong namin para sa tanghalian ay bumuhos ang medyo malakas na ulan – swerte pa rin talaga kami. bumawi ako sa pag-inom ng Coke, as in dighay-cola na ako pagkatapos. nang maka-baba na ang aking kinain, kinuha ko na yung mga bihisan ko sa sasakyan para makapag-wash up na. malakas ang tubig sa banyo, kaya walang problema – yun nga lang ay di muna ako sumalang agad kasi binantayan ko muna yung backpack ni Marlon, mahirap na kasi baka mawala. pagdating ni Abet, naka-goli na rin ako sa wakas, habang siya naman ang tumingin sa gamit ni Marlon. di naman nagtagal at natapos na rin sina Marlon at Donnie sa kani-kanilang goli, kaya naka-salang na rin si Abet. sinigurado kong kalkalin ang buong katawan ko sa shower dahil sobrang lagkit ko na nung mga oras na yun. ang sarap talagang maligo – lalo na kapag malakas ang daloy ng tubig. matapos maligo ay bumalik uli kami sa puwesto namin para mag-ayos ng mga gamit at hintayin pa yung iba naming kasama – dito ko nakawilihan ang maliit na salamin ni Abet na siyang ginamit ko habang nagsusuklay ako ng buhok. matapos ay sumabay na ako kay Jhen papunta sa sasakyan, pero nagkamali ‘ata ako ng intindi kasi iniakyat ni King yung sasakyan sa may tulay kaya pumanhik din kami ulit sa pinanggalingan namin. pagsakay sa sasakyan, nagsibalik na kami sa hotel upang ligpitin at kunin ang aming mga gamit dahil mamimili pa kami ng mga pasalubong. just as i expected, tumawag itong si mayor pagdating ko sa kwarto – at nang mag-meeting kami sa conference room ay dinig na dinig ni Thina ang pagsisigawan namin ni mayor. Thina, pasensiya na, kasi inungkat na naman ni mayor ang inulam kong pusit noong nakaraan kaya umaalingawngaw ang utot ko sa banyo nung mga sandaling yun.
matapos lumabas ng hotel, dumaan kami sa Calea para pick-up-in ang mga inorder naming cakes. medyo mabagal ang naging proseso ng mga staff sa assembly line, not to mention may iba pang customers na sumingit / pinasingit, pero naihabol din naman ang dapat ihabol. afterwards, dumiretso na kami sa Bong Bong’s para bumili ng mga pasalubong. siyempre hindi ko kinalimutan ang bilin ni Nanay na Pinasugbo at Piaya, sabay hablot ng Butterscotch at Caramel Tarts. nauna na kaming sumibat papuntang airport kina Abet, tutal ay kumpleto na kami sa sasakyan – ngunit nagkaroon pa ng tense moments dahil nawawala pala ang iPhone ni Jhen pagsakay niya ng sasakyan. sinubukan nilang i-miss call, pero parang wala kaming naririnig sa sasakyan. tinawagan nila si Donnie at baka sakaling nalaglag lang sa may kinalagyan ng sasakyan namin kanina yung telepono. matapos ang paghahanap, nakita ni Jhen sa may ilalim ng upuan ang kanyang iPhone, kaya medyo nakahinga na siya nang maluwag nung mga sandaling yun.
pagdating namin sa airport, nag-check-in na kami kaagad at dumirestso sa waiting area para magsikain at mag-picture-picture kasi made-delay pala ang flight namin. ayun, parang nasa Masskara Parade pa rin kami kasi mga PASAWAY na naman kami habang nasa waiting area. mistulang ward sa mental hospital yung inokupa naming espasyo kasi ang kukulit namin, mabuti at hindi kami binato ng tear gas ng mga gwardiya. medyo nagkaroon ng kaunting “dampener” sa aming euphoric state dahil sa isang kontrobersiya ukol sa isang imahe sa tour banner, pero ganunpaman, hindi ito sapat upang magapi ang kaligayahan ng grupo namin noong mga sandaling iyon. pagsakay namin sa eroplano, naisip ko na babalik na naman ako sa realidad na may pasok na naman ako kinabukasan at maghapong nasa harap ng monitor at keyboard ng PC sa opisina. ganun talaga siguro, wala tayong magagawa. pero ang importante, naging masaya ang nakaraang apat na araw. kung may video nga lang ang bawat tour na sinamahan ko, malamang ipe-play ko sila lahat sa PC ko para hindi ako mabagot sa pagtatrabaho.
anyway, mamaya-maya lang ay nasa Manila na ulit kami. matapos kunin ang mga naka-check-in na mga bagahe sa conveyor, nagpasalamat kaming lahat kay King Louie (at sa R.A.C.E.) at sa isa’t isa para sa isang hindi malilimutang bakasyon. mga pagod man, masasaya naman kaming lahat dahil sa experience na ito. unti-unting naubos ang mga tao dahil sa kani-kanilang pag-uwi at pagpapaalam, pero bakas ang saya sa mga mukha nila, no doubt. nakisabay na lang kami nina Cher, Tin, Sheldon at Jhen kina Abet nang sunduin siya ng kanyang Ate at Bayaw. bumaba ako sa may Bustillos malapit kina Abet, at matapos magpasalamat sa kanya, sa kanyang Ate at Bayaw, sinabihan ko sila ng: “Ingat po!” paglingon ko ay nauntog ako sa kisame ng sasakyan nila bago ako bumaba – as in “TUGUG!!!”, kaya napatawa ko pa sila bago sila matulog – i guess i’m really a natural comic, di ba? hindi nagtagal at naka-sakay na ako ng taxi pauwi. nag-text ako kay Nanay na pauwi na ako at dala ko ang pasalubong ko sa kanya. pagdating ko ng bahay, ibinaba ko ang mga gamit ko at niligpit ang mga dapat ligpitin. matapos kong i-text ang mga ka-tropa para magpasalamat at mag-goodnight, ay natulog na rin ako.
muli, salamat sa inyong lahat for a wonderful vacation. masaya ako at nakasama ko kayo. =o)
Wednesday, November 05, 2008
sabi ko nga, sa presinto na ako magpapaliwanag eh... ayan, posasan 'nyo na ako!
ang mga larawang ito ay ilan sa mga naka-post sa album ni Cher na "good times." - naisipan ko lang kalikutin sila sa ACDSee, i-tweak ang mga kulay para maiba nang konti, ganun. wala lang, na-cute-an lang ako at nawili sa pag-eedit kaya pinost ko na lang sila dito.
again, kahit sabihin ninyo na para akong sirang plaka o pirated CD, sobrang saya talaga ng gabing ito, at maraming salamat sa inyo: Joyce, Cher and Jhen.
oo, sasama na ako sa presinto para magpaliwanag. at mukhang doon na rin ang kasunod na photoshoot, hindi ba? =)
Tuesday, November 04, 2008
RACE Negros Occidental Tour Day 3
bago ang lahat, yung ibang mga pics sa album na ito ay hango sa mga albums nina Lanie, Jhen, Cher, Marlon and Joana, Tin, Terence and Thina. i reposted some of your shared photos dito para mas kumpleto ang pagkukuwento, kaya salamat po nang marami sa inyong lahat.
ito ang pangatlong araw ng aming Negros Occidental tour ng mga tropa sa RACE. memorable ang almusal to start the day kasi pagbaba namin sa lobby ng hotel eh halos ubos na ang singangag, adobong manok at soup. mabuti na lang at nagluto ulit ang staff ng hotel ng panibagong batch ng mga nabanggit na pagkain. for the second straight day, nagpaluto ako ng dalawang itlog na sunny side up bilang katambal ng sinangag with sabaw ng adobo at chinop-chop na fried sausage. nakasabay ko sa mesa sina Marlon, Joana, Lyza, Jhen at Lanie – at pati ang bagong batch ng adobong manok ay dumiretso sa aming hapag kaya worth it naman ang paghihintay. in fairness, sabaw pa lang nung adobo eh panalo na, kaya ang sarap ng almu-chow na yun. of course, pagkatapos kumain ay tumawag na naman si mayor, kaya dali-dali akong umakyat para makapag-meeting kami. there was nothing much to do during that morning except tumambay-tambay sa kwarto sa hotel o di kaya ay mangulit ng mga tao sa ibang kwarto.
sinamahan ko si King sa labas ng hotel para makabili ng yosi at gamot. una kaming napadaan sa sine-set-up na stage sa may plaza para sa parada, at nakahanap ng sigarilyo sa malapit na grocery store. bumili na si King ng supply ng yosi para sa buong maghapon para wala nang hassle. matapos bumili si*****yo, dumiretso si King sa kalapit na botika para bumili ng droga – OO, DROGA!!! – pero yung legal na droga naman ang sinasabi ko. habang hinihintay si King sa labas ng botika ay naisipan kong kunan ng ilang larawan ang ginagawang entablado, at nang tapos na si King sa pagbili ng gamot, kinunan ko siya ng “candid” at ng “staged” na larawan sa may stage. siyempre, much later ko na lang napansin na may tindahan pala ng Mister Donut sa may stage – sige na, magsitawa na yung mga may alam nung istorya ko, pero hindi ko sinadya yun – para lang kasing palaging meron sa tabi-tabi kung kelan hindi mo na iniisip, magpapakita bigla… anyway, kalimutan na natin yung detalyeng yun – masaya ako dito, remember?
pagbalik sa hotel, may inayos lang ako sandali sa mga gamit ko at dumiretso ako sa kwarto nina Terence kung saan andun din sina Lanie, Donnie, Jhen at siyempre, si Thina. naki-tambay lang ako dun para magpalipas-oras, habang hinihintay din namin si King. may konting picture-taking pang naganap, at salamat kay Lanie sa dalawang headshot pics kong kinunan niya (siyempre, isang disente at isang malaswa). muntik pa ngang ma-aksidente si Lanie kasi nang kukunan niya kaming apat (Terence, Jhen, Donnie at ako) ng picture, tumayo siya sa kama at sumandal sa pader. may gulong kasi ang kama kaya nag-slide ito nang sumandal siya, so nawalan siya ng balanse – mabuti na lang at mabait si Lord at inalalayan siya sa kanyang pagka-tumba. medyo kinabahan kami sa tagpong iyon, sa totoo lang. being the consummate professional that she is, pinana pa rin kaming apat ni Lanie after regrouping and recovering her poise. nag-hintayan lang ang mga tao sa lobby ng hotel pagkatapos ay nag-harutan, nag-photo-ops, nagtawanan, at nagsilabas na para dumiskarte ng kani-kanilang lunch – kasi nga, “do your own thing” ang diskarte sa araw na ito.
we proceeded sa Chinky’s para kumain, although nag-tubig lang ako kasi busog pa naman ako, at saka ayaw kong tumawag si mayor habang nasa parade ako. habang hinihintay ang kani-kanilang mga orders, papitik-pitik na lang ako ng pictures sa loob ng Chinky’s at nagpapaypay-paypay sa mga naiinitan. matapos mag-lunch sa Chinky’s, naglakad-lakad na kami papunta sa dadaanan ng parade. kung maisa-summarize mo sa isang salita ang mga pinaggagawa namin lahat sa Masskara parade, eto na yun: PASAWAY – with a capital “P” and a capital “Y” – kasi kanya-kanyang sugod, kanya-kanyang pwesto para kumuha ng picture, kanya-kanyang pwesto para magpakuha ng picture, at kanya-kanyang hatak ng parade dancers (hala, lagot!). kaya ang nangyari, ang daming parade dancers ang napagalitan dahil hinatak sila ng mga makukulit na turista =(. kaya hayun, puro kami in and out sa gitna ng parada na parang sina heckel and jeckel na nakikipag-patintero sa mga kalaban nilang bulldog, pusa, et cetera. since hindi ko naman hangad na sumipat ng mga art shot or postcard-worthy photos, i just went ahead and shot anything and everything in sight – usually sila-sila na mga kasama ko ang hinahagip ko sa camera, at kung anumang mag-unfold na sayawan o formation ng mga dancers, tinitira ko na rin. anyway, medyo nakakapagod kasi kasagsagan ng sikat ng araw nung hapon, pero mabuti na rin yun kesa naman umulan, di ba? nakakatuwa kasing panoorin ang mga pasaway (oo, kasama din ako dun), halata mong mga dayo talaga sa mga pinagkikilos. matapos ang napakahabang pictorial, naghintayan at nag-regroup ang tropa sa may Dunkin’ Donuts (hindi sa Mister Donut, ha?) para makabawi ng hininga at siyempre, para kumain ng munchkins na treat nina Lanie at Lyza. shortly afterwards, nagsibalik na kami sa hotel para magpahinga nang konti.
dapat sana ay maliligo ako bago umidlip nung hapong iyon, pero na-engganyo akong panoorin ang isang Tagalized na pelikula sa CinemaOne nung mga sandaling iyon. batay sa physical features ng mga bida, napag-tanto ko na Asian film iyon – at malamang na Vietnamese film yun kasi nabanggit ang Saigon at saka yung pangalan ng bidang babae was Thuy, a common Vietnamese name. nalaman ko lang the week after na ang pamagat ng pelikulang iyon ay “Long Legged Beauty” at critically-acclaimed pa pala siya. nagandahan ako kasi love story siya, love story na believable, i.e., posibleng mangyari sa isang ordinaryong tao. basta yung story was about a girl na galing probinsiya na lumuwas at tumira sa bahay ng ate niya sa city. she met the love of her life sa city, isang aspiring photographer na nung una ay pinag-kukukunan lang siya ng pictures, tapos ay nakumbinsi na siyang mag-model-model. tapos naging sila, pero nagkaroon ng mga problema, etc. hindi na ako naka-ligo dahil bumalik sa hotel si King at inaya na kami ni Donnie sa may plaza para uminom. hindi ko na rin natapos ang pelikula, pero sana makahanap ako ng kopya niya in the future para mapanood ko siya nang buo – kasi nga, ma-drama na yung part nung plot nang lumabas kaming tatlo para mag-beer at mag-seafoods.
sa ipinasarang kalye lang ang mga ihaw-ihaw, kainan at mga puwesto na mapapag-inuman. pumuwesto muna ako sa mesa namin habang sinundo ni King sina Abet at Sir Roy sa kabilang kalye. grabe, pinapanood ko pa lang ang pag-iihaw at pagluluto ay nagugutom na ako. pagbalik nina King, Abet at Sir Roy, nagpaluto na si King ng scallops at pusit kay manang. at sa suggestion na rin ni Sir Roy, sinubukan din namin ang century shells – isang uri din ng scallop na doon lang sa Bacolod matatagpuan – dahil masarap din daw iyong pulutan (at mura pa siya, to boot). habang dinidiligan namin ng San Mig Light ang mga lalamunan namin ay nagsusumiklab ang kalan sa mga ipinalutong pulutan, at nangangamoy ang mga pinabukang shells sa ihawan – maaamoy mo ang simoy ng dagat, literally. masarap ang pagkakaluto ng scallops, ginisa in some oyster sauce, sibuyas at konting sili, habang ang pusit naman ay tinadtad at inadobo kasama ang tinta. ang century shells ay inihaw lang hanggang sa bumuka, at saka nilagyan ng konting butter – ang sarap niya, grabe! as in malalasahan mo yung freshness nung scallop na lasang dagat at imagine mo na na-fuse yun sa lasa ng butter – putsa, kung wala akong pera at makakita ako ng century shells dito sa Manila, eh malamang na ipambayad ko ang katawan ko para lang matikman yun ulit – promise. during this time ay nagpunta pala sa may Cathedral sina Lanie, Donnie, Cher, Jhen, Lyza, Joana at Marlon para mag-photoshoot. i decided to stay at our table at makipag-kwentuhan habang nag-iinuman at namumulutan, habang hinihintay ang iba pa naming mga kasama. bago sila magsidating ay nag-settle na ng bill si King para panibagong order naman kasabay ng mga magdi-dinner naming kasama. ayun, tuloy-tuloy ang pag-kain, pag-inom at pagkukuwentuhan namin sa hapag-kainan, habang pa-picture-picture taking here and there ng mga maniniyut. napagkatuwaan pa namin ni King na maglagay ng tinta ng pusit sa mga ngipin namin at magpakuha ng picture bilang mga opisyales ng Forever Tiya Pusit Fans Club, Bacolod Chapter. may tugtugan nga rin pala sa kalapit na stage, mga reggae-influenced rock ang banatan ng mga banda – notable cover songs na narinig ko ay “Love Song” (originally by The Cure, pero 311 version ang binanatan) at “Diwata” (by Indio I) – ang galing, pare. basta yun, kwentu-kwentuhan lang kaming lahat, tawanan, picture-an, habang nilalasap ang gabing yun.
matapos mag-settle ng bill, bumalik na kami sa hotel to meet up with the rest of the participants at saka dumiretso sa Calea para mag-kape, mag-cake, at magkwentuhan pa ulit. pagdating dun, medyo parang “fish out of water” ako kasi nga, di naman ako coffee person (kulay-coffee lang ang kutis pero di mahilig sa kape) at saka di na rin ako nag-cake kasi nga nakapag-beer na ako – kung magca-cake pa ako ay malamang na tumawag si mayor, and i wouldn’t want that, would i? anyway, pa-tingin-tingin lang ako sa paligid, kwentu-kwentuhan on the side, nagpa-picture-picture, inom-inom ng tubig and all that, hanggang sa umuwi na rin kami sa hotel. pagdating sa kwarto, nag-ayos lang ako ng ilang mga gamit ko at saka naligo nang medyo matagal sa banyo. dun na lang ako bumawi at nagpa-masahe sa mainit na tubig sa shower para at least mapawi ang pagod ko sa maghapong pag-laboy. habang nasa shower, naisip ko na parang ang bilis din ng oras – kasi, as quickly as that, tapos na ang pangatlong araw ng four-day vacation ko. pero di ba nga sabi nila, time flies when you’re having fun? so, batay sa premise na yun, there was no doubt na nag-eenjoy nga ako sa bakasyong ito. paglabas ko ng banyo, naghihilik na ang mga roommates ko. ang sarap ng pakiramdam ng aircon sa balat ko, panalo talaga. paglapat ng katawan ko sa kama, nagdasal ako at nagpasalamat sa Kanya para sa mga nakaraang araw at sa tuwang nadarama ko. shortly afterwards ay inantok na ako at nakatulog nang mahimbing.
Monday, November 03, 2008
undas doesn’t have to be “sad, ‘nu?” every time – a.k.a. the great glorietta four gathering
the following entry appears exactly how i wrote it in the notebook (yesterday, 2 November 2008, at about 1:30 in the afternoon). read on…
about the title: the first part was a text message from Cher, explaining the real meaning of the word “Undas” – na kapag binaligtad mo nga naman, reads “sad, ‘nu?” the second part will tell you how a spontaneous invitation ended up as an unforgettable night.
as i write this, dalawang pusa sa kapitbahay ang nagse-sex at naririnig ko ang mga ungol nila mula dito sa kwarto ko sa basement (mang-inggit daw ba? mga hayup kayo!). pasensiya na at hindi ako makapag-concentrate dahil sa ingay nila, kaya hihintayin ko na lang silang matapos. ayan, tumahimik na sila…
last November 1, a Saturday afternoon, nagising ako from my afternoon nap dahil “tumawag si mayor.” so, kahit antok pa ako ay wala akong magawa kundi makipag-meeting sa kanya. pagbalik ko sa kwarto para matulog ulit sana, nakatanggap ako ng text message galing kay Joyce, nangangamusta. sinabi ko naman na okey lang ako, yun nga’t kagagaling lang sa meeting kay mayor kung saan nag-away kami dahil sa kinain kong adobong pusit at pancit canton bago matulog. sinabihan ako ni Joyce na pumunta na ng Makati noong mga sandaling yun. after a couple of exchanges sa text kung saan tinanong ko kung saan exactly sa Makati ako pupunta at kung ano ba ang meron, bigla namang nag-text itong si Cher at sinabing ‘wag na raw akong marami pang tanong at sumunod na lang. sabi ko na nga ba at may kasabwat eh =). siyempre, umeksena na naman itong si mayor at tumawag na naman, so nakipag-meeting muna ulit ako bago ako magbihis at umalis ng bahay.
medyo nahirapan akong makasakay ng taxi dahil Sabado nga, so nung makasakay na ako, pinadaan ko na lang sa C-5 si manong. nagpa-gas pa siya along C-5 at ‘saktong nag-text naman si Cher at si idol Mon. mabuti at hindi sumabog ang taxi habang nagpapa-gas – eh di ba nga, dapat naka-off yung cellphones habang nasa gas station kasi delikado? anyway, naisip ko na kasama rin si idol Mon nina Cher at Joyce kasi magkasunod lang ang text messages nila sa akin. since nasa Guadalupe pa lang kami ni manong driver, medyo humataw na siya ng pagmamaneho – at least, hindi na niya hinihimas ang hita ko tuwing kuma-kambyo siya.
pagdating ko sa Glorietta 4, nag-text na ako kay Joyce. Nasa Starbucks daw sila, so umakyat ako sa 2nd floor at nagtanong sa guard kung saan ang Starbucks – meron daw sa itaas at meron din daw sa ibaba. so, palibhasa’y di ko kabisado ang G4, umakyat ako sa 3rd floor at nag-text kay Joyce na hindi ko makita ang Starbucks (eh yun pala’y nasa 4th floor yun). eh sinabi niya na ‘wag na lang daw akong gagalaw at pupuntahan nila ako – siyempre, gumalaw naman ako at pumunta sa may escalator para madali nila akong makita, di ba? nagtaka lang ako kasi medyo ang tagal bago ko sila makita. maya-maya lang eh lumapit na si Cher sa akin at tinanong kung bakit di ko raw sinasagot ang telepono ko. siyempre, kung sasagot pa ako nung sandaling yun ay magmumukha na akong gago, so, ngumiti na lang ako. nang puntahan namin si Joyce, laking gulat ko nang makita kong kasama nila si Jhen – eh akala ko nga, si idol Mon ang kasama nilang dalawa, pero di naman ako nagrereklamo, nagulat lang talaga (o, ayan, GULAT!). so, humanap na muna kami ng pwesto na pwedeng kainan and then, nagsi-order na sila ng kani-kanilang dinner. hindi na muna ako kumain kasi busog pa naman ako, at saka baka nga tumawag na naman si mayor.
habang kumakain silang tatlo, napagkasunduan na manonood kami ng sine, City of Ember, to be exact. tinawagan din nila si Donnie at tinext si idol Mon kung sakaling pwede silang humabol, tutal, past 8 naman ang next screening. ang bad news, eh mukhang hindi sila pwede that night. sayang, the more, the many-er pa naman sana. Pinanood ko na lang kumain ang tatlong dilag habang nagku-kwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano – nag-steak-soup-gravy & rice sina Jhen at Cher, habang si Joyce naman ay nag-pasta ang chicken. para akong nanood ng commercial ng Nutroplex kasi ganado silang kumain, natuwa akong pagmasdan sila habang nagdi-dinner nung mga sandaling yun.
matapos kumain, umakyat na kaming apat para makapag-“pahangin” sa balcony at bumili ng tickets sa City of Ember. i had no idea sa plot nung movie, but i thought to myself na baka maganda naman, di ba? ay, nga pala, napag-usapan din pala namin yung movie na “My Only Ü” habang kumakain – wala lang, eh kasi nabanggit ko lang na mahilig din ako sa mga ganung klaseng movie na may halong ka-jolog-an pero at the same time, maganda naman ang story. it turned out na showing na rin pala ang “My Only Ü” sa katabing cinema ng “City of Ember” – hehe, ang cute, di ba? anyway, matapos magpa-inspect ng mga gamit, nakapasok na kami sa cinema. nakapagsimula na ang movie nang maka-upo kaming apat, so we proceeded sa panonood. nagandahan ako sa story nung movie – akala ko nga, post-apocalyptic yung setting pero hindi pala – kasi na-bilib ako dun sa dalawang protagonists at sa paraan ng pag-discover nila dun sa daan papalabas ng underground city na kinabibilangan nila. natuwa din ako sa quirks nina Poppy at Sul kasi parang comic relief sa mga tense at pressure-laden na situations sa pelikula. at ang isa pang matindi, eh nandito pa si mayor sa pelikulang ‘to (played by Bill Murray) – isang corrupt na character na nagpapanggap lang na mabuti. napag-tanto ko rin na marahil ay na-influence din ng generic na “pinoy action movies” ang writer at director nito, masdan na lang ninyo ang ilang mga eksena ‘pag pinanood ninyo itong pelikulang ‘to.
matapos ang movie, may isang screening pa pala, so lumabas muna kaming apat para makapag-yosi at water break ang mga girls at para na rin makabili ng coffee si Joyce. pagbalik naming apat sa sinehan, trailers pa lang ang pinapalabas, so lumabas muna sina Jhen and Cher para bumili ng potato chips. napag-kwentuhan naman namin ni Joyce yung hinayupak na impaktitong si Toshio ng “The Grudge” habang palabas ang trailer ng isa pang nakakatakot na pelikula. medyo mahaba siguro ang pila sa bilihan ng chips kaya nakapag-simula na ulit ang pelikula pagpasok nina Jhen at Cher – pero in fairness, mas maagang eksena ang inabutan nila kesa sa unang pagpasok namin kanina. after nung ibang eksena na napanood namin in the previous screening, lumabas na kami ng sinehan para makapaglaro sa Timezone. Victory Lap ang pinagdiskitahan naming laruin, at nakaka-addict pala yun. siyempre, halos every time ay 4th placer ako sa aming apat – at least hindi ako 5th, di ba? ang palaging una ay si Jhen, usually 2nd si Cher at 3rd si Joyce, kaya kung abutan ko man sila sa racetrack ay binabangga ko na lang ang mga puwet ng mga sasakyan nila. naka-tsamba rin naman ako ng 3rd at 2nd place nang tig-2 beses kaya di naman ako forever kulelat sa kanilang tatlo – kahit papaano ay nakapalag din naman ako. although talagang napaka-gugulang mag-drive nina Cher at lalo na itong si Jhen, okey lang naman kasi sport lang kaming apat pagkatapos – wala namang nagka-pikunan na nagsabunutan, kalmutan, nag-ahitan ng kilay, o nagsakalan ‘pag natatalo. medyo malaki rin ang nagastos ng mga “adik” sa Victory Lap nung gabing iyon, at sana naman ay maulit ang “VL Nights” sa marami pang pagkakataon – seryoso ako dito ha?
matapos kaming maghasik ng ingay at lagim sa Timezone, napagkatuwaan naming mag-pictorial sa labas ng sinehan, at siyempre si Sky ang isa sa mga bida rito. hindi rin namin pinalampas ang poster ng “My Only Ü” dahil pinilit nila akong mag-pose sa tabi ni Toni Gonzaga – actually, nagpa-pilit naman talaga ako, kaya quits lang. ang kasunod na location ay ang corridor papunta ng CR, kung saan pang-FHM ang mga pose nina Cher, Jhen at Joyce. siyempre, ipinagmalaki ko rin ang mala-Dick Israel kong katawan sa photoshoot na ito – at hindi ko alam kung natuwa ba silang tatlo sa kahayupang ipinamalas ko sa harap ni Sky, o natawa sa katabaan ko. either way, super-enjoy kaming apat sa mga pinag-gagagawa namin – good luck na lang kung may CCTV dun sa corridor, di ba? halos sarado na ang buong G4 ay nagpi-pictorial pa rin kami, to the point na nagtatakutan pa habang pababa ng escalator dahil halos lights out na sa 4th floor – at hulaan ninyo kung sino ang babaeng paulit-ulit na tumatawag ng: “Robellejoyce…” na feel na feel ang undas sa kanyang boses (clue: basahin ang pamagat at ang “about the title” paragraph ng post na ito). siyempre, hanggang sa escalator ay may kanya-kanyang pose kami – para ngang impiyerno ang dating ng mood ng ilan sa mga escalator shots na yun kasi nga madilim na sa itaas, tapos yung talbog pa ng ilaw sa steps, basta ang galing. bago lumabas, pinagdiskitahan din namin ang mga nananahimik na pumpkins sa may lobby at in-incorporate din sila sa aming artsy-fartsy na pictorial. nang makalabas na kami sa wakas, eh mukhang napabuntong-hininga si manong guard dahil naisipan nang umuwi ng mga pasaway na mallrats (a.k.a. kaming apat – the Glorietta Four).
after a couple of more pictures taken sa labas ng G4, naglakad na kaming apat patungong EDSA para makasakay si Joyce ng bus pauwi. nag-Coke muna si Cher sandali at tumuloy na kaming apat pa-EDSA. nakasakay naman agad si Joyce, so naghanap kaming tatlo nina Jhen at Cher ng taxi. una naming isinakay ng taxi si Jhen tapos naglakad pa kami nang konti ni Cher para mag-abang ng taxi niya. matapos sumakay ng taxi ni Cher at mag-goodnight ay naka-sakay naman ako kaagad ng taxi pauwi sa amin. habang nasa C-5 ang taxing sinasakyan ko, isa-isa silang nag-text para sabihing nasa kani-kanilang bahay na sila. nagpasalamat din sila for a great night. hindi nila alam na napasaya din nila ang gabi ko just as napasaya ko ang gabi nila (hopefully). pagdating ko sa bahay, nagbihis ako at nag-text agad sa kanila, thanking them for that wonderful Saturday night. sana nga ay maulit-ulit pa ang mga pagkakataong ito. i truly had a great time, Jhen, Cher and Joyce – at sana napasaya ko rin kayo kahit papaano – para hindi naman laging “sad, ‘nu?” =o)
p.s. all images were from Cher's album. again, thanks ladies for a great Saturday night. =o)