Holy Week muli sa Ilocos in 2009, courtesy of RACE. di ko pa pala na-pu-publish ito, sorry po. nakaligtaan ko big-time.
a new home for things i have to say, and more importantly, things that i couldn't usually say.
Thursday, December 31, 2009
RACE Ilocos Tour April 2009
Holy Week muli sa Ilocos in 2009, courtesy of RACE. di ko pa pala na-pu-publish ito, sorry po. nakaligtaan ko big-time.
Monday, December 28, 2009
Friday, December 18, 2009
Tuesday, December 08, 2009
Thursday, November 19, 2009
Friday, November 13, 2009
Wednesday, November 04, 2009
Lily's Site - FOR SALE
may ibinebentang mga gamit ang isa kong kaibigan. please check out the link if you're interested.
One Night Only
Start: | Nov 29, '09 7:00p |
End: | Nov 30, '09 07:00a |
Location: | Blk. 1 Lot 28 St. Joseph Street, Metroville Subd., Cainta, Rizal |
uhm... as you all know, it's my 31st birth anniversary on November 27, 2009 (a Friday). i'd like to invite you to a little dinner/drinking/videoke celebration on November 29 (Sunday) at our little home. let me know if you have some special food requests, and i'll see what i can do. as of this time, i plan to serve lechon manok, liempo, inihaw na tilapia, sisig, adobong tahong, leche flan and some cake. marami pa akong lambanog, so if you want to drink up, then let's do it. if you want vodka/tequila/beer/other stuff, just let me know and i'll see what i can score =O)>.
if you plan to give me a present/presents, i would greatly appreciate something handwritten, handmade, handpicked, handy, or handshook. hindi rin ako tumatanggi sa cake, ice cream, hugs, and kisses. hope to see you all =O)>.
four years ago today, i first met Vanessa in person. it was one fine, magical day i will never forget. it's funny how fast time flies. now, i have moved on and continued with my life. to every special person i met since then, thanks for being part of me. quite emotional, i know, but that's how i say it every time - i always shoot from the heart.
Saturday, October 24, 2009
Thursday, October 08, 2009
- PART 2 - Relief Operation for Typhoon Ondoy Victims
Friends, please check out this link. We need all the help we can get for this mission. Thanks in advance for your help. God bless.
Wednesday, September 30, 2009
- Relief Operation for Typhoon Ondoy Victims
Dear friends,
If you could find time to check this link and give whatever help you can, we would greatly appreciate it. Maraming salamat po in advance.
Wednesday, September 16, 2009
Wednesday, September 09, 2009
nWo... new World... okay?
okay, ganito yun: nakatanggap ako ng text message kanina, at ito ang nilalaman niya:
“meet your new friends: andie, alex, sam and theo... btw, wats urs? bilis isip na din kayo ng names nyo na bago para masaya tapos yun na ang mga bagong name natin... pag nagkamali tayo, may P5 na fine pambili ng kotse natin pang gimik... bilis, masaya ito =)”
Sender:
(Sender’s name withheld)
(Sender’s number withheld)
Sent:
9-Sept-2009 21:43:06
siyempre, naisip ko: “what in Mark Lapid’s name is this?!?!?” kaya nag-reply ako kay sender at sinabi kong may idea ako kung sino sina sam at theo – tama ba ang spelling ko? is it theo or teo? pero sinabi ko rin na di ko pa kilala sina andie and alex, while introducing myself as papi – hindi yung “papi” na bumi-bingo palagi kay jdl ha? dito ko rin pala nalaman na brainchild ito ni sam. after finishing my late, late dinner, nakatanggap naman ako ng isa pang text which read: “Hi Papi!”, so nanghula na ako na si andie yung nag-greet na yun, at si alex ang nagpadala ng group text – at tumama naman ang hula ko kasi sobrang obvious naman kaya. pagkatapos ng ilang minuto, nakatanggap uli ako ng text message which read:
“im home na… andie, sam and teo ingatz pauwi… andie, txt kaw pag nakauwi kna… m, pahinga na kaw kc matagal dn ang 35 ½ hours ha… elisha at sampaguito, walang short name like m? Ü papi, kaw daw taga lista ng mga magkakamali ha… dani, tama na pag-aadik sa work at umuwi kna… sa iba pa, asan na mga new names nyo? =) gudnyt new world =)”
ayan, malinaw na malinaw ha? ako daw ang taga-lista ng mga magkakamali, ayon sa Mafia Boss. kaya ang post na ito ay magsisilbing listahan of sorts ng mga “new names” of “old but pretty and handsome faces” ng new world nating ito. ‘ika nga ni Mr. Philippines: “the more, the many-er…” kaya mag-post na kayo ng comments dito para malaman ng mga “ka-poochie” ang inyong bagong names at para ma-practice na nating ipangtawag ang mga new names natin sa isa’t isa.
nagmamahal,
papi
p.s. curious lang ako, ano… ibig bang sabihin, yung magbabayad ng pinakamalaking multa, siya ang magpa-pangalan dun sa bibilhing kotse natin pang-gimik?
Tuesday, September 01, 2009
Wednesday, July 22, 2009
Guided By Voices - Hold on Hope
heard this song again after a long, long while. last two lines best describe how i'm thinking/feeling right now. mabuhay ang lo-fi.
the photo was taken from gbv.com
Hold On Hope
Guided By Voices
Every street is dark
And folding out mysteriously
Where lies the chance we take to be
Always working
Reaching out for a hand that we
can't see
Everybody's got a hold on hope
It's the last thing that's holding me
Invitation to the last dance
Then it's time to leave
But that's the price we pay
when we deceive
One another/animal mother
She opens up for free
Everybody's got a hold on hope
It's the last thing that's
holding me
Look at the talkbox in mute
frustration
At the station
There hides the cowboy
His campfire flickering
on the landscape
That nothing grows on
But time still goes on
And through each life of misery
Everybody's got a hold on hope
It's the last thing that's holding me
Monday, July 20, 2009
Wednesday, July 15, 2009
Monday, July 06, 2009
Breathless in Batad - the Return of the Comeback
as the title suggests, this is my second time na magpunta sa Batad Village sa Banaue, Ifugao. yung first time was slightly over a year ago, kung saan nakilala ko sina Josiah, Terence, Thina and Marjan. this was supposed to be a reunion of sorts kaya lang ay wala sina Josiah and Marjan at hindi nakasama sina Jhen at Doni dahil may sakit si Jhen at nasa abroad pa si Doni at the time of this tour. whereas sampu lang kami last time, mas kaunti pa kami this time: King Louie, Abet, Mon, ako, Terence, Thina, at sina Joyce at Kay. as usual, hapit na naman ang work week na iyon – it always seems na every time may lakad ako eh kailangan ko munang bugbugin ang katawan at utak ko bago ako makalaya nang panandalian. after having dinner, hinanda ko na ang mga gamit ko para makapunta na sa Florida Bus Terminal. pagdating doon ay inabutan ko sina King Louie, Abet, Mon, Joyce at Kay na nagkukuwentuhan. mas maaga ang call time na ni-set ni King this time kaysa sa departure time ng bus compared dun sa nakaraang Sagada trip kung kaya’t kahit medyo late ako eh marami pang time para maghintay. habang nagkukulitan kami sa may gilid ng kalapit na ladies’ dorm ay dumating na rin si Terence at Thina. so ayun, kwentuhan lang kami habang hinihintay ang bus, at pagdating ng takdang oras ay nagsisakay na kami. wala namang masyadong maraming kwentuhan habang nasa bus na, so after kong i-ayos ang aking mga gamit ay nag-text lang ako kay Nanay, nagdasal at sinubukan ko nang matulog sa gitna ng maginaw na aircon. nagising ako nang mga ilang beses sa pag-stopover at sa pag-uusap-usap ng mga tao pero di na ako bumaba ng bus para mag-stretch ng katawan dahil mas malakas ang hatak ng naka-recline na upuan. kahit most of the way ay naka-hilata ako, parang di pa rin ako nakatulog nang maayos kasi parang paputol-putol ang idlip ko.
pagdating sa Banaue nung umaga kinabukasan ay mukhang maganda ang panahon. matapos ang panandaliang pagtigil sa may Hall of Justice ng Banaue ay dumiretso kami sa Viewpoint para makapag-picture taking – ang malas na lang siguro ni Kay kung umulan pa bigla, di ba? ayun, masaya naman ang pictorial kasi maganda ang sikat ng Haring Araw at saka kami pa lang ang mga tao dun kasi pati yung tindahan ng souvenirs ay pa-bukas pa lang. nakakita ako ng magandang sangkalan na gawa sa kahoy kaya bumili ako ng isa, at mukhang magandang klase dahil mabigat siya – yun bang tipong pag ihinataw sa ulo mo at tinamaan ka, eh mga tatlong araw kang tulog. bumili rin ako ng mga coin purse para pasalubong, at yung malalaki ang pinili ko. kumuha-kuha din ako ng mga picture sa tabi-tabi, at na-tripan ko yung native scooter na korteng kabayo as well as yung native conga drums nila doon sa tindahan. matapos ang picture-picture sa Viewpoint ay pumunta na kami sa suking Halfway Lodge para mag-almusal. masarap as usual ang pagkain, scrambled egg, hotdog at ang walang-kamatayang berdeng saging. nga pala, ang “tanong ng bayan” sa tour na ito ay: “Kung ikaw ay isang prutas, anong prutas ka at bakit?” – basta ako, sinabi kong saging ako dahil ako ay may puso. bahala na kayong alamin ang mga sagot nila, hahaha… matapos ang kaunting pahinga at pakikipag-meeting kay Mayor, bumili kami ni Abet ng dalawang kwatro kantos na Ginebra, Nestea iced tea at iba pang mga “essentials” sa kalapit na tindahan. pagbalik sa Halfway Lodge ay naghintay lang kami nang sandali bago bumiyahe patungo sa Batad Saddle. medyo mas nahirapan umakyat ang sasakyan namin kumpara nung isang taon kasi may mga bahagi ng daan na mas malubak at mas mabato. ganunpaman, narating pa rin namin ang saddle nang medyo tangha-tanghali na. matapos ang saglit na pahinga at konting pag-aayos ng mga gamit ay naglakad na kami pababa ng saddle. doon kami dumaan sa mas maikli ngunit mas matarik na daan – na dinaanan naming mga kabilang sa “first batch” last year. whereas last year ay bandang hapon na kami bumaba ng Batad, this time ay lunchtime kami pumunta. ang isang napansin ko ay para bang ang bilis ng trek namin this time compared to last year’s. sabi ni Abet ay ganun daw talaga kapag bumalik ka na – parang mas madali na nang kaunti kasi medyo familiar na sa iyo yung dadaanan mo. pakiramdam ko nga eh inilapit nung mga tao ang mga waiting sheds para hindi kami mahirapan masyado. para talaga akong niloloko ng katawan at isipan ko dahil hindi ako hiningal masyado sa pagbaba naming iyon – kaya pakiramdam ko ay malilintikan ako sa pag-akyat namin pabalik kinabukasan. ganunpaman ay natutuwa ako dahil sa pagbalik naming iyon – na itinuring kong panandaliang kalayaan mula sa toxicity ng aking trabaho. kumpara last year, dalawang beses lang akong natapilok this time, although matinding tapilok yung dalawan iyon na gumulong talaga ang maga sakong ko – at nangyari ang unang tapilok habang sinasabi ko sa sarili kong mas maganda yung traction ng bago kong sandals. mabilis naming narating ang karatula ng Batad Pension and Restaurant, na ibig sabihin ay malapit na kami sa aming tutuluyang bahay. tanaw namin mula doon ang saddle, at namangha ako na nalakad na pala namin ang ganun kalawak na distansiya sa limitadong oras lang. shortly afterwards, natapilok ako sa pangalawang pagkakataon nang malapit na kami sa aming patutunguhan. napalingon pa si Thina dahil sa pagtunog ng paa ko, nakakatakot daw, hahaha! nang makarating na kami sa Batad Tourist Information Center ay nag-register kami doon, nagpahinga nang kapiraso at nagpa-picture bago magpatuloy ng paglalakad patungong Batad Pension and Restaurant. napadaan kami sa Batad Elementary School at sa mangilan-ngilang mga hagdan bago namin marating ang aming tutuluyan.
pagka-baba namin ng aming mga gamit ay nagpahinga muna kami, at nakahiram kami ng gitara kaya naglibang-libang muna kami doon sa veranda / dining area. medyo traydor ang katawan ko kasi dito na ako nakaramdam ng konting pagod / pananakit ng katawan – nagmistulang pa-asa lang pala yung kanina. ang ganda rin naman ng aming timing kasi mamaya-maya lang ay bumuhos na ang ulan. painom-inom lang muna ako ng tubig habang nagre-relax at nagpapatuyo ng pawis. naki-kape na rin ako habang hinihintay namin ang aming tanghalian. mamaya-maya ay ipinasok ko na ang bag ko sa kwarto at inayos ang mga gamit ko sa kama. panalo ang tsibog namin nung tanghaling yun: sinigang na baboy at chicken curry na inihain sa tig-apat na mangkok – na sa dami ng serving ay solb na ang dalawang tao sa isang mangkok pa lang. siyempre, nabawasan ang pagod dahil sa sarap ng kinain namin, kahit ba medyo pumapalag pa yung sinigang na baboy habang nginunguya mo siya. matapos ang lunch ay naka-goli na rin ako sa wakas, at ang sarap ng pakiramdam kahit maginaw. matapos iyon ay jam-jam lang kami nina King at Abet tapos mamaya-maya lang ay sumama na rin si Terence at maging si Kay ay nandun din at kinuhanan pa nga kami ng ilang pictures. ilan sa mga sinubukan naming mga kanta ay Patience (Guns N’ Roses), Runaway Train (Soul Asylum), Every Breath You Take (The Police), at With or Without You (U2). kung hindi ako nag-gigitara ay nagpe-percussion ek-ek lang ako sa mesa o kaya’y sa gitara mismo as back-up kina Abet at King – at masaya naman kasi may makapal pa silang songbook doon na pwedeng hiramin ng mga guests tulad namin, kung kaya’t madaming kantang pwedeng i-cover. medyo inantok lang ako nung bandang hapon na kung kaya’t bumalik na muna ako sa kwarto para matulog. di ko namalayan kung gaano ako katagal nakatulog, pero mahigit isang oras din siguro yun kasi medyo takipsilim na nung bumangon ako. paglabas ko ng kwarto ay wala sina Abet, King, Terence at Kay kung kaya’t dinampot ko na lang yung isang gitara at tumugtog sa isang sulok ng dining area. mamaya-maya ay lumabas ng kwarto si Joyce at umupo malapit dun sa isang long table. natatandaan ko na para kaming nagka-kanya-kanyang moment dito – nagyoyosi si Joyce habang ako naman ay tumutugtog ng isang kantang komposisyon namin ng best friend kong si Alex. ewan ko, pero parang down ang mood ko nung mga sandaling iyon – ang dami ko rin kasing iniisip – mga ‘sino’, ‘ano’, ‘kailan’, ‘bakit’, at ‘paano’… kaya idinaan ko na lang sa pagtugtog ang aking mga personal dilemma, kaysa naman mag-drugs ako o kaya’y magpa-sagasa sa rumaragasang pison. madilim na nang bumalik sina King, Abet at Kay mula sa paglilibot sa labas. mamaya-maya ay nag-set up na rin sina King at Abet ng mga gamit para makapagluto na ng hapunan. nagbantay-bantay na lang kami nina Kay, Mon at Thina sa sinaing at adobong pinainit ni King habang sila naman ni Abet ay nagluto ng fried chicken at soup sa kusina sa ibaba ng bahay. solb na solb kami as usual sa napakasarap na hapunang iyon. matapos mailigpit ang mga gamit ay inilabas na ang itatagay na Ginebra pati ang mga kukutkuting chichirya. nagpaluto din kami ng pizza para may dagdag na pulutan, pero bago yun ay umaatikabong kulitan at tawanan muna ang nangyari sa kwarto nina Kay at Joyce kung saan andun lahat ng mga “noisy” boys and girls – palibahasa kasi ay walang “authority figure” na a la Mamita na sasaway sa amin kaya parang mental hospital doon sa loob. as in kulang na lang talaga eh mag-rolyo ng diyaryo si Abet at paghahatawin kaming lahat para magsitahimik. di nagtagal ay sinimulan na rin namin ang inuman at ako ang nagsilbing tanggero sa unang bote ng kwatro kantos, na binalanse namin ang tapang sa pamamagitan ng iced tea na walang ice pero swabe pa rin. habang umiikot ang tagay ay nilalasap namin ang sarap ng pizza, chichirya at tugtugan nina Abet at King. parang song of the night ang With or Without You dahil kinanta muli namin siya habang gin-a-jamming ang Ginebra at Nestea. sari-saring mga kakulitan at kwentuhan ang shinare namin nung gabing iyon, and during the course of that session, somehow ay nauwi din sa medyo seryosong usapan, i.e., nai-share ko yung mga ka-dramahan ko sa aking ex, pati ang hinayupak na screwjob na naganap sa aming nakaraan (alam na nyo kung sinu-sino kayong nakinig, kaya maraming salamat ulit). detoxification in the midst of intoxication ang naganap, basically – at nakakagaan din talaga siya ng loob especially kapag nai-share mo sa mga kaibigan. at mas naiintindihan / nakikilala mo rin sila kapag nag-share din sila sa iyo ng mga personal na kwentong pag-ibig nila, or kahit anong kwento pa. okay naman ang aming session sa pangkalahatan, except dun sa eksenang umentra si “Mr. Eight Hours” – i leave it at that kasi hindi naman siya importante para pag-aksayahan ko pa ng espasyo dito. matapos maubos ang alak at magligpit, nagsipag-toothbrush na kami bago matulog. nauna na ako sa kwarto kasi inaantok na rin talaga ako, kaya pagkaayos ng ilang gamit para kinabukasan ay humiga na ako sa kama at nagdasal. hindi rin nagtagal at nakatulog na ako.
kinabukasan, paggising ko ay dumiretso ako sa dining area para tumambay at makipag-kwentuhan. yun din ang nagmistulang unang episode ng morning show na “Good Morning, Mr. Philippines” – hehehe, joke lang po =O). masarap ulit ang almusal courtesy of the King: pritong dilis, itlog, adobo, at tocino, which brings us to the quote of that weekend: nagtanong si Girl J ng “Chicken yan?” na sinagot naman ni Girl K ng “Tocino!” – yun na! tumigil ng 2 seconds ang utak ko, promise – pero napatawa kaming lahat dun, at naging instant classic siya. katunayan niyan ay ginamit pa itong album title ng isa sa kanilang dalawa =O). matapos ang almusal ay pahinga muna nang kaunti, nag-CR, naghanda ng mga gamit at nagharutan muna kami at nag-picture taking bago mag-trek papuntang Tappiyah Falls. sabi ni King ay susunod daw siya sa amin, pero magluluto daw muna ng lunch namin – basta, tipong ganun. since medyo bandang ibaba na yung tinuluyan namin, medyo mas maikli na ang nilakad namin kumpara last year, pero napansin ko na parang mas mainit nang kaunti ang sikat ng araw ngayon. kaya ayun, enjoy-enjoy sa mga tanawin at mga stopover, picture-picture konti at tawanan / kulitan hanggang sa makarating na kami sa Tappiyah Falls. pagdating doon ay nakasalubong namin ang isang lalaking turista na sa tingin ko ay lahing Arab dahil sa kanyang features. pabalik na siya sa itaas kaya nung makasalubong niya kami ay nag-nod siya as greeting and nagpatuloy na sa pag-akyat. after about a year ay nakabalik na rin ako sa Tappiyah, at parang mas lalo pa siyang gumanda ngayon. napansin kong mas mataas ang tubig ngayon dahil mas malapit na siya dun sa malaking bato na pinag-iwanan namin ng mga gamit, at mas malamig ang tubig ngayon – mas malamig pa sa tubig na galing sa ref, kung kaya’t kahit makapal ang taba ko ay gininaw din ako sa paglusong. dahil sa pangamba kong mapigtas ang aking tsinelas, hinubad ko iyon bago lumusong sa ilog, at sobrang sakit sa paa na para kang na-hard massage sa talampakan dahil sa mga bato – okay lang naman kasi sa ganda ng Tappiyah Falls, mawawala talaga ang pagod mo kapag narating mo na siya. mas misty din ngayon ang paligid kumpara last year, at hindi ko alam kung bakit – kaya yung ibang kuha ko sa paltik ay basa ang lente at maulan ang hitsura. ayun, we all had our share of solo poses, wacky shots at group pics – oo, nag-tirahan kaming lahat sa Tappiyah – while enjoying the scenery. may blooper pa ako dito kasi nung naghahanap si Kay ng lalagyan ng cigarette butt eh kinailangan pa niyang ubusin yung Mr. Chips para magamit yung supot – medyo late kong na-realize na may extra pala akong plastic sa bag ko (churi naman, tao lang, nagkakamali din). matapos ang pag-aaliw namin sa Tappiyah ay nag-trek na kami pabalik – at eto na ang simula ng kalahati ng aming “workout” para sa araw na iyon. hiningal-hingal na ako dito sa pagbalik na ito, mabuti na lang at may tubig at bilihan ng tubig sa dinaanan namin. naalala ko na tinanong pa nina Thina yung mga bata tungkol sa pagpasok nila sa paaralan araw-araw, at nakakatuwang isipin na araw-araw nilang lalakarin ang malayong distansiya para makapag-aral – nakaka-inspire sa mga tulad kong “napapagod” sa araw-araw na kayod sa trabaho. nakaka-inspire na mabuhay in spite of kung ano mang mga ka-letsehan ang nararanasan ko. patuloy kami sa paglakad matapos ang maikling pahingang iyon, at iba ang dinaanan namin pabalik. sinalubong kami ni Mang Ramon malapit sa kapilya at ginabayan kami pabalik sa aming tinutuluyan, at dahil nga iba yung dinaanan namin pabalik ay panibagong challenges na naman ang aming kinaharap – and i had my fair share of talisod and tapilok moments as well. nakakita rin kami ng puno ng saging na may puso, at maraming salamat Kay sa pagkuha ng aking picture / Mark Lapid moment =O). pagbalik sa bahay, ni hindi ko na-recognize ang lugar at nagsabi pa ako ng: “Nasaan na ba tayo?” – at siyempre, comic relief siya kasi andun na pala kami sa area malapit sa kusina at di ko lang nahalata. pagdating namin ay nakapagluto na si King ng panalong-panalo na tuna pasta at pina-init na rin ang natira naming pizza nung nakaraang gabi. siyempre, hindi naubusan ng walang-kamatayang Nestea iced tea na walang ice pero malamig naman, kaya naka-dalawang balik pa ako sa tuna pasta ni King na mas masarap kapag dinamihan mo ang keso sa ibabaw – just make sure na walang naka-sahod sa ilalim nung cheese grater mo, hehehe! matapos ang lunch ay naghanda na ako para sa pagbalik namin sa saddle: meeting kay Mayor, ligpit ng mga gamit / kalat, bihis, etc. salamat kay King at tinuruan niya kaming gumawa ng improvised backpack cover gamit ang garbage bag. masaya ako at may bago na naman akong natutunan.
malakas ang buhos ng ulan kung kaya’t medyo nagpatila muna kami bago tumuloy. kasabay din pala namin si Mang Ramon pagbalik ng saddle. sumaglit din muna si King sa Barangay Hall para makipag-usap kay Kapitan, at pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa medyo maputik at madulas na daan. dito ko naramdaman ang distansiya ng mga waiting shed sa isa’t isa – na para bang inilayo naman sila sa amin para mahirapan kami pabalik, o baka kasi mas mahirap lang talagang bumalik kaysa sa pumunta. pabugso-bugso ang malakas na ulan kung kaya’t nabasa din ang damit ko matapos ang ilang minutong paglalakad sa gitna nito. sa bandang huli na ako ng pila kasama ni Abet dahil hindi rin naman ako mabilis at dahil di rin naman ako nakikipag-unahan. nasabi ko din na kahit hinihingal-hingal ako nung mga sandaling iyon, hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit na anong materyal na bagay. bihira kasi ang mga sandaling pakiramdam mo ay malaya ka, lalo na kapag dominante sa buhay mo ang makinarya ng career / trabaho – na minsa’y nakakasira ng bait kung tutuusin. anyway, matapos marating ang ikatlong waiting shed ay hindi na kami nagpahinga nang matagal ni Abet at tinuloy-tuloy na ang pagbalik hanggang sa maabutan na namin sila. nang makarating kami sa puntong pwedeng pumili sa pagitan ng dalawang daan, doon na muna ako sa mas mahaba pero hindi matarik samantalang yung iba naman ay doon sa mas maikli pero matarik na daan. kasama ko sa daang mahaba sina Mon, Joyce at Kay samantalang sina Mang Ramon, King Louie, Terence, Thina at Abet ay sa daang maikli. nag-pacing-pacing lang ako para hindi na ako masyadong hingalin, mga 15-20 steps tapos pahinga ng 10 seconds, tapos tuloy na ulit hanggang makarating na sa saddle kung saan nakita naming nagja-jumping jacks at push-ups sina Terence at King para lang makapang-asar sa amin – mga baliw, hahahaha!!! ayun, pag-akyat ko ay bumili agad ako ng Big Bang sa tindahan ni Ate at binigyan ng isa si ka-tribong Thina. biruan pa nung mga sandaling iyon na magpapabili daw si Terence ng Pau liniment parakapag nasa bus na eh ipapahid niya sa katawan – at humirit pa kaming mga adik na why not magpuno ng isang bath tub ng Pau liniment at doon maglublob – mga mentally-retarded talaga =O))!!! matapos ang kaunting pahinga ay sumakay na kami sa jeep ni Kuya Richard para makabalik na sa Halfway. habang nasa malubak na biyahe ay non-stop ang kwentuhan at mga “Banjo jokes” pati kung anu-anong pang mga kaululan / katatawanan. paglampas ng Batad Junction ay inihatid namin si Mang Ramon sa bahay niya at tumuloy na papuntang Halfway. pagdating doon ay nag-ayos-ayos agad ako ng mga gamit at inihanda ang aking pang-ligo para hindi na masyadong mahirapan. umuna nang maligo yung iba at nagpasya na lang kami ni Abet na tsumibog na, tutal ay inihahain na yung dinner namin. ang sarap ng hapunan namin: pritong tilapia, pinakbet at sopas. nagtimpla lang ako ng sawsawang toyo at maanghang na suka para sa isda ko para mas swabe ang kain – grabe, panalo talaga yung isda kasi ang lutong at halata mong sariwa siya – hindi yung mala-Priscilla Almeda na “Sariwa” pero sariwa pa rin siya. matapos ang dinner ay dumiretso na ako sa banyo para makipag-meeting kay Mayor at maligo. ang sarap ng epekto sa pagod na katawan ng malamig na tubig kaya medyo nagtagal pa ako sa banyo. pag-akyat ko sa dining area ay nagligpit-ligpit na ako habang napag-usapan ang posibilidad na baka hindi kami makauwi dahil sa mga landslides na naganap earlier that day. mabuti na lang at matutuloy ang aming biyahe pauwi – same time, 8:00 PM – at sinabi ng mga kinauukulan na bake tumigil-tigil lang along the highway ang bus dahil sa mga ongoing na clearing operations. medyo nakakalungkot kasi mangilan-ngilan ding mga bahay ang napinsala ng mga landslides – pinanalangin ko na lang na sana’y walang nasaktan sa mga pangyayari. since mahaba pa ang biyahe, nagsalang ng DVD ang konduktor at Braveheart (ni Mel Gibson) ang featured na palabas. nagustuhan ko itong pelikulang ito nang mapanood ko ito sa sinehan mahigit sampung taon na ang nakakalipas, kaya imbes na matulog kaagad ay nanood muna ako – at lalo kong napagtanto na si Sir William Wallace ay isang Tunay na Lalake. ayun, pagkatapos ng pelikula ay nagdasal na ako at sinubukan ko nang matulog para makapagpahinga kahit papaano. nagising ako nang nasa bandang Balintawak na ang bus namin at nagligpit ng kumot at unan ko nang medyo malapit na sa Cubao terminal. nagsibaba kami nina Thina, Terence at Joyce sa Cubao at nagpaalam na muna sa isa’t isa. sumakay na ako ng taxi papuntang Sikatuna Village para maka-idlip muna sa opisina, dahil sa ayaw ko man at sa gusto, balik na naman sa dati ang buhay ko.
for the nth time, salamat sa RACE, King Louie, Abet, Terence, Thina, Mon, Joyce at Kay sa isang unforgettable weekend. balik ulit tayo next year – sana’y mas marami pa tayo para mas masaya.
P.S.: sana’y matuloy ang medical mission natin doon. gagawan ko ng paraan para makasama, pangako. nga pala, salamat din pala kina Abet, Joyce, Kay, Mon at Terence para sa additional pictures na naka-post dito. hanggang sa muli, tuloy-tuloy lang.
Thursday, July 02, 2009
UP Sociology Get-Together 7-1-09
get-together dinner / drinking / kwentuhan / reminiscing / laglagan session ng sociology classmates / friends @ Trellis Kalayaan organized by Shelby
present were: Aileen, Shelby, Kitchie, Eloisa, MG, Pia, Shane, Gina, Francis, Auric, Ditoy, Mic
present via phonepatch were: Stine and Jette
thanks for a great time. sa uulitin.
Sunday, June 21, 2009
Tatay, this one's for you.
Tatay, alam kong hindi tayo madalas mag-kuwentuhan o mag-usap man lang, pero sana maramdaman mo na mahal na mahal ko kayo. alam kong ang mga bonding moments natin eh kapag nanonood tayo ng TV pag may boxing habang kumakain ng mani o kaya kapag inaasar natin si Nanay tuwing may mga "diet-kuno" moments siya, pero kahit ba kakaunti lang ang times na yun, at least masaya ako, masaya tayo. alam mo, i'm not good with words especially kapag ganitong may kahalong emotions, but i hope you understand that i'm not just about words. most of the time, yakap at halik lang ang kaya kong ibigay sa iyo, aside from an occasional cake or tub of ice cream, but i want you to know that even those wordless moments mean everything to me. i am not the best son in the world, but i do try to be a good one, even if i have my limitations. dati-rati, i didn't want to be like you dahil nga para kang bato at times... but lately i have realized that the more i try not to be like you, the more i end up being like you. and it's just now that i have learned to appreciate you more because of that. we share the same sarcastic brand of humor, the same stoic appearance at times, the once-in-a-blue-moon unexpected philosophical lines, and even the same surgical scar. Tatay, my words may not be worth a lot, but you do mean a lot to me. and that's the bottom line.
mga kaibigan, whether you call him Tatay, Itay, Ama, Daddy, Dad, Dada, Papa, Papi, or Popsie, never forget to honor him alongside your wonderful mothers. i'd also like to thank your parents for raising wonderful people like you. maraming salamat sa lahat, Tatay.
Wednesday, June 17, 2009
Tuesday, June 16, 2009
para sa lahat ng mahihilig sa "BACON"
para ito sa mga kaibigan kong mga "tirador ng bacon" na sina Mei at Sally na medyo masama ang araw kanina. salamat Mei sa pag-transcribe ng lyrics ng jingle - oo na, LSS mo na 'to for the next 6 months... at least hindi ka na parang si Mamita sa pagta-tabing-dagat mo kanina.
pag suot mo baby,
wala kang problema. (we love our jonel's brief 2x)
ang sarap gamitin at murang-mura pa (we need our jonel's brief 2x)
ito'y matibay, hindi nagbe-bacon,
bili na at inyo 'tong subukan
jo-jo-jo-jo-jonel's brief (2x)
bili na kayo ng jo-jo-jonel's brief
(also available, jonel's for her!)
Sunday, June 07, 2009
Wonder Girls
i recently found out about this girl group sa YouTube. and i find them cute and sexy. natuwa lang ako sa kanila so i decided to post a couple of their music videos here:
Friday, May 22, 2009
Freestyle Battle, Quezon City: Aga Go and Mon Cito vs. Maestra Najera and Lapid-ah!
at eto naman ang excerpts ng YM conversation namin ni Idol Mon:
Thursday, May 14, 2009
RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 3
May 3, 2009, Linggo: matapos ang ilang libong beses na pag-snooze sa aking cellphone alarm, ginising kami ng kakaibang alarm ng cellphone ni King Louie at bago mag-almusal ay nag-perform ang tinaguriang “Aga Go Dance Explosion,” which, at that time, consisted of Abet, Ronnel, and Me. after breakfast ay nagpunta na kami sa St. Mary’s Church para sa mangilan-ngilang photo-ops bago tumuloy sa Echo Valley. nakakalungkot lang kasi nadaanan namin ang medyo maraming mga pinutol na puno at trosong nagkalat sa trail. ibang-iba siya kumpara noong 2008, nakakapang-hinayang lang. pagdating sa Echo Valley, nag-photo shoot ang mga “babae sa bangin” na sina Sally, Kay at Thina, nag-perform muli ang Aga Go Dance Explosion at kasapi na si Doni, at ni-reprise namin nina Abet at Doni ang “Saging Lang Ang May Puso” scene ni Mark Lapid nang walang kahiya-hiya whatsoever. afterwards ay tumuloy kaming mga boys sa Lemon Pie House upang kunin ang mga inorder ng mga guests kinagabihan at tumuloy na sa Masferre para sa early lunch. masuwerte kami at nag-set up pa ng TV sa kinalalagyan namin para daw mapanood namin ang labanan nina Pacquiao at Hatton (also known as “When Manny Met Ricky”) kung saan na-knockout si Hitman ni Pacman sa ikalawang round – mabuti na lang din at hindi nagka-injury si Ricky Hatton. all in all, another great out-of-town trip with friends, with Lemon and Egg pies to boot. ayun.
RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 2
May 2, 2009, Sabado: nagising ako nang madaling-araw na at hawak ko pa rin ang aking toothbrush at toothpaste. natawa na lang ako sa sarili ko at sinikap na lang matulog ulit. maginaw na umaga ang sumalubong sa amin, kung kaya’t medyo nakakatamad pang bumangon. dumiretso ako sa banyo nang makaramdam ng “call of Mayor” at habang nakaupo ako sa trono ay biglang namatay ang ilaw sa CR. inisip ko kung nag-brownout ba o may naka-sagi lang ng switch ng ilaw. ganunpaman, nag-concentrate na lang ako sa pagtae at nag-toothbrush na din pagkatapos. it turned out na si Thina pala ang naka-sagi sa switch ng ilaw sa banyo. shortly afterwards ay nag-almusal na ang lahat at naghanda ng gamit para sa trek papuntang Bomod-ok Falls.
medyo mahaba ang trek papuntang Bomod-ok, pero kinaya naman namin dahil nakakapag-pace at nakakapahinga nang maayos every now and then. okey din kasi kahit matindi ang sikat ng araw ay malamig pa rin ang hangin kaya hindi ka masyadong matatagtag. siyempre, paano ka ba naman mapapagod kung mga kasing-kulit at kasing-saya nina Ronnel at Joyce ang kasama mo? hindi rin nawala ang sangkatutak na picture-taking habang nagte-trek kung kaya’t talagang enjoy kami papuntang Bomod-ok. pagdating namin doon ay napakaraming tao, kaya’t umakyat na lang kami sa malaking bato nina Thina, King at Mon at tumambay doon habang nanonood sa mga taong nagpi-picture taking, nagpi-picnic, at nag-e-enjoy sa Bomod-ok Falls. tinamad na akong lumapit sa falls kung kaya’t nakuntento na lang ako sa pagtambay sa ibabaw ng malaking bato at magbantay ng mga gamit, tutal maganda rin naman ang tanawin mula doon – nag-photoshoot sila doon sa may batuhan ng mga pang-calendar at jump shot pics. maganda ang Bomod-ok Falls, at iba rin ang dating niya kumpara sa Tapyah or Mag-Aso – but i have such great memories sa tatlo, that i’d visit them again in a heartbeat. after a group pic sa may batuhan, we started to trek back para makapag-lunch na. although medyo tumitigil-tigil kami every now and then to give way sa mga papunta pa lang sa falls, parang ang bilis pa rin naming nakabalik – i guess magandang motivation ang buffet lunch, hehehe. along the way back ay may picture-picture taking pa rin courtesy of Abet, Sally and Ronnel – friends, salamat ha? =O) pagkabalik sa mga sasakyan, topload gang na naman kami nina Terence, Thina, Mon, Joyce and Jo on the way to Masferre Inn. kahit tanghali na ay presko at malamig pa rin ang hangin kaya’t tanggal ang pagod namin sa pag-trek. pagdating sa Masferre ay nakapag-hilamos at nakapaghugas ako ng kamay bago kami mag-lunch. masarap ang pagkain namin: chicken with lemon sauce, chop suey, beef steak, and soup – and as usual, ka-table ko sina Terence, Thina and Mon. medyo na-cut short ang aking lunch dahil may biglang tumawag sa akin, kung kaya’t hindi ko na rin kinain ang dessert kong fruit salad. anyway, we were able to rest and hang out a bit at nakapag-pictorial din ako pagkahiram ko ng pink na gwantes ni Mei – oo, ang tunay na lalaki ay nagpapa-picture na suot ang pink na gwantes, hahaha! mga 2:30 PM ay umalis na kami patungong Sumaguing Cave.
pagdating sa Sumaguing ay in-orient kami ng aming tour guides tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa paglalakbay sa kweba – and the bottomline was, bawal ang pasaway. sinamahan nila kami sa pagbaba sa cave at inalalayan sa pamamagitan ng pag-ilaw at pag-gabay sa daan. ang mga kasabay ko sa pagbaba ay sina Rachelle, Mon, Thina and Terence. since second-timer na ako (hindi two-timer, ha?) sa Sumaguing ay medyo pamilyar na ako sa terrain, although kumpara last time ay parang mas madulas ang mga bato at mas malamig ang tubig sa loob. just the same ay maingat pa rin ako sa paglalakad at inalalayan din ang kaibigang first-timer whenever i could. i still had my share of slips and ankle twists, pero okey lang at nakaya ang spelunking kahit papaano. it’s quite funny kasi last year, i was almost unscathed when i went through Sumaguing (except for a big Mang Kepweng splash somewhere in the “maze” inside), but this time i had my share of memorable slips – na-shoot ako dun sa mapanghing pool doon sa may mga lubid na daanan at tumama ang aking big toe sa madulas na bato. masakit siya pero mas natawa ako sa sarili ko kaya okey lang. by this time ay ramdam ko na ang lamig ng tubig dahil feeling ko ay naninigas na ang lahat ng taba ko sa katawan, in addition to the foggy breathing na napapanood ko lang sa mga Koreanovelas dati. talagang worth it ang lahat ng mga dulas at tapilok dahil pagka may picture taking eh parang ang bibilis ng reaction time ng mga tao. so ayun, for the second time ay na-survive ko ang Sumaguing Cave at kahit madumi at basa ay masaya naman ako. since malapit na ang hapunan ay binigyan kami ng dalawang options ni King Louie: 1) bumalik sa Churya-a para mag-wash up; or 2) gumala-gala na lang near Masferre until dinner time. siyempre ay sumama ako sa mga kapwa ko mga dugyot at adik sa pag-gala-gala. habang nasa itaas kami ng sasakyan ng mga usual suspects ay napunta sa wrestling ang pagkukulitan nina Mon at Joyce kung saan sabi ni Joyce na i-e-STFU daw niya si Mon – so to illustrate how it is done properly, sinabi ko kay Joyce kung paano siya ina-apply at kung anong body parts ang nai-i-stretch ng submission move na iyon, the difference between an STF (Step-over Toehold Facelock) and an STS (Step-over Toehold Sleeper), as well as ang effects niya if applied properly – that you’d either tap out or pass out, depending on your choice. anyway, bumalik kami sa Lemon Pie House para mag-chillax, mag-kape, at kumain ng pie, as well as mag-order ng ite-take home na pies kinabukasan. since hindi pa naman ako nakakatikim ng pies nila, i decided na mag-order ng isang buong lemon pie at isang buong egg pie para masubukan din ng aking family ang sarap ng Sagada pies. for this time ay nag-tubig na lang ulit ako dahil nga malapit na rin ang dinnertime, habang sila ay nagkakape, kumakain ng pie, at nagpi-picture taking. since kailangan nang bayaran ang mga advanced orders kinabukasan ay tumulong na lang akong mangolekta ng bayad sa mga tao gamit ang listahang ginawa namin. matapos magbayad at mabigyan ng sukli ang lahat, inihabilin ni Manang ang claim slip kay Ronnel para madaanan namin ang order kinabukasan nang mga 11:00 AM. pagkatapos ay naglakad na kami papuntang Masferre para mag-dinner. pagdating doon ay medyo napangiti ako nang makita ko ang malaking dispenser na puno ng iced tea – paborito ko kasi yun eh. mamaya-maya lang ay inihain na ang hapunan namin: tinadtad na inihaw na liempo, dambuhalang pritong isda na may kakaibang sauce, pinakbet at manggang hinog. WOW, as in nag-halimaw talaga ako sa isda, liempo at pinakbet sa sobrang sarap – at panalo pa yung matamis na suka na sawsawan ng liempo na halos ipang-sabaw namin sa kanin sa sobrang sarap. at panalo talaga ang hagod ng manggang hinog at iced tea – nakakatanggal ng pagod. after dinner ay diniscuss ni King Louie ang itinerary kinabukasan and shortly afterwards ay bumalik na kami sa Churya-a para mag-wash up at mag-prepare para sa wasakan, este, para sa socials pala =O).
may pila sa aming banyo kaya naghintay na lang muna ako bago ako makaligo. nag-set up na lang muna kami ng puwestong maiinuman sa labas ng aming mga bahay-bahay habang nagihihintay, sabay labas ng mga “baon”. meron ding “special show” si Papa Abet na suot ang kanyang mahiwagang kapa, kung kaya’t solb ang mga kababaihan sa kanyang exhibit A. matapos ang mga nauna sa akin ay nakaligo na ako sa wakas. masarap ang bagsak ng mainit-init na tubig sa katawan ko pagligo ko sa banyo, kaya medyo tinagalan ko ang shower time dahil malagkit ang katawan ko sa mga pinag-gagawa namin maghapon. yung naunang naligo sa akin, na-ground pa doon sa heater kahit alam na niyang may na-ground na doon dati. ang gago, di ba? anyway, paglabas ko ay naka-puwesto na sa long table ang mga tao para sa socials at ang drink of choice nung mga oras na iyon ay Lang-ay pa rin, pero nakapila na rin ang natirang Fundador noong nakaraang gabi pati na yung lambanog na dinala ko. maginaw ang gabi kaya nag-jacket pa ako kahit makapal na ang taba ko sa katawan. mabuti rin at nagtayo ng tolda sina King at Abet para kung saka-sakaling umambon eh okey lang – medyo may mangilan-ngilan nga lang nabiktima at sumabit dun sa isang tali na sumusuporta dun sa tolda. sa kabuuan ay masaya ang socials dahil ang kukulit ng mga ka-inuman, at dahil halos lahat kami ay sinubuan ni Sally ng iba’t ibang klase ng pulutan at pinainom ng Happy Horse Beer. nagmistulang taping ng sitcom / lesson sa iba’t ibang parte ng isda ang eksena nung gabing iyon. sabihin na lang natin na kung ang utak ng isda ay napunta kay Ronnel, yung hasang naman ay napunta sa akin – di ba, Teacher Sally? kulang na lang yata ay nagpe-play sa background ang kantang “Wasak Na Wasak” ng Radioactive Sago Project habang maya’t maya ay kinakanta namin ang “That’s Why (You Go Away)” ng Michael Learns To Rock na bahagi nga ng iconic na eksena nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa pelikulang “Sariwa” kung saan sinambit ni Priscilla ang imortal na linyang: “Pwede naman nating nakawin ang ligaya.” [I won’t forget the way you’re kissing… The feelings so strong were lasting for so long… And I’m not the man your heart is missing… That’s why you go away I know…] – hahaha! adik to the max ba? anyways, nauna na rin yung iba sa amin na magpahinga while nagligpit-ligpit kami ng mga kalat. inalalayan din namin ang mga dapat alalayang mga kaibigan na medyo napagod at napatawag ng uwak pagkatapos socials – at mabuti naman at medyo nakapahinga rin sila after our getting-to-know-you activity. sa pagkakatanda ko (please correct me if I’m wrong), kami-kami nina Joyce, Ronnel, Mon, King Louie, Mei, Kay, Rachelle, Doni and Abet ang natira upang ituloy ang inuman at kwentuhan session. dito ay naglista na ako ng mga “noisy” kasi nga medyo kanina pa kami makukulit at maiingay. narito ang official tally ng mga points ng mga taong maiingay nung gabing iyon: Joyce Cairo, 80 pts.; Mei Alday, 65 pts.; Ronnel Go, 55 pts.; Louie Manalansan, 40 pts.; Mon Lagula, 35 pts.; Doni Bañez, 35 pts.; at Abet Lagula, 15 pts. aminado ako na lasing na rin ako nung mga oras na iyon kaya medyo makulit at maingay na rin ako – at natatandaan ko rin na may dalawang magkasunod na tagay na kung saan ang pangalawa ay dinedicate ko sa isang tao, ini-straight at ibinagsak ang shot glass sa mesa. wala lang, longing / yearning ko lang dun sa isang tao nung gabing iyon – my way of remembering her without being pretentious / showbiz about it. after naming maubos ang alak ay nagsitulog na kami sa kanya-kanya naming mga bahay. i have to admit na malupit ang sipa nung magkahalong alak at beer sa ulo ko, pero itinulog ko na lang sa gitna ng matinding lamig.
Tuesday, May 12, 2009
finally.
Wednesday, May 06, 2009
RACE Sagada Tour (April 30-May 4, 2009) day 1
tinatamad akong magsulat nito kasi medyo may hangover pa ako mula sa inuman kagabi. nahihirapan akong mag-isip, pero what the heck… ito ang pangalawang punta ko sa Sagada kasama ang ilang mga kaibigang nakilala ko sa RACE. tamang-tama at scheduled siya sa long weekend na kinabilangan ng Labor Day kung kaya’t welcome na welcome ang extended weekend na ito as a temporary break from the (spanky) rigors of my day job. sayang lang at hindi kami kumpleto – mas naging masaya siguro kung nagka-ganun – but still, this was a trip that “I won’t forget…”
natulog na lang ako kanina dahil sa sobrang sakit ng ulo. ngayon ay itutuloy ko na ang pagsusulat ko and hopefully matapos ko na ito.
as you read this, i have decided na mag-post na lang in sections kasi medyo dumadami na ang pictures. gusto kong magpasalamat sa mga sumusunod na tao dahil sa mga pictures na ni-grab ko at ni-repost sa album na ito: sina Abet, Ronnel, Joyce, Mon, Sally and Terence.
April 30, 2009, Huwebes: dapat sana ay tatambay na lang ako sa office hanggang 9:30 PM tutal ay 10:00 PM naman ang assembly time sa Florida Bus Terminal sa Lacson, kaya lang ay may unexpected na biglaang hapit na trabaho kaya alas-diyes na ako nakaalis ng opisina. salamat na lang sa ka-opisina/kaibigan kong si Vlad at naka-sabay ako sa kanya hanggang Lacson. pagdating ko sa terminal ay nakita ko agad si Ronnel at hinanap namin ang iba pang participants sa gitna ng napakaraming mga tao. nakita naman namin sila sa gilid ng terminal, sa tapat ng isang women’s dormitory. ang mga andun nang kakilala namin ay sina Joyce, ang birthday celebrant Idol Mon, Mei, Sally, Rachelle, Doni, Lanie, Grace, Jo, Terence, Thina, King Louie at Abet. andun din si pareng Ja-mes na ihinatid ang kanyang mga parents at kapatid na kasama sa tour na ito. so ang eksena habang naghihintay ay kwentuhang Farm Town, kulitan at konting friendly alaskahan – pinagtripan na naman ako ng mga “fans” ko as usual tungkol sa mga bagay-bagay na pwede nilang ipang-alaska sa akin. medyo nawindang pa itong si Ronnel dahil nawalan siya ng wallet at nahalata lang niya nang maka-order na siya sa Burger Machine – mabuti na lang at may nakakita ng wallet niya at isinauli sa kanya nang buo. pagdating ng aming bus ay nagsisakay na kami according sa seat plan na ginawa ni King Louie. katabi ko sa upuan si Idol Mon, sa likod namin si Abet, habang sa katapat na upuan sina King Louie at Ronnel. since medyo antok na ako ay sinubukan ko nang matulog habang si Mon ay naglalaro ng SmackDown vs. Raw kay Espie (ang kanyang PSP). habang nanonood ako kung paano ilampaso ni Mon si John Cena gamit si Edge para sa World Heavyweight Championship ay nagte-text ako sa ilang mga importanteng tao para ipaalam na nagbibiyahe na kami papuntang Sagada. matapos yun ay nagdasal na ako, pumikit at natulog.
May 1, 2009, Biyernes: madaling-araw pa lang ay naalimpungatan na ako sa pag-uusap ng mga tao tungkol sa pink na gwantes ni Meimei na parang kamay ng tuko ang hitsura kasi medyo mas mahaba ang daliri nila (ng gwantes) kaysa sa may suot. napasarap ang tulog ko hanggang sa puntong iyon ng biyahe, at nakunan na rin pala ako ng picture habang nasa kasagsagan ng paghihilik ko. anyway, sinubukan kong maidlip ulit dahil nasa Nueva Vizcaya pa lang naman kami. medyo maliwanag na nang makarating kami sa Ifugao, at natatandaan kong pinagkukunan ng picture ni Ronnel ang natutulog na si King habang ako naman ay nagpipigil ng pagtawa. pagdating sa Banaue terminal ay nagsibaba na kami ng bus at dumirestso sa mga sasakyan naming mga jeep, at biniro ang mga first-timers sa Banaue na mga 10 steps lang naman ang lalakbayin namin bago makarating sa Halfway Lodge na siyang naging suking kainan na ng RACE tours sa Banaue. medyo foggy ang kapaligiran nung umagang iyon kaya parang nakaka-antok pa rin ang pakiramdam, at pagdating sa Halfway Lodge ay medyo umaambon-ambon na. pagkababa ng mga gamit ay nag-almusal na kami, at ka-table ko sina Terence, Thina at Mon. shortly afterwards ay tumawag na si Mayor sa akin kung kaya’t kinausap ko na lang siya agad sa kanyang opisina.
matapos maikarga sa sasakyan ang aming mga gamit at packed lunch ay pumunta na kami sa Viewpoint sa pag-asang makunan ang rice terraces ng Banaue pero medyo makapal ang fog kaya’t tumambay-tambay na lang kami sa mga tindahan at nag-picture-picture habang sinasambit ang “yehey!” since medyo malabo nang mahawi ang ulap sa Viewpoint ay tumuloy na kami ng biyahe papuntang Sagada. doon kami nakasakay sa mas maliit na sasakyan kasama sina Abet, Terence, Thina, Doni, Lanie, Kay, Rachelle, Jo, Grace, Mon, Joyce, Sally at Mei. medyo maulan ang biyahe kung kaya’t dinaan na lang namin sa kwentuhan, tawanan at pag-idlip ang pagdaan sa malubak na kalsada patungo sa Sagada. first stopover namin ay sa Bay-yo viewdeck kung saan nag-unat-unat at nag-picture-picture ang mga tao habang pinagkukuwentuhan ang iconic na eksena nina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor sa pelikulang “Sariwa” kung saan featured theme song ang That’s Why (You Go Away) ng Michael Learns To Rock. ang next stop namin ay ang Mt. Polis kung saan matatagpuan ang mala-Farm Town na mga taniman ng gulay at ang malaking estatwa ni Mama Mary. kumain kami ng lunch doon sa dati naming kinainan noong 2008 Banaue-Sagada tour – kumpara dati na maaliwalas at maaraw, this time naman ay maulan. since medyo limitado ang seating capacity ng venue ay napagpasyahan ng ilan sa amin na medyo magpahuli na lang kumain. okey lang maghintay kasi may green peas namang umikot courtesy of Lanie, at masarap naman ang packed lunch namin: fried chicken, buttered vegetables, kanin at Coke. matapos kumain ay nagsipag-CR lang kami to answer the call of nature (a.k.a. the call of Mayor) bago bumiyahe ulit patungong Sagada. nang umandar na ang aming sasakyan, inakala ko pang naiwanan ko ang aking cellphone dahil hindi ko siya makapa sa aking bulsa – yun naman pala ay nasa bulsa ng jacket ko siya nakalagay. kaya naman medyo alaskado pa ako sa mga kaibigang nakasama ko sa Caramoan last December kasi may similar incident doon kung saan may “nakaiwan” ng gamit pero hindi naman pala – na-maling akala lang. nagkaroon pa ng medyo nakakatawang kwentuhan ang tatlong dilag sa tapat ko (na itago na lang natin ang identities, unless gusto nilang mag-react dito at lumantad) tungkol sa kani-kanilang mga “kinabukasan”. matapos ang tagpong iyon ay kanya-kanya kaming idlip muna hanggang makarating ng Sagada, and since nasa dulo ako, hindi ako gaanong nahirapan sumandal sa sasakyan para makatulog.
nagising ako nang merong isang “noisy” na nagsalita at sinabing dumaan daw kami sa kweba. medyo marami na kaming naalimpungatan at that point kaya nag-resume ang mga kakulitang naputol ng aming pag-idlip. bandang hapon na kami nakarating at tumuloy sa Churya-a Inn (parang Korean ang dating nung pangalan kung ii-imagine ko si Jeon Ji-Hyun na binabanggit ang Churya-a nang may lambing sa dulo), at matapos maghakot ng kanya-kanyang gamit ay tumambay muna kami sa lobby. habang naghihintay kung handa na ang aming mga tutuluyang cottages ay nagpicture-taking muna sa may terrace ng Churya-a. nang i-announce na ni King ang unit assignments namin ay nagsituloy na kami sa aming mga lugar para mag-iwan at mag-ayos ng mga gamit. napansin kong medyo nabasa ang bag ko dahil sa hamog at ulan kung kaya’t inilatag ko muna ang mga nabasang gamit ko sa kama. bale pito kami sa aming bahay-bahayan: sina Ronnel, Mon, Abet, King Louie, ako, at sina Terence at Thina na nag-occupy sa loft habang kaming mga boys ay sa mga double deck sa ibaba pumuwesto. bago pa lang ang mga cottages namin, at maganda ang banyo na napansin ko agad, siyempre. napansin ko ring malamig ang sahig nang magpalit ako ng tsinelas na pambahay at ipinahinga muna ang bago kong sandals. matapos mag-ayos ng mga gamit ay lumabas muna kami para tumambay at mag-picture taking sa bakuran ng Churya-a. hindi gaanong nagtagal ay nagsisakay na kami sa aming sasakyan para pumunta sa kalye na katatagpuan ng Masferre Inn, Yoghurt House, iba’t ibang souvenir shops, at Lemon Pie House, to name a few. siyempre, nag-topload ako kasama sina Terence, Thina, Idol Mon, Joyce at Jo para mas adventurous ang maikling biyahe. matapos mag-park ang aming sasakyan ay gumala na kaming mga palaboys and palagirls at dumiretso sa Yoghurt House. ang good news this time ay may yoghurt silang available, unlike last year na naubusan kami. ang mga kasama ko doon ay sina Terence, Thina, Mon, Mei, Joyce, Sally, Ronnel, Kay, Rachelle, as well as the Gutierrez family: sina Sir Jess, Ma’am Bing at AC. makulay at masarap ang yoghurt na inorder namin – meron siyang strawberry preserve, banana at granola. first time kong makatikim ng yoghurt, at medyo cheesy pala ang lasa niya, kung kaya’t magandang compliment sa kanya yung granola, strawberry preserve at lalo na yung banana. siyempre hindi rin nawala ang picture-taking sa loob ng Yoghurt House lalo pa at dala ng mga maniniyut ang kani-kanilang mga “M-16” SLRs at kaming mga sibilyan ay dala ang aming mga “paltik” na point-and-shoot. nagustuhan ko yung monochrome picture series na kuha ni Sally sa loob ng Yoghurt House (na naka-post sa site ni Mei) dahil para kaming nasa lumang pelikulang black and white. basta, nagalingan talaga ako sa concept na naisip niya. after mag-picture taking sa harap ng Yoghurt House, nagyaya si Ronnel papuntang Lemon Pie House para mag-lemon pie at magkape. nga pala, sa kahabaan ng kalyeng iyon ay maraming tarpaulin ng Clear Shampoo kung saan featured celebrity endorser si Nicole Scherzinger (a.k.a. the lead pussycat sa Pussycat Dolls) – at mayroong isang babae na “feeling Nicole” sa eksenang ito – na itago na lang natin sa pangalang Meimei (hindi tunay na pangalan) to protect her identity. kahit yata ipainom namin sa kanya ang lahat ng kape sa Lemon Pie House ay hindi siya tatablan ng nerbiyos sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa pagkakahawig nila ni Nicole. anyway, nang malapit na kami doon ay napag-desisyunan naming mga adik na pagtaguan si Ronnel at tingnan kung gaano katagal bago niya mahalata na wala na kami sa likod niya. ang nangyari, tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa Lemon Pie House at parang kami pa ang na-gago niya, in effect. maganda sa loob ng Lemon Pie House, nakaka-relax at warm ang ambience ng lugar. doon kami pumuwesto sa may sofa sa bandang counter at nagkuwentuhan, nagtawanan, at nagkuhaan ng pictures habang ninanamnam nila ang lemon pie at kape, at ako naman ay nag-tubig lang dahil tinatamad na akong kumain. kakaiba nga pala ang kape ni Ronnel dahil kahit nilagyan na niya ito ng creamer ay lalo pa itong umitim na parang burak – although masarap naman daw ito at matapang. matapos magbayad ay naglakad na kami pabalik sa pinag-paradahan ng aming mga sasakyan. nakasalubong pa namin si King Louie na papuntang Lemon Pie House para kumain – mabuti na lang at may pinabalot silang lemon pie kung kaya’t hindi na kinailangan ni King bumili. nagpasya ding bumili ng alak para sa socials, at hindi ko alam kung ano ang nangyari dun sa mga bumili ng alak dahil nagkahiwalay pa sila ng landas. anyway, nagkita-kita pa rin naman sa sasakyan pagkatapos. pagkasakay namin sa sasakyan ay bumalik na kami sa Churya-a para mag-dinner.
ang dinner namin sa Churya-a ay ito: pritong bangus, kanin, talbos ng sayote, papaya at softdrinks. since hindi masyadong mahilig sa gulay ang mga ka-table kong sina Terence, Thina at Mon, eh di ako ang ginawa nilang official “kuneho” at ipinakain sa akin ang talbos ng sayote – buti na lang at may patis kaya nagkalasa siya kahit papaano. masarap at mataba yung bangus nila, in fairness, kung kaya’t oks pa rin ang dinner – salamat din sa hagod ng Sprite. matapos ang hapunan ay dumiretso kami sa mga bahay-bahay para mag-sipilyo, maligo, mag-ayos ng gamit, at maghanda para sa socials/inuman. mabuti at pinahiram kami ng management ng Churya-a ng mga mesa at silya para sa aming aktibidades nung gabing iyon. siyempre, kanya-kanya na ring labas ng chichirya at pika-pika ang mga tao para may pambara sa alak – Fundador ang una naming tinagay-tagay at hinagod ng Coke, pero napalitan ito ng Lang-ay sa bandang kalagitnaan ng bote. masarap ang Lang-ay ng Sagada, medyo nag-aagawan ang tamis at asim niya kaya eksakto lang ang hagod. medyo mga nag-halimaw (term ito ni Mon, hindi ko “sinave as”) ang mga tao sa tagay kung kaya’t nakarami din kami sa Lang-ay – madami rin kasing humugot ng pera at nag-sponsor, myself included, hehehe. tamang-antok lang naman ang epekto niya dahil hindi rin naman kami masyadong humataw kasi medyo physically-demanding ang itinerary namin kinabukasan. nawalan pa ng tubig sa banyo, pero nasolusyunan naman ito kaagad. pagpasok sa bahay, inakala kong may tao pa sa banyo kung kaya’t humiga muna ako sa kama at naghintay. mamaya-maya lang ay nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan.